Ilang beses nang sinampal ni Anna ang kaniyang sarili upang magising siya sa kahibangan matapos mangyari ang hindi dapat mangyari sa kanila ni Brett sa opisina. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya kung dinadaya ng katawan niya ang isipan?
Ang gusto ng isipan niya ay dumistansya kay Brett at huwag magpapahulog sa mga simpleng ngiti at haplos nito. Pero todo kontra naman ang kaniyang katawan at hindi pumapayag na hindi siya gumanti sa yakap at halik ng binata, dahil hanggang ngayon ay alam ng isip, puso at katawan ni Anna na mahal pa rin niya si Brett. Mahal niya ang lalaki simula noon at magpahanggang ngayon. Walang nagbago, lalo lamang lumalala at tumatag ang pag-ibig niya sa lalaki.
"Anna,"
Ang malambing na boses na iyon ay nagmumula sa lalaking iniibig ni Anna. Dahan-dahan siyang lumingon sa likuran niya at nakitang nakatayo si Brett ilang dipa ang layo mula sa kinatatayuan niya sa terrace ng suit. Gabi iyon at maliwanag ang sinag ng buwan. Hindi makatulog ang dalaga kaya nagpasya itong magpahangin na muna. Hindi niya inakala na gising pa ang lalaki dahil nang bumangon siya kanina ay inakala niyang tulog na ito sapagkat nakapikit na ang mga mata.
"G-gising ka pa?" nais niyang batukan ang sarili sa pautal niyang pagbigkas ng salitang iyon.
Naglakad ang lalaki papunta sa kaniya at sumandal ito sa riles ng terasa habang mapupungay ang mga matang tinitigan siya.
Hindi niya nakayanan ang klase ng paninitig nito na tila ba inaarok ang kaluluwa niya kaya't umiwas siya ng tingin at mas pinili na lamang pagmasdan ang mga bituin sa langit.
"Just like you, hindi rin ako makatulog. Umuulit pa rin kasi sa isipan ko ang nangyari sa atin sa opisina,"
Alam ni Anna na gabi iyon pero dahil sa sinag ng buwan ay kitang-kita ang pamumula ng magkabila niyang pisngi dahil sa sinabi nito.
Tumikhim siya upang mabawasan ang tensyon na nadarama bago niya sinagot ang sinabi ni Brett.
"K-kalimutan mo na iyon…ahm…" kinagat niya ang pangibabang labi dahil hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.
Hindi niya rin magawang tumingin kay Brett kaya hindi niya nakita ang itsura ng lalaki na naniningkit ang mga mata dahil sa isinagot niya.
"Kalimutan? Ganoon lang ba sayo 'yon, Anna? Kalimutan na lang ang nangyari ng ganoon na lang?" may himig galit ang tono ng pananalita ni Brett.
Wala sa sariling napabaling si Anna sa lalaki at nakagat pa niya lalo ang pangibabang labi nang makita niyang salubong na ang mga makakapal na kilay ni Brett.
Nagulat pa siya ng bigla siyang hawakan ng lalaki sa magkabilang balikat upang iharap ang katawan niya sa katawan nito.
"Tell me, Anna, paano ko kakalimutan ang nangyari sa atin kung araw-araw tayo magkasama, huh? Everytime I take a look at you, I remember that hot scene in the office. Everytime I feel my damn fingers alive, I also feel your warm femininity in it. Tapos ngayon sasabihin mong kalimutan ko nalang 'yon?" wika ni Brett. Bumitaw ito sa paghawak sa balikat niya, marahas na bumuga ng hangin at napatitig sa buwan.
Samantalang hindi naman makagalaw si Anna sa kaniyang kinatatayuan. Lalo rin namula ang magkabila niyang pisngi dahil sa maanghang na salita ni Brett na nagpainit bigla sa buo niyang katawan.
"T-teka naman…sinabi ko lang naman na kalimutan na natin iyon dahil kapag ka naaalala ko rin ay nababaliw ako sa kakaisip." sa wakas ay nasambit ni Anna.
Sa sinabi ni Anna ay napabaling sa kaniya si Brett. "At bakit ka nababaliw sa kakaisip, Anna?"
Napalunok si Anna na sinalubong ang mga mata ni Brett. Magsisinungaling pa rin ba siya? O sasabihin niya kung ano talaga ang nararamdaman niya sa lalaki?
Sa huli ay pinili niyang maging totoo sa nararamdaman niya para kay Brett.
"D-dahil…" she paused and bit her lower lips while looking at Brett's tantalizing eyes.
"Dahil?" nakapamewang na saad ng lalaki.
"Dahil gusto ko ang nangyaring iyon at umaasa na mauulit pa dahil mahal kita Brett."
Anna realize the words she had said. Alam niyang hindi na mababawi pa ang sinuka niyang mga salita kaya napatakip na lamang siya sa bibig at ipinikit ng mariin ang mga mata upang iwasang tingnan ang nangingislap na mga mata ni Brett.
Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila ng binata. Wala rin siyang narinig na komento mula rito. Nanatili siyang nakapikit at pinapakiramdaman lang ang kapaligiran.
Walang ingay.
Walang gumagalaw.
Huni ng mga insekto sa paligid ang tanging maririnig mula sa mataas na palapag ng suit.
Sa huli ay pinili ni Anna na idilat ang mga mata, pero sa kaniyang pagmulat ay ang napakalapit na mukha ni Brett ang nabunggaran niya, at bago pa siya makapagsalita ay sinunggaban na ng binata ang labi niya. Ang kabang nararamdaman niya ay nalulon na lamang kasama ang paghinga.
Ang mga tuhod niya ay biglang rumupok at kamuntikan na siyang mabuwal sa kinatatayuan kung hindi lamang umagapay si Brett sa bewang niya.
"Ganoon ba ka grabe ang epekto ng halik ko at nalulusaw ka, Anna?" nakangiti at malambing na sambit ng binata.
Hindi makapagsalita si Anna. Ang dila niya ay nalulon at tila pipi siyang nakatingin lang kay Brett.
Ngumiti ang lalaki at mula sa sinag ng buwan ay nakita ni Anna ang pangingislap ng mga mata nitong nangungusap kung tumingin.
"If you don't mind, Anna, puwede mo bang ulitin ang sinabi mo kanina?" anang binata.
Pigil ni Anna ang sariling paghinga upang langhapin ang mabangong hininga ng binata na tumatama sa pisngi niya. Hawak pa rin siya ni Brett sa bewang at pakiramdam niya ay malulusaw na siya sa klase ng paninitig nito.
"Anna," untag ni Brett sa kaniya kaya't napakurap-kurap siya.
"A-ang alin doon?" tila walang muwang na tanong niya.
"Iyong sinabi mo nga kanina,"
"M-marami akong sinabi. Alin ba doon?" nawawala pa rin sa sariling saad ni Anna. Hindi kasi siya makapag-concentrate sapagkat hawak nito ang bewang niya at bawat buka ng bibig niya ay nakatingin naman ang lalaki.
"Tungkol doon sa sinabi mong…mahal mo ako?" seryusong giit ni Brett.
Muling kinagat ni Anna ang pangibabang labi niya. Tumaas-baba rin ang dibdib niya dahil sa kabang nararamdaman.
"Gusto ko ulit marinig na sabihin mo 'yon sa akin, Anna." dagdag pa ni Brett.
Walang nagawa si Anna kundi ang magsalita at sabihin muli ang mga katagang hinihingi ni Brett na marinig. Rumaragasa man ang kaba ng dibdib, at natutuyo man ang lalamunan sa kakalunok ng laway ay nagsalita si Anna.
"M-mahal kita…noon hanggang n-ngayon."
Anna then turns her back to Brett. Handa na sana siyang humakbang pabalik sa loob nang matigilan siya sa salitang binigkas ni Brett.
"I love you too, Anna."
Ang salitang iyon ay nilipad ng hangin patungo kay Anna at yumakap iyon sa buong katawan niya. Hindi siya nakagalaw, tumulo nalang din bigla ang mga luha niya.
Naramdaman niyang lumakad ang binata patungo sa likuran niya, at kasunod niyon ay may dalawang braso na pumulupot sa bewang niya.
Niyakap siya ni Brett mula sa likuran at naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya.
"H-huwag mong paglaruan ang damdamin ko, Brett…" sa wakas ay naisambit ni Anna habang lumuluha ang kanyang mga mata.
"I'm not." tipid na tugon ni Brett pero naroon ang paniniguro sa salita nito.
Lumunok muna ng laway si Anna bago siya muling nagsalita. "Nang sinabi kong…mahal kita, totoo iyon. Pero hindi mo kailangan sabihin sa akin na mahal mo rin ako dahil mahal kita, Brett. Dahil ang katagang iyon ay sinasabi lamang ng taong totoo ang nararamdaman."
"At sinasabi mong hindi ako totoo sa nararamdaman ko, ganoon?" Pinihit ni Brett si Anna paharap sa kanya."Bakit parang mas marunong ka pa sa dinidikta ng puso ko, Anna?" anito at hinaplos ang pisngi ni Anna.
Napakurap-kurap si Anna at hindi malaman ang gagawin.
Pakiramdam niya ay may mga paru-parong nagsisiliparan sa sikmura niya.
"Sinabi ko na ba sayo dati na mahal kita? Kung hindi pa, sasabihin ko ulit sayo ngayon. Mahal kita, Anna. Hindi ko lang napanindigan noon dahil duwag ako, dahil hindi ko pa maamin sa sarili ko na mahal kitang talaga. But years have passed, when you're gone in my life, doon ko napagtanto at doon ako sinampal ng katotohanan na…mahal kita talaga." Brett spoke in a deep voice.
Umiiyak na sumagot naman si Anna. Nasa mukha niya rin ang pagkagulat mula sa sinabi ni Brett. "Pero bakit hindi mo ako hinanap?"
Iyon ang tanong na bigla na lang pumasok sa isipan ni Anna kaya iyon ang naisambit niya.
Brett gently caressed her cheek down to her lips. At pagkatapos ay umiwas ng tingin ang lalaki at muling tumingin sa buwan.
"Dahil hindi na dapat, Anna."
May kung anong karayom na tumusok sa puso ni Anna dahil sa salitang binigkas ni Brett.
"Bakit?" she asked.
Bumuntonghininga ang lalaki. Namulsa, binalingan siya at muling nagsalita.
"Because I hurt you. Nasaktan na kita nang hindi ko kayang ipaglaban ang pagmamahal ko para sayo dahil nga naduwag ako. Mas pinili kong buohin ang pamilya namin ni Carol kahit sira na alang-alang kay Paolo, and that makes you hurt deeply. I know, Anna, dahil nakikita ko iyon sa mga mata mo. At habang nasasaktan ka ay nasasaktan rin ako dahil wala akong magawa para alisin ang sakit na iyon dahil mas nanaig sa akin ang pagiging isang ama," tumulo ang luha ni Brett.
"Isang ama na gusto lang ay mabigyan ng buong pamilya ang kanyang anak. Isang ama na gusto lang makitang masaya ang kanyang anak, at ang paraan na naisip ko ay buohin ang pamilya namin ni Carol para sa ikakasaya ni Paolo kahit alam kong masasaktan kita ng sobra. And when Paolo d-died," pumiyok ang boses ni Brett at sunod-sunod na tumulo ang mga luha. "at matapos kong matuklasan na hindi ko siya tunay na anak, sobra akong nasaktan, Anna, to the point na gusto ko nalang mamatay at sumama sa anak ko,"
Napahagulhol na rin si Anna ng iyak nang maalala ang masasakit na nangyari noon. Parang nanumbalik ang lahat ng alaalang naganap at muli niyang naramdaman ang sugat mula sa nakaraan. Gusto niyang yakapin si Brett pero hindi niya kayang gawin kaya humagulhol na lamang siya ng iyak.
"B-brett…"
"Nang dahil sa mga nangyari ay nawalan na ako ng pag-asa…nawalan ng gana sa lahat. Kahit ikaw ay nagawa kong kalimutan. And the day you left mansion, hindi kita pinigilan dahil mas mabuting iwanan mo ako, mas mabuting paalisin kita kaysa patuloy ka lang masasaktan habang kasama mo ako. Sinabi ko sa sarili ko na may karapat-dapat na lalaki na siyang magmamahal sayo, at hindi ako iyon, Anna. But then, we meet again. God gave me another chance. And now, I can finally say it again to you, in front of you…na mahal kita."
Walang salita na lumabas sa bibig ni Anna matapos ang mahabang paliwanag ni Brett, tinakbo na lamang niya ang pagitan nila ng lalaki at niyakap ito ng buong higpit. Gumanti rin ng yakap si Brett, doble sa higpit ng pagyakap niya.
"B-brett, mahal na mahal rin kita." umiiyak na sabi ni Anna.
Kumalas siya ng yakap sa lalaki, tumingkayad siya upang abutin ang leeg ni Brett at halikan ito sa mga labi. Hindi rin nagpatalo ang uhaw na labi ni Brett. Hinapit niya ang bewang ni Anna at binuhat ito pakalong sa harapan niya, at marubdob na hinalikan ang dalaga.
Brett kissed her passionately. Kapwa uhaw sila sa labi ng bawat isa. Parehong ninanamnam ang tamis ng pag-iibigan at walang gustong tumigil.
Hanggang sa dalhin ni Brett si Anna sa loob at ihiga ito sa malambot na kama ay hindi tumutol ang dalaga.
Pumaibabaw siya sa dalaga at muli itong hinalikan sa labi. Nauwi sa mapusok ang sandaling pinagsasaluhan nila, until they are both n***d, panting, and catching their breath as they move as one with a rhythm.
"Oh, Brett!" Anna exclaimed as Brett moved faster and harder.
Napupuno ng mga ingay nila ang silid na iyon but their moans didn't affect the child from sleeping. Nasa crib lang si Brave at masarap na natutulog, hindi naririnig ng bata ang ingay ng dalawang tao na sabik na sabik sa isa't isa.
"Yes, Anna, I love you, baby! Oh god, I miss you!" anas ni Brett habang walang patid sa paggalaw sa ibabaw ni Anna.
Napakapit si Anna sa balikat ng binata at sa sobrang sarap na nararamdaman niya ay nadiin niya ang mga kuko sa balat ng binata dahil doon siya kumakapit at kumukuha ng lakas. As Brett thrust his hard manhood deep inside her, Anna's eyes widened and rolled up.
Her mouth shut open but no words are coming out.
Brett continues moving as fast as he likes. And while banging Anna, hard, with his palm, he cupped her boobs and gently massage them. Napaungol ang dalaga dahil dumagdag pa iyon sa kiliting nararamdaman niya.
"B-brett…hindi ko na kaya. Parang…parang sasabog na ako!" sambit ni Anna na nadedeliryo na sa pinapalasap sa kanya ni Brett.
"Then come with me, baby." ani ni Brett at sinakop ng labi ang labi ni Anna na nakaawang.
Brett moves and moves fast as Anna shouts his name.
The echo in the room, the names they are calling as their body dance in pleasure, the child that is still sleeping and does not care about their noise, everything turns muted when they reached the very delicious feeling they both reaching for.
At nang humupa ang init na kanilang pinagsaluhan, habang nakayakap si Anna sa dibdib ni Brett at nakaunan siya sa matitipunong braso ng binata, at pinapakinggan ang t***k ng puso nito ay may katanongan na pumasok sa isipan ni Anna.
Dapat na ba niyang aminin kay Brett na anak nito si Brave?