LIGHT's POV Pinigilan ko si Gab na maka labas ng bahay. Mabilis naman siyang lumingon sa akin nang nagtataka. "Anong problema? Kailangan nating hanapin si Summer kaya kailangan na nating magmadali. Baka mapatay niya si Christ."sabi sa'kin ni Gab. "Hindi natin siya mahahanap, pero sigurado ako na hindi niya sasaktan si Christ."sabi ko. "Anong ibig mong sabihin"nagta- takang tanong niya. "Hindi natin siya mahahanap unless tumibok nang mabilis ang puso niya. At sigurado akong hindi niya sasaktan si Christ kasi--- si Christ ang nag palabas ng asul na kapangyarihan niya."sabi ko. Natahimik siya sa sinabi ko at halatang naguguluhan siya at hindi makapaniwala. "Imposible. Isang tao ang Christ na yun." "Kahit ako ay hindi din makapaniwala. Hindi ko din alam na totoo pala ang asul na kap