Chapter 15- May magbabalik?

1879 Words
Tirik na ang araw pero nakahilata pa rin si Anna at hindi namamalayan na late na siya sa trabaho. Pasado alas nuwebe na ng umaga at heto siya, sarap na sarap pa rin sa pagtulog. Ganoon rin ang lalaking kayakap niya na mahimbing rin natutulog at ang isang palad nito ay nakapasok sa loob ng pang-itaas niyang damit, at nakasapo ang palad na iyon sa isang malusog niyang dibdib. Gumalaw ang mainit na palad na iyon at marahan na minasahe ang malusog niyang dibdib. Napangiti si Anna sapagka't nakikiliti siya sa paraan na pagmasahe nito. "Hmmm…" ungol pa niya at nararamdaman kaagad ang pagkabasa ng p********e niya dahil sa kakaibang init nananalaytay sa buong katawan niya. Subalit nang sumagi sa isipan niya na maliban kay Brave ay may iba pa siyang kasama sa kuwartong iyon ay napamulat ng mga mata si Anna, at kaagad na hinanap ang lalaking kasama na siyang may-ari ng malanding kamay na iyon. At doon ay nakita niya si Brett na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakatagilid ito paharap sa kaniya habang ang isang mahaba nitong paa ay nakadantay naman sa puson niya. Kaya pala parang may mabigat dahil pala sa paa ng lalaking 'to? Aniya sa isipan. At nang ma-realized ang palad na nakasapo pa rin sa dibdib niya ay kaagad niya itong binalingan. Nanlaki ang mga mata ni Anna sabay sampal sa kamay ng lalaki na tila linta kung makakapit sa dibdib niya. Inalis naman nito ang palad. Naalala ni Anna ang eksena noon sa pagitan nila ni Brett sa probinsya kung saan nagising siya isang umaga na ang mukha ng lalaki ay nakasubsob sa p********e niya. Memories bring back ang peg niya? Kinagat ni Anna ang dila niya. Ang lalaki ay naalimpungatan na nagmulat naman ng mga mata. At nakita nito ang itsura niya na hindi na mapinta. "Hi," ani Brett na tila wala pa sa sarili nito at muling inabot ang dibdib ni Anna dahilan upang mapasigaw sa gulat ang babae. Hindi ni Anna inaasahan ang ginawa ng lalaki. Pumikit pa ito ulit at muling natulog na tila nananaginip lang. Sa gulat ni Anna ay nahampas niya muli ang palad ni Brett. "Bastos!" wika ni Anna sabay hablot sa palad ni Brett at kinagat iyon. "O-ouch—aray! Stop—what the—Anna!" Napabalikwas ng bangon si Brett at hindi malaman kung paano tanggalin ang palad mula sa ngipin ng dalaga at napa-isip kung bakit siya nito kinagat. Ang paningin ni Brett kay Anna ay tila naging asong ulol ito. Mabagsik at naglalaway pa. Pakiramdam ni Brett ay maiihi siya sa ginagawa ng dalaga sa palad niya. Nagising na rin ang diwa niya at tila saglit pa nga itong humiwalay sa katawan niya. "Damn, Anna, stop it! Bakit ka ba nangangagat?" suway ni Brett sa dalaga sabay hawak sa noo nito. Nakahiga ang dalaga at kagat-kagat ang palad niya habang siya naman ay nakaupo paharap sa dalaga. Saglit binitawan ni Anna ang palad ng lalaki upang sagutin ito. "Nanghahawak ka ng dede!" ani Anna sabay kagat muli sa palad niya. Ayaw bitawan ni Anna ang palad ni Brett. Para sa kaniya ay nararapat lamang iyon sa lalaki dahil walang respeto ang palad nito. "Ano? Naku, Anna, wala akong kasalanan kung nanghawak ng dede ang palad ko. Tulog ako, remember?" pagdadahilan naman ni Brett habang nakangiwi ito. Sa sinabi ng binata ay lalong umangil ang babae at mas diniinan pa nito ang pagkagat sa palad niya. "Aray! Aray! Stop!" Ngunit hindi nakinig si Anna. "Ayaw mong bitawan, ha." Ani Brett. Nagulat pa si Anna nang sa isang iglap ay nakaubabaw na si Brett sa kaniya. Nakapatong na ito sa kaniya at konting agwat lang ang pagitan ng mga mukha nila habang patuloy pa rin niyang kagat ang palad nito. "Ayaw mong bitawan? Sige. May mangyayari rin sa atin sa loob ng silid na ito habang kagat mo iyang palad ko, Anna. Kaya kong tiisin ang sakit pero ikaw…" ngumisi ang lalaki at sinadyang palambingin ang tono ng pananalita nito na tila inaakit si Anna. "Kaya mo bang ituloy iyang ginagawa mo habang gumigiling ako sa kaloob-looban mo?" Sa sinabi ni Brett ay biglang nanghina si Anna at binitawan na rin ang palad ng lalaki. Napaawang ang labi niya habang nakatitig sa guwapong mukha ni Brett na ngayon ay titig na titig sa kaniya. Napangisi ang lalaki sa naging reaksyon niya. Unti-unting bumaba rin ang tingin nito sa labi niya. "Takot ka pa na may mangyari sa atin, huh?" anang binata. Tumahip ang kakaibang kaba sa dibdib ni Anna habang hinihintay na dumapo sa labi niya ang labi ni Brett. Hindi siya tututol, oo. Dahil gusto niyang matikman muli ang halik ng binata. Kiss me now, Brett! Subalit ang kasabikan na iyon ay napalitan ng inis nang tumawa si Brett at pinisil lang ang tungki ng ilong niya, pagkatapos ay umalis ito mula sa pagkadagan sa kaniya. "Late na tayo, Anna." anang binata na nakatalikod na ngayon sa kaniya. Tinungo nito ang crib ni Brave. Pinagmasdan nito ang natutulog na bata. Napangiti si Brett nang mapagmasdan ang guwapong bata. Pumasok rin sa isipan niya ang mukha ng anak na si Paolo. Bigla siyang nalungkot, pero hindi iyon pinakita kay Anna. Sumimangot naman ang mukha ni Anna at nagdadabog na bumangon mula sa kama. Habang nakatalikod si Brett ay nanggigigil naman sa kaniya si Anna. Pero nang biglang humarap ang lalaki ay kaagad naman nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Hindi niya pinakita rito ang pagkadismaya dahil sa pambibitin nito sa kaniya. "I'll take a bath," wika ng lalaki. Tuloy-tuloy itong naglakad papasok sa banyo. "A-ano? Sa banyo ko ikaw maliligo?!" gulat niyang tanong sa lalaki. Tumigil ang lalaki sa paglalakad at binalingan siya. "Yup. Bakit may problema ba?" Bakit may problema, Anna? Alalahanin mo na kaniya itong suit na inaapakan mo ngayon! Bulong ng isipan niya. Umiling siya pero halatang hindi sang-ayon sa gusto ng lalaki. "P-Pero 'di ba may sarili ka namang banyo?" Bumuntonghininga ang lalaki bago sumagot. "Ayaw ko doon may multo doon, eh." "Naku, walang multo! Hindi naman totoo iyon!" mabilis niyang tugon sa lalaki. Nakagat ni Anna ang pang-ibabang labi nang magsalubong ang kilay ni Brett. "Paano mo nasabi?" salubong ang kilay na tanong ni Brett. "Nasabi ko lang," aniya sabay iwas ng tingin. Napangisi si Brett. Alam nitong wala talagang multo sa suit niya dahil si Anna lang iyon. Pero papaniwalain pa rin niya ang sarili na may multo para dito na siya maglalagi sa suit ni Anna. Yes, suit ito ni Anna dahil nakapangalan na ito sa dalaga simula palang nang binili niya ito. At hindi iyon alam ng dalaga. Saka na lamang niya sasabihin kay Anna ang tungkol doon. "Ayaw mo lang ako pagamitin ng banyo o gusto mo lang sumabay sa akin sa paliligo?" nakangisi niyang sabi sa dalaga na ikinalaki naman ng mga mata nito. "Maligo ka mag-isa mo!" singhal nito sa kaniya sabay nagdadabog na tumalikod upang puntahan ang bata sa crib. Naiiling na lamang na tumatawa si Brett. Nasisiyahan siyang asarin ang dalaga dahil kapag namumula ang pisngi nito sa inis ay lalo itong gumaganda sa paningin niya. *** Naging maayos naman ang pagsasama nina Brett at Anna sa iisang bubong, maging sa kanilang trabaho kahit pa madalas na magsungit ang lalaki lalo na kapag kausap ni Anna ang sekretarya ni Brett na si Aaron. Ayaw man maging ilusyunada ni Anna pero naiisip niya at nararamdam na nagseselos si Brett. At dahil natutuwa siyang nakikita na nagseselos ang lalaki sa paningin niya ay lalo pa siyang lumalapit kay Aaron. Pagdating naman sa iisang bubong ay sweet ang lalaki. Inaalagaan rin nito si Brave at kung minsan ay ito rin ang nagluluto ng kanilang pagkain, bagay na ikinasasaya ng puso ni Anna. Kapag walang trabaho ay namamasyal rin silang tatlo sa kung saan gusto ni Brett mamasyal. Gustuhin man isama ni Anna si Tekla ay ayaw naman ng huli dahil sa tuwing wala silang pasok ni Brett ay may lakad naman ang kaibigan niya. Iyon lang kasi ang araw ng day-off ni Tekla kaya hindi na niya pinipilit pa ang kaibigan na sumama sa kanila ni Brett. Madalas rin idahilan ni Brett kay Anna na minumulto pa rin siya sa kaniyang suit kaya lahat ng damit at gamit niya sa kabila ay pinalipat niya sa suit ni Anna. Ang dalaga ay walang nagawa, aminado itong masaya sa pagsasama nila ni Brett. Dahil doon ay nakakasama rin ng kaniyang anak ang ama nito. Kung si Anna lang ang masusunod at hindi ang isipan niya ay mas pipiliin niyang aminin kay Brett ang tungkol sa bata. Pero dahil sa bulong ng isipan niya ay nauunahan siya ng takot dahil baka nga ilayo sa kaniya ni Brett ang bata kapag natuklasan nito ang totoo. Iniisip na nalang ni Anna na sana kung ano man ang nasimulan nila ni Brett ay hindi na magtatapos. Na sana ay palagi nalang sila masaya. Ayaw na niyang balikan ang nakaraang sakit, ang gusto niya ay bagong kuwento at bagong yugto ng buhay nila ni Brett kasama ang anak nilang si Brave. Subalit sa isang dako ay may isang babae na hindi nasisiyahan sa pagsasama ng tatlo sa iisang bubong. Mahigpit na hawak nito ang telepono at nagkakalansing ang mga ngipin sa pagdiin dahil sa galit. "Nagsasama na pala sila?" galit na sabi nito. Gamit ang isang kamay na may nakaipit na sigarilyo sa daliri ay itinaas nito iyon at hinithit ang sigarilyo saka marahas na binuga ang usok. "Yes na yes, Pinsan! Ang happy nila. One big happy family." Ani ng kausap niya sa kabilang linya. Sumama ang tabas ng mukha niya dahil sa sinabi nito. No. That won't happen! Hinding-hindi sila magiging masaya gaya nang pinagdaanan niya! "Cut off the pinsan word dahil hindi tayo magkadugo." mataray na utos niya sa kausap bago muling nagsalita. "I-update mo sa akin ang mga nangyayari diyan everyday, get it?" "Yes, Ma'am!" Napangisi siya dahil masunurin talaga itong kausap niya. Naku, dapat lang. Dahil kung hindi ito susunod ay malala ang aabutin nito sa kaniya. At hindi lang ito, kundi pati ng mga mahal nito sa buhay. "At ang bata. Alam mo na ang gagawin kapag nakakuha ka na ng pagkakataon, naiintindihan mo?" matigas ang boses niyang saad sa kausap. "Y-yes, Ma'am." "Very good." ani niya saka pinatay ang linya ng telepono. Muli niyang hinithit ang sigarilyo at binuga ang usok niyon sa hangin. Habang nakatitig siya sa makapal na usok sa ere ay nagmistula iyong hugis ng mukha ng isang tao, hanggang sa naging mukha iyon ng anak niyang namayapa na. Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha niya sa mga mata at dumaloy iyon sa magkabila niyang pisngi. "I miss you so much, anak ko. I can't…f-forget you." Napahagulhol siya ng iyak. Pinahid ang mga luha at muling humithit ng sigarilyo bago muling nagsalita. "P-paano kita makakalimutan kung ako ang dahilan kung bakit ka nawala?" Muli ay napahagulhol siya ng iyak. Iyak na pumuno na naman sa loob ng kuwarto niya. Ang kuwartong naging kulungan niya sa loob ng isang taon—simula ng mawala ang anak niya. Pero pinapangako niya sa sarili na sasaya rin siya. At ang araw na iyon ay mangyayari lamang kapag nasa bisig na niya ang batang matagal na niyang inaasam na makuha, at makasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD