CHAPTER 2

1174 Words
Samantha Dominguez (Trapped in him) CHAPTER 2 Samantha stood up in the beranda. Habang nakatingin sa kawalan, tinatanaw ang mga lumilipad na ibon mula sa kanyang kinatatayuan. Mahangin ang paligid at halos nanunuot sa balat ang lamig. Pero hindi alintana kay Samantha dahil sa lalim ng kanyang ginagawa na pag-iisip. Huminga muna siya ng pagkalalim. Napakapit ng maigi sa hawakan ng beranda. Anduon ang pwersa sa kanyang kamay ng ihawak niya ito sa handle ng beranda. Madiin ang kanyang pagka-kahawak, at pagkakakapit sa handle. Dahil sa tindi ng nararamdaman niya, sa kalaliman ng iniisip niya, sa maraming gumugulo sa utak niya. Muntikan pa niya mapisa ang kahoy na handle ng beranda. Mahigpit na mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Naiinis siya ng sobra. Sa tuwing maisipan niya ang mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mga nahuhuli at pinahihirapan sila. Masyado na matagal, nakakapagod na ang nangyayari. Ilang beses na nila ito mga tinugis, sinubukan na mahuli. Subalit para itong mga paru-paru sa bilis na lumipad. Parang meron mga mata, tenga at bibig na siyang dahilan upang madalas sila mga matakasan. Dahil sa ilang beses na pagtugis nila Samantha. Ilang beses na din sila mga natatakasan. Lagi na lang sila, mga nalulusutan, at na-uunahan, bago pa man sila makarating sa mismong area kung saan naireport sila na namataan. Masyado mauutak, magagaling mga mag-isip ang mga taong kanilang minamatyagan ng may katagalan na rin simula ng maiatas sa kanila ang isang grupo ng sindikato. Isang grupo kung saan. Malaking grupo ang pinag-uusapan. Hindi lang iisa, dalawa, tatlo o apat. Kundi napakaraming tao ang bumubuo sa samahan ng mga sindikato na pina-kiusap sa kanila na mahuli at masugpo, nang hindi na mas lumaki at lumaganap ang samahan ng mga ito. Huminga pa muli si Samantha. Napabuga, at humugot ng pagka-lalim-lalim. Naikurap niya ang kanyang mata ng humangin ng may kalakasan. Mabigat din na naibuga ni Samantha ang kanyang hinugot na hininga sa lalim ng pag-iisip. Nagpaplano siya. “Bakit ba kasi!" nang maisapo niya ang isang kamay sa kanyang noo. Hinimas niya iyon, tila ba sumasakit kasi sa sobra niyang pag-iisip. Araw-araw, gabi-gabi. Ito na lang ang laman ng kanyang isipan. Ang grupo ng sindikato na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mga matukoy kung sino ang pinaka Pinuno. Ang siya na pinaka utak at taga utos sa mga nasa ibaba nito. Dahil sa assignment niya na ibinigay ni Major General. Maloka-loka na si Samantha. Kasi ay ayaw niyang mapahiya sa kanilang Major General. Hindi dahil sa may nakaambang promotion. Kundi sa ayaw niyang mawala ang tiwala nito sa kanya. Malaki ang kanyang utang na loob sa kanilang Major General. Ito kasi ang taong unang-una na nagbigay ng tiwala sa kanya at hindi siya sinukuan dahil lang sa isa siyang babae. Pinatunayan ni Samantha. Kahit siya ay isang babae. Kaya rin niya maglingkod sa bayan. Sa kapwa niya, sa mamamayan nila sa kanilang nasasakupan. Hindi hadlang ang pagiging babae niya. Sa pagiging isang police niya. Kaya niya makipagsabayan sa mga nakararami na lalaki sa kanilang samahan. At iyon ang napatunayan ni Samantha sa loob ng napakaraming taon niya sa serbisyo bilang isang Lady Police Officer. Lahat 'yon ay utang niya kay Major General George Rushier na siyang naging coach niya pagdating sa lahat. Siya ang nagturo sa kanya lumaban. Humawak ng baril at makipagsabayan sa mga kasama niyang police. Kaya naman Idol niya talaga itong si Major General. Ayaw niya talaga mapahiya. Kaya naman ang utos nito, na madakip nila, ang pinaka Pinuno ng sindikato. Ang pinaka goal niya ngayon sa kanyang trabaho. Sa kanyang pinaka misyon na gusto niyang matapos bago pa man mailabas sa lahat ang memo ng nakaamba niyang promotion. Subalit talagang nahihirapan siyang tukuyin at alamin kung sino ang pinuno ng sindikato. Maging ang mga galamay ng mga ito ay pinahihirapan sila na makita at mahuli. Kaya naman andon ang pangamba, na tiyak na mahihirapan sila na masugpo agad ang mga ito, at matibag ang binuong napakalaking samahan. Kaya si Samantha, nababaliw na sa kakaisip ng mga gagawin at plano niya para sa kanyang misyon. “Huhhhh!" nang sumigaw pa ito. Habang mag-isa lang siya sa isang maliit na Kubo. Dito sila mga namamahinga ng kanyang mga kasama. “Magpahuli naman kayo." sigaw niya, habang wala siyang alam na may isang tao na kangina pa nakadungaw at pinagmamasdan siya. Hinihingal kasi ito nang marating ang Kubo na pahingahan nila. Napapangiti ito, habang panay ang hugot ng hininga. Naghahabol pa kasi ito ng kanyang naninikip na dibdib at kinakapos sa paghinga na pakiramdam dahil sa pagod sa ginawang pagtakbo. “Kailangan na— talaga kayo mahuli. Magpakita naman kayo." sambit niya sa hangin habang nasigaw. Isang napakalakas na pag-ihip ng hangin ang muli ay tumama sa kanyang buong katawan. Sumayad ito sa kanyang braso, nanulay, sa kanyang mga balat. Kasama ang kanyang may kahabaan niya na buhok na nagsitaasan, dahil sa tinatangay ng malakas na hangin ang umihip at dumaan. “Sam! Are you okay?" bulalas ng isang boses sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at nakita niya si Arnold. “K-kanina pa kita pinagmamasdan dito sa likod. Mukhang malalim masyado ang iniisip mo?" medyo hinihingal pa rin itong si Arnold. Pero dahil sa kangina pa siya sa likod. Nakaupo lang, habang pinalilipas ang kanyang hingal. Medyo napawi na rin ang paninikip ng kanyang dibdib at ang pakiramdam na halos maubusan siya ng hangin. “Kangina ka pa riyan?" tumawa si Arnold habang tumango. “Kangina pa! Nakita ko at narinig lahat." sabi nito. “Bakit hindi mo sinabi?" natawa na rin itong si Samantha. Kasi yung itsura ni Arnold. D'on siya natatawa. “A-ano bang itsura 'yan?" “Anong mali sa itsura ko?" pahayag nitong tanong ng sipatin nito ang sariling itsura. “Ahh! Ito ba? Kakatapos ko lang kumain." sagot nito, habang turo ang narumihang white shirt. “Kangina pa nga kita hinahanap. Kaya lang, hindi kita makita. Nandito ka lang pala." “Ayain sana kita kumain." dagdag pa nito, pahayag kay Samantha. “Kumain ka na pala?" bulalas at gulat. “Bakit hindi mo ako tinawagan?" “Hey! Paano po kita, matatawagan nakita mo ito?" Napatingin si Samantha sa hawak ni Arnold na nakapatong sa kamay nito. “Bakit nasa 'yo 'yan?" “Hey! Naiwan mo kaya sa table mo." pahayag na nakangiti na sagot ni Arnold. Napailing si Samantha. Nalimutan pala niya ang cellphone niya sa ibabaw ng kanyang mesa nang hindi na niya naalala sa lalim at dami ng kanyang iniisip kangina. “Tito, napatawag ka?" “Please, come to my office. I want you to talk." sagot sa kabilang linya ng tumawag ang Tito George niya. Nagulat pa siya, kasalukuyang nasa byahe pa siya papauwi ng Manila. Hindi niya expect na tatawagan agad siya nito, at nalaman na pabalik na rin siya ng Maynila matapos na madistino sa malayong probinsya. “Okay, Tito, give me more time. Nasa byahe pa ako." sagot niya na kinahinga niya, nang mapansin ang traffic na tutulayin niya, madadaan. Mahabang traffic pa ang susuungin niya makarating lang pabalik ng Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD