bc

The Last Ace Vampire

book_age16+
4.1K
FOLLOW
25.2K
READ
family
playboy
badboy
goodgirl
bxg
mystery
vampire
campus
another world
disappearance
like
intro-logo
Blurb

WARNING: RATED SPG-18/ FANTASY

****

She is Summer Dhess Dela Vega, kakaiba siya sa ibang mga bampira dahil siya ang huling alas. Nasa kanyang kamay ang kaligtasan ng mundo ng mga tao at ng mga bampira. Siya lang ang natatanging alas na nagtataglay ng dalawang makapangyarihang elemento, ang buwan at ang araw.

Ngunit, sa pagsapit pa ng ika-labing walong taon niya makukuha ang kanyang tatak kaya hindi pa siya ganon kalakas para kalabanin ang mga itim na bampira na gusto siyang patayin. Kaya naman, napagdesisyunan ng kanyang magulang na ipadala siya sa Pilipinas kasama ang kanyang Kuya upang doon magtago. Sa pananatili niya sa Pilipinas, doon niya naranasan ang mamuhay ng isang tunay na tao.

Pumasok siya sa isang University kung saan doon din pumapasok ang kanyang Kuya Light at nakilala niya si Christ San Joaquin. Ang lalaking magpapabago ng plano niya sa buhay. Magmamahalan sila ngunit hindi ganon kadali ang dadanasin nilang dalawa. Lalo na kung dumating ang panahon na kailangan ng burahin ni Summer ang alaala ng lalaking minamahal siya para hindi na ito masaktan pa. Kakayanin pa kaya nilang magsamang dalawa?

© 2020 penpenthelarapen. All rights reserved.

Status: Completed

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
"Dad, please don’t do this to me," sabi ko kay Dad. Pero tinalikuran niya lang ako at bigla siyang pumasok sa kuwarto at kumuha ng bag ko at pinag kukuha ang mga damit ko at nilagay dun. "Dad...hindi ko kayang mag-isa,"sabi ko at sinundan ko siya sa loob ng kuwarto ko. "Hindi ka mag iisa, nandu'n ang Kuya mo. Summer, kailangan mo tong gawin.Para ito sa ikakabuti mo, para sa kaligtasan mo,"sabi niya. "Pero...." "Wala nang pero-pero pa Summer, pupunta ka sa Pilipinas at yun na ang desisyon ko. Hanggat hindi ka pa dumadating sa tamang edad.hindi ka ligtas," sabi pa niya. "Pero ang sabi sa libro,ako ang nagtataglay ng makapangyarihang tatak," sabi ko pa kay Dad. "Pero hindi pa lumalabas ang tatak mo," sabi ni Dad at tumingin sa kin nang diretso. "Dad, kaya kong iligtas ang sarili ko," sabi ko ulit sa kanya. "Wala ka pa sa tamang edad at habang wala pa sa’yo ang tatak...wala kang kapangyarihan...wala pa sa’yo ang malalakas na kapangyarihan," sabi pa ni Dad. "Summer, makinig ka sa Dad mo. Para sa ikakabuti mo toh. Hindi ka ligtas dito sa California. Balak kang patayin ng ibang mga bampira para makuha nila ang tatak mo," sabi ni Mom. "At kapag nakuha nila ang mga tatak maaring gamitin nila ito sa kasamaan. Maaring sakupin nila ang buong mundo." sabi naman ni Dad. "Nakuha na nina Ada ang kapangyarihan ng Lolo mo...ang kulog, kaya kailangan pag ingatan mo ang tatak mo. Dahil diyan naka paloob ang kapangyarihan mo."sabi pa ulit ni Mom. Hindi na ko naki pagtalo pa... Lumabas ako ng bahay at sinuot ang hood ko. Hinawakan ko ang kwintas na binigay noon sakin ni Lola. Cross Pendant siya... Ito ang nag silbing kaligtasan ko nung bata pako. Nilayo ako ng kwintas na toh sa mga bampira na hinahanap ang huling alas. At ako......... AKO ANG HULING ALAS! Sabi ni Lola, ako ang nag tataglay ng dalawang maka pangyarihang mga bagay. Ito ay ang buwan at ang araw. Sa lakas ko, kaya kong sakupin ang buong mundo. Kakaiba ako... Yun ang sabi sakin ni Lola. Dahil naka sulat sa libro na ipapanganak ang isang batang bampira na mag tataglay ng dalawang tatak..at ako yun. Dahil ang ordinaryong bampira ay nag tataglay lang ng iisang tatak. Tama si Dad, wala pa kong lakas... Wala akong kapangyarihan... Ang sabi sa libro....kapag nakuha ko na ang tatak ko madami na kong kayang gawin at hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang ibig sabihin ng mga tatak ko. At ngayon, kailangan kong umalis. Kailangan kong pumunta sa Pilipinas upang mag tago. Hanggang hindi pa ko sumasapit sa tamang edad. . . Im Summer Dhess Dela Vega. 17 going 18. Ang nanay ko, isang tao pero wala na siya dahil namatay siya ng ipinagbubuntis niya ako... Samantalang ang Dad ko ay isang bampira. Ang babaeng tinatawag kong Mom, ehh ang nanay ng Kuya ko na nasa Pilipinas ngayon. Sabi kasi, kapag nasa tamang edad na ang mga lalaking bampira at pagnakuha na nila ang tatak nila... Maaaring mag sarili na sila ng buhay. Pwede na nilang gawin ang gusto nilang gawin. Kaya magkahiwalay kaming lumaki ng kuya ko na si Light Dela Vega. Ang tatak niya ay kidlat dahil sing bilis siya ng kidlat kong kumilos. Ako?? Hmm wala pa kong masyadong kakayahan bilang isang bampira. Ang tanging kaya ko lang gawin ay ang magpa galaw ng mga bagay gamit ang isip...kaya ko din na maging invisible. Pero syempre magagamit ko lang yun pag nasa pangabib ako. Sabi ni lola, pag nasa tamang edad na ko at nakuha ko na ang tatak ko...mas kaya ko nang gawin ang mga bagay na hindi ko kayang gawin. Tulad ng nakasulat sa libro, kaya kong mag pa dilim ng kalangitan at ibalik ito sa liwanag . Kaya kong magkatawang hayop, gumaya ng itsura ng isang tao. Mang hypnotize..bumasa ng isip at madami pang iba. Merong madaming uri ng bampira. May taga sunod,maharlika,mababait at masasama. Sa parte namin..hindi namin kailangang uminom ng dugo ng tao, unless kapag malapit ng mamatay ang isang bampira.. Ang dugo ng tao ang pina painom upang bumalik ang lakas nito. Ngunit iniiwasan namin ang bagay na yun, dahil ang sabi ni Dad, kapag ang isang bampira ay naka tikim na ng dugo ng tao ....hahanap hanapin na yun at yun ang dahilan kung bakit pinapatay ng bampira ang tao. Kami?? Hmm mga dugong maharlika kami... Kaya naming mag lakad kahit may araw.. Kumain nang mga pagkain na may mga bawang o ano pa...at kaya din naming pumasok sa simbahan...ang hindi lang pwede ay kapag nagba-basbas na ang pari ng holy water. Minsan naiisip ko kung blessing ba ang maging ganitong uri ng nilalang kasi matagal ang buhay naming mga bampira, di tulad ng mga tao. Madami kaming kayang gawin di gaya ng mga mortal. At minsan naiisip ko din kung isa ba tong sumpa? Alam naman namin na hindi kami tanggap ng mga tao, takot sila sa'min...pero hindi nila alam,isa din kami sa mga taga pagligtas nila sa oras na lulusob sa kanila ang mga masasamang bampira. . . Bumalik na ko sa bahay...ilang oras na lang kasi ay aalis na ko, pupunta na ko sa Pilipinas. Pag ka rating ko sa bahay... nbigla ako ng sa nakikita ko ngayon. Nakita ko na may mga taong naka itim sa loob ng bahay namin. Hawak nila si Dad and Mom. "Summer!!!"tawag sakin ni Dad. "DAD!!"lalapit sana ako pero biglang may babaeng sumulpot sa harap ko. Nilabas ko ang pangil ko... "Hahaha...ikaw pala...si Summer."sabi nung babae. "Layuan mo ang anak ko Belinda!!"sigaw ni Mom, hawak hawak siya ng dalawang lalaking naka itim, ganon din si Dad. Pina-paikutan ako nung babae ngayon. "Dilaw parin ang mga mata mo, nangangahulugan lang...na wala pa sayo ang tatak mo."sabi nung Belinda. "Ano bang kailangan mo!? Pakawalan mo ang mga magulang ko!"madiin na sabi ko sa kanya. "Wag kang mag alala hindi ko naman sila sasaktan, meron lang akong gustong sabihin...sa huling alas."sabi niya at pumunta siya sa likod ko. "Madaming nag hihintay sa pag litaw ng tatak mo...at isa na ako dun."bulong niya. Naramdaman ko ang pag layo niya... "Tara na."sabi pa nung Belinda at wala pang ilang segundo ay naka alis na sila. Ipinikit ko ang mga mata ko at nararamdaman kong nawawala na ang mga pangil ko, bumabalik na ko sa normal. Mabilis kong nilapitan sina Mom and Dad. "Kailangan mo nang umalis Summer, ito na ang kinatatakutan namin."sabi ni Dad habang hawak hawak niya ang sugat niya. Kaya namin pagalingin ang sariling sugat namin kung may sapat kaming kakayahan pero kung galing sa isang bampira din, hindi namin yun kaya. "Hindi lang ang grupo nina Belinda ang maaring sumugod dito, marami pa Anak, kaya kailangan mo ng umalis sa lalong madaling panahon."sabi ni Mom. "Umalis kana!"sigaw pa ni Dad. Kahit labag sa kalooban ko ang umalis sa ganong sitwasyon nila ay umalis nako. Pikit mata akong lumabas sa pinto habang buhat-buhat ko ang mga bagahe ko at sinuot ang hood ko. **** Habang naglalakad...naramdaman ko na parang may sumusunod sa'kin. Kaya mas lalo kong binilisan ang paglakad ko, lumingon ako sa likod ko pero wala akong nakita. Pero pagharap ko............. Nabigla ako sa isang matangkad na lalaki na sumalubong sa'kin. Agad kong binitawan ang mga bag ko at hinawakan siya sa kwelyo niya at dinikit sa pader. Pero wala pa rin siyang kibo... "Bakit moko sinusundan??!! Sino ka??!!"galit na tanong ko sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
151.1K
bc

OSCAR

read
236.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.2K
bc

NINONG III

read
385.2K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.4K
bc

Love Donor

read
87.6K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook