Chapter 11 Suzanne Medina Maaga akong nagising excited na akong pumasok muli sa eskwelahan at makita ang mga estudyante kong tatlong linggo ko ng hindi nakakasama. "Magandang umaga, Josefa!" Bati ko nang makasalubong siya sa hallway. "Magandang umaga rin, Miss Suzanne," Balik na bati niya. Hindi ko na siya inistorbo pa alam kong marami pa siyang gagawin. Binabati ko rin ang iba pang nakakasalubong ko. Maski si Michielyn na sumimangot lang nang binati ko. "Good morning! Ganda ng gising natin, a," Sabi ni Clay. Napasimangot ako nang makita hindi pa siya nakabihis at mukhang hindi pa ata naliligo. Suot pa niya ang pajama niya superman. "Ba't hindi ka pa naliligo? Ayokong mahuli sa klase. Kakabalik ko nga lang mala-late pa," At saka hindi ko alam kung nasa gitna ba kami ng kagubatan