Kinabukasan ay nagising si Anna na ang laman ng isipan ay ang katanongan niya sa sarili kagabi na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin masagot-sagot. Pagbaling niya sa katabing higaan ay wala naroon si Brett.
‘Siguro nasa kitchen siya!’
Napabuntonghininga si Anna.
Nangangalay man ang mga tuhod at sa nananakit niyang katawan ay dahan-dahan siyang bumangon gamit ang kumot na siyang nakatakip sa h***d niyang katawan, upang silipin ang anak sa crib nito.
Subalit paglapit ni Anna sa crib ay wala na roon ang anak niya.
"Siguro dinala ni Brett sa kitchen," sambit niya.
Binalingan niya ang wall clock, pasado alas syete na ng umaga. Wala silang pasok ngayon ni Brett dahil araw ng sabado. Siguro nga dinala ng lalaki ang bata sa kitchen. Isinawalang bahala na muna ni Anna ang tungkol kay Brave dahil alam naman niya na hindi pababayaan ni Brett ang bata. Nagpasya na muna siyang pumasok sa banyo at maligo dahil nanlalagkit siya.
Lihim siyang napangiti nang maalala ang kaganapan kagabi. Halos lumpuin siya ni Brett at ayaw pa talagang tigilan kung hindi siya hinimatay dahil sa pagod. Paulit-ulit ba naman siyang inangkin ng matandang gurang na iyon.
‘Pero yummy!’
Banat ng isipan niya.
Nakagat ni Anna ang pang-ibabang labi habang nasa ilalim siya ng shower. Ang iilang marka na kulay pula na galing kay Brett ay nakikita niya na nagkalat sa kanyang dibdib.
You're mine, Anna!
Salitang galing kay Brett habang ginagawa nito ang mga marka na ngayon ay nasa dibdib niya.
Hinaplos ni Anna ang tanda ng p********k nila ni Brett kagabi at lihim siyang napapangiti.
Pagkatapos niyang pumailalim sa shower ay pinunasan niya ng malinis na towel ang katawan at nakahubad siyang naglakad palabas ng banyo. Tinungo niya ang closets at kaagad na naghanap ng maisusuot. Nang matapos ang pag-aayos ay saka na lamang lumabas ng room si Anna upang puntahan sina Brett at Brave sa kitchen.
But to her surprised, wala siyang tao na nadatnan sa kitchen.
"Saan naman sila nagpunta?" tanong niya sa sarili.
Tinungo niya ang living room pero wala doon ang mag-ama niya.
Pinuntahan ni Anna ang kuwarto ni Tekla para tanongin ito dahil alam niyang sa mga oras na ito ay hindi pa nakaalis ang kaibigan. Hindi kasi aalis si Tekla nang hindi nagpapaalam sa kanya.
Kumatok siya sa pintoan at hinintay na bumukas iyon. Subalit nakailang katok na siya ay wala pa rin nagbubukas ng pinto.
Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang nakaramdam ng kakaibang kaba si Anna. Aalis na lang sana siya subalit tila may hangin na tumulak sa pintuan dahilan upang bumukas iyon.
"Teks?" Tawag niya sa kaibigan ngunit hindi ito sumasagot.
Pinihit ni Anna ang pinto at pumasok siya sa loob. Subalit nang naroon na siya ay walang Tekla siyang nakita kundi tanging mga gamit lang nito na nagkalat sa sahig. Unti-unting tumahip ang kaba sa dibdib ni Anna sapagkat nakaramdam siya ng kakaiba. Hinanap niya ang kaibigan sa buong silid pero ni anino nito ay hindi niya nakita.
Wala si Brett at ang anak niya, wala rin si Tekla.
"Saan naman sila nagpunta? Hindi kaya magkasama silang tatlo?" aniya sa sarili.
Akmang palabas na siya ng kuwarto ng kaibigan nang marinig niya ang pagtunog ng buzzer. Panandaliang guminhawa ang pakiramdam ni Anna, napangiti na rin siya. Inisip na siguro lumabas lang ang tatlo at may binili habang tulog siya. Sa isiping iyon ay dali-daling tinakbo niya ang main door at ito'y binuksan.
Sa kanyang pagbukas ay sumalubong sa kanya ang guwapong mukha ni Brett. As in guwapong-guwapo ito dahil wala na ang mahaba nitong buhok at nagupitan na. At kung dati ay medyo mabalbas ito, ngayon naman ay malinis na malinis na. Nakasuot lang din ito ng jogger pants at plain na shirt. Sa tingin niya ay galing sa gym ang lalaki dahil pawis na pawis pa.
"Baby," nakangiting sambit nito. Kapagkuwan mula sa likod nito ay may inilabas itong bouquet ng bulaklak para sa kanya. "For you."
Kinikilig na inabot ni Anna ang bulaklak mula kay Brett. "S-Salamat." Inamoy niya ang bulaklak at nginitian si Brett.
Pumasok ang lalaki at kaagad siyang hinalikan sa labi. Gumanti rin siya ng halik at bago pa man nauwi sa mapusok na sandali ang lahat ay tinulak niya muna si Brett at nang pakawalan ni Brett ang labi niya ay kaagad niya itong tinanong tungkol kay Brave at Tekla.
"Sina Tekla at Brave pala, hindi mo sila kasama?" nakangiti niyang tanong sa lalaki.
"No, baby. Bakit, wala sila rito?"
Napawi ang ngiti sa labi ni Anna at muli siyang binundol ng kaba.
"W-wala, eh. Akala ko nga magkasama kayong tatlo kaya kita natanong. Paggising ko kasi ako lang mag-isa dito," Napakamot si Anna sa kaniyang noo at napaisip.
Hindi kasi gawain ni Tekla na ilabas ang bata nang hindi nagpapaalam sa kaniya simula noong na dengue si Brave dahil dinala nito sa labasan ang bata.
Sa narinig ay nagulat at nangunot ang noo ni Brett.
"Why did he take Brave outside without your consent?" inis na tanong ni Brett.
"Baka pinasyal niya lang si Brave sa labas. Hayaan mo't baka mayamaya lang ay pauwi na rin sila," saad ni Anna pero naroon pa rin ang kaba.
"Kanina nang magising ako alas singko ay nariyan pa si Brave at mahimbing na natutulog. Hindi na kita ginising pa para magpaalam na pupunta ako ng gym dahil alam kong napagod kita kagabi. And when I went to the kitchen ay nagkagulatan pa kami ni Tekla dahil naroon siya at kumukuha ng tubig. Wala naman siyang sinabi sa akin na ilalabas niya ang bata." mahabang litanya ni Brett.
Kinalma ni Anna ang sarili. Hangga't maaari ay ayaw niyang mag-panic. Kilala niya ang kaibigan, alam niyang hindi nito ipapahamak si Brave.
"H-hintayin na lang natin sila doon sa dining," aya niya kay Brett.
Hinapit niya sa braso si Brett at hinila sa dining ang binata. Hindi niya iniisip ang mga negatibong bagay, inisip na lang niya na namasyal lang ang dalawa.
Pagkarating sa dining ay may pagkain ng nakahain, alam niyang si Brett ang nagluto ng mga iyon.
"Kain na muna tayo, Brett." wika niya.
Tumango naman ang lalaki at ngumiti. "Sure, but, iba sana ang gusto kong kainin ngayon," pilyong sabi ni Brett.
Pinamulahan ng pisngi si Anna at mahinang tinampal ang braso ng lalaki.
"Nagugutom ako, Brett, kaya tigilan mo ako sa pangisi-ngisi mo riyan dahil alam ko ang ibig sabihin niyan," asik niya.
Tumawa lang ang lalaki at kumuha na rin ng pagkain at kumain.
Kumakain nga si Anna pero ang laman ng utak niya ay kung saan dinala ni Tekla ang anak niya, pero pinili niyang kalmahin ang sarili at pinagpatuloy na lang ang kinakain hanggang sa matapos sila ni Brett.
"Baby, give me the phone number of Tekla. Tatawagan ko siya. Maga-alas dyes na pero hindi pa rin sila umuuwi. You know, unang kilala ko pa lang diyan sa kaibigan mo wala na akong tiwala sa kaniya, eh." wika ni Brett.
Nakakunot ang noo ni Anna habang iniaabot niya ang cellphone kay Brett na may numero ni Tekla.
"Bakit mo naman nasabi iyan? Mabait si Tekla. Alam mo ba ng mga panahon na dumating ako dito sa Maynila ay siya ang tumulong sa akin, hanggang sa ipanganak ko si Brave ay naroon siya. Kaya may tiwala ako sa kanya na hindi niya ipapahamak ang anak ko." paniniguro ni Anna.
Mukhang hindi naman sumang-ayon ang binata sa sinabi niya. Nanahimik na lang ito habang dinadayal ang numero ni Tekla.
Lalong kumunot ang noo nito habang nasa tenga ang cellphone at nakatingin sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Anna.
"Why the hell his number's off?" anito.
"Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Ibinaba ni Brett ang cellphone at hindi mapinta ang mukha na tiningnan siya.
"Hindi ko siya matawagan dahil out of coverage ang number niya. Imposible namang low battery ang phone niya."
Sa sinabi ni Brett ay lalong kinabahan si Anna. Maging siya ay tinawagan rin nang tinawagan si Tekla, pero katulad nga nang sinabi ni Brett kanina, out of coverage ang numero nito.
"Come here," Napatingin si Anna sa palad ni Brett na inabot nito sa kaniya. Kinuha niya ang palad ng lalaki at tumayo siya mula sa kinauupuang sofa.
"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa lalaki.
"Sa CCTV room. Kailangan natin tingnan ang footage."
Walang kaabog-abog na sumama si Anna kay Brett sa CCTV room ng building. At habang pinanonood nila isa-isa ang mga kuha ng camera ay hindi siya mapakali at lalong kinakabahan nang hindi niya maintindihan.
When a staff play the footage from the hallway of their suit—kung saan lumabas si Tekla mula sa pintoan, and to the ground floor of the building where Tekla take Brave to the exit door, na tila ba nagmamadali ito ay hindi na maganda ang nararamdaman ni Anna.
Hanggang sa may tumigil na kotseng kulay pula sa parking lot kung saan lumabas si Tekla, bumukas iyon at ang kaibigan niya ay nagmamadaling pumasok sa loob. At ang kotseng kulay pula ay humarurot palayo sa lugar. Nakita rin sa footage ang pagdating ng kotse ni Brett.
"F*ck! I didn't notice that one!" anito na halata na rin ang pagkalito dahil sa pinanood nila.
Hindi namalayan ni Anna na tumutulo na pala ang mga luha niya. Nanginginig ang kamay na kinuha niya ang cellphone sa bulsa at muling dinayal ang numero ni Tekla, samantalang si Brett ay may tinatawagan rin sa sarili nitong cellphone.
"H-hindi…sagutin mo, Tekla, please…" umiiyak na sambit ni Anna. Wala siyang naririnig mula sa kabilang linya kundi out of coverage ang numerong tinatawagan niya.
Paulit-ulit niyang dinadayal ang numero ni Tekla pero paulit-ulit rin na iyon ang sinasabi ng network.
Si Brett ay hindi na nakatiis na tingnan ang dalaga na umiiyak habang patuloy sa pag-dial ng numero ng kaibigan nito, inagaw niya ang cellphone ni Anna at niyakap ito ng buong higpit.
"Stop it, Anna, wala kang mapapala sa numero niya. Wala na iyan, malamang tinapon na niya. Don't worry dahil humingi na ako ng tulong kay Rico at sa mga kasamahan niyang pulis," wika ni Brett habang niyayakap si Anna.
"P-pulis?" nauutal na saad ni Anna sabay kalas ng yakap sa lalaki.
Tumango si Brett at malungkot na sumagot. "Yes, Anna, dahil kinidnap si Brave at kailangan natin ng tulong ng mga pulis."
Napaawang ang labi ni Anna at hindi kinaya ang salitang binigkas ni Brett kaya hinimatay ito.
"Anna!" Nag-aalang sinalo ni Brett ang dalaga na kamuntikan nang bumagsak sa sahig.