bc

Still into you (Still holding on book2)

book_age12+
1.1K
FOLLOW
10.8K
READ
second chance
independent
single mother
bxg
lighthearted
realistic earth
passionate
like
intro-logo
Blurb

Upang maitaguyod ang pangangailangan nilang mag-ina, lahat ng paraan ay ginawa ni Anna nang pumasok siya sa mundong hindi niya nakasanayan. Lahat ng klase ng raket ay pinasok niya—basta marangal at kikita siya. Hindi ininda ang pagod dahil ang mahalaga lamang sa kaniya ay matugunan ang pangangailangan nila ng anak lalo't single mom siya at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya.

Isang araw na dengue ang anak niya at kailangan niya ng pera, hanggang sa alukin siya ng isang kaibigan ng raket na may malaking suweldo. At iyon ay ang kuhanan ng interbyu ang isang mailap at sikat na bilyonaryo sa bansa. Dahil sa malaking kikitain ay kaagad siyang pumayag.

Ngunit nang makita at makilala ni Anna ang taong iinterbyuhin niya ay huli na ang lahat para umatras pa siya.

Dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Brett Valle—ama ng kaniyang anak.

Ang tanong ni Anna sa kaniyang sarili, ito pa rin ba ang lalaking tinitibok ng puso niya?

This story is book 2 of Still holding on.

NOTE: ANG BOOK PO NA ITO AY MARAMING ERRO/GRAMMATICAL ERROR! KAYA KUNG BABASAHIN MO ITO PARA PINTASAN LANG NAMAN, OKAY LANG PO! HINDI PA PO KASI SIYA NAI-EDIT. WALA PA PO AKONG TIME. SALAMAT PO?❤️

chap-preview
Free preview
Chapter 1- Simula
One year later... Hindi na niya magawang itali pa ang mahabang buhok dahil sa pagmamadali niya. Basta na lamang niya itong ipinusod at ang iba niyon ay nakalugay pa sa magkabilang pisngi niya. Sinipat niya ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ay isang t-shirt na medyo hapit sa kaniyang katawan, at pantalong maong naman na may hiwa sa magkabilang tuhod. Dinampot na rin niya ang belt bag at kaagad iyong sinuot. Nakarinig siya nang pagbukas ng pintoan, alam niyang si Tekla na iyon. Ang kaibigan niyang bakla. "Bruha! Narito ka pa ba?" malakas ang boses na sigaw nito mula sa maliit na sala sa labas. Napangiwi siya sabay baling sa isang taon gulang na anak na napakislot sa higaan dahil sa pagsigaw nito. Nilapitan niya ito at tinapik-tapik. Kalaunan ay bumalik ito mula sa mahimbing na pagtulog. Naglakad siya palabas sa maliit na silid na iyon at sinalubong ang kaibigan. "Huwag kang maingay magigising si Brave.." mahinang sabi niya kay Tekla. Napakamot ito sa ulo at umaktong i-zipper ang bibig. "Sorry na," natatawa nitong sabi. Sinilip pa nito ang anak niya at tila nagningning pa ang mga mata nito. Napangiti siya sa kaibigan. Nakilala niya si Tekla nang makarating siya rito sa Makati at maghanap ng mauupahan. Sa katunayan nga ay ang bahay na inuupahan niya ngayon ay ito ang may ari. Naawa ito sa kaniya dahil nahirapan siya noon sa paghahanap ng matutuluyan lalo't baguhan siya sa lungsod na ito, kaya naman pinatuloy siya nito sa dati nitong Parlor shop na nasara na dahil sa pandemic. Maliit lang ito, studio type. Pero maayos naman, malinis. May sariling banyo at kusina. Nang una ay nahirapan siya sa sitwasyon niya, dahil hindi siya sanay sa ganoon. Iyon bang tipo na bawat galaw mo ay gastos, hindi tulad sa San pedro na kahit mahirap ang buhay roon ay nasanay siya. Sa Maynila kasi ay kapag wala kang pera magugutom ka, wala naman magpapautang sayo kung wala kang trabaho kaya mamumuti mga mata mo sa isang tabi. Pero kalaunan ay unti-unting na-adopt ng sarili niya ang lugar hanggang sa nakasanayan na niya ito. Kaya lahat ng raket ay pinapasok niya basta may kita at maayos na trabaho lang. Katulad na lang ngayon, pupunta siya sa tindahan para magtinda ng isda. Siya ang tindera ngayon at sa maghapon ay kikita siya ng isang libo. Pero once a week lamang iyon. Sa isang linggo ay iba-iba ang raket niya. Kailangan, dahil may bata siyang ginagatas at may bahay siyang binabayaran buwan-buwan. "Teks, ikaw na ang bahala kay Brave ha. Kompleto na riyan ang kakailanganin niya. Nakapag-sterelize na rin ako ng mga bote niya. Alagaan mo siya, Teks, ha." bilin niya sa kaibigan. Natawa pa ito sa sinabi niya. "Oo naman! Naku, Anna, ilang buwan ko na ba itong ginagawa at ilang buwan mo na rin sinasabi sa akin iyan? Huwag kang mag-alala hindi ko pababayaan ang inaanak ko." anito sabay pisil sa pisngi niya. Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan. Maaasahan niya si Tekla at maalaga ito kay Brave kaya nasisiguro niya na hindi nito pababayaan ang anak niya. "Salamat, Teks." ani niya. Binalikan pa niya ang anak sa silid nila at napangiti siya dahil himbing na himbing ang tulog nito. "Uuwi kaagad si Nanay." sambit niya at hinalikan ang anak sa noo. "Aalis na ako." paalam niya sa kaibigan. "Ingat ka bakla!" Tumango siya sa kaibigan. ... "Isda! Isda po kayo diyan! Preska pa po at murang-mura lang!" alok niya sa mga taong nagdaraan. Araw ng sabado kaya medyo marami ang namamalengke. Kapag napaubos niya ang mga isdang tinda ay dinadagdagan pa ng mabait na may-ari ang bigay sa kaniya. At suwerte siya dahil palagi niyang napapaubos ang mga iyon kaya tuwang-tuwa sa kaniya si Manilyn. "Miss, pabili ako isang kilo nga." wika ng lalaki na tinuturo ang tilapya. "Sige po!" nakangiti niyang sambit. "Miss, ang ganda mo. Alam mo bang hindi ka bagay rito? Mas bagay ka kasi sa puso ko!" banat pa nito na ikinailing nalang niya. Nagsisimula na naman kasi ito sa mabulaklak na dila. "Luma na iyan, Caloy. Wala na bang bago?" turan niya na natatawa. Suki niya kasi si Caloy kaya sanay na siya sa mga banat nito na panahon pa yata ng mga lolo niya. "Ito bago. Tilapya ka ba?" Pigil niya ang hindi humagalpak ng tawa. Ang ibang kustumer ay naaaliw rin sa mga banat ni Caloy at tatawa-tawa ang mga ito. "Hindi, bakit?" "Kasi tilapya-ning na ako sayo!" Hindi na niya napigilan ang paghagalpak ng tawa. Halos lumabas ang luha niya sa mga mata sa kakatawa habang ang lalaki ay natatawa rin at napapakamot sa ulo nito at the same time. "Ang dami mong alam, Caloy! Ito na tilapya mo!" natatawang sabi niya sabay abot ng supot kay Caloy. "Mag-practice ka pa sa pagbanat, Caloy!" kantiyaw ni Mang Isko kay Caloy. Tawanan na naman ang mga kasamahan niyang tindera. "I shall return!" saad ni Caloy matapos bayaran ang biniling isda at kumindat pa ito sa kaniya bago umalis. Natatawa nalang siya sa lalaki. Taxi driver ito at gaya niya ay single parent rin ito. Nanliligaw ito sa kaniya, minsan nga ay pumupunta rin sa inuupahan niyang bahay. Pero wala siyang gusto sa lalaki, kaibigan lang ang turing niya rito at alam naman nito iyon. May itsura naman ito, may katangkaran rin. Pero sadyang ayaw tumibok ng puso niya para sa lalaki. Minsan nga ay nagko-komento pa ang ilan na sagutin na niya ito total pareho naman silang single parent, at mabait naman ang binata. Pero para sa kanila ni Caloy ay alam na nila kung ano sila sa isa't isa. Ang mga pa-banat nito sa kaniya ay pang-aaliw lang. Nang makaalis si Caloy ay marami pang kustumer ang dumagsa sa isda niya. Kaya ang siste ay hindi pa umabot ng alas-tres ubos na paninda niya. "Iba talaga nagagawa ng ganda mo, Anna! Ang lakas ng hatak e!" komento ng isang tindera sa kaniya na si Nanit. Napangiti siya sa tinuran nito. Gusto niya sanang sabihin rito na huwag kasi panay f*******:. Pero hindi na lang niya sinabi. Niligpit nalang niya ang lahat ng gamit at maagang uuwi ngayon. Miss na niya kaagad ang anak. At dahil maaga pa naman ay balak niyang ayain si Tekla na kumain sa labas at mamasyal kasama ang anak niya. "Mauuna na po ako sa inyo!" Paalam niya sa mga kasama. "Sige, Anna. Ingat ka!" wika naman ng mga ito. Tumango siya at kaagad na umalis. Nasa kaniya pa ang benta ngayon at bukas pa iyon isu-surrender kay Manilyn dahil bukas pa ang uwi niyon galing sa kinukuhaan nito ng mga isda. Nag-abang siya ng dyip sa gilid ng highway. At nang may dumaan ay kaagad siyang sumakay. Maluwag pa ang dyip, anim lang sila lahat nakasakay sa upuan. Tatlong lalaki at tatlong babae kasama siya. May nakaupo rin sa tabi ng driver na sa tingin niya ay pahinante. "Bayad po, Manong, pasuyo po." magalang niyang wika sabay abot ng bayad sa isang lalaki na nasa unahan niya. Kinuha nito iyon at inabot sa driver. "Salamat po." sambit niya. Nasa biyahe na sila nang mapansin niya na tila kakaiba ang galaw ng tatlong lalaki. Maya-maya pa ay nakita niyang may inilabas na patalim ang lalaki na katabi niya. Kaagad siyang umusog palayo rito nang mapagtanto ang mangyayari. Pero mabilis nito hinawakan ang braso niya ng mahigpit at tinutukan siya ng patalim sa leeg. Sunod-sunod siyang napalunok habang nanlalaki ang mga mata na napatingin sa matulis na patalim na nakatutok sa kaniya. "Diyan ka lang!" sigaw nito sa kaniya. Nagtilian rin ang mga pasaherong kasama niya nang magsabing hold-up ang lalaki na katabi ng driver na inakala niyang pahinante kanina. "Ibigay niyo sa akin lahat ng mga bag niyo!" wika ng isang lalaki na may hawak rin na patalim. Kinabahan siya at hindi maiwasang manginig. Kaagad na pumasok sa isipan niya si Brave. Nang kunin ng lalaki ang belt bag niya ay hindi na siya nakapagtutol pa, ni hindi rin nakagalaw. Sa mga sandaling iyon ay alam niyang nanganganib ang buhay niya at kaonting mali lamang niya ay itatarak ng lalaki ang patalim sa leeg niya. Binigay na lang niya ang gusto nito. Nasa loob niyon ang kinita niya sa pagtitinda ng isda ni Manilyn. Ang driver ng dyip ay wala rin nagawa. Mangiyak-ngiyak rin ito ng kunin ang lahat ng kinita nito sa pamamasada. Patuloy lang ito sa pagmaneho gaya ng utos ng lalaking katabi nito. Nang makuha ng mga kawatan ang lahat ng bagay na matipuhan ng mga ito ay inutusan ng isa ang driver na itigil ang dyip sa isang tabi. Bumaba ang mga ito na dala ang lahat ng mga nalikom mula sa kanila. Walang kahirap-hirap. Maluha-luha silang lahat dahil sa nangyari. Wala halos makapagsalita. Dinala ng driver ang dyip sa istasyon ng pulis at pinahayag ang nangyari. Matapos nilang magbigay ng pahayag ay umuwi na rin si Anna. Dahil medyo malapit lang ang Police station sa tinutuluyan niya ay nilakad na lamang niya iyon dahil wala na siyang pera. Bagsak ang mga balikat na pumasok siya sa bahay. Nang makita siya ng kaibigan sa ganoong anyo ay nagtaka kaagad ito. "Oh, bakla, anong nangyari sayo? Bakit mukhang binagsakan ka ng langit at lupa?" tanong nito kaagad sa kaniya. Buhat-buhat nito si Brave. Hindi siya nakasagot. Nilagpasan niya si Tekla. Pumasok siya sa silid, kumuha ng damit at pumasok sa banyo para maghugas ng katawan. Narinig niyang sunod-sunod na kinatok ni Tekla ang pinto ng banyo. "Anna, ano ba nangyari sayo? May problema ka ba? Ginahasa ka bang babae ka?" Iiyak na sana siya dahil kanina pa niya pinipigilan ang emosyon sa dyip palang, pero naudlot iyon dahil sa sinabi ng kaibigan. Nang makalabas ng banyo ay kinuha niya ang anak kay Tekla at saka niya sinabi ang nangyari. "Na-hold up ang dyip na sinasakyan namin, Tekla. Nakuha ang lahat ng kita ko ngayong araw.." malungkot niyang bigkas sabay iyak. Niyakap naman siya ng kaibigan dahil nakita nito ang panginginig ng katawan niya. "Shh...tahan na bakla..ang mahalaga ay hindi ka sinaktan." pag-aalo pa sa kaniya ni Tekla. Nagulat rin ito sa nalaman. Lalo siyang napa-iyak. Iyon na nga ang nasa isip niya. Mabuti na lang hindi siya sinaktan o kahit sino sa kanila kaninang pasahero. Dahil kung nangyari iyon ay baka hindi na niya nahawakan ngayon ang anak. Iyon ang ikinatatakot niyang mangyari, ang mawawala siya sa mundo at maiiwan ang anak niyang si Brave.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook