Lexie’s POV
“Bang! Bang! Bang!” Pagkatapos ng magkasunod na putok ay tumalsik ang mga lata mula sa malayo.
Natutuwang humarap ako kay Quinlan at makikita sa aking mukha ang matinding confidence para sa sarili.
“Did you see that? I'm a sharpshooter now.” Ang mayabang kong pahayag.
Umiiling na lumapit sa akin si Quinlan, huminto ito sa aking harapan at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko bago ito inipit sa aking tainga.
“Yeah, I know magaling ka na talagang humawak ng baril.” Ang malumanay nitong sabi.
“So it means, I can join your group now every time you have a mission?” Nagagalak kong sabi habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi.
Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa aking mukha na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito.
Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa aking mukha kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata at tulad ng inaasahan ko ay lumapat ang labi nito sa aking bibig.
Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ng isang lalaki sa labi at ilang segundo pa ay maingat na gumalaw ang labi ni Quinlan.
Kusang kumilos ang aking mga labi dahil para akong naienganyong gayahin ang bawat galaw ng labi nito.
Pinutol niya ang halik at niyakap ako ng mahigpit. “Q-Quinlan...” ang nagtataka na tanong ko sa kan’ya.
“I love you Lexie.” Puno ng emosyon ang tinig nito ng banggitin nito ang tatlong kataga na iyon kaya natigilan ako at hindi makapaniwala sa aking narinig.
Kinalas ko ang pagkakayakap nito sa akin at hinarap ko ito.
“Seryoso? M-mahal mo ako?” Tanong ko sa kan’ya na sinisigurado ko kung tama ba ang narinig ko mula sa kan’ya.
Natawa itong bigla at natutuwang pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko.
“Sinasabi ko na nga ba matagal mo nang pinagnanasaan ang ganda ko, tsk.” Nang-aasar kong sabi na siyang ikinatawa nito ng malakas.
“Ibig bang sabihin nito tayo na? Seryoso kong tanong sa kan’ya habang ito naman ay tila natutuwa sa kainosentihan ng aking mukha.
“Yeah, you are mine now, so it means I’m the only one who has the rights with you.” Awtoridad nitong wika.
Malapad akong ngumiti rito bago ako yumakap ng mahigpit sa baywang ni Quinlan.
“So, ngayong tayo na ay kailangan kasama kita sa lahat ng oras, kaya kailangan kasama na rin ako sa mga mission ninyo.” Natutuwa kong pahayag.
“NO!” Mabilis na sagot nito sa akin kaya naman napasimangot ako.
“Sige na,kahit isang beses lang gusto kong patunayan ang kakayahan ko.
Eighteen years old na ako kahit minsan ay hindi mo ako pinahintulutan na sumama sa actual na mission n’yo kaya masyado akong minamaliit ng mga kaibigan ko.” Ang sabi ko sa kan’ya sa tonong nagtatampo.
Narinig ko na huminga ito ng malalim na tila sinisikap na habaan pa nito ang pasensya dahil sa kakulitan ko.
“Fine! pero huwag na huwag kang aalis sa tabi ko at huwag kang kikilos ng hindi ko nalalaman maliwanag?” Ang sabi niya sa seryosong tinig na siyang ikinalaki ng aking mga mata dahil sa wakas ay pumayag na rin ito.
Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ito ng mahigpit bago mabilis na hinalikan ito sa labi na siyang ikinangiti nito.
“Thank you, babe!” Ang nagagalak kong sabi bago ito tinalikuran.
“Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nito sa akin.
“Kay Susi, sasabihin ko sa kanya na sasama na ako sa next mission n’yo.” Ang masaya kong sagot, excited na ako na makausap ang aking best friend.
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at nagmamadali na akong umalis sa harapan nito kaya naiwan na itong mag-isa.
Pinuntahan ko ang lugar kung saan madalas na tumambay si Susi at hindi nga ako nagkamali dahil kasalukuyan itong nagsasanay sa paghawak ng baril.
Malakas akong pumalakpak ng makita ko na tinamaan nito ang target mula sa malayo.
Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito ng bigla itong humarap sa akin at tinutok ang hawak na baril sa aking noo.
Nanlaki ang aking mga mata dahil sa labis na pagkagulat lalo na ng makita ko ang seryoso nitong mukha na parang may malaking galit sa akin.
Kalaunan ay ngumiti itong bigla na parang nang-aasar kaya alam ko na naisahan na naman ako nito.
“Hindi magandang biro ‘yan Susi, pinakaba mo ako ng husto.
Paano kung aksidente mong makalabit ang gatilyo n’yan? sayang ang beauty ko.” Ang naiinis kong sabi sa kanya na siyang kinatawa nito ng malakas.
“May maganda akong balita, alam mo ba na pumayag na si Quinlan na sumama ako sa misyon nila.” Masaya kong pahayag.
“Magandang balita nga ‘yan kasi ikaw na lang ang wala pang experience sa actual na labanan, kum baga ikaw na lang ang kulelat sa atin.” Ang tumatawa nitong sabi kaya nakaramdam ako ng inis.
Dahil totoo ang sinasabi nito halos ang lahat ng kabataan dito ay nakahawak na ng sarili nilang misyon samantalang ako ay laging naka-assign sa monitoring kaya naman halos walang nakakaalam kung ano ba talaga ang kakayahan ko.
“Makikita mo mas magaling pa ako sa kanila at sigurado ako na ha-hanga silang lahat sa kakayahan ko.” Mayabang kong sabi, kaya natatawa na lang ito sa akin habang naglalagay ng bala sa machine gun ng kanyang baril.
“May isa pa akong balita at sigurado na matutuwa ka rito. Alam mo ba na kami na ni Quinlan.” Kinikilig kong sabi na bahagya pang kuminang ang aking mga mata.
Napansin ko na bigla siyang huminto sa paglalagay ng bala at nanginginig na ang mga kamay niya.
“Susi, ok ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya ng napansin ko na namumutla na ang mukha nito.
Kaya kaagad ko itong nilapitan at hinawakan sa likod upang himasin ngunit nagulat ako ng tapikin nito ang aking kamay at mabilis na tumayo.
“P-Pasensya na Lex, b-bigla kasing sumama ang pakiramdam ko, sige maiwan muna kita.” Ang sabi nito bago nagmamadali na itong tumalikod sa akin at humakbang palayo.
Hindi ko maintindihan ang kaibigan kong iyon halos araw-araw ay nag-iiba ang ugali nito maging ang pakikitungo niya sa akin.
Nagsimula lang naman ang lahat ng ito mula ng bumalik ako galing Europe.
Pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang kaibigan ko.
Malungkot akong umuwi sa aming bahay.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Momma na nagluluto ng pagkain para sa aming pananghalian.”
“Oh, nandiyan ka na pala.
Anong nangyari sayo bakit parang namatayan ka!?” Nagtataka na tanong sa akin ni Momma.”
“Momma, bakit kaya ganun si Susi? Ang laki na ng pinagbago niya parang ibang tao na siya at hindi na tulad ng dati.” Malungkot na sabi ng dalaga bago umupo sa bangkong kahoy.
Natigilan ang ina at bumadha ang lungkot sa mukha nito.
Dahil ang kanyang anak-anakan ay inosenti sa lahat ng nangyayari sa paligid nito.
Sa kagustuhan na maprotektahan mula sa mapanakit na mga taong nakapaligid sa anak ay sinikap nitong itago ang lahat ng nalalaman at huwag ipaalam sa kanya ang mga natuklasan noong mga panahon na naninirahan ito sa siyudad.
“Nag-away na naman ba kayong dalawa?” Ang malumanay na tanong nito sa kanyang anak.
“Hindi naman Momma kaya lang napapansin ko na parang hindi na masaya si Susi kapag magkasama kami.
Tapos nakikita ko sa kanya na parang may inililihim siya sa akin, ang laki na ng pinagbago niya.” Malungkot nitong sabi.
Halata sa inosenti nitong mukha na masyado itong naapektuhan sa inasal ng kaibigan.
“Alam mo Lex ikaw na lang ang bahalang umunawa sa kaibigan mo, baka hindi natin alam na may problema pala itong kinakaharap at ang tanging maitutulong lang natin ay ang unawain siya.” Ang malumanay na pahayag ng nanay Lora niya.
Ang lungkot sa mukha ni Lexie ay napalitan ng pag-aalala para sa kaibigan dahil sa sinabi ng ina-inahan nito.
“Thank you Momma, dahil sa sinabi mo ay naliwanagan ang isip ko.” Masaya na ang bukas ng mukha nito.
Tumayo ang dalaga bago malambing na niyakap ang may katabaan nitong katawan.
“Alam mo Momma may ibabalita ako sa’yo, kami na ni Quinlan.” Masayang sabi ni Lexie na siyang ikinagulat ng ina nito kaya hindi sinasadyang nabitawan nito ang plato at nabasag sa sahig.
“Momma! ok ka lang?” Ang natataranta na tanong ni Lexie bago nagmamadaling kinuha ang dustpan at walis.
“Mag-ingat ka Momma baka sa sunod masugatan ka n’yan!” Ang panenermon nito sa ina na nanatili pa ring tulala at hindi gumagalaw sa kinatatayuan habang si Lexie ay abala sa paglilinis sa mga bubog.
“Ahm, Momma may sasabihin pa nga pala ako, sa sunod na mission nila Quinlan ay kasama na ako.” Bakas ang kasiyahan sa tinig ng dalaga.
Ngunit ng lumingon ito sa ina ay nataranta ito dahil sa nakikitang pamumutla ng mukha nito na tila nahihirapang huminga.
“Momma! Momma! Huwag mo akong iiwan hindi ko kaya kapag nawala ka!” Ang naluluhang wika ng dalaga bago mabilis na kinuha ang isang basong tubig ay dinala sa bibig ng ina.
Pagkatapos nitong uminom ng tubig ay tila nahimasmasan ang matanda.
“Papatayin mo talaga ako sa konsumisyon kang bata ka!” Galit na sigaw nito kay Lexie bago malakas na pinalo ito sa braso.
Sino ba naman ang hindi aatakihin sa puso kung hindi ka pa nga nakakarecover sa unang sinabi nito ay sinundan naman nito ng nakakagimbal na balita.
“Ouch! Momma naman, masakit eh,” ang reklamo nito habang hinihimas ang nasaktang braso.
“Ay talagang masasaktan ka sa akin para makapag-isip ka ng matino!” Ang bulyaw ng matanda dito kaya napapakamot na lang sa ulo si Lexie.
Dumating na ang araw na kinatatakutan ni aling Lora dahil ayaw niya na mapahamak ang kanyang anak.
Oo, inaasahan na niya na mangyayari ang mga ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito lubos na matanggap.
Binalot ng matinding takot at pag-aalala ang puso ng matanda kaya malungkot niyang pinagmasdan ang magandang mukha ng anak.
Sa totoo lang ay hindi nababagay ang kanyang anak sa ganitong klase ng buhay ngunit wala siyang kakayahan na mailayo ito.
Marami na kasi ang sumubok na tumiwalag sa kanilang grupo ngunit kahit isa ay walang nagtagumpay.
Iisa lang ang kinahinatnan nilang lahat, kamatayan.
Labis na nahihirapan si Aling Lora ngunit wala siyang magawa para sa anak.
Minsan na siyang umasa na sana balang araw ay makaalis ang dalaga sa magulong pamumuhay na kanilang kinasasadlakan.
Noong una ay ok lang sa kanya ang ganitong klaseng buhay ngunit simula ng dumating sa buhay niya si Lexie ay biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay.
At ang isa pang problema na kinakaharap ay ang kasunduan nila ng kanilang kumander.
Upang huwag lang magalaw si Lexie ng kanilang mga kasamahan ay pumayag si Aling Lora na ipakasal ang kanyang anak-anakan sa anak ng kanilang pinuno at iyon ay si Quinlan.
Labis siyang nababahala dahil mukhang mapapaaga na mangyari ang mga kinatatakutan niya.
Nakaramdam ng pagsisisi si Lexie ng makita ang malungkot na mukha ng ina habang nakatulala na naman ito na parang wala sa sarili.
Lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit.
“I’m so sorry, Momma, promise po hindi na ito mauulit.” Malambing na wika nito sa ina.
Tuluyan ng naiyak ang matanda at mahigpit na niyakap ang anak.
“Wala kang kasalanan, basta lagi mong tatandaan mag-iingat kang mabuti at huwag kang magtiwala kahit kanino dahil alam mo kung anong klaseng buhay ang mayroon tayo.
Kapag dumating ang panahon na hindi mo na kaya ang lahat at sa tingin mo ay mali na ang lahat huwag kang mag-alinlangan na lisanin ang lugar na ito.
Bata ka pa Lexie at malayo pa ang mararating mo.” Ang madamdaming pahayag nito na siyang ikinaluha ni Lexie bago niyakap nila ng mahigpit ang isa’t-isa.