Kabanata 5

880 Words
Kabanata 5 NANG makabalik ako sa bahay ay agad kong tinungo ang aking silid. "Ericka!" malakas na tawag ko. "Po ate?" "D-dugo..." utas ko. "Po?" ulit niya. Agad na nagbago ang aking anyo dahil sa matinding pagkainis. Naibalibag ko ang pinto at tinalon ang hagdan. Diretso ako sa kusina at hinanap ang aking mga inoming nakaimbak. Nang mahanap ko ay agad akong kumuha ng isang bote at inubos ang lahat ng laman nito. Agad na gumaling ang mga paso ko sa kamay maliban sa aking kanang braso. Hindi ito agad hihilum kung hindi dugo ng itinakda ang iinomin ko. Hinubad ko ang aking pang-itaas na damit. Sa lalim ng sugat ko sa braso ay 'di ito agad maghihilum. "Sinong may gawa sa iyo niyan ate?" "Hindi ko alam Ericka. Hindi muna ako papasok bukas." "Pero ate, magtataka sila kung bakit wala kayo." "Hindi ba't mas magtataka sila kung bakit may sugat akong natamo." Napaisip siyang saglit. "Magsuot na lamang kayo ng tsaketa ate. Aalalay po ako sa inyo bukas." Pinaikot ko lamang ang aking mga mata. Kumuha naman siya ng benda at nirolyohan ang sugat ko sa braso. Huminga ako ng malalim. Tiim bagang akong napaisip kung sino ang umatake sa akin. Si Alquin kaya? Ngunit imposible iyon. Oo nga't pinalaki siya ng mga Seltzer ngunit naguguluhan ako. Hindi ako sigurado. At iyon ang aalamin ko. KINABUKASAN ay talagang hindi nagpaawat si Ericka sa pag-alalay sa akin. Ayaw niyang may nakakasagi sa aking kanang braso. Kada tatlong oras ay pinapalitan niya ang bendang nakarolyo sa aking sugat upang huwag itong lumala ng todo. Dahil sa sugat na natamo ko sa aking kanang braso ay pabigla-bigla itong namamanhid. "Ako na Ericka," agaw ko sa hawak niyang libro. Tinungo ko na ang sunod kong klase. Papasok na ako nang biglang may pumigil sa akin. Muntik na akong mapaungol nang mahawakan niya ang braso kong may sugat. "Bakit?" tanong ko kay Alquin. Ang hudas! "May pagpupulong tayo mamayang alas tres. Pauwiin mo sila ng maaga," aniya. Tinanggal ko ang kanyang kamay at pumasok na sa loob. Igting ang aking panga. Asar! Kumikirot ng matindi ang aking sugat sa braso. "Namumutla po kayo ng todo," anang isang istudyante ko. "Ayos lang ako. Pakisulat nito sa pisara," utos ko. Nakuyom ko ang aking kamao. Lihim kong nabali ang hawak kong lapis sa aking kaliwang kamay. Asar na asar ako sa nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko pa nahahanap ang nakatakda sa akin. Kapag natagalan, kakainin ng sugat ko ang aking kanang braso. Umigting ang aking panga. Panay ang pag-inom ko ng dugo ngayong araw. Naiibsan nito ang sakit at hapdi. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili. "Propesora, ayos lang po ba kayo?" anang isang istudyante ko ulit. Tumango ako. "Ipagpaliban muna natin ang ating klase," wika ko at agad na kinuha ang aking mga gamit. Agad kong tinungo ang silid na gagamitin sa pagpupulong. Nang makarating ako at makapasok ay agad akong natigilan. Kahalikan ni Alquin si Erna. "Napaaga yata ako," wika ko at umupo sa bakanteng silya. "Paumanhin..." Sinenyasan ko si Erna. "Wala akong pakialam. Tuloy niyo lang." Binuklat ko ang aking libro at nagbasa. Hindi ko tinapunan ng tingin si Alquin. Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi porke't siya ang pakay ko'y pati buhay pag-ibig niya'y pakikialaman ko na. Patibayan kami ng litid at panga. Nagsidatingan naman na ang iba pang mga guro. Bigla namang umupo sa harapan ko si Alquin. Hindi man ako nakatingin sa kanya ngunit alam kong nakamasid siya sa akin. "Magsimula na tayo," anang Rosario nang sa wakas ay dumating ang aming punong guro. NASA kalagitnaan na kami ng diskusiyon para sa gaganapin na kasiyahan nang bigla akong makaramdam ng kakaiba. Napakapit ako sa upuan. Konting puwersa pa'y mapupulbos ko na ang kinakapitan ko kaya agad akong bumitiw. Mahina akong napaungol. Sumasakit na ng todo ang sugat sa aking braso. Mabilis akong napatayo. "Paumanhin," agad na wika ko sabay labas ng silid. Dali-dali kong tinungo ang ilog. "Ugh!" malakas na ungol ko dahilan para mabulabog ang mga ibon at magsiliparan. Natabig ko pa ang isang puno dahilan para ito ay matumba. Naiwan ang mga kalmot ko sa mga punong aking nadadaanan. Nang marating ko ang ilog ay agad kong hinubad ang aking mga saplot sa katawan. Tinanggal ko ang bendang nakarolyo sa aking braso at lumusong sa tubig. Binasa ko ang aking sugat. "Ugh!" malakas na ungol ko at napatingala sa kalangitan. Agad na nagbago ang aking anyo. Inusisa ko ang aking sugat sa braso. May kung anong bagay akong nararamdaman. Masakit. Sobrang sakit. Gamit ang mahaba kong mga kuko ay ipinasok ko ang aking isang daliri sa aking sugat. Agad kong nakapa ang isang matulis na bagay. Ipinasok ko pa ang isa ko pang daliri upang tanggalin ang matulis na bagay na nakabaon sa aking braso. "Ugh!" muling ungol ko at agad na hinugot ito. Nang mahugot ko ito ay laking gulat ko nang makita angbumaon sa akin. Matalim na dulo ng banal na punyal ngunit ang pinakadulo nito ay may maliit na bilog na maraming tinik. Umiikot ito at para bang awtomatiko lamang ang paggalaw nito. Hayop! Napahampas ako sa tubig. Bahagyang umalsa ang tubig at parang ulan na bumagsak sa akin. Huminga ako ng malalim at muling ibinalik ang aking sarili samapagkubling anyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD