Samantha Dominguez (Trapped in him)
CHAPTER 4
“W-wait!" usal na sambit ng masaktan si Arnold, at umangal ng hilahin siya ni Samantha.
“Nasasaktan naman ako." ang singhal, na bulalas na hayag ni Arnold habang hawak siya ni Samantha sa may likod.
Hila ni Samantha ang tshirt niyang nahablot.
“Ang kulit mo kasi…" nang mapahinto sa pagbuka ng kanyang bibig at hindi na natuloy ang kanyang sasabihin.
May natawan kasi siyang naglalakad. Pero hindi ito nakatingin sa bahay Kubo. Nakatingin ito sa direksyon papunta sa opisina ng kanilang Major General.
Isang lalaki na nakashades ang natatanaw niya. Hindi niya makita ang mukha nito. Dahil sa shades na suot. Tapos ay hindi naman nakatingin sa kubo. Kaya hindi nya makita ng buo ang mukha ng lalakeng tanaw-tanaw.
Nagtataka talaga si Samantha. Dahil sa papunta ito sa opisina ng kanilang Major General.
“Ano yon?" nang mapahinto sa pag-angal at pagdaldal si Arnold.
Sinundan rin nito ng tingin ang tinitingnan ni Samantha. “Kilala mo?" Umiling si Samantha.
“Kung kilala ko, bakit ko pa titingnan." singhal niya kay Arnold ng mabanggit at tanungin siya ukol sa lalakeng kanyang sinusubukan sundan ng tingin.
“Nagtataka lang ako. May inaasahan ba na bisita si Major General?"
Umiling si Arnold, nag-kipit ng kanyang balikat. “Wala naman nabanggit si Major General. Baka kamag-anak n'ya?"
“Bakit ako ang tinatanong mo. Bakit hindi si Major General?" bulalas ni Samantha ang mata hindi maalis sa lalaking naka suot ng Americana.
“Ano kayang kailangan niya kay Major General?" muli na pahayag at nagtanong si Arnold.
“Bakit nga ba sa akin ka panay tanong? Bakit hindi si Major General ang tanungin mo." bulalas na gilalas nitong si Samantha.
Huminga pa siya nang malalim. Parang nilamukos ang mukha sa pagrereklamo niya kay Arnold dahil sa panay nito tanong.
Paano nga naman. Siya nga hindi nasabihan na may paparating na bisita si Major General. Minsan nasasabi nito kung may parating itong bisita at iniindorso nito sa kanya.
Hinahabilin nito upang abangan ni Samantha at ihatid sa kanyang opisina. Pero ngayon, walang nabanggit sa kanya. Kaya labis siya na nagtataka.
“Sino kaya 'yon?"
“Malay ko rin." tugon na sinabi ni Arnold.
“Mas close kayo ni Major General di 'ba?" bulas na hayag ni Arnold. “Ako nga itong madalas niyang kagalitan— at dahil 'yon sayo." sabay na tumawa ito ng ilabas ang hinanaing niya sa madalas na sermon at batok na madalas n'to makuha sa t'wing may mga lakad ang grupo nila at muntik pa lang naman sila masapol at tupukin ng kanilang mga kalaban.
Kaya naman si Major General. Laging mainit ang ulo sa padaskol-daskol nilang mga galawan ni Samantha. Dahil si Arnold ang lalaki. Siya ang nakatanggap ng madalas na award.
Lumakad si Samantha upang lumapit muli sa may beranda. Humawak siya ng may higpit sa handle ng beranda at dumukwang. Pilit niyang tinatanaw ang mukha at itsura nung lalaki na naglalakad ng mabagal.
Mabagal lang ang lakad ni Robert.
Binabagalan niya lang dahil sa alam niyang nakatingin na ngayon 'yung dalawa na nasa may bahay Kubo.
Napapangiti nga siya, habang naglalakad. Bahagya niya na iginalaw ang kanyang mata habang mabagal na naglalakad. Nakapaling siya, ang mata niya sa may gawi kung saan matatanaw at makikita yung dalawang nakadungaw at nakatingin sa kanya.
Habang sinulyapan niya ang dalawa sa may beranda na nakatanaw. Napasinghap siya, bahagya siyang huminto pa, bago pumasok at kumatok sa pinto ng kanyang Tito George.
Pamangkin siya ng isa sa may mataas na posisyon sa camp. Ang Major General George Rushier na kapatid ng kanyang ama. Tanging siya at ang Tito George niya ang pumasok sa serbisyo. Habang ang kanyang Ama naman ay busy sa pamamahala at pamamalakad ng kanilang kumpanya.
Isang kilalang businessman ang kanyang Ama.
Isang kilalang matinik sa serbisyo naman ang kanyang Tito George. Kaya naman Idol niya ito at nagdesisyon na pumasok sa serbisyo at iwan ang pamamalakad, at pamamahala sa negosyo ng kanyang Daddy.
Iisa lang kasi siyang anak.
Maliban d'on. Siya rin ang nag-iisang tagapagmana ng lahat ng meron ang kanyang pamilya. Lalaki pa siya, natural na sa kanya talaga bubuhos ang lahat ng yaman ng kanilang pamilya.
Kaya nga lang!
Hindi siya interested sa kung ano ang meron ang kanyang Pamilya. Mas gusto niya maglingkod at magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan ng kanilang nasasakupan. Lalo na at nasanay na rin siya sa trabaho na iniatas sa kanya.
Isa kasi siyang secret agent.
Secret Agent na palihim ang mga galaw.
Sila ang mga lihim na nag-imbestiga, at natugis sa bawat misyon na iaatas sa kanila ng kanilang pinaka pinuno.
Mataas na rin ang rank ni Robert sa kanilang samahan. Halos kasing posisyon na rin sila ng Tito George niya, siya ang namumuno sa kanilang grupo. Pero dahil sa kailangan niyang umuwi at bumalik ng Manila. Napilitan siyang iwan muna ang grupo niya upang asikasuhin na rin ang ilang important na bagay para sa kanya.
Isang malaking sekreto pa 'yon.
Wala pa nakakaalam. Kahit ang kanyang magulang wala pang nalalaman. Ngayon pa lang sana niya sasabihin, o baka once na maayos na niya ang lahat ng kanyang dapat ayusin para sa bagay na 'yon.
Napailing si Robert ng kanyang matanawan yung babae. Halos malaglag na ng nakadungaw sa beranda.
Nilingon nga niya, pero bigla na lang mga nagtago, ang mga ito. Natatawa na lang siya, habang binawi na ang sulyap na ginawa.
“Para talaga silang mga bata!" wika niyang hayag habang inilakad na muli ang kanyang mga paa.
Kumatok muna siya sa pinto. Matapos na siya ay mapabuntong hininga at bahagya ngumiti nang pigil na pinipigilan ang pagtawa niya ng maalala 'yung itsura nung babae nang lingunin niya.
“Ridiculous" sabay na ngumiti na naman siya at natawa.
“Oh! You're here." ang masaya at malapad na ngiti ang bumungad kay Tito George niya ng makita siya.
“It is nice to see you again my dear niece."
“Me too, Tito George." ang magiliw niyang sagot sa magiliw nitong pagsalubong sa kanya.
“By the way maupo ka muna." alok nito sa kanya ng matapos siya akapin at tapikin sa kanyang balikat.
Masayang sinalubong siya ng kanyang Tito George matapos ang ilang mga taon na hindi nila pagkikita.
Nagkikita pala sila via online.
Video call kung minsan pag may mga importante na pag-uusapan at basta may signal sa lugar ni Robert.
Pero mas madalas ang text or tawag lang pag gusto naman… Makipag-kwentuhan ng kanyang Tito George.
Pumasok na siya at lumakad.
Tumungo siya sa silya na itinuro sa kanya ng kanyang Tito George kung saan na pinaupo siya. “Sit down!"
“Thank you, Tito." inilibot niya pa ang kanyang mga mata sa kabuuan ng opisina ng kanyang Tito George.
Ilang taon na rin na hindi siya naka-pasyal, at nakapasok sa office nito. Napangiti siya ng makita pa ang mga larawan nila ng kanyang Tito George ng magtapos siya sa kursong military.