Chapter 13 Suzanne Medina Mabigat ang pakiramdam ko nang ako'y magising at ang ulo ko parang mabibiyak sa sobrang sakit. Epekto na siguro 'to ng pagpapaulan namin ni Clay kagabi. Pinilit ko pa ring bumangon mula sa kama kahit nahihilo pa ako. Hindi ako pwedeng um-absent ngayon. Kakabalik ko nga lang sa mahabang bakasyon kuno tapos a-absent na naman ako baka wala na talaga akong maabutang trabaho nito 'pag nagkataon. Mawawala rin siguro 'to kapag nakaligo na ako at nakainom ng gamot. Pupunta na sana ako sa banyo nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa rito si Clay na may pag-aalalang nakarehistro sa mukha at may dalang tray. "Ano ka ba? Hindi ka ba marunong kumatok? Paano kung nakahubad pala ako rito?" Wala atang GMRC na subject sa pinapasukan nitong paaralan no'ng bata pa siya o