Prologue
Prologue
Pabagsak na inilapag ni Mateo Medina ang kanyang baraha sa mesa nang matalo na naman.
"Ano Mateo, maglalaro ka pa rin ba? Wala ka man lang naipanalo puro ka na lang talo." Natatawang sabi ng kalaban. Pati ang mga nanonood sa laro nila ay natawa rin.
"Isa pa. Sigurado akong mananalo na ako." sabi ni Mateo.
"Sige ikaw ang bahala. 'Wag mo akong sisisihin kapag natalo na naman kita."
Muling nagbalasa ng baraha ang dealer saka binigyan sina Mateo at iba pang manlalaro.
Napangiti si Mateo sa ganda ng barahang napunta sa kanya. Sigurado na siya sa pagkakataon na ito ay mananalo na siya.
Nakangiting inilapag niya ang kanyang baraha saka sumunod ang mga kalaban niya na puro talo maliban sa isa na hanggang ngayon hindi pa nilalapag nito ang baraha.
"Bakit hindi mo pa nilalapag ang baraha mo? Bilisan mo na. Hindi na ako makapaghintay na matalo ka," This time si Mateo naman ang natawa.
Dahan-dahang nilapag ng huling kalaban ang baraha nito.
Mabilis na napalis ang ngiti sa labi ni Mateo ng makita ang baraha ng kalaban.
"Akala mo matatalo mo na ako? Malas ka lang talaga ngayong araw na 'to Mateo." sabi nito na may kasamang halakhak.
Bagsak ang dalawang balikat ni Mateo habang nakatitig sa baraha ng kalaban. Akala niya sa kanya na mapupunta ang swerte mas lalo pa tuloy siyang minamalas.
"Ano Mateo isa pa?"
Kinapa niya ang bulsa. May limang libo pa siyang natitira. Dinukot niya ito at inilapag sa mesa. Ito na ang kahuli-hulihan niyang pera at umaasa siyang suswertehen na siya sa huling pagkakataon.
Muli na namang binalasa ng dealer ang baraha at binigyan silang manlalaro.
Pagkakuha ni Mateo sa kanyang baraha napasulyap siya sa intrada ng casino.
Nanlaki ang mata at agad siyang napatayo nang mamataan ang mga tauhan ng pinagkakautangan niya papasok ng casino.
Mabilis niyang tinungo ang exit sa likod nang hindi siya makita ng mga ito.
Hindi na niya pinansin ang mga kalaro niyang panay ang tawag sa kanya.
Subalit sa paglabas hindi niya inaasahang may isa pa pa lang tauhan ang nakaantabay sa likod ng casino.
Kapwa nagkagulatan pa si Mateo at ang tauhan animo'y parang nakakita ng multo sa katauhan ng bawat isa.
Nang makabawi ang tauhan ay agad niya itong pinaalam sa mga kasamahan sa pamamagitan ng earpiece na suot nito.
"Nandito si Medina,"
Dali-daling tumakbo ang pobreng matanda at nagtago sa isang madilim na eskinita.
Pilit na isiniksik ni Mateo ang kanyang sarili sa isang maliit na pader para hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya.
"Hanapin niyo. Sigurado akong hindi pa nakakalayo ang matandang 'yon,"
Pinagpapawisan ng malamig habang taimtim na nagdarasal si Mateo sa kanyang pinagtataguan nang maramdaman niyang may huminto sa tapat ng pinagtataguan niya.
"Boss, hinahabol na po namin si Medina. Nandito po kami sa Ilang-Ilang Street sa may abandunadong gusali."
Habang kausap ng lalaki ang kanilang Boss sa kabilang linya napansin niyang may gumagalaw sa likod ng maliit na pader. Nararamdaman nitong parang may nagtatago sa gawing 'yon.
"Sige po, Boss," saka pinatay nito ang telepono.
Dahan-dahan nitong nilapitan ang naturang pader. Napangiti ito nang mapag-sino ang nagtatago. Agad nitong sininyasan ang dalawang kasamahan na lumapit.
"Tingnan mo nga naman para kang isang basang sisiw na nilalamig d'yan, Tanda," Nakangising ani ng leader ng grupo nang makilala si Mateo sa kanyang pinagtataguan.
"Lumabas ka r'yan kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas d'yan." Patuloy ng leader.
Nanginginig sa takot si Mateo habang dahan-dahang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Iniisip niyang paano na ang pamilya niya sakaling patayin siya ngayon ng leader.
Pagkalabas ni Mateo agad siyang hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang balikat at sa pilitang pinaluhod sa harap ng leader.
"Mukhang wala kang balak magbayad ng utang, Tanda, a. Alam mo na naman siguro ang patakaran ni Boss bago ka nangutang ng pera sa kanya, hindi ba?" Nakangising ani ng leader.
"Parang awa niyo na. Pangako magbabayad ako bigyan niyo pa ako ng panahon makahanap ng pera."
Lihim na nagdarasal si Medina na sana pumayag ito ng bigyan pa siya ng karagdangang panahon para makalikom ng perang pambayad.
"Malaking pabor na nga sa'yo ang anim na buwan na ibinigay sa'yo ni Boss 'yong ibang nangutang nga ay hanggang tatlong buwan lang. Anim na buwan sapat na 'yun para makalikom ka ng pera para pambayad kay Boss pero anong ginawa mo. Pinatalo mo lang ulit sa sugal at ngayon pinagtataguan mo pa kami. Pasensiyahan na lang tayo, Tanda. Batas ay batas,"
Mabilis na ikinasa ng leader ang baril at itinutok kay Mateo. Halos takasan ng ulirat ang huli habang nakatitig sa dulo ng baril.
"Parang awa niyo na Boss. 'Wag niyo akong patayin may pamilya akong umaasa sa 'kin. Nakahanda akong ibigay lahat ang nanaisin niyo 'wag niyo lang ituloy ang binabalak niyo."
"Then, I want your daughter to be the p*****t of your debt."
Sabay napalingon sina Mateo at ang mga lalaking may hawak sa kanya sa pinanggalingan ng baritonong boses.
Isang lalaki ang nakasuot ng three piece suit na prenteng nakasandal sa hood ng kotse habang may hawak na sigarilyo sa kanang kamay nito.
"Boss," Sabay na sabi ng mga tauhan maliban kay Mateo na namumutlang nakatitig sa lalaki na kasalukuyang papalapit sa kinaroroonan nila.
Agad namang binatawan ng dalawang lalaki si Mateo at dali-dali namang gumapang ang huli papunta sa tinatawag nilang boss.
"Bo-boss, kahit ano po ang gusto niyo ibibigay ko 'wag lang po ang anak ko," Pagmamakaawa ni Mateo habang nakakapit sa magkabilang binti ng tinatawag nilang Boss.
Lahat isusuko niya 'wag lang ang nag-iisa niyang anak. Mahal na mahal niya ang anak kaya hindi siya makakapayag na masaktan ito.
"Ang bilis mo namang makalimot, Tanda. Sabi mo lang kanina ibibigay mo lahat na nanaisin ni Boss," Nakangising singit ng leader.
Agad namang natahimik ang lalaki nang tinapunan ito ng masamang ng tingin ng Boss.
"Don't make me repeat myself, old man or else you want to face my gun," Baling ng Boss kay Mateo.
Napalunok si Mateo kahit wala naman siyang kinakain sa tono ng pagkakasabi ng Boss.
"In three weeks, I want you to bring your daughter to me or else I will take your life and your family,"
Pagkatapos sabihin 'yon ng Boss tinalikuran na siya nito at pinasibat ang kotse.
"Maswerte ka Tanda at pinagbibigyan ka pa ni Boss. Kung ako si Boss matagal ka ng nawala sa mundong ito," sabi ng leader bago sumunod sa Boss.
Naiwang nangangatog pa rin sa takot si Mateo habang tinatanaw ang mga papalayong sasakyan ng mga ito.
Hindi siya makakapayag na makuha ng mga ito ang nag-iisa niyang anak.
Magkamatayan man.