Lexie’s POV
Habang naglalakad ako sa isang maliit na eskinita ay may biglang humigit sa aking braso na siyang ikinagulat ko.
Ang sana’y sigaw ko ay nakulong sa aking bibig, nang isang malaking kamay ang mahigpit na tumakip sa bibig ko.
Lumapat ng husto ang aking likod sa matigas na katawan ng lalaki dahil sa mahigpit na pagka-kayakap nito sa akin, ngunit ng maamoy ko ang pabango nito ay biglang nawala ang tensyon sa buong katawan ko.
“Huwag kang maingay,” mahinang bulong sa akin ni Quinlan, maingat akong tumango saka pa lang niya tinanggal ang palad sa aking bibig.
Nanatili pa rin itong nakayakap sa akin mula sa likuran, ngunit ng maramdaman ko na merong kumagat na langgam sa aking binti ay pasimple kong inangat ang isang paa ko bago ikiniskis ito sa parte kung saan makati.
Nakaramdam ako ng ginhawa ngunit nagtaka ako kung bakit imbis na ako ang umungol ay si Quinlan ang umungol.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumutusok mula sa aking likuran.
Dala ng kuryosidad ko ay bahagya kong ginalaw ang aking balakang upang malaman kung ano ang bagay na iyon.
Iniisip ko kasi na baka may nakatutok na baril sa aking likuran ngunit alam ko naman na hindi magagawa sa akin ni Quilan ang bagay na ‘yon.
“Naughty! Stop it Lexie...” ang tila nahihirapan nitong saway sa akin bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
“Bakit? wala naman akong ginagawa ah, ano ba kasi iyong matigas sa likod ko?” Ang inosente kong tanong sa kan’ya sa pabulong na paraan ngunit hindi man lang ako nito sinagot.
Dahil sa tanong ko ay bigla nitong inilayo ang sarili sa akin at mabilis na hinawakan ang aking kaliwang kamay.
Binaybay namin ang madilim na daan patungo sa aking apartment.
Katatapos lang kasi ng klase ko at ngayon ay ginabi na ako ng uwi.
Hindi ko inaasahan na pupuntahan ako ngayon ni Quinlan dahil ang alam ko ay nasa misyon ito.
“Tsk, hindi ka na makapaghintay na masilayan ang maganda kong mukha kaya sinadya mo pa talaga ako dito, ano?” Puno ng kumpiyansa sa sarili na tanong ko sa kanya habang nakangiti.
Humarap ito sa akin at pinitik ang aking noo.
“Ouch! Masakit ha!” Ang naiinis kong sabi habang hinihimas ang nasaktang noo.
Nanghahaba ang nguso na umupo ako sa sofa at tinatamad na tinaas ang aking mga paa sa ibabaw ng center table.
Kasalukuyan na kaming nandito sa aking apartment, dahil nailigaw namin ang mga taong sumusunod sa akin kanina.
“Napaka-iresponsable mo talaga, hindi ka marunong mag-ingat, alam mo namang isang pagkakamali lang ay pwede kang mapahamak.” Ang panenermon nito sa akin.
Para akong bata na sinisermunan nito kaya halos tumirik ang mga mata ko sa sobrang inis.
“Hindi ko naman alam na ako na pala ang sinusubaybayan nila.
Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para maitago ang aking pagkatao, kasalanan ko ba kung naging maganda ako at na-curious silang tuklasin kung sino ako?” Ang nakangisi kong sagot sa kan’ya na may bahid ng kayabangan ang tinig ko.
Lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay bago umiling at umupo ito sa aking tabi.
Nang makaupo ito ay mabilis akong humiga at iniunan ang ulo ko sa kandungan nito.
Sana’y na ako sa presensya nito, dahil simula ng magkaisip ako ay kasama ko na ito sa lahat ng oras, para itong tatay at nakatatandang kapatid para sa akin.
Kung hindi ko lang kilala si Quinlan, iisipin ko na may gusto siya sa akin, dahil napaka-over protective nito, mawaglit lang ako sa kanyang paningin kulang na lang ay magwala na ito.
“Ngunit nakakapagtaka na nalaman pa rin ng mga sundalo ang katauhan ko.” Ang naiinis kong sabi habang prenteng nakahiga sa kandungan ng binata, samantalang ito ay maingat na hinahaplos ang aking mahaba at kulot na buhok.
Isa ito sa hindi nakikita ng lahat ang pagiging malambing nito.
Sa akin lang niya malayang ipinapakita ang katangian niyang ‘yan kaya hindi lingid sa kaalaman ng binata ay lihim akong kinikilig sa mga ginagawa nito sa akin.
Ilang sandali pa ay bigla itong natigilan maging ako ay naging alerto din ng maramdaman ko ang ilang mga yabag mula sa labas ng bahay.
Maingat na ibinangon ako ni Quinlan bago ito mabilis na tumayo, dinampot nito ang kanyang baril na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Mabilis kong inabot ang backpack at isinukbit sa aking likod bago maingat na lumapit kay Quinlan.
Alam ko na, kung ano ang ibig sabihin nito kaya sa pagkakataong ito ay naging seryoso na ang expression ng aking mukha.
Naramdaman ko ng kunin ni Quinlan ang aking kamay at inilagay ang 45 caliber upang maging proteksyon ko mula sa mga kalaban.
Ako si Lexie Zimmerman kasalukuyang nag-aaral sa isa sa Private School dito sa Europa sa ngayon ay nasa huling taon na ako sa kursong Business Management ngunit sa palagay ko ay hindi na ako makaka-graduate pa.
Dahil isa sa malaking problema na kinakaharap ko ngayon ay natunton na ng mga militar ang aking kinaroroonan.
Nanganganib na ang buhay ko dito at kailangan ko ng bumalik sa lugar kung saan ako lumaki, ang Montenegro City.
Nandito si Quinlan upang sunduin ako at iuwi sa aming Campo.
Wala akong magagawa kung hindi ang manirahan na naman sa bundok kasama si Nanay Lora ang matandang umampon sa akin.
Aware ako sa aking pagkatao, dahil bata pa lang ako ay ipinagtapat na sa akin ni Momma ang lahat ngunit wala silang ideya sa kung sino ang tunay kong mga magulang, dahil natagpuan lang daw niya ako sa loob ng isang kweba mula sa kakahuyan. Kaya naman lumaki ako sa poder ng mga terrorista.
Bata pa lang ako ay natuto na akong humawak ng baril at maraming training na rin akong pinagdaanan.
Hindi ko gusto ang buhay na aking kinalakihan dahil napakahirap.
Halos karamihan kasi sa amin ay namamatay na lang ng walang pakundangan, dahil isinasakripisyo nila ang kanilang buhay para lang sa prinsipyo na aming pinaglalaban.
“Bang!” Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip ng magpaputok ng baril si Quinlan.
Ilang sandali pa ay hawak-kamay kaming tumatakbo palayo sa aking apartment habang nakikipag-palitan ng putok sa mga tropa ng militar.
Mula sa di kalayuan ay may isang sasakyan na naghihintay sa amin, mabilis kaming sumakay sa sasakyan at medyo malayo na kami ng makita ko ang pagsabog ng isang building.
Halos tupukin nito ang buong gusali at sigurado ako na maraming civilian na naman ang nadamay.
Isa ito sa aming paraan upang lituhin ang militar at ang ilan sa mga kasamahan ko ay walang awa itong ginagawa, wala silang pakialam sa mga inosenteng nadadamay.
Mula sa ilang oras na biyahe ay nakarating kami sa pantalan.
Sa loob pa lang ng sasakyan ay nagpalit na kami ng damit pang civilian gamit ang mga totoo naming katauhan, upang malusutan ang mga checkpoint na humaharang sa amin sa daan.
Habang sakay ng barko ay malungkot akong nakatanaw sa lugar kung saan naging tahanan ko sa loob ng maraming taon.
Nanghihinayang ako sa ilang taon na binuno ko para lang makapagtapos ng pag-aaral, ngunit sa isang iglap ay masasayang lang ang lahat ng pinaghirapan ko.
Naramdaman ko ang pagdantay ng isang kamay sa aking balikat kaya malungkot ko itong nilingon.
“It’s okay, sweetheart, don’t worry, gagawa ako ng paraan para maipagpatuloy mo ulit ang iyong pag-aaral.” Si Quilan habang hinihimas ang aking likod sinisikap na pagaanin ang aking kalooban.
Humarap ako sa kanya, yumakap sa baywang nito saka ibinaon ang aking mukha sa dibdib nito, at doon ay tahimik akong umiyak.
Mahigpit naman akong niyakap nito bago hinalikan sa aking bunbunan
Sa tuwing nalulungkot ako ay si Quinlan ang naging sandalan ko, maging sa mga pagkakamali ko siya rin ang sumasalo sa mga parusang natatanggap ko mula sa aming Commander.
Sa dami ng nagawa nito sa akin ay hindi ko na alam kung paano ito masusuklian kaya ipinangako ko sa aking sarili na ito lang ang lalaking mamahalin ko.
“Hm, kiss mo na lang ako para mawala ang lungkot ko,” anya sa pinalambing na boses bago pinatulis ang aking mga labi.
Nakita ko naman itong tumitig sa akin at bahagya pa itong lumunok kaya pumikit ako at hinintay kung kailan lalapat ang mga labi nito sa aking bibig.
“Ouch! Masakit ha!” Reklamo ko dito dahil imbes na halik ang matanggap ko ay isang pitik mula sa aking noo ang binigay nito sa akin.
“Puro ka talaga kalokohan, halika na, matulog ka na, dahil malayo pa ang lalakarin natin bukas.” Seryoso nitong sabi bago ako nito tinalikuran kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kan’ya habang nakabusangot ang aking mukha.
Ito ang nagustuhan ko kay Quinlan, never siyang nag take advantage, kahit na kung minsan ay pabiro ko itong nilalandi, malakas ang control niya sa kanyang sarili.
“Sige, matulog na lang tayo mabuti pa nga.” Anya na may halong kapilyahan bago yumakap sa baywang nito.
“LEXIE...” babala nito sa akin dahil alam niya kung gaano ako kakulit.
“Sige na, para matutulog lang, bakit? ano bang tumatakbo sa isip mo?” nagtataka kong tanong sa kanya.
“W-wala, bakit? ano ba ang iniisip mo?” Ang balik tanong nito sa akin na bhagya pang nautal and his face turned to crimson.
“Uy... his blushing!” Pang-aasar ko sa kanya dahil ang cute nitong mag-blush.
“Stop it, Lexie!” galit-galitan nitong saway sa akin bago nagmamadali na humakbang patungo sa loob ng cabin na pansamantala naming tutulugan dahil bukas pa ang daong ng barko sa pantalan.
“Wake up sleepy head.” Naalimpungatan ako dahil sa mainit na palad na humahaplos sa aking pisngi.
“Wake up, sweetheart, we’re here now.” Narinig kong sabi ni Quinlan kaya napilitan na akong imulat ang aking mga mata.
Ngunit imbis na bumangon ay hinigit ko ito bago niyakap ng mahigpit saka mabilis na pinagpalit ang aming pwesto.
Nagulat ito sa aking ginawa ngunit wala na siyang nagawa pa ng paibabawan ko na ito.
“Matulog pa tayo malamig, Oh,” inaantok kong saad na bahagya pang paos ang aking boses.
Naramdaman ko na hinaplos niya ako sa likod bago niyakap ng mahigpit.
Napangiti ako sa ginawi nito ngunit wala siyang ideya na may kalokohan na tumatakbo sa isip ko.
Nagulat ito ng bigla akong mag-angat ng ulo at saka inilapat ang aking bibig sa bibig niya, pinuno ko ng laway ang bibig nito bago ako mabilis na tumayo at tumakbo sa loob ng banyo.
Mabilis na tumayo si Quinlan at nagmamadaling tumakbo patungong bintana at doon dumura.
“LEXIE!” Galit na tawag nito sa aking pangalan na tinawanan ko lang.
Hingal kabayo na naupo sa ilalim ng puno upang makapagpahinga.
Kasalukuyan kaming naglalakbay sa black mountain patungo sa aming Campo.
Halos ilang milya na ang aming nilakad pakiramdam ko ay para na akong mauubusan ng oxygen sa katawan, dahil sa tagal na panahon din ng huli akong umakyat ng bundok kaya nanibago ng husto ang aking katawan.
Samantalang ang mga kasamahan ko ay parang hindi man lang nakakaramdam ng pagod.
Tumayo na ako at nagsimula muling lumakad habang naka-alalay sa aking likuran sa Quinlan.
Ilang sandali pa ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Nanay Lora kaya masaya ko itong sinugod ng yakap.
“Momma! Namiss kita!” Ang sabi ko dito habang yakap ko ito ng mahigpit at manaka-nakang hinahalikan ang matambok nitong pisngi.
“Ikaw talaga kang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago, napaka-kulit mo pa rin!” Ang natatawa nitong wika habang hinihimas ang aking likod. Nakangiti naman akong tumingin sa maamo niyang mukha.
Nakadama ako ng awa para kay Momma dahil matanda na ito, at hindi na nababagay pa sa ganitong klase ng buhay ngunit wala akong magawa dahil iba ang prinsipyo nito.
Kahit ilang ulit ko na itong hinikayat na umalis na sa grupong ito at mamuhay ng payak, iyong malayo sa karahasan ay hindi ito nakinig sa akin.
Ang katwiran niya ay dito na siya tumanda kaya dito na rin siya mamamatay.
Naagaw ang atensyon ko sa pagdating ni Susi ngunit imbes na ako ang unang batiin nito ay lumapit ito kay Quinlan at humalik sa pisngi ng binata.
Parang balewala naman sa binata ang ginawa nito dahil walang anumang reaksyon ang makikita sa mukha nito.
May kung anong kirot mula sa puso ko ang saglit na umusbong, ngunit binaliwala ko ito dahil si Susi ay best friend ko at tulad ko ay malapit din siya kay Quinlan.
Humarap si Susi sa direksyon ko at nakangiti itong lumapit sa akin bago niyakap ako ng mahigpit.
“How's life in the City?" Ang nakangiti nitong tanong sa akin.
“Eto busog ang mata sa mga gwapo.” Ang pabiro kong sagot bago humagikhik maging ito ay natawa rin.
Ngunit napalingon kaming bigla sa direksyon ni Quinlan ng malakas na sipain nito ang maliit na balde sa harapan nito bago ito lumakad palayo.
“Huh, anong problema nun?” Ang nagtataka kong tanong kay Susi.
“Huwag mong pansinin ‘yon nag-eemote lang ang isang ‘yon.” Nakangising sagot ni Susi bago ako iginiya papasok sa loob ng maliit na kubo kung saan kami naninirahan ni Momma.
Pumasok kami sa loob habang tahimik na nakasunod lang sa aming likuran si Momma.
Ilang minuto lang na nakipag-kwentuhan sa akin si Susi ay kaagad din itong umalis.
“Magtapat ka nga sa akin Lexie, ikaw ba at si Quinlan ay may relasyon na?” Seryosong tanong sa akin ni Momma habang kumakain kami ng hapunan.
“Wala pa po, kasi hindi pa ako sinasagot. Aray!” Pagkatapos sabihin iyon ay napa-daing ako sa sakit ng kurutin nito ang aking tagiliran.
“Umayos ka! Kababae mong tao ay ikaw pa ang nanliligaw sa lalaki.” Ang panenermon nito sa akin kaya natawa na lang ako dahil kahit kailan ay hindi talaga ito mabiro.
“Momma naman, nagbibiro lang ako, alam n’yo namang maganda ang inyong anak kaya hindi ko na kailangan pa na manligaw.
Hayaan mo Momma, darating ang panahon na yayaman tayo, dahil sa ganda ng anak mo siguradong maraming manliligaw at marami din tayong makukolektang ginto!” Ang mayabang kong pahayag.
“Aray!” Ang angal ko ng muli nitong kurutin ang aking balat kaya nakasimangot na ako dahil sa sakit.
“Salbaheng bata ‘to, may balak ka pang pagkakitaan ang mga manliligaw mo, umayos ka Lexie.” Ang galit-galitan na wika nito sa pagitan ng pagsubo.
“Isa lang ang maipapayo ko sayo, Anak, huwag kang magtiwala ng husto sa mga taong nakapaligid sa’yo, dahil hindi lahat ay matatawag na kaibigan.” Ang makahulugang sabi nito na siyang pinag-taka ko.
Naguguluhan na tumingin sa kan’yang mukha at napansin ko na sa pagkakataong ito ay seryoso siya sa mga salitang binitiwan.
Nakikita ko sa kanyang mukha na may nais itong sabihin ngunit mas pinili nitong manahimik na lamang at idaan ang lahat sa payo.”