CHAPTER 3

1065 Words
Samantha Dominguez (Trapped in him) CHAPTER 3 “Okay, aantayin kita." sagot ni Tito George niya. “Sa camp po ba?" “Yeah! Dito lang ako sa camp." sagot nitong muli sa kanya. “Sige, Tito George, dadaan ako before umuwi ng bahay. Sabihan ko nalang din si Mommy, at kangina pa nga natawag. Antagal ko raw." natawa siya habang ipinahayag. Naalala niya kasi na makailang beses na tumawag ang kanyang Mommy. Tanong ng tanong kung anong oras ba siya uuwi at dadating. Kasalukuyang nasa byahe pa nga siya. Kung bakit ang mommy niya sobrang excited na makita siyang umuwi na. “Sige, tawagan mo na rin siya. Baka nga hanapin ka! But nasabi ko naman sa kanya kangina nang makausap ko siya. I tell her na padaanin sana kita rito before ka umuwi sa inyo." “Ahh, ganun po ba. Nabanggit niyo na rin po pala kay Mommy." ani na tugon niya pahayag niya nang mapabusina siya ng malakas. “What happened?" bulalas na turan ng magulat si Tito George niya mula sa kabilang linya. “May biglang dumaan na aso, Tito." ani na sagot na natawa siya na kanyang ipinahayag at kinu-kwento niya, kung bakit nagulat siya at napabusina na lang bigla. “Mag-ingat ka, mahirap din ang makasagasa ng hayop. Minsan akala mo nalang mapapa-ayos ka dahil sa naiwasan mo. Pero mas madalas na ito pa ang dahilan at magdudulot ng aksidente sa'yo." pahayag na tugon ng kanyang Tito George. “Opoh, Tito George. Salamat po." magalang niyang tugon. Huminga pa siya, habang napabuga. Sinipat niya kung nasaan ang hayop na muntik na rin niya na masagasaan. Bigla na lang itong nawala. “Ayos! Ang weird!" napailing nalang siya habang natawa. Hindi na kasi niya makita yung hayop na muntikan na niyang magulungan ng kanyang gulong. Malaki pa naman yung gulong ng sasakyan niya, isang ikot lang nito, once na gumulong, sa hayop na nasagasaan niya. Tiyak na durog agad at patay. “Oh siya, mamaya na lang ahh! Hihintayin kita, dito sa office ko." “Yes, Tito!" tugon niya. Ibinaba na rin ng kanyang Tito George ang tawag, at nawala na rin sa kabilang linya. Kaya naman pagkakita na wala na at lumabas na ang END sa screen ng cellphone niya. Napanguso na natawa si Robert. “Si Tito talaga!" sambit na sabi niya. Habang inilibot, ang kanyang mata sa paligid. “Malapit na rin ako." Natanaw na n'ya ang arko ng welcome Bulacan. Kaya napangiti nalang si Robert. Dahil sa tagal na panahon na hindi na uuwi ng Manila. Ngayon nalang, kung mauwi naman din kasi siya, may misyon siya o kaya naman. May lakad siya, at trabaho pa rin ang pakay niya sa pagluwas niya ng Manila. Hindi man lang siya mapahinga o nagtatagal na makita at makasama ang kanyang pamilya. Pero ngayon, mukhang matatagalan siya. Kaya ang ngiti ni Robert. Ubod ng pagka-liwanag at pagkaluwang. “Oo nga pala." nang kumuyot ang mukha ni Samantha. Napahaba 'yung nguso ni Arnold na gusto niyang baltakin. “B-bakit?" Ngumiti si Arnold. “Nakalimutan ko." “Ang alin?" takang tanong ni Samantha. “Si Boss Major General. Pinapatawag 'ka nga pala." “Bakit raw?" takang tanong na naman. Pinipigilan niya na mapangiti. May naglalaro kasi sa utak niya ngayon. “A-ano 'yan?" tawa-tawa na pahayag ng tanungin siya ni Arnold. “Namimiss na naman ba niya ako?" ani na kanyang natugon, sa tumatawang si Arnold. Hahawakan sana niya sa ulo. Pero mabilis na nakaiwas ito. “Masisira 'yung, Gel sa buhok ko. Wag mong balakin na paglaruan. Sakalin kita once magulo 'yan." may pagbabanta, na pahayag ni Arnold nang iwasan ang kamay ni Samantha na papunta sana sa kanyang ulo. “Ang arte mo. Pero— Cute ahh! Para kang may sungay ng pating sa pagkaka-ayos sa buhok mo. Baka matusok pa nga yung mga kalaban mo sa bakbakan. Dapat ganyan lagi, 'yung istilo na ginagawa mo sa buhok mo. Nang mas maganda tingnan… Astig!" sabay nag thumbs up pa si Samantha habang inihahayag ang kanyang suggestions mula sa pagkakahubog at pagkakaayos ng buhok nitong si Arnold. Hindi natuwa sa sinabi ni Samantha itong si Arnold. Sumimangot kasi ito. “Oyy, biro lang." sabay na binawi ang kanyang sinabi. “Ikaw naman." sabi na tinapik sa balikat si Arnold. “Kanino mo pala nalaman na ipinatatawag ako, ni Major General?" “Nakatanggap lang ako ng text message mula kay Raul. Hinahanap ka raw sa table mo kangina. Tapos ayun, naghabilin nalang na papuntahin ka sa office niya once na bumalik ka or sumagot sa text. Sakto, ako ang may hawak ng phone mo. Kaya ako na rin ang sumagot." kwento na pahayag nitong si Arnold. “Heto, makalimutan ko pa, kung bakit ayaw mo naman kunin kangina ko pa inaabot sayo." pahayag muli ni Arnold nang ibigay yung phone ni Samantha. “Thanks!" “You're welcome makakalimutin." sabay tumawa na naman ito. Nang bumalik sa pagkakaupo niya. Tumayo kasi ito nang iabot kay Samantha yung phone nito. “Alam mo ba mababa-tukan kita!" pahayag ng magbanta siya, at mag-paalala din kay Arnold. Nakahanda na nga yung isang kamay niya na ini-angat na niya, upang sana ay ibatok sa ulo ni Arnold. Mabilis lang kumilos itong si Arnold. Kaya ang kamay niya, hindi na natuloy sa pag-batok. “Nakita ko 'yon." bulalas na turan ni Arnold. May ngiting wagi pa ito at parang bata na tumakbo at lumayo sa tabi ni Samantha. “Halika ka nga dito." Tamang habol niya lang kay Arnold. Naghahabulan pa sila sa bahay Kubo kung saan natagpuan siya nito. Takbo-takbo si Arnold habang hinahabol siya ni Samantha. “Ang bagal mo talaga tumakbo." panunukso ni Arnold habang nagmamadali tumakbo at baka mahuli ni Samantha. Paikot-ikot sila sa loob ng bahay Kubo nang hindi nila napansin ang mata na nakatanaw sa kanila. Isang papalapit ang napansin agad sila. Matapos na mag-sisigaw-sigaw si Samantha habang hinahabol si Arnold. Kita sila, at natatanaw sa bintana ng bahay kubo. “A-ano ba 'yon. Para silang mga bata." bulalas na napailing habang napa-smirked ang mukha. “Dito pa talaga sa camp mga nag-asta bata at mga naghaharutan." muli na bulalas habang pasinghal na bulong. “Ganito ba talaga ang mga hawak na tao ni Tito George? Alam niya bang ganito ang mga tao niya sa camp?" Habang patuloy sa paglalakad. Kanyang nabulong na lang at napailing sa pagkadismaya niya sa kanyang nakikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD