Brett...
Isang malamig na boses ang bumubulong sa tenga ni Brett dahilan upang siya'y magising mula sa isang mahimbing na pagtulog. Nagmulat siya ng mga mata at bumangon sa kaniyang kinahihigaan. Ngayon ay nakaupo na siya sa kama habang nakakunot naman ang malalago niyang mga kilay.
Nanaginip ba siya?
Mukha kasing may tumatawag talaga sa pangalan niya kanina.
Napabuntonghininga si Brett. Mula sa kama ay bumaba siya at naglakad palabas ng kuwarto. Tumungo siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator at ininom ito. Sa tingin niya rin ay alas dos palang ng madaling araw. Bitbit ang baso ay lumabas siya ng kitchen upang dalhin sa kuwarto niya ang dalang tubig, ngunit kamuntikan na niya mabitawan ang baso nang may makita siyang babaeng nakatayo sa bukana ng sala, tila nakalutang ito sa hangin at nakasuot ito ng kulay puting damit na mahaba.
"What the f**k!" naisigaw ni Brett sabay napatuod sa kinatatayuan niya.
Ngunit sa isang kisap-mata lang ay nawala na parang bula ang babaeng nakita niya kani-kanina lang. Kinusot niya ng paulit-ulit ang mga mata, ngunit wala na talaga ito sa kinatatayuan nito kanina.
"Namalikmata lang siguro ako?" tanong ni Brett sa sarili sabay napailing.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at bumalik sa kaniyang kuwarto. Nilagok niya rin ang tubig sa baso bago siya muling nahiga at natulog.
Hindi naman nagtagal ay nakatulog siya. Ngunit muli siyang nagising nang marinig muli ang pagtawag sa pangalan niya at may naramdaman rin siyang paghaplos sa may paa niya. Sa tanda na niya sa mundong ito ay aminado si Brett na ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang takot. Nanayo pa nga ang mga balahibo niya sa katawan.
Brett...
A deep voice of a woman echoed in the room. Kakaiba ang boses nito at pagbigkas sa pangalan niya. Tila ba nahihirapan rin ito dahil sa paos nitong boses. Brett's body shaking from fear. Takot na hindi niya inaasahan.
Hindi rin napigilan ni Brett na kagatin ng mariin ang kaniyang hintuturo.
Buwesit! Naiihi pa nga yata siya!
Pinalibot niya ang mga paningin sa paligid at hinanap kung sino ang tumatawag sa kaniya. Kinapa niya rin ang lampshade at in-on ito upang mas makita pa niya ang paligid. Sa pagbungad ng liwanag sa paligid ng kuwarto niya ay kasabay niyon ang pagsungaw ng isang babae malapit sa closets niya. Hindi lang ito basta babae, kundi babaeng multo!
"Jesus!" naiusal ni Brett at mabilis na nag-sign of the cross.
Kahindik-hindik ang takot na nararamdaman niya habang nakatingin sa multo na nakalutang pa yata sa ere. Natatakpan ang mukha nito ng mahaba nitong buhok at hindi rin makita ang talampakan nito sa haba ng bestidang suot nito. Tanging nakikita lang niya ay ang porma ng katawan ng babae, mahabang buhok at mahabang damit nito. Sa kaniya rin ito nakaharap.
Pigil ni Brett ang hindi mapaihi sa saluwal niya.
"Holy Jesus! Save me!" wala sa sariling sambit niya sabay hagilap ng kumot at magtalukbong.
Sa tanda-tanda na niya ay ngayon lang siya nakakita ng multo!
Namatay pa ang lampshade niya sa hindi malamang kadahilanan kaya lalo siyang natakot. Napabaluktot siya ng higa habang nakatalukbong sa ilalim ng kumot.
Brett...
Tawag ulit sa kaniya ng multo. Tinakpan ni Brett ng unan ang mukha at mahigpit na hinawakan ang kumot. Hindi nagtagal ay nakatulog si Brett na ganoon ang ayos.
***
Masiglang pumasok sa trabaho si Anna. Habang abala nga siya sa paggagayat ng mga rekado para sa lulutuin niyang chicken afritada para mamayang pananghalian ay pakanta-kanta pa siya.
Hindi sana masisira ang maganda niyang mood kung hindi lang biglang dumating ang late niyang amo at magpatimpla ng kape kahit maga-alas onse na ng umaga.
"Anna, my coffee!" pasigaw na utos ni Brett sa kaniya mula sa opisina nito.
Kakarating lang nito at siya naman ay nasa loob ng mini kitchen nito na nasa mismong opisina rin nito.
May isang room pa na napansin si Anna sa loob ng opisina na ito simula nang magtrabaho siya kay Brett, pero hindi pa siya nakakapasok sa loob dahil nakakandado ang pinto. Sa tingin niya ay bawal rin itong pakialaman.
"Nariyan na po, kamahalan!" ganting sagot niya kay Brett.
Pinagtimpla niya ito ng kape, at pagkatapos ay kaagad niyang dinala sa lalaki ang kape.
"Kape niyo po," Ipinatong niya ang tasa sa ibabaw ng lamesa nito.
"What took you so long?" nakasimangot na tanong nito sa kaniya bago nito kuhanin ang tasa at dalhin ito sa bibig.
Napa-irap sa hangin si Anna.
Ikaw nga itong late, eh! Aniya ng piping isipan niya.
Tumikhim siya at sinagot ang lalaki, "Tinimpla ko pa po kasi ang kape mo, Sir." may diin ang boses na sabi niya. "Eh, ikaw po, bakit ngayon ka lang dumating? Saka, puyat ka po ba, Sir? Bakit nangingitim iyang ilalim ng mga mata mo?"
Kaagad naman nilapag ni Brett ang tasa sa lamesa at sinapo ang ilalim ng kaniyang mga mata.
"Malala ba?" tanong nito kay Anna.
Lihim na napangisi si Anna sa sinabi ng lalaki.
Mukha kang panda!
"Anna, I'm asking you kung malala ba ang eyebugs ko?" salubong ang kilay na ulit ni Brett ng tanong.
Hindi na napigilan ni Anna ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Pinigil pa niya ang sarili na huwag humalakhak ng tawa sa harapan ng binata habang bumabalik sa isipan niya ang nangyari nakaraang gabi.
Sinagot niya rin ang tanong ni Brett dahil lalo nang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya.
"Hindi naman po, Sir. Pero papunta ka na po kay Panda," natawa siya ulit, pero nang makita na sumama ang itsura ng lalaki ay pinigil niya ang sarili.
"Excuse me po, Sir. Tatapusin ko lang po ang ginagawa ko." Umakmang tatalikod si Anna pero bigla siyang pinigilan ni Brett sa braso dahilan upang muli siyang mapaharap sa lalaki.
"Anna?" anito.
"Sir?"
Brett cleared his voice before answer to Anna, "Do you believe in ghost?"
Hindi sana hahagalpak ng tawa si Anna sa naging tanong ni Brett kung hindi niya lang nakita kung gaano ka seryuso ang itsura ng lalaki habang tinatanong ang katanongan na iyon sa kaniya. Idagdag pa ang naglilikot nitong mga mata na tila ba may hinahanap ito sa paligid.
"I'm deadly serious, Anna. Kaya huwag kang tatawa-tawa riyan," sambakol ang mukha na turan sa kaniya ni Brett na lalo pa niyang ikinatawa.
Umayos si Anna at hinarap ang lalaki. Alam niyang kahit hindi siya nananalamin ngayon ay namumula ang mukha niya sa kakatawa. Hindi niya kasi aakalain na sa laking tao ni Brett ay takot ito sa multo.
"Seryuso ka po, Sir? Kaya ba puyat ka ay dahil sa multo kagabi?" natatawa niyang komento.
Ngunit ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ni Anna ay unti-unting naglaho nang makitang seryusong nakatitig sa kaniya si Brett.
Oh my god...nalintikan na!
"What did you say, Anna? Multo kagabi? H-How did you kn—"
"Ay, Sir, sandali lang tatapusin ko lang ang niluluto ko!"
Anna immediately ran into the kitchen and continued what she was doing earlier. Pero si Brett ay hindi naman nakontento sa katwiran ni Anna kaya sinundan niya ang dalaga sa kusina.
"Anna, hindi pa ako tapos kaya bakit ka umalis?" wika ni Brett habang titig na titig kay Anna na ngayon ay abala na sa paghihiwa ng mga gulay.
Umaktong parang wala lang si Anna habang pinagpapatuloy ang kaniyang ginagawa. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakikita niyang nakapamewang si Brett habang nakatayo sa gilid niya.
"Kailangan ko na kasing lutuin ito, Sir, para makakain ka na." pagdadahilan ni Anna.
Narinig ni Anna ang pagbuntonghininga ni Brett.
"Pero seryuso ako, Anna. Naniniwala ka ba sa multo?"
Pinigil na naman ni Anna ang sarili na huwag matawa.
"Depende po. Siguro kapag nakakita ako sa actual ng multo ay maniniwala ako," komento niya.
Muling bumuntonghininga si Brett. Mahahalata rin ang puyat at tamlay sa boses nito. Maingat na sinulyapan ni Anna ang lalaki at nais na naman niyang matawa nang makita ang itsura nito. Tulala kasi si Brett.
"Okay ka lang ba, Sir?" tanong niya kay Brett.
Nilingon naman siya ng lalaki, kapagkuwan ay napahawak ito sa noo at napahilot roon.
"Siguro nga nanaginip lang ako kagabi. Sige, tapusin mo na iyang ginagawa mo at pagkatapos mo riyan bumalik ka na doon kaagad sa puwesto mo."
Nasundan na lamang ni Anna ng tingin ang likuran ni Brett nang lumabas ito ng kitchen. Napailing-iling siya at napapangiti.
"Ako nga inaaswang mo, eh. Kaya dapat lang na multohin ka." natatawa pang sambit ni Anna habang naglalaro ang kapilyahan sa mukha.
Kinagabihan ay ganoon pa rin ang nangyari kay Brett. Hindi siya makatulog at pabaling-baling lang sa kaniyang higaan. Naririnig niya ang malamig at malalim na boses ng babae na patuloy tinatawag ang pangalan niya.
"Go away..." pagtataboy niya rito.
Ngunit ang boses na iyon ay patuloy pa rin sa pagtawag sa kaniya.
Pakiramdam ni Brett ay nahihilo na siya sa sobrang antok. Mukha na rin siyang adik dahil sa nangingitim niyang mga mata. Ihing-ihi na siya pero hindi naman niya magawang i-apak ang paa sa tiles sa isiping baka biglang may humila sa mga paa niya mula sa ilalim ng kama. Naka-on na nga rin ang ilaw sa loob ng kuwarto niya para makita niya ang paligid.
Brett...
Tawag na naman sa pangalan niya.
"f**k! f**k! f**k!" pagmumura niya habang idinidiin ang unan sa tenga niya.
Matagal na siyang naninirahan sa condo niya pero ngayon lang siya minumulto!
At dahil sa lintik na multong ito ay nasira ang schedule niya tuwing gabi!
"Why don't you go away? Leave my room for god's sake!" angil niya sa multong hindi naman niya nakikita ngayon dahil naka-on ang ilaw.
Pero biglang namatay ang ilaw at binalot ng dilim ang buong silid at kasabay niyon ay may malamig na kamay ang humawak sa paa niya.
Si Brett ay hindi na kinaya ang takot, napalundag siya paalis ng kama at napapatakbo palabas ng kuwarto niya. Suot lamang ang roba ay nagmamadaling lumabas ng condo unit si Brett at tinungo ang kabilang pinto, at walang habas itong pinagbabayo ng kamao niya.
"Open the damn door, Anna!" hinihingal niyang sabi.
Hindi siya sigurado kung gising pa nga ang dalaga dahil pasado alas dose na ng umaga. Pero laking pasasalamat ni Brett nang bumukas ang pinto at bumungad sa kaniya ang mukha ni Anna na mukhang hindi naman galing sa mahimbing na pagtulog.
"Sir—" Anna did not finish her words when Brett suddenly moved inside the room.
At ang lalaki ay natataranta ini-lock ang pintoan at hinablot ang kamay niya upang hilain papasok sa kuwarto nila ni Brave.
Ngunit natigilan si Brett nang maramdaman ang malamig na palad ni Anna na hawak niya ngayon. Kasing lamig iyon ng kamay na humawak sa paa niya kanina.
"Bakit ang lamig ng kamay mo, Anna?" tanong ni Brett kay Anna na mababakas ang pagtataka sa itsura.
Binawi naman ni Anna ang kamay kay Brett at kaagad siyang umiwas sa lalaki. Imbes na sagutin ang tanong nito ay iba ang sinabi niya.
"Ako ang dapat na magtanong sayo, Sir, bakit ka po nandito? Madaling araw na po, ah, kaya ano ang ginagawa mo dito at bakit mo ako hinila papasok sa kuwartong ito?" namewang si Anna sa lalaki.
Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Brett. Sinagot niya kaagad ang tanong ni Anna, habang ang mga mata niya ay sa kamay ng dalaga nakatuon.
"May multo sa room ko. Multo na ginugulo ako kaya hindi ako makatulog,"
Natawa ang dalaga kaya umigting ang panga ni Brett.
He's not joking!
Alam niyang totoo ang mga naririnig niya.
"Alam kong hindi ka naniniwala, Anna, pero iyon talaga ang totoo. Ilang gabi na ako ginugulo ng multong iyon kaya I decided na dito na magi-stay kasama kayo."
"Ano?!" gulat na sambit ni Anna.
"You heard what I've said. Simula ngayon ay dito na ako magi-stay. Tingnan ko lang kung hanggang dito ba ay susundan pa ako ng multong iyon." saad ni Brett.
Hindi makapaniwalang napatingin si Anna kay Brett. Magsasalita pa sana siya pero ang lalaki ay nahiga na sa kama at nagkumot na ito.
"Higa ka na dito, Anna." Tinapik ni Brett ang higaan sa tabi niya. "Antok na antok na ako, eh. Bukas na lang tayo mag-usap."
"Anong..."
Napatanga nalang si Anna kay Brett nang marinig ang paghilik nito. Wala siyang nagawa kundi ang mahiga nalang din sa tabi ng lalaki. Ang kinalabasan ay siya naman itong hindi makatulog lalo pa nang isiksik ni Brett ang mukha nito sa leeg niya at ipulupot ang mga bisig nito sa bewang niya, idagdag pa ang pagdantay ng mahahaba nitong biyas sa balakang niya. Nagmistula siyang unan na yakap-yakap nito.
Hindi rin siya makagalaw at nanigas nalang sa kaniyang kinahihigaan.
Kumakabog ng malakas ang dibdib niya at kung gising lang si Brett ay maririnig nito iyon.
Pero tulog na si Brett at naghihilik pa nga.
Napangisi si Anna.
Multo daw?
Tawang-tawa si Anna sa isipan niya. Pero ang hindi niya alam ay si Brett nagpapanggap lang na tulog at pinapakiramdaman siya.
Nang maramdaman ni Brett na tulog na si Anna ay maingat siyang bumangon sa kama at naglakad patungo sa closets ng dalaga.
Pagkapasok sa loob ay kaagad niyang tinungo ang isang secret door na naroon at konektado sa kaniyang closets. Ngunit natigilan siya nang makitang nakabukas iyon.
Napa-isip si Brett.
Inikot niya ang paningin sa paligid ng closets. Sa mga naka-hanger na damit at napatingin siya. Hanggang sa may isang damit na umagaw sa atensyon niya. Hinawi niya ang ilang damit upang tingnan ang puting damit na nakasiksik.
Sumilay ang ngisi sa labi ni Brett nang makita iyon.
"Anna..." sambit niya sa pangalan ng dalaga.
Hindi siya maaaring magkamali. Ang damit na ito ay nakita niyang suot ng multo nang unang gabing makita niya ito. Idagdag pa ang isang wig na nakasabit rin sa hanger kung saan nakasabit ang damit.
"Multo pala, ah." Naningkit ang mga mata ni Brett. "Gusto mo pala ng larong takutan. Sige, pagbibigyan kita, Anna." bulong niya.
Lumabas siya ng closets at bumalik sa higaan. Pinagmasdan niya ang dalagang mahimbing na natutulog. Napangisi siya.
"Ibig sabihin alam mo nang hindi ka nanaginip lang?" He smirked. "Alam ko na rin ngayon na walang multo, Anna." Napailing-iling si Brett.
Napabilib siya sa ginawa ni Anna. Takot na takot siya, eh. Halos maihi pa siya sa kaniyang saluwal.
"Humanda ka sa akin, Anna. Dahil matitikman mo ang malupit kong ganti. Sa ngayon, babawi muna ako ng tulog at pagkatapos niyon ay ikaw naman itong hindi ko patutulugin."
Brett then lay on the bed and hold Anna's waist. Isiniksik niya rin ang mukha sa leeg ng dalaga. At bago siya nakatulog ay sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
He likes the scene. At kung kinakailangan na magpapanggap pa rin siyang may multo sa condo niya para lang makatabi matulog si Anna ay gagawin niya, kahit wala naman talagang multo.