Chapter 2

2642 Words
Lexie’s POV Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang aking kaibigan na si Susi, nakatanaw ito sa magandang tanawin na makikita mula dito sa itaas ng burôl. Isa sa mga nakaugalian naming magkaibigan sa tuwing may problema o nalulungkot kami, ang pagmasdan ang natural na ganda ng kalikasan. Kaya alam ko na may pinagdadaanan ito ngayon. “Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.” Malumanay kong saad. Alam kong narinig ako nito ngunit ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako at nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. “Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya bago umupo sa tabi nito. “Anong gagawin mo kung nalaman mo na ang lalaking minahal mo ng buong buhay mo ay may ibang babaeng napupusuan?” Narinig kong tanong niya ng hindi lumilingon sa akin. Napabuntong hininga ako sa tanong nito, kasi naman, hindi ko alam ang isasagot. Okay lang sana kung ang tanong nito ay tungkol sa Math or English madali lang sagutin, pero kapag tungkol na sa pag-ibig? Hayts! ang hirap kaya nun. “Hm, ano nga ba? Honestly hindi ko alam ang sagot, kasi hindi ko pa naranasan ang umibig, pero kung sakaling dumating ang panahon at ang lalaking mahal ko ay may mahal ng iba, siguro hahayaan ko na lang muna siyang magdesisyon at mamili kung sino talaga ang totoong mahal nito. Mahirap naman kasi kung itatali ko siya sa akin tapos hindi naman pala siya masaya sa piling ko.” Tapat kong sagot sa tanong nito na siyang ikinatahimik niya. “Wait a minute! Don’t tell me you're in love?” Namamangha kong tanong sa kan’ya na siyang ikinalingon nito sa akin. “Oh my gosh! My best friend was in love!” Naibulalas ko na sinamahan ng tawa. “Kayo na ba ni Mikoy? My gosh, finally you gave him a chance.” Nakita kong bigla itong sumimangot at pinukol ako ng isang matalim na tingin. Ayaw kasi nito kay Mikoy ang masugid na manliligaw ni Susi na may bingot, kaya galit na tumayo ito at lumapit sa akin. Mabilis naman akong tumayo at kumaripas ng takbo na halos madapa pa ako. “Lexie! Bumalik ka dito!” Galit na sigaw ni Susi, kaya natatawa akong tumakbo palayo upang hindi abutan nito. Sa pagtakbo ko ay nakarating ako sa isang kubo na kung saan ay inaayos ang mga armas ng aming grupo. Hinihingal na huminto ako sa may pintuan at nakangiting bumati sa mga tao na naroroon kasama na si Quinlan. “Hello Guys!” Masaya kong bati sa kanilang lahat ngunit imbis na tumugon ang mga ito ay nagmamadali silang lumapit sa isang lamesa kung saan nakalagay ang mga baril at granada saka mabilis na itinago, upang hindi ko ito mahawakan. Kung titingnan mo ang mga itsura nila ay parang nagkaroon sila trauma sa akin. Sino nga ba namang hindi matatakot ng dahil sa katangahan ko ay kamuntikan na silang mamatay. “Flashback” “Quinlan!” Nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kubo ngunit wala kahit isang tao sa loob ng kubo. Huminto ang aking paningin sa isang malaking lamesa, puno ito ng mga baril at iba’t-ibang klase ng armas. Nimilog ang mga mata ko dahil sa labis pagkamangha, Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makakahawak ako ng baril. Masyado kasing mahigpit sa akin si Quinlan na halos ayaw akong pahawakin nito dahil bata pa raw ako. Nagtataka ako kung bakit ang mga kaedaran ko na fifteen years old ay malayang nakakahawak nito samantalang ako ay bawal pa rin. Luminga-linga muna ako sa paligid at ng masigurado ko na wala si Quinlan ay mabilis akong lumapit sa lamesa at kaagad na dinampot ang pinakamaliit sa kanilang lahat. “Smaller is easier to hide.” Anya ng inosente kong utak habang nakangiti. Nagmamadaling tumakbo ako palabas ng kubo habang hawak sa kanang kamay ang isang maliit na parang bola na mayroong palawit sa dulo. “Lexie! Where have you been? I’m looking for you anywhere.” Seryosong tanong sa akin ni Quinlan habang sa likod nito ay nakasunod ang mga kasamahan niya na may dalang mga baril. Mabilis kong ikinubli sa aking likuran ang hawak na maliit na bola upang hindi ito makita ni Quinlan. Ngunit mukhang nahalata yata ako nito dahil lumalim ang gatla nito sa noo kasabay ng pagtaas ng kaliwang kilay nito. Sa hilatsa ng mukhang ni Quinlan ay mukhang nabasa na niya ang tumatakbo sa utak ko. “Ano ‘yan?” Ang seryosong tanong niya sa akin habang ang mga kasamahan nito ay nagtataka sa aming dalawa. “May kapangyarihan ba ang lalaking ito na basahin ang isip ng ibang tao? Bakit ba lagi na lang nitong nahuhulaan kung ano ang tumatakbo sa utak ko?” Naiinis kong tanong sa aking isipan.” Pinagmasdan ni Quinlan ang kabuuan ng dalaga kahit na ang suot nito ay isang kupas na maong at isang brown t-shirt ay napakaganda pa rin nito. Lalo na ngayon na nakalugay ang mahaba at kulot nitong buhok na lalong bumagay sa malakastila nitong mukha. Sa tuwing tinititigan niya ang inosente nitong mukha ay parang natutunaw ang kan’yang puso. Maraming naghahangad na maangkin ang dalaga kaya naman binabantayan niya ang bawat kilos nito upang maprotektahan. Lalo na karamihan sa kanilang grupo ay mga halang ang kaluluwa. Mula sa mga mata ng dalaga ay mabilis niyang malaman kung may tinatago ito sa kanya. Dahil hindi marunong magsinungaling ang dark brown nitong mga mata. Masyado kasing malikot ang mata nito kapag may ginawa itong labag sa kanyang kagustuhan. “Wala! Sige aalis na ako may gagawin pa kami ni Susi.” Ang nagmamadali nitong sagot at akma na sanang aalis ng muli itong tawagin ng binata. “LEXIE...” tawag ni Quinlan sa seryosong tono, nais matawa ng binata ng nanulis ang nguso nito na tila naiinis. “Bola lang naman ang kinuha ko, ibabalik ko rin mamaya.” Naiinis na sagot ni Lexie. “Anong bola?” Nagtataka na tanong ni Quinlan sa dalaga, nangingiting nagkatinginan naman ang mga kasamahan nito sa likuran na tila natutuwa sa itsura ng dalaga. Naiinis na inilabas ni Lexie ang tinutukoy nitong bola mula sa kan’yang likuran, ngunit aksidenteng sumabit ang pin nito sa daliri ng dalagita bago pa niya ito mailahad sa harapan ni Quinlan. Nanlaki ang mata ng lahat ng masilayan nila ang hawak ng dalagita. “Oh my God! Lexie!” Halos magimbal ang lahat ng makita nilang natanggal na ang pin ng granada na hawak ni Lexie. Namutla silang lahat at hindi makagalaw sa kanilang mga kinatatayuan. Nakadama ng takot ang dalagita dahil sa pag sigaw ni Quinlan sa kanya. “Para bola lang nagagalit ka na, hindi ko naman ito kukunin hihiramin ko lang! Oh ayan, sa’yo na!” Galit na sigaw ng dalagita bago hinagis ito sa direksyon ng grupo nina Quinlan at mabilis na tumakbo palayo dahil naiinis siya sa binata. “s**t! Ang malakas na sigaw ni Quinlan bago mabilis na nagdive palayo, maging ang mga kasamahan nito ay nagkanyanan ng takbuhan huwag lang masabugan ng granada. Hindi pa nakakalayo si Lexie ay nagulantang na siya mula sa isang malakas na pagsabog na halos ikabingi niya. Nagtataka na muling lumingon sa kanyang likuran at nagulat siya kung bakit mga nakadapa sa lupa si Quinlan at ang mga tauhan nito. Saka lang niya narealize ang malaking pagkakamali ng makita niya na masama ang tingin sa kanya ng lahat. Napalunok siya dahil sa matinding kabâ. “LEXIE!” Galit na tawag ni Quinlan sa kan’yang pangalan na siyang ikinaputla ng mukha ni Lexie. Dahil sa takot ay mabilis itong tumakbo palayo. “Momma!!!” Ang malakas na tawag nito sa ina habang tumatakbo papasok ng kanilang kubo.” End of flashback” “Kung makareact naman kayo parang si kamatayan ang dumating.” Ang naka-ngisi kong saad. “Talagang kamatayan ang aabutin namin kapag ikaw ang kasama namin!” Sabat naman ng isa sa kanila na siyang ikinatahimik ko. Aminado naman talaga ako na madalas talaga na magkamali ako na siyang ikinapapahamak nila, pero hindi ko naman sinasadya ang mga bagay na ‘yon. Lumapit ako kay Quinlan at umupo sa tabi nito, naramdaman ko naman ang kaliwang braso nito na umakbay sa akin at kinabig ang ulo ko saka dinampian ng isang halik. Napangiti ako sa ginawi nito. Kung titingnan kami ni Quinlan ay mukha na kaming mag boyfriend dahil napakasweet namin sa isa’t-isa. Napalingon ako sa pagpasok ni Susi kaya ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang lungkot na bumalatay sa magandang mukha nito. Ibinaling ko ang tingin kay Quinlan bago bahagyang inilapit ang bibig sa tapat ng tainga nito. “Sa tingin ko may problema si Susi.” Ang bulong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito sa ginagawa. “Don’t worry mamaya kakausapin ko siya.” Ang seryosong sagot niya sa akin. Naging panatag ang loob ko dahil alam ko na matutulungan ni Quinlan si Susi, tulad ko ay malapit din ito sa kanya. “May mission kayo?” Ang tanong ko sa kanila. “Oo at hindi ka kasama!” Ang magka-panabay na sagot ng mga kaibigan ni Quinlan na siyang ikinatawa ng binata. “Grabe naman kayo sa akin, parang ang laki ng kasalanan ko sa inyo ah...” ang sabi ko sa kanila sabay kamot sa aking ulo. Napansin ko na pinagtatawanan ako ni Quinlan kaya hinampas ko ito. “Sasama ako.” Ang sabi ko sa kanila. “HINDI!” Ang sabay na wika nilang lahat na siyang ikinasimangot ko. “Okay Guy’s, standby,” ang narinig kong utos ni Quinlan sa mga tauhan mula sa headset na suot ko. Nandito ako ngayon sa loob ng isang lumang van naka-monitor sa bawat galaw ng kanilang grupo. Habang ngumunguya ng chewing gum ay nakatutok ang mga mata ko sa screen ng computer. Nakikita ko ang mga red dot na gumagalaw papasok sa loob ng isang gusali at iyon ay ang grupo nina Quinlan. Ako ang nagsasabi sa kanila kung may kalaban ba sa kanilang location. Sa huli ay wala naman silang nagawa kung hindi ang isama ako, ngunit labis naman akong nababagot sa mission na’to. Dahil nakatanga lang ako sa monitor hindi katulad ng sa kanila na talagang sumasabak sila sa laban. “Tsk’ masyadong minamaliit nila ang kakayahan ko.” Ang naiinis kong bulong sa aking sarili. “Nakasimangot ka na naman.” Puna sa akin ni Susi bago umupo ito sa tabi ko saka inilapag ang dala nitong beer at chips sa gilid ng computer. Hanga ako sa kaibigan kong ito malakas uminom, samantalang ako ay hindi man lang makatikim ng alak dahil laging nakabantay si Quinlan. Nilagay ko muna sa mute ang aking microphone bago magsalita upang hindi nila marinig ang aming pinag-uusapan. “Naiinip na kasi ako dito, ang gusto kong misyon ay yung may thrill hindi katulad nito nakakaantok.” Walang gana kong sagot sa kanya, kinuha nito ang beer bago dinala sa kanyang bibig at sinimulan itong inumin. “Ano ba ang lasa niyan?” Curious kong tanong habang nakamasid sa aking kaibigan na tahimik lang na umiinom. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa akin. “Tikman mo, masarap ‘yan nakakaalis ng stress, lalo na kapag marami ka ng nainom ang sarap sa pakiramdam.” Masaya nitong sagot. Nag-alinlangan naman akong tanggapin ang inaalok nito sa akin, dahil lumitaw mula sa aking isipan ang galit na mukha ni Quinlan. Isa ito sa ipinagbabawal niya sa akin ang uminom ng anumang klase ng alcohol. “Subukan mo lang wala naman si Quinlan, ako ang bahala sa isang ‘yon.” Nakangiti nitong sabi habang tumataas-baba ang kaliwang kilay nito. Dahil sa panghihikayat ni Susi ay napilitan akong tanggapin ang isang beer can. Sumamâ ang hilatsa ng mukha ko dahil sa pait nito kaya pinagtawanan ako ni Susi. “Sa una lang ‘yan sa huli magugustuhan mo rin ang lasa.” Anya, habang nakatutok ang aming mga mata sa monitor ay patuloy kami sa pagku-kwentuhan ni Susi kaya hindi na namin namalayan na marami na pala kaming nainom na beer. “Malinis ang dadaanan ninyo diretso lang.” Anya sa grupo ni Quinlan, nakita kong gumalaw ang mga pulang tuldok, ibig sabihin ay kumikilos na sila Quinlan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtataka ako kung bakit biglang dumami ang tuldok na pula sa screen. Pumikit ako ng mariin at muling tinitigan ang monitor. Naalarma ako kaya hinila ko si Susi upang ipakita sa kanya dahil baka dinadaya lang ako ng aking paningin. Lumapit naman si Susi at pinipilit na imulat ang dalawang mata. “s**t! bakit bigla silang dumami kanina wala ang mga ‘yan.” Ang naibulalas ko. “What do you mean Lexie!?” Seryosong tanong ni Quinlan sa akin mula sa kabilang linya. “May mga kalaban sa paligid malapit lang sa inyo pabago-bago sila ng puwesto.” Anya na bhagya pang nabubulol. Tumayo si Susi at pasuray-suray na humakbang upang kunin ang kanyang baril.” Nagtaka si Quinlan sa tono ng pananalita ni Lexie dahil ngayon lang niya narinig ito na ganoon kung magsalita kaya kinabahan ang binata. Sumenyas siya sa kanyang mga kasamahan iatras ang misyon, dahil iniisip niya na baka nasa panganib ang dalaga at maaaring hawak na ito ng mga kalaban. Habang ang kanyang mga kasamahan ay alerto sa paligid dahil sa mga kalaban na nagkalat sa paligid tulad ng sinabi ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas ay tahimik pa rin ang paligid at kahit isang kalaban ay walang nagpapakita sa kanila kaya naman nagdesisyon na silang kumilos. Mabilis na tinalunton ni Quinlan ang daan pabalik kung saan naroroon si Susi at Lexie. Parang tinatambol ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Habang ang mga kasamahan niya ay hindi magkandatuto sa pagsunod sa kanyang likuran, iniisip ng mga ito na may masamang nangyari dahil sa matinding pag-aalala na nakikita nila sa mukha ng kanilang pinuno. Pagdating sa lokasyon ng dalaga ay mabilis na binuksan ni Quinlan ang pintuan ng van. Kinakapos na siya ng hininga dahil sa matinding pagtakbo ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng oras kaagad na pinasok ang van. Natigilan siya dahil sa tumambad sa kanyang paningin, nakaupo sa harap ng computer si Lexie habang binibilang ang mga pulang tuldok sa screen na nakaipon sa lokasyon kung nasaan ang van. “LEXIE!” Galit na tawag ni Quinlan dito, nang humarap ang dalawa sa direksyon ni Quinlan at tumitig ang mga namumungay nilang mata ay saka lang napagtanto ng binata na lasing ang mga ito. Frustrated na lumapit si Quinlan sa dalawa at hindi maintindihan kung ano ang gagawin sa mga ito. “Q-Quinlan! B-buti nandito ka na, halika tingnan mo dumarami pa silang lalo at nasa paligid lang sila.” Umuusok sa galit ang binata habang nakatingin sa nagsasalitang si Lexie na ang tinutukoy nito ay ang pito niyang mga tauhan na dahil sa kalasingan ang tingin nito ay Fourteen. Sa tabi nito ay panay naman ang tawa ni Susi. Masama ang tingin ng mga tauhan ni Quinlan kay Lexie dahil dito ay pumalpak na naman ang misyon nila. Walang nagawa ang lahat kung hindi ang sumakay na lang sa loob ng sasakyan, wala ni isa sa kanila ang makapag-reklamo dahil alam nila na special si Lexie sa kanilang leader. “Sinong may sabi sa inyo na uminom kayo?” Pagalit na singhal nito sa dalawa na tahimik lang sa tabi. “Tumikim lang... hik” ang sabi ni Lexie sabay sinok. Habang si Susi ay nakasandig ang ulo sa balikat ni Lexie at naghihilik na. “Sabi ko na nga ba, kaya tutol talaga ako na isama ‘yang dalawa na ‘yan, tsk.” Saad ng isa sa tauhan ng binata habang umiiling. Walang nagawa si Quinlan kung hindi ang yakapin at isandig ang dalawang babae sa kanyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD