Prologue
“Swoosh...”
Malakas na ihip ng hangin.
Ang paligid ay nababalot ng kadiliman, wala kang ibang matatanaw kung hindi ang mga nagtataasang mga puno at ang masukal na daan na kanilang tinatahak.
Sumasabay sa huni ng mga kulisap ang malakas na paghinga ng mag-asawang Tanner.
Walang katapusan na pagtakbo ng mga oras na ito habang kipkip sa kanilang mga bisig ang dalawang sanggol.
Mga puso’y puno ng pangamba at takot para sa kaligtasan ng buong pamilya, hindi alintana ang mga sanga na sumusugat sa kanilang mga balat.
Wari mo’y nakauunawa sa kanilang sitwasyon ang dalawang paslit, dahil kapwa tahimik at hindi man lang gumagawa ng ingay.
Ilang sandali pa ay huminto sa pagtakbo ang Ginang pakiramdam niya ay pinangangapusan ng siya ng hininga, habang ang Ginoo ay halos mabingi dahil sa lakas ng kabog ng kan’yang dibdib.
“Huh! Huh! E-Elias, h-hindi ko na yata kaya...” anya sa kanyang esposo, habang sinisikap na mahabol nito ang kan’yang hininga.
Mukha nito’y namumutla na at hindi na rin maampat ang mga luha nito na patuloy sa pagpatak.
“Kayanin mo, Mahal ko, Pakiusap...” anya sa nagsusumamo na tinig, kahit anong pagsisikap na maging matatag sa paningin ng kanyang pamilya ay tuluyang humulagpos ang luha ng kahinaan.
Paano ba sila napunta sa ganitong sitwasyon gayong sa pagkatandan nila ay masaya silang nagba-biyahe pabalik ng lungsod.
Isang grupo ng mga bandido ang humarang sa kanilang tinatahak na landas.
Sa kagustuhang mailigtas ang pamilya ay nilampasan ni Mr. Tanner ang mga bandido at doon ay nagsimula ang walang katapusang habulan.
“Huwag titigil hanggat hindi ninyo nakikita ang dalawang ‘yun!” Nangibabaw ang malakas na sigaw ng isang mabagsik na boses ng lalaki sa katahimikan ng gabi.
Matinding pangamba ang lumarawan sa magandang mukha ng Ginang, at kahit pagod ay sinikap pa rin nitong tumakbo habang yakap ang isang munting sanggol.
“Ahhhh!” Isang sigaw ang pinakawalan Mrs. Tanner ng mahulog ito sa isang bangin, dahil sa kadiliman ay hindi na nila napansin na nasa gilid na pala sila ng bangin.
Nagpagulong gulong ito pababa ngunit sinikap pa rin na protektahan ang anak na nasa kan’yang mga bisig.
“Melissa!” Malakas na tawag dito ni Elias, halos takasan na ito ng kaluluwa dahil sa matinding takot na bumabalot sa kanyang pagkatao.
“Nandito sila!” Narinig niyang sigaw ng isang lalaki, walang nagawa si Elias kung hindi ang unahin muna ang kaligtasan ng sanggol na hawak.
Pigil ang hininga habang nakakubli mula sa makapal na damuhan.
Kinabahan bigla si Mr.Tanner ng biglang umingit ang sanggol, kaagad niya itong ipinaghele upang hindi tuluyang magising.
Makapigil hininga ang bawat sandali, tanging impit na dalangin ang kayang gawin ni Mr. Tanner.
“Doon!” Turo ng isang lalaki na may matapang na mukha, nang makarinig sila ng mga kaluskos mula sa di kalayuan.
Sadyang napakabuti ng Maykapal dahil itinaboy niya ang mga bandido palayo, na may isang hakbang na lang ang layo mula sa mag-ama.
“M-Melissa...” humagulgol ng iyak si Mr. Tanner ng makitang nakahandusay ang asawa sa lupa, wala na itong buhay dahil sa malakas na pagkabagok ng ulo nito mula sa isang malaking bato.
“A-Ang anak kong si Alisha, hanapin n’yo! Ang anak ko...” umiiyak na wika nito, habang nakikiusap sa mga taong rumescue sa kanila ngunit may dalawang oras na silang naghanap sa buong paligid ay bigo sila na mahanap ang sanggol.
——————————
“Sa susunod na tawagin n’yo pa akong Ampon hindi lang iyan ang aabutin ninyo sa akin.” May bantang saad ng isang kinse anyos na batang babae habang pinapagpagan nito ang nadumihang uniporme.
Hindi nakaimik ang dalawang batang lalaki na nanatiling nakatungo sa harapan nito.
“Lumayas na nga kayo sa harapan ko at baka hindi ako makapagpigil ay balian ko pa kayo ng buto.” Nanggigigil na wika nito bago tinalikuran ang dalawang batang lalaki na nangbully sa kanya.
Ngunit natigilan itong bigla ng sa pagpihit ng kan’yang katawan ay ang seryosong mukha ng Teacher nila ang sumalubong sa kan’ya.
“In my office, Ms. Zimmerman.” Seryoso nitong wika na siyang nagdulot ng kabâ sa dibdib ng dalagita.
“Good Afternoon po Ma’am,” nakangiting bati ni Ginang Lora pagdating sa bungad ng pintuan nang opisina nang guidance counselor.
“Please, come in, Mrs.” anya ng guro kay Ginang Lora.
“Ipinatawag kita dahil sa problema sa iyong anak, Mrs. Zimmerman.” Nagtataka ang Ginang at saka lang niya napansin ang dalawang batang lalaki na nakatayo sa gilid, Isang payat at isang mataba.
Putok ang labi ng isa habang ang matabang bata ay namamaga ang kabilang pisngi nito, gusot din ang mga suot nilang uniform.
Hindi pa man nagsimulang magsalita ang Guro ay nahuhulaan na niya kung ano ang nangyari kaya isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa magaling na anak.
Mukha naman itong pinitpit na luya dahil nawala ang tapang na ipinakita nito kanina.
“Bumalik kang bata ka dito! Wala ka ng ginawa kung hindi ang pumasok sa gulo! Pati ako ay napahiya sa ginawa mo!” Nanggagalaiti na sigaw ni Lora sa kanyang anak habang bitbit nito ang mahabang sinturon panghapyut sa pasaway na anak.
“Sorry na Momma, hindi ko naman po sinasadya, nambubully kasi sila!” Pangangatwiran ng anak nito habang tumatakbo! Nang makarating sa kanilang bahay ay kaagad na umikot ito sa kanilang kubo saka mabilis na pumasok sa loob ng banyo.
“s**t! Lexie, ano ba, naliligo ako!” Naibulalas ng binatang si Quinlan, puno pa ng sabon ang katawan nito.
“Sssshhh...” anya ng dalagita bago sumenyas na huwag maingay. Bigla naman ang pagdating ng ina nito kaya naunawaan na ng binata kung ano ang nangyayari.
“Quinlan, nakita mo ba ang batang ‘yon?” Hinihingal na tanong ni Ginang Lora sa binatang naliligo, tanging ang ulo lang nito ang nakalitaw mula sa loob ng paliguan na napapalibutan lang ng dingding ngunit walang bubong.
“Hindi po, Tita.” Tipid nitong sagot bago hinilamusan ang mukha na may sabon.
“Humanda ka sa akin kang bata ka! Paluluhurin kita sa buhangin!” Nanggigigil na sabi nito habang naglalakad palayo.
“Ano na naman ba ang ginawa mo?” Galit na tanong ni Quinlan sa dalagita ngunit nagtaka siya kung bakit nanahimik ito habang nakayuko.
Saka lang niya naalala na nakahubad nga pala siya.
“A-ano yan?” Inosenting tanong nito habang nakaturo ang daliri sa alaga ng binata.
“Bastos kang bata ka! Tumalikod ka nga!” Nagmula ang buong mukha ng binata at mabilis na tinakpan ng tabo ang kanyang alaga.
“Kung makareact naman akala mo kukunin sa kanya, eh, ang pangit nga ng hitsura n’yan! Hmp, makaalis na nga.” Anya ng dalagita bago inismiran ang binata at tuluyan na itong lumabas ng banyo.
Lexie Zimmerman isang babae na ma-prinsipyo sa buhay at palaban, hindi basta nagpapatinag kahit gaano pa kahirap ang buhay na kanyang kinamulatan.
Siya ang isa sa kambal na nawawalang anak ni Mr. Elias Tanner, at kasalukuyang ampon ni Lora Zimmerman, ang kanang kamay ng pinuno ng mga Terorista.
——————————-
“Hi Chloe, meron ba tayo d’yan?” Anya ng isang estudyante sa dalagitang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan.
Mabilis na dumukot mula sa bulsa ang dalagita at inilabas ang isang libong papel na pera bago nagmamadaling inabot sa estudyante na humarang sa kanyang dinadaanan.
“Bakit ito lang? Ang yaman ng pamilya mo tapos ito lang ang ibibigay mo sa amin?” Naiirita na tanong nito sa dalagita, hindi na rin maipinta ang mukha ng mga kasamahan nito.
“P-pasensya na nakalimutan ko kasing mag withdraw.” Mahinang sagot ng dalagita ramdam ang matinding takot nito para sa mga kaharap, sumenyas ang babae sa kan’yang mga kasamahan kaya kinaladkad ng mga ito ang dalagita patungo sa loob ng rest room.
Hinablot ng isa sa kanila ang bag nito bago hinalungkat ang loob, labis na kasiyahan ang lumarawan sa mukha nila ng makita ang ilang mamahaling gamit sa loob ng bag nito.
“T-Teka hindi n’yo pwedeng kunin ‘yan, importante sa akin ang mga gamit na ‘yan.” Umiiyak na wika ng dalaga habang pilit na inagaw ang kanyang gamit mula sa kamay ng mga estudyanteng nambubully sa kanya.
“Pak! Masyado kang madamot, eh, barya lang naman ito sa tatay mo!” Anya pagkatapos itong sampalin ng malakas, napaupo ito sa sahig habang hawak ang nasaktang pisngi.
“P-pakiusap, ibalik n’yo sa akin ang kwintas, nag-iisang ala-ala sa akin ‘yan ng Mommy ko.” Patuloy ito sa pagmamakaawa ngunit hindi na ito pinansin pa ng mga estudyante.
“Ibalik n’yo sa kan’ya ‘yan kung ayaw ninyong ipatawag ko kayo sa Guidance.” Anya ng isang binatilyo bago humakbang ito palapit sa dalagitang umiiyak.
Tinulungan niya itong makatayo bago dinampot ang mga nagkalat na gamit nito.
Walang nagawa ang mga nambully sa dalagita kung hindi isauli ang kwintas nito habang matalim ang tinging ipinupukol sa kanila.
“Bakit hinahayaan mo sila na apihin ka?” Naaawa na tanong ng binata sa dalagita.
“N-natatakot kasi ako,” mahina nitong sagot, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata bago inilahad ang kamay sa harap nito.
“Emerzon, anong pangalan mo?” Malumanay na tanong nito sa dalagita.
“C-Chloe,”
Chloe Tanner, isang babae na may mahinang personalidad kaya madalas makaranas ng pambubully mula sa ibang tao.
Siya ang kakambal ng nawawalang si Alisha Tanner/ Lexie Zimmerman.
Magkapatid na pinaghiwalay ng tadhana, si Chloe na lumaki sa marangyang buhay at sagana sa pagmamahal ng isang ama.
Si Lexie na lumaki sa poder ng mga Terrorista, dumanas ng kahirapan at maagang namulat sa karahasan.
May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya?