CHAPTER 5

1158 Words
Samantha Dominguez (Trapped in him) CHAPTER 5 “Malaglag ka naman dyan sa ginagawa mo, Sam." natatawa na nausal ni Arnold at maging siya ay sumilip na rin at sinundan ng tingin ang lalaking naka-americana coat na light blue ang kulay. Kapartner ng suot nito ay blue din na pants. Si Samantha, hindi maalis ang mga tingin sa lalake. “Mukhang big time ang bisita ni Major General. Sino kaya yon?" nausal na naman nitong si Arnold na kinalingon naman din niya at bumaba na sa pagkakadungaw niya ng mabuti sa beranda. “B-bakit ba kanina ka pa sa akin panay ang tanong? Kung ako nga hindi ko kilala." singhal niyang bulalas kay Arnold na pinipigilan naman matawa dahil sa mukhang pikon na rin si Samantha. Sa itsura ni Samantha. Naiinis siya dahil sa wala siyang alam sa naging bisita ni Major General. Yung mga tingin niya din 'dun sa lalake. Ang kinatatawa nitong si Arnold. “Hey! Relax. Baka naman nga, kamag-anak lang ni Boss Major General. Kasi kung important na tao 'yan o isang informant t'yak na nasabi na 'yan ni Boss Major General. Hindi naman 'yan gagalaw ng hindi niya ipapaalam sa team." “Lalo na sayo." pahabol na pahayag nitong si Arnold na kinalingon ni Samantha. Napabuga pa siya, dahil tama naman ang nasabi ni Arnold. “Pero, mukhang yayamanin 'yung, bisita ni Boss Major General." bulalas pang muli na inihayag ni Arnold. Napadila pa ito sa mga labi. Binasa niya ang labi niya gamit ang kanyang namumula-mulang dila. “Kadiri!" sabay na kinatawa nitong si Arnold ang naibulalas, ni Samantha. “Huh?" anito. “Nakakadiri agad?" wika pa ni Arnold. “Sa nag-dry yung labi ko eh!" ani nitong ipinaliwanag pa niya sa tumawa na rin si Samantha. Nawala na yung atensyon nila sa dumadaan. Napunta na sa pang-aasar sa bawat isa ang kanilang usapan. “Pero, teka lang muna. Pansin mo ba 'yung suot noong guy?" “Huh?" gulat niyang tugon. “Problema sa suot? Naka Americana di 'ba?" “Oo!" tugon ni Arnold. “Anong problema sa suot?" takang tanong ni Samantha. “Wala naman." sabay tumawa. “T*nga lang!" “Grabe ka! Minura mo talaga ako?" singhal na bulalas ni Arnold. “Hindi ahh! Ang gwapo mo." “Matagal ko nang alam. Kaya nga 'di ka makakuha ng ibang kapartner. Kasi nga ako yung pinaka gwapo sa lahat." sagot ni Arnold. “Wow ahh! Bilib din ako sa karisma mo." Gilalas na itinugon naman ni Samantha habang bumaling na naman yung mata niya don sa lalaking tinatanaw. “Oo naman! Sayang nga lang, hindi mga gaya mo ang tipo ko." sabay nguso at biro ni Arnold na kinalingon na naman ni Samantha rito at binatukan. Napaaray itong si Arnold. “Ouch!" “Sorry! napalakas pala." “Sam, Grabe ka!" habang kinukusot ang ulo. Nasaktan si Arnold ng mapalakas ang ginawang pambabatok ni Samantha sa kanya. “Ayaw ko na nga sayo!" pabiro ng hilahin siya ni Samantha upang ibalik ang sulyap don sa lalaki. Kaya nga lang bigla nalang napatago si Samantha at batakin si Arnold. “Bakit?" takang tanong ni Arnold nang magtaka bakit bigla nalang nagtago sila ni Samantha. “Nakatingin siya." tugon na pahayag ni Samantha na natawa. Napaupo agad si Samantha ng matanawan yung lalakeng lumingon sa may Kubo. Sa kinaroroonan nila ni Arnold. Grabe lakas ng kaba niya. Ang lakas kahit hindi niya nakita yung mukha 'nung lalaki na biglang lumingon. “Nakatingin?" “Oo!" “Patingin!" nang akma tatayo si Arnold hinila siya muli ni Samantha upang muli siya na mapaupo. “Maupo ka na nga lang!" “Titingnan ko lang." pinipilit ni Arnold na tumayo pero pinipigilan naman siya ni Samantha. “Baka makita ka!" bulas na paalala ni Samantha kay Arnold. “Baka makahalata pa na tinitingnan natin siya." dagdag pa ni Samantha sa pahayag niya kay Arnold. Kinakabahan talaga si Samantha. Bigla siyang nahiya dahil sa biglang paglingon nito sa kanila ni Arnold. “Sige na, gusto ko lang makita if gwapo." pamimilit ni Arnold. “Bahala ka na nga. Basta pag-mahuli ka— Hindi mo ako kasama." aniya na hayag na humugot ng malalim. Saka inihinga. “Grabe ka!" bulas ni Arnold. “Kala ko ba pakners tayo?" “Walang iwanan?" “Walang laglagan?" “Tapos ngayon ilaglag mo ako?" wika nito. “Wala naman akong sinabi na hindi tayo pakners!" aniya sagot ni Samantha. “Sabi ko lang! Incase na mahuli ka, kasi nga makulit ka, mapilit. Once na makita ka! Hindi mo pwede ituro na kasama mo ako." “Pinigilan kita di 'ba?" Saad niyang bulas na nakatawa. “Ang sama mo!" “Unfair!" Saad din ni Arnold. “Unfair ka diyan?" natawang bulalas. “Pinipigilan kita, pero ikaw mapilit. Kaya once mahuli ka talaga! Never said na kasama mo ako." aniya muli na pahayag na huminga si Samantha. “Bakit namumula ka?" “A-ano?" Nang hawakan pa ni Samantha yung pisngi ng mukha n'ya sa magkabila. “Namumula ba?" tumawa, si Arnold. “Oi! Mukhang tinamaan ka sa kanya." bulalas ni Arnold, pahayag nito ng panunukso. “Ikaw mukhang tatamaan ka sa akin once na tinuloy mo pa 'yang, lalabas sa bibig mo." “Subukan mo pang ibuka!" babala na sabi ni Samantha. Tinikom ni Arnold ang bibig niya, habang yung kamao ni Samantha nakaturo sa kanyang mukha. Nakabusangot na nakanguso ang hulma ng mukha ni Samantha. Kaya naman si Arnold. Pinipigilan din ang sarili na matawa dahil sa mukhang nilamukot ang mukha ni Samantha. Pigil na pigil talaga ni Arnold ang matawa. Dahil sa alam na niya rin ang susunod sakali na hindi na niya mapigilan ang bumulalas ang kanyang pigil na pagtawa ng malakas. Si Samantha pa ba! Hindi siya ang tipo ng babae once na ito na ang magbigay ng babala. Sure na! Sure na ang kasunod nyon. “Wag mong ibuka!" singhal na bulalas ni Samantha. Binatukan pa niya si Arnold. “Ayaw mong sumunod." biro niya. “Tama na 'nga!" anito ni Arnold ng sapuhin ng isang kamay ang kamay ni Samantha. “Gamitin mo 'yan sa lalaking mapapangasawa mo. Wag sa akin." “Kaya walang magtuloy." “Walang gusto sumubok." “Para ka kasing lalaki kung mambatok at kung makasigaw ka naman. Para kang tambutso na ayaw tumigil sa pagbuga ng marami na mai-itim na usok." Saad na sabi ni Arnold, pahayag niya habang hawak ang kamay ni Samantha na ibinaba na n'ya ng muktik na naman siyang batukan. “Alam mo, Sam!" bulas nito. “Daig mo pang bomba kung sumabog once na ayaw mo na yung nasasabi sayo at once na binibiro ka, lagi kang pikon. Iwasan mo pagiging mainitin ang ulo. Paano ka pa makapag-asawa sa ganyang istilo mo." dagdag na pahayag na pagkakasabi nitong si Arnold. Huminga, si Samantha. Nawalan na siya ng kibo sa lahat ng sinabi nito. Totoo naman kasi ang sinabi ni Arnold. Wala pa siyang boyfriend at kahit minsan wala din na nagkamali.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD