Chapter 16-Paminta

2529 Words
Hindi mapinta ang guwapong mukha ni Brett habang nakaupo siya sa loob ng conference room at hindi malaman kung nakikinig pa ba siya sa salaysay ng isang empleyedo ng kompanya dahil ukupado ng isipan niya si Anna. Noong isang araw pa pinapasakit ng babae ang ulo niya. Ilang beses na niya itong pinagbawalan na makipag-usap kay Aaron pero matigas ang ulo ng babae, kasing tigas ng p*********i niya ngayon dahil nanggigigil na siya sa babae. Patuloy sa pagsasalita ang isang empleyado sa gitna habang isinasalaysay nito ang topic ng meeting nila nang walang gana niyang pinutol ang sasabihin pa sana nito. "I'm bored. Matagal pa ba iyan?" Laglag ang panga ng babaeng nasa harap. Hindi malaman kung ngingiti ba o iiyak. Ang ilang ka meeting niya ay napailing na lamang. Sumagot ang babae na nauutal. "Medyo po, Sir." Napaikot ang mga mata ni Brett at marahas na napabuga ng hangin. "Go on." walang gana na tugon niya. Wala siyang choice kundi ang maghintay na matapos ang meeting na ito kahit atat na atat na siyang makita si Anna. Ang babaeng hindi niya malaman kung ano ba ang ginagawa ngayon. Nagluluto ba o nakikipag-usap na naman sa sekretarya niyang si Aaron. Humanda ka sa akin, Anna, kapag nakita kitang kausap si Aaron. Tatanggalin ko ang ingrown ng lalaking iyon! Gigil na aniya sa isipan. Hanggang sa matapos ang meeting ay walang naintindihan si Brett. Wala siyang pakialam dahil siya naman ang may ari ng kompanya at kahit anong oras niya gusto ipaulit ang meeting para lang maintindihan niya ay magagawa niya dahil siya ang boss. Lahat ay susunod sa gusto niya dahil kilala naman ng mga ito ang ugali niya. Bihira siya makihalubilo sa ibang tao, madalas ay mailap siya. Trabaho at bahay lamang simula nang mamatay ang anak na si Paolo, ngunit nang bumalik si Anna sa buhay niya ay nagbago ang lahat. Naranasan niya muling mamasyal sa Mall, kumain sa labas at higit sa lahat ang ngumiti. Oo napapangiti siya ni Anna, lalo na ng anak nitong si Brave. Isa ang batang iyon sa dahilan kung bakit gusto niyang makituloy sa suit ni Anna para makisalo sa atensyon ng bata at sa atensyon na rin ni Anna. Hindi maintindihan ni Brett ang sarili kung bakit paunti-unting nahuhulog ang loob niya sa bata. Palagi niya ito gustong makita at mahawakan. Kung nasa trabaho sila ni Anna ay nagmamadali siyang matapos ang trabaho para makauwi na kaagad sila ni Anna sa suit at maalagaan si Brave. Ayaw niyang isipin na nami-miss niya lang si Paolo kaya nabaling kay Brave ang atensyon niya dahil para sa kaniya ay kakaiba itong nararamdaman niya kay Brave. Fuck the man who got Anna pregnant and gone like s**t! Naiinis si Brett sa lalaking bumuntis kay Anna at iniwanan ng obligasyon ang dalaga. Kapag nalaman niya kung sino ang lalaking iyon ay makakatikim talaga sa kaniya ng suntok na hindi pa nito natitikman sa buong buhay nito. Nang malaman ni Brett na may anak na si Anna ay ang pumasok kaagad sa isipan niya na ang bumuntis kay Anna ay si Rico dahil si Rico ang nakasama ni Anna nang umalis ito ng mansiyon at alam niyang may gusto ang lalaki kay Anna. Kaya noong nag-meeting sila ni Rico sa isang Restaurant ay sinadya niyang dalhin si Anna para magkita ang dalawa. At dahil doon ay nainis siya nang makita ang reaksyon ng dalawa nang magkita ang mga ito, at iyon ang dahilan kung bakit minadali niyang matapos ang meeting dahil may balak pa sana ang dalawa na mag-usap. Naisip ni Brett noon na baka ang pag-uusapan ng dalawa ay tungkol sa anak ng mga ito, pero napapaisip rin siya na kung si Rico nga ang ama ng bata, bakit naman nito tinalikuran ang responsibilidan nito kay Anna? Para sa kaniya ay hindi iyon magagawa ni Rico dahil unang-una sa lahat gusto ni Rico si Anna at kung nabuntis nito ang babae ay malabong tatalikuran nito si Anna. Kilala ni Brett ang kaibigan, mabait si Rico at isang magiting na pulis. Kaya nagkutob na siya na hindi si Rico ang nakabuntis kay Anna, at isa pa wala ni katiting na hulma ng mukha ni Rico ang nakuha ni Brave. Sobrang layo ng mukha ng dalawa kung ihahambing. At kung magkataon na si Rico ang nang iwan ng responsibilidad kay Anna ay hindi siya mangingiming paliparan ito ng magkasunod na suntok sa panga kahit kaibigan niya ito. Nang matapos ang meeting ay nagmamadali ang bawat hakbang ni Brett para makabalik kaagad ng opisina niya. Gusto niyang mahuli sa akto ang dalawa na nag-uusap, at kapag nangyari iyon ay matutuluyan talagang matanggal ang ingrown ni Aaron at sisiguraduhin niyang magdudugo talaga ang kuko nito. Pagkarating sa opisina niya ay kaagad niyang pinihit ang pinto pabukas, at ang nabunggaran niyang eksena ay hindi nagustuhan ng mga mata niya at literal na umakyat ang dugo niya sa ulo nang makitang naghahalikan ang dalawa. "What the hell?!" galit niyang naibulalas dahilan nang pagkahiwalay ng mga mukha ng dalawa. NAGLULUTO ng ulam na adobong baboy si Anna sa mini kitchen ng opisina ni Brett, at nang ilalagyan niya ito ng pamintang pino ay bigla siyang napabahing dahilan upang mai-shake niya ang bote at saktong sa mukha niya iyon bumuga, at napasukan pa ang mga mata niya. Mahapdi iyon at napuwing siya kaya habang nakapikit ay pinatay niya ang stove at nangangapa at nakangiwi niyang tinungo ang lababo, paandarin ang tubig upang maghilamos. "s**t! Ang hapdi!" usal niya habang panay ang paghihilamos pero mahapdi at mapait pa rin ang mga mata niya. Nanlalabo ang mga paningin ni Anna na lumabas ng kitchen upang humingi ng saklolo kay Aaron. Pakiramdam niya kasi ay nanatili ang paminta sa loob ng mga mata niya kaya tinawag niya si Aaron gamit ang telepono upang papasukin ito sa opisina ni Brett kahit alam niyang pinagbabawal ng lalaking gurang na iyon na makipag-usap siya kay Aaron. Hindi naman nagtagal ay humahangos na dumating si Aaron at nag-aalala siyang sinaklolohan. "Are you okay, Anna?" anito sabay sapo sa mukha niya upang tingnan ang mga mata niyang napasukan ng paminta. "Bakit mo naman kasi sinaboy sa mukha mo ang paminta?" dagdag pa na tanong ng lalaki. Napangiwi si Anna. Nakaupo siya ngayon sa kaniyang couch habang nakaluhod naman si Aaron sa harapan niya, pantay ang mga mukha nila at sinusuri nito ang mga mata niya. "Eh, kasi nabahing ako, eh, kaya sa mukha ko nasaboy ang paminta sa bote." mangiyak-ngiyak niyang sabi sa lalaki. Napailing ang lalaki, kapaguwan ay kumuha ito ng cotton buds na dala nito at dahan-dahang tinanggal ang paminta sa loob at sa gilid ng mga mata niya dahil doon ito dumikit. Halos tumulo ang mga luha ni Anna at sipon dahil sa hapdi dulot ng pamintang pino. Namumula rin ang dalawang mga mata niya na animo'y isa siyang adik na kakasinghot lang. "Wala na," pahayag ni Aaron nang sa wakas ay matanggal na ang paminta. Wala na pero mahapdi pa rin ang mga mata ni Anna, naluluha rin siya at medyo malabo ang kaniyang paningin. "Ang hapdi niya, Aaron." aniya. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata. Parang ayaw niyang imulat ang mga iyon. "May I see nga ulit. Dahil kung malala na iyan naku, kailangan na natin pumunta ng Doctor." Hinawakan ni Aaron ang magkabila niyang pisngi at iminulat naman niya ang mga mata. Sinuri ng lalaki ang mga mata niya, hinipan rin nito iyon. Nasa ganoon silang eksena nang biglang may galit na nagmura dahilan upang sabay silang mapabaling roon ni Anna, ngunit sa pagbaling ni Aaron ay isang malakas na kamao ang sumalubong sa mukha niya. At hindi lamang iyon, galit siyang kinuwelyuhan ni Brett at sinuntok pa ng isa sa kabilang mata. "What the—ouch!" nasapo niya ang kabilang mata na sinuntok ni Brett. Samantalang nagulantang naman si Anna sa kinauupuan nito. Napatayo at sa nanlalabong mga paningin ay nakita niya ang mukha ni Brett na handa nang lamunin si Aaron, kaya naman nang akmang susuntukin pa ni Brett si Aaron ay malakas na siyang tumili. "Huwag!" sigaw niya pagkatapos na tumili ng malakas. Ang lalaki ay natigilan at napabaling sa kaniya, ang kaninang galit nitong mukha ay napalitan ng pagkabahala nang makita nito ang itsura niya at ang mga mata niyang namumula. Subalit ang reaksyon nito ay hindi nagtagal at napalitan ng pagtataka. Nangunot rin ang noo nito at namewang pa. "What the hell? Bakit namumula iyang mga mata mo, huh? Umiyak ka ba? Pinaiyak ka ba ni Aaron? Sabihin mo at susuntukin ko siya—" Napatakip sa tenga ang lalaki nang malakas na naman siyang tumili. "Stop it, Anna, masakit sa tenga!" angil ng lalaki na tinatakpan ang tenga. Sinamaan ito ng tingin ni Anna, samantala si Aaron ay napagapang palayo kay Brett at tumayo sa isang tabi, sapo ng palad ang panga at ang isa naman ay sapo ang kabilang mata, nagsalita ito sa wakas. "Anna, nasaan iyong bote nang paminta at nang mabudburan ko nga ang mga mata ng lalaking ito! Suntokin ba naman ako ng magkasunod aba't hindi nakakatuwa! Kailangan kong gumanti, Anna, kaya akin na ang bote ng paminta!" gigil na wika ni Aaron. Tinuro naman ni Anna ang kitchen. "Nandoon. Kunin mo at dalawa tayo ang gagawa dahil nanggigigil rin ako ngayon, idagdag pa na mahapdi ang mga mata ko dahil sa pamintang iyan!" saad ni Anna na masama ang titig kay Brett. Sa narinig ay unti-unting nag-iba ang reaksyon ni Brett. Nagpalipat-lipat ang tingin nito kay Anna at Aaron na parehong masama ang tingin sa kaniya. Kapagkuwan ay napakamot sa ulo si Brett at napatanong. "A-anong mayroon sa paminta? Iyan ba ang dahilan kung bakit namumula ang mga mata mo, Anna?" anang binata na kabado bente na ngayon. Sabay na sumagot ang dalawa ng pasigaw. "Oo!" Napangiwi si Brett at napaatras ng kaonti. Sa isip-isip niya ay mukhang siya itong matatanggalan ng ingrown ngayon, at mukhang hindi lang ingrown niya ang matatanggal kundi pati kuko niya. "At sinuntok mo ako, Sir, dahil lang sa hinipan ko ang mga mata ni Anna? Aba masakit iyon, Sir, kailangan kong gumanti!" angil pa ni Aaron na siyang ikinabaling niya sa lalaki. Hinipan? Hindi niya hinalikan? Natauhan si Brett at parang gusto niyang iuntog ang sariling ulo sa pader sa mga sandaling iyon. Wow na mali pala siya. Ang buong akala niya talaga ay naghahalikan ang dalawa. Aba, bakit ba kasi ang bilis niyang manghusga? Hindi naman siya ganoon dati, ah. Ano bang nangyayari sa kaniya? Ano ba itong ginagagawa ni Anna sa kaniya? Bakit ba pakiramdam niya ay nagseselos siya? Fuck! Yeah, nagseselos nga siya! Nang balingan niya si Anna ay kaagad niyang inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa at walang paalam niyang hinawakan ang likod ng ulo nito at bago pa makaiwas ang babae sa kaniya ay nasakop na ng labi niya ang labi nito. Si Aaron ay napangiwi at napakamot sa batok nito sa nasaksihang eksena. "Saka na pala kita babawian, Sir. Mag-enjoy ka muna riyan sa ginagawa mo. At bago mo pala makalimutan, kailangan mo ipatingin sa Doctor iyang mga mata ng jowa mo. Huwag ka po mag-alala dahil hindi pa iyan nabubulag at sayo lang nagniningning ang mga mata niyan." wika ni Aaron at humakbang palabas ng opisina ni Brett. Samantala, narinig naman ni Anna ang pagsara ng pintoan nang makalabas si Aaron, pero hindi niya magawang gumalaw para itulak si Brett palayo sa katawan niya dahil sa katunayan nga ay tinugon pa niya ang halik ng lalaki. Tila nawala ang paghahapdi ng mga mata niya at nagawa pa niyang kumapit sa batok ni Brett. "Hmmm…" ungol niya nang kagatin ng lalaki ang pang-ibabang labi niya. Salitan nitong kinagat ang pang-ibaba at pang-itaas niyang labi na tila ba nanggigil ito roon. "Your lips is mine and mine only, Anna. Kapag may humalik rito ay tatapyasin ko ang nguso niya." pagbabanta ng binata pero hindi apektado si Anna sa sinabi nito. Sa halip ay hinila niya ang batok ni Brett upang siilin ito ng halik. Narinig ni Anna ang pag-ungol ng lalaki dahil sa ginawa niya. Nagustuhan nito ang ginawa niya, pinalalim nito ang halikan nila hanggang sa namalayan na lamang ni Anna na nakaupo na si Brett sa sofa at siya naman ay nakaupo na sa kandungan nito. Ang mga labing uhaw ay walang tigil sa pagsipsip sa isa't isa, habang ang mga kamay ng bawat isa ay nagsisimula nang maglikot sa katawan ng bawat isa. Kung saan-saan na humahaplos at nangangapa, lalo na ang kamay ni Brett na nakarating na sa p********e ni Anna at abala na sa paglabas-masok roon. Ganoon kabilis ang mga pangyayari. Ni hindi namalayan ni Anna kung paano naibaba ng lalaki ang slacks niya, kung paano ba nito iyon nagawang hubarin nang hindi niya napapansin. Sa bawat paghugot-baon ni Brett nang daliri sa loob ng p********e niya ay napapaliyad siya at napapaungol ng malalim. Naroon ang hapdi at sakit, pero hindi nawawala ang sarap at kiliti. "Oh, Brett, huwag mong tigilan." namamaos niyang pakiusap sa lalaki. Sumasabay ang katawan niya sa bawat paghugot-baon ng daliri nito at tila ba may hinahabol siya at gustong marating kaya ayaw niyang tigilan ni Brett ang ginagawa nito. Aminado si Anna sa kaniyang sarili na matagal niyang hinintay at inasam na muling mangyari ang sandali na ito, at heto na nga. Naulit nang muli, at kung hindi niya pipigilan si Brett ay alam niya kung saan hahantong ang sandaling ito. Sandaling alam niyang mas mainit pa kaysa sa nangyayari ngayon. "I won't, baby, until you c*m into my fingers," pabulong na sagot ni Brett. Halos malaglag na sa kandungan ni Brett si Anna at hindi na malaman kung saan pa siya kakapit. Kung hindi lamang siya mahigpit na hawak ni Brett sa bewang ay tiyak na kanina pa siya nabuwal mula sa kandungan nito. One more thrust, and another one, until Anna reached the heaven. Kung kanina ay nanlalabo ang mga mata niya dahil sa paminta, ngayon naman ay halos wala na siyang makita dahil literal na nanilim ang mga paningin niya matapos siyang labasan. Kung hindi sana bumukas ang pintoan ng opisina at pumasok ang hindi kumakatok na si Aaron ay malamang hindi lang daliri ni Brett ang nakapasok sa p********e niya, kundi pati ang galit na galit na nitong sawa na sabik na sabik nang makapasok sa mainit niyang kuweba. Nagpatay malisya naman si Aaron nang maabutan ang mainit na eksena, samantala nakita nito kung paano umigting ang mga panga ni Brett sa kaniya. Pinapahiwatig rin ng mga mata ni Brett na kasing talim ng kutsilyo na huwag siyang titingin sa baba, at hindi nga niya ginawa dahil binaling niya sa ibang direksyon ang paningin simula palang nang pumasok siya sa opisina ng boss niya. Ngumisi si Aaron at nagsalita. "Ipatingin mo po sa Doctor si Anna, Sir—" Galit na pinutol ni Brett ang pagsasalita niya at parang puputok ang ugat nito sa leeg sa inis. "Shut up and leave us alone!" Natatawang tumalikod si Aaron at lumabas ng opisina ng boss niya. "Nakaganti rin sayo, boss. Ang sakit kaya ng suntok mo at nagka-black-eye pa ako." bulong ni Aaron habang isinasara ang pinto ng opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD