Chapter 12 Suzanne Medina "Ang gwapo talaga ng manliligaw mo, Besty. Nakakainggit ka. Sana may ganyang kakisig at kagwapo rin akong mangliligaw," Sabi ni Aileen habang kinukwento ko sa kanya kung sino si Clay. Kinuwento ko sa kanya na nakilala ko si Clay sa probinsiya kung saan kami lumipat kuno. Anak ito ng isang kasambahay na kapitbahay namin do'n at nagpunta rito bayan para mag-apply ito ng janitor dito sa eskwelahan namin. Hindi ito alam ni Clay kaya siguradong sisingalhan ako nito kapag nalaman niyang sinabi kong magiging janitor siya rito sa eskwelahan. E, sa wala talaga akong ibang maisip na dahilan na kapani-paniwala. "Hindi ko nga manliligaw 'yon. Tinutulungan ko lang 'yong tao," Pagmaang-maangan ko. Hindi pala. Hindi ko naman talaga manliligaw si Clay. Bodyguard ko lang s