SUMMER's POV "Saan naman tayo pupunta ngayon?"tanong ko kay Christ. Nakasakay lang kami ulit dito sa mini car pagkatapos naming kumain ng tanghalian. Akala ko kasi ay babalik na kami para umuwi pero hindi pa pala. "May pupuntahan pa tayo diba? Sinabi ko na sayo kanina nung kumakain tayo."sagot niya habang chine-check niya yung sasakyan niya. Hindi ko naman alam kung ano yun kasi wala naman akong alam sa sasakyan. "Ehh saan nga tayo pupunta?"tanong ko ulit. Medyo hindi ko na kasi matandaan yung sinabi niya kanina dahil masyado siyang madami para matandaan ko. "May isa pang bahay toh sa may dulo. Ipapakita ko din sayo yun ay promise-- mag eenjoy ka."sabi niya at medyo sumilip sa'kin ng konti at ngumiti. "Ahh. Ganon ba? Sige excited na ko."masayang sabi ko. Agad akong napa str