Chapter 23 Suzanne Medina Nangunot ang noo ko nang bumungad sa akin ang nakangiting Sebastian pagkalabas ko ng faculty room. "Anong ginagawa mo rito?" "Malamang susunduin ka. Ang swerte mo nga ang nag-iisang pogi lang sa mundong ito ang siyang susundo sa 'yo," Sabi nito sabay flip ng hair niya. May kahabaan kasi ang buhok nito na bumagay naman sa kanya. "Nasa'n si Clay at bakit ikaw ang susundo sa akin?" Sabi niya no'n sa akin, hindi niya ako iiwan na rito lang siya tabi ko. Tapos ngayon wala siya, ni wala man lang siyang pasabi, kahit text na lang hindi naman mahirap gawin 'yon. Tsk. Pangalawang beses na niyang ginawa sa akin 'to. "Grabe ka naman Suzanne. Nakakasakit ka ng damdamin. Sa klase ng tanong mo para ayaw mo na ako ang susundo sa 'yo, a, isusumbong kita kay Manang na sinak