SUMMER's POV Hindi lang ako ang nabibigla ngayon sa nakikita ko dahil halata ko din na pati si Luke ay nabibigla din. Samantalang yung mga ibang estudyante naman ay humahanga dahil sa itsura ni Leifer. Hindi ko alam kung nagtama ba ang mga mata namin at nakita niya ako o iniisip ko lang yun dahil baka hindi niya ako mamukhaan. Maya maya pa ay dumaan siya sa harapan namin ni Luke at nginitian ako. Ako? Ibig sabihin ay nakita niya nga ako at nakilala. "Okay guys, I want you to meet Mr. Leifer--- siya ang magiging new coach niyo."-nakangiting sabi nung Teacher sa amin. Madami agad ang nag-react dahil dun habang nanatili lang kaming walang imik ni Luke. "Maiwan ko na muna kayo."sabi pa ni teacher at nag-goodbye naman kaming lahat sa kanya tsaka siya tuluyang umalis. Ngayon ay h