Chapter 25 Suzanne Medina Pagkapasok ko ng classroom, bumungad sa akin ang mga estudyante kong babae na nagkukumpulan sa mesa ko. Anong meron? At ano ang mabangong amoy na 'yon? Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila pero hindi man lang ako pinansin. Tanging 'yong hindi nakisali sa kumpulan lang ang nakapansin sa akin at mukhang wala naman silang balak na sabihan ang mga babae. Aba't hindi na ako ginalang ng mga 'to. Porque ba, mabait ako sa kanila? Gusto ata nilang maging istrikto ako sa kanila, a. Lumapit sa akin si John. "Good morning, Ma'am, kanina ko pa inaawat ang mga 'yan. Tingnan niyo po kinalmot lang ang makinis kung braso," Pinakita niya sa akin ang braso niyang may mahabang pulang linya. "E, kasi naman, bro nilait-lait mo si Gretchen," Sabi naman ni Clark. Ano ba