CHAPTER 1
Samantha Dominguez (Trapped in him)
CHAPTER 1
“Arnold" tawag ni Samantha. Subalit parang wala itong naririnig.
Tinatawag niya ang pangalan ng partner niyang si Arnold mula sa suot nilang wireless walkie talkie earphones na gamit niya.
Subalit napakaingay mula sa lugar na kinaroroonan ni Arnold. Kaya hindi sila magkarinigan.
Magkahiwalay sila ayon na rin sa ibinigay niyang utos rito.
“Arnold, sumagot ka! Anong balita diyan sa pwesto mo?" tanong niyang muli subalit wala pa rin itong sagot.
Mga ingay lang ang naririnig, ni Samantha.
Mga ingay mula sa lugar ni Arnold, at sa palagay ni Samantha may mga kaguluhan, na nangyayari d'on.
Iyon ang unang pumasok sa isipan niya buhat ng marinig niya ang mga ingay at kaguluhan na may mga sumisigaw na rin mula sa suot niyang earphones.
Kinutuban na tuloy si Samantha at baka may masama na nangyayari sa mga kasama niya.
Bigla na rin siya kinabahan para sa kanyang kapareha… Sa kanyang madalas na misyon, ito ang kanyang madalas na kasama.
Naisip niya na mukhang kailangan niya umalis sa pwesto niya. Kailangan niyang puntahan si Arnold, at ilan pang mga kasamahan nila.
Nag-aalala na talaga siya, kaya naman nagdesisyon na siya. Pupuntahan niya ang mga kasama at iiwan ang pwesto na siya mismo ang naglagay, sa kanyang sarili na duon siya magmatyag mula sa mga inaabangan at hinahanting nilang grupo.
Subalit ng papaalis na siya, isang boses ang narinig niya na tumatawag sa kanya.
“Miss!”
Baswit, ang una niyang naulinigan. Pero ng may tumawag na sa kanya na Miss. Napalingon agad siya at nakita ang isang ginang na namumugto ang mga mata.
Isang babae pala ang bumaswit sa kanya.
Isang ginang na mula ata sa pag-iyak ang nilapitan niya matapos makita, nang malingunan niya.
“Bakit po?" takang tanong niya, nang tuluyan na siyang makalapit dito. Humugot pa siya ng malalim. Dahil sa kabado pa din siya, at nag-aalala sa kanyang mga kasama.
Unang napansin ni Samantha, ang namumugto nitong mga mata at iyon ang unang napansin agad niya. Kaya lumapit agad siya.
Naisip agad ni Samantha na mukha nga ito ay kagagaling lang sa pag-iyak. Parang may malaking problema. Kaya walang pag-iisip ay nilapitan niya.
Nang malapit na siya sa Ginang, tumulo pa ang luha nito na siyang agad mabilis nasulyapan ni Samantha.
Mabilis naman na nagpunas ito ng kanyang luha sa mata, gamit ang isang panyo na hawak din ng Ginang.
“P-pwede ba ako makahingi ng favor sayo, Miss."
Nagulat si Samantha. “Pasensya ka na, kailangan ko lang ng tulong."
Hindi agad napansin ni Samantha ang sinabi ng Ginang. Narinig niya kasi ang ilang sunod-sunod na putok mula sa kinaroroonan ng kanyang mga kasama.
“Miss" muli ay sambit ng Ginang ng hindi ito napansin ni Samantha buhat sa sinabi nito.
“Sorry po" ani Samantha na humingi ng pasensya ng iangat ang mata papunta sa mukha ng naluluha na namang Ginang.
Kinakabahan na siya para sa mga kasama n'ya, pero naisip niya rin ang Ginang. Kung ano ba ang pinagdadaanan na problema nito.
Huminga ng malalim ito. Maging si Samantha napabuga. “Ano po ba 'yong sinasabi niyo?"
“Hihingi sana ako ng favor sayo. Makiusap sana ako sayo." ani ng Ginang, nanginginig na sa pagsasalita.
Maging ito, bakas ang kaba at takot. Nakikita iyon ni Samantha sa itsura at mukha ng Ginang habang ang mga kamay nito na magkasalikop. Nanginginig iyon, napagkatitigan pa ni Samantha bago siya muli na nag-angat ng mukha.
Pero napapitlag siya ng nagulat… Isang napakalakas na putok ang narinig niya mula sa kabilang linya na kanyang pinakikinggan.
Nakaririnig siya ng mga pagputok ng baril. Palitan, at sunod-sunod pa rin tulad ng kangina na narinig ni Samantha.
Palitan y'on ng mga putok. Kaya mas kinabahan at kinutuban siya ngayon, nang naririnig niya, ang malalakas na sigaw. Hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa pwesto ni Arnold kasama ang ilang mga kasama nila. Maging ang iba pa nilang kasama na ngayon, same situation na rin sa lugar kung saan si Arnold.
“Ano po ba iyong favor niyo?" nang kanyang maalala at itanong sa Ginang.
Napapalingon pa siya sa paligid, inilibot ang kanyang mata habang naghihintay sa sagot ng Ginang.
Naisip niya rin na habang kausap at kaharap ang Ginang, baka hindi niya mapansin ay masalisihan na siya ng kanyang mga binabantayan. Habang iniisip ang lagay ng ilan pa niyang kasama.
“K-kasi ganito..." nang mapapitlag na naman siya at magulat sa malakas na pagputok. Kaya yung sasabihin ng Ginang. Hindi na tuloy pa nang muli siyang gulat na gulat ang mukha habang ang Ginang nagtataka sa kanya.
“B-bakit?" tanong na taka.
“W-wala po!" nang pakiramdaman niyang muli at pakinggan ang mga ingay ng mga nagpuputukang na baril.
“Ano po ba yon? Ano po ba yung sasabihin sana n'yo? Ano po 'yung pabor na nabanggit n'yo?"
Pero sa pagkakataon na yon. Nakita nalang ni Samantha ang sarili niya na nasa gitna siya ng isang dambana.
Hindi niya lubos maisip na napapayag siya, sa naging pakiusap ng Ginang sa kanya. Hindi niya akalain na ang pakiusap nito, ang pagpayag niya sa Ginang ay sa isang kasalan pala ang kahahantungan niya.
Habang nasa gitna siya ng maraming bisita. Napalunok nalang si Samantha habang ang kaba na kangina pa niya nilalabanan. Mas lalo pang tumitindi.
Nakatayo siya sa nakapahabang red carpet.
Siya ang nasa dulo ng carpet. Ang nasa kabilang bahagi naman nuon… Natatanaw niya ang Ginang na napabuntong hininga. Panay ang hugot ng malalim na hininga habang tinatanaw si Samantha.
Ang Groom na hindi pa niya nakikilala, na kanya naman pakakasalan sa gitna ng napakalawak na espasyo ng napakalaking hall ng Hotel. Hindi niya makita at makilala ang mukha nito, kahit pilit niyang inaabot at inaaninag ang itsura ng Groom na pakakasalan.
Subalit hindi niya makita ang mukha.
Mula sa may kalayuan sa kanya naman kinatatayuan ang pwesto ng mga ito. At dahil sa may kausap ito at nakalingon sa kabilang bahagi. Kinalunok, ni Samantha.
Malunok lang ang kaba na bumubuhos sa kanya. Makailang beses siyang huminga. Pero… Nang makita ang mukha ng lalaking pakakasalan niya, isang napakalaking kalokohan ang nangyari sa kanya…
SIYA! nasambit niya habang ang kanyang dibdib dumadagundong sa lakas ng kaba na bumabalot ngayon sa kanya.
“Siya ba talaga?" Hindi makapaniwala na pahayag niya habang nakatingin sa lalaki… Habang nakatawa naman ito at tuwang-tuwa na nakikipag-tawanan habang kausap ng kanyang magulang.
Habang si Samantha, hindi makapaniwala sa lalaki na ngayon ay kanyang pakakasalan.
Ridiculous!
Napailing nalang si Samantha. Nais man niyang tumakas nalang at ilakad pabalik ang kanyang paa. Subalit, nasa kalagitnaan na siya ng red carpet na tinatapakan niya habang naghihintay sa kanya ang nakapasaya na Groom na pakakasalan.