Chapter 14 Suzanne Medina "Magandang umaga, Besty! Mabuti na ba ang pakiramdam mo? Bakit ka pa pumasok agad?" Bungad sa akin ang nag-aalang mukha ni Aileen nang makapasok ako ng faculty room. No'ng isang araw pa bumuti ang pakiramdam ko ngunit hindi na muna ako pinayagan ni Manang Liza na pumasok kahapon baka raw kasi mabinat ako. I know, pakana 'yon ni Clay, ang private nurse ko no'ng panahong 'yon. Marahil nakiusap ito kay Manang Liza na 'wag muna akong pabalikin sa trabaho ko dahil alam niyang hindi ako makikinig sa kanya kaya inutusan niya si Manang Liza. At alam din niyang hindi ko mahihindian si Manang Liza kapag nakiusap na ito sa akin. Wais din 'yong lalaking 'yon. "Ito mabuti naman. Magaling kasing mag-alaga si-" "Papa Clay?" Putol niya sinasabi ko. "Hindi, a. Hindi lang