Nakatulala si Anna sa kawalan, patuloy na umiiyak at hindi pa rin makapaniwala sa nangyari ngayong umaga. Katabi niya si Brett at pinipilit siyang painomin ng tubig, pero ang dalaga ay ayaw uminom.
Nasa CCTV room pa rin sila at kasalukuyang nakaupo sa pangdalawahan na sofa, habang ang mga pulis naman na kasama ni Rico ay pinapanood ang footage.
Niyakap ni Brett ang dalaga at hinalikan sa noo, bago ito nagpaalam na lalapitan muna ang kaibigan na si Rico para kausapin.
"Just stay here, okay?" paalam ni Brett. Tumango lamang ang dalaga sa kanya at walang salita na lumabas sa bibig nito.
Napabuntonghininga si Brett, tumayo ito at kuyom ang mga kamao na nilapitan si Rico.
"Bro, ano na? May nakakita na ba sa pulang kotse na sinakyan ni Tekla?" tanong ni Brett.
Malungkot na sinulyapan ni Rico si Anna kaya napatingin rin si Brett sa dalaga. Medyo hindi nagustuhan ni Brett ang paninitig ng kaibigan sa babaeng mahal niya kaya't hinawakan nito ang magkabilang pisngi ni Rico upang pihitin paharap sa kanya.
"Ganyan nga. Sa'kin ka lang tumingin kasi ako ang nagtatanong, eh." makahulugan na turan niya sa kaibigan.
Napailing na lamang si Rico sa inakto ni Brett.
"Look, bro, I was just sad about what happened to her child. Kung puwede lang na mahanap agad 'yong kumidnap sa bata para mabalik na siya kay Anna, kanina ko pa ginawa. Pero hanggang ngayon ay sinisisid pa rin ng mga kasamahan ko ang lahat ng CCTV footages sa posibleng lugar na dinaanan ng kotseng sinasakyan ni Bekla. I'm hoping na may mangyayaring maganda ngayong araw na 'to."
"It's not Bekla, it's Tekla." pagtatama ni Brett sa sinabi ni Rico.
"Ow…." Napakamot si Rico sa batok nito.
"We need to find that Tekla as much as possible, bro. I can't stand to see Anna suffering like that. Nasasaktan nga ako na hindi ko kadugo 'yong bata, siya pa kaya na siya ang nanay?" Brett gritted his teeth. Kung nasa harapan lamang niya si Tekla ngayon, malamang kanina pa niya ito sinipa sa mukha. Hindi niya aakalain na nagsama pala siya ng ahas de kaibigan sa pamamahay niya.
Tumaas ang kilay ni Rico dahil sa sinabi ni Brett. Kumuyon rin ang kamao nito habang matiim na nakatitig sa kaibigan. And then Brett caught Rico's deadly stare. Nangunot ang noo nito.
"What's with that look, huh? Bakit parang kakatayin mo ako ng buhay?"
Napatiim-bagang si Rico at pilit na ngumiti kay Brett. Ngiti na hindi malaman kung totoo o peke.
"What would you do if you found out who's Brave's father was? Ano ang sasabihin mo sa lalaking binuntis lang ang babaeng mahal mo at pagkatapos ay iniwan ito?" seryusong tanong ni Rico.
Brett didn't expect that question coming from Rico. Nakaraan lang ay pumasok rin sa isipan niya ang lalaking bumuntis kay Anna, nanggigil siya. At ngayon nanggigil na naman siya dahil inulit na itanong ni Rico. Alam niyang hindi dapat iyon ang iniisip nila ngayon, pero sasagutin na lang niya ang tanong ng kaibigan.
"I will punch his f*cking face until it bleeds." diretsang sagot niya.
"Aw? Okay, I'll note that. Anyway, lalapitan ko lang si Anna at kakausapin." Pagkasabi niyon ay nilagpasan na kaagad ni Rico si Brett. Samantalang naiwan naman si Brett na may kakaibang nahimigan sa sinabi ni Rico.
Nilapitan ni Rico si Anna at sinabi nito sa dalaga na ginagawa na nila ang lahat para matunton ang kotse. Umiyak ang dalaga at napayakap sa lalaki.
"Please, Rico, ibalik mo ang anak ko. Hindi ako makakatulog ng wala siya," umiiyak na pakiusap ni Anna.
Nahahabag ang damdamin ni Rico sa dalaga, maging siya ay nalulungkot rin at nagagalit at the same time sa taong utak sa pagkidnap sa bata.
"I will do everything para mahanap si Brave, Anna. I promise you."
Umiiyak na kumalas si Anna ng yakap sa kaibigan. "Salamat, Rico."
Tumango si Rico. Bago ito muling nagsalita ay sinulyapan muna nito si Brett, at nang abala naman ang lalaki sa panonood ng footage, ay muli niyang hinarap is Anna.
"He didn't know about it, did he?" pabulong na tanong niya kay Anna.
Mukhang nahulaan naman kaagad ni Anna ang tanong ni Rico, malungkot siyang umiling sabay baling nito kay Brett.
"Bakit hindi mo sinabi?" saad ni Rico.
"W-wala pa akong lakas, Rico." Napayuko si Anna at kasabay niyon ay tumulo ang luha niya. Nagsisinungaling siya nang sabihin niyang wala siyang lakas dahil ang totoo ay natatakot lamang siyang sabihin kay Brett dahil baka ilayo nito ang bata sa kanya.
"Alam mo ba ang mangyayari kapag pinatagal mo pa na hindi aminin ang tungkol dito? He will get mad, big time, Anna. Kilala ko si Brett, ayaw niya sa lahat ang taong nagsisinungaling sa kanya. You know what Carol did to him, right? Kaya sana huwag mo nang hintayin pa na sa iba niya malalaman na kanya ang bata, na siya ang ama. Hangga't maaga pa, aminin mo na, Anna."
"Ano'ng aaminin ni Anna, bro?"
Sabay na napabaling sina Anna at Rico sa nagsalita. Tila nahimasmasan si Anna at wala sa sarili na napatayo, ganoon rin si Rico.
"Just ask, Anna, bro." sambit ni Rico kay Brett na ang mga mata ay nakatingin kay Anna. Pinapahiwatig ng mga mata ni Rico na aminin na ni Anna ang dapat na malaman ni Brett.
Nakagat ni Anna ang ibabang labi at iniwas ang mga mata kay Rico, at pinilit naman na salubungin ang mga mata ni Brett.
"W-wala iyon, Brett. Gusto ko lang bumalik sa suit ngayon din," wika ni Anna.
Nagmamadali nitong nilagpasan ang dalawang lalaki na walang lingon-likod, at patakbong sumakay sa elevator paakyat sa palapag kung saan ang suit nila. Pagkarating at pagpasok sa loob ng suit ay doon na umiyak nang umiyak si Anna.
"Brave, anak ko!"
She called his name many times, but there was no response coming from Brave because her child is still missing.
*****
Three days later. Three days have passed but still no traces of Tekla are found. Halos hindi na pumapahinga ang mga kapulisan sa paghahanap sa nawawalang si Tekla at Brave, pero hindi pa rin sila natatagpuan. Tila bulang naglaho ang mga kuha ng CCTV footages sa iilang daan na posibleng dinaanan ng kotse, na para bang sinadya itong burahin ng kung sino mang salarin.
Sa tatlong araw na nagdaan ay hindi maimpit-impit ang pagtulo ng mga luha ni Anna. Mugto na ang kanyang mga mata at halos hindi na rin siya makakain ng maayos dahil sa nawawalang anak. Kahit ang pagtulog ay hindi na rin niya magawa sapagkat patuloy niyang inaabangan ang pagkatok sa pinto at umaasa na sa kanyang pagbukas ay naroon na ang kanyang anak, at makakasama na niya ito ulit.
Si Brett ay pumapasok naman sa trabaho, pero ang isipan niya ay ukupado ni Anna at ni Brave. Hindi siya makapag-concentrate ng maayos sa trabaho but he has no choice but to work kahit na nahahati ang katawan niya sa gitna. The half is because of Anna, nag-alala siya sa kalusugan ng dalaga dahil hindi na rin ito kumakain ng maayos since Brave gone. Ultimo pagtulog nito ay hindi na rin nabibigyang pansin. Awang-awa siya sa dalaga dahil mugtong-mugto na ang mga mata nito. He knows that feeling, he has been there, nang mamatay si Paolo. Kaya alam niya at ramdam niya ang pangungulila ni Anna kay Brave.
Hindi na rin pinilit pa ng binata na papasokin ang dalaga sa trabaho dahil alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan nito ngayon. Gustuhin man ni Brett na hindi na rin pumasok sa trabaho ay hindi naman pupuwede dahil maraming trabaho na kailangan ng presensya niya. Kaya pinangako na lang ng binata sa sarili na dodoblehin na lang ang pagbawi ng oras niya para kay Anna. At kahit, naman nasa trabaho siya ay walang tigil pa rin siyang nakikibalita at tumutulong sa pamamagitan ng mga tauhan niya upang mahanap ang bata.
The other half is because of Brave. The child is still missing and three days have passed pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang bata at si Tekla. Kung nai-stress si Anna, ganoon rin ang nararamdaman ni Brett ngayon. Nag-aalala na siya sa bata at maging siya ay hindi na rin makatulog ng mahimbing hangga't hindi nakakabalik si Brave.
Mahalaga ang bata para kay Brett, dahil napakahalaga ng nanay nito sa kanya.
As Anna loves him, he will also own the child as his, and loves the child as he loves Anna.
Tatanggapin niya ang bata kahit na hindi niya ito kadugo at kahit anak pa ito ng lalaking binuntis lang si Anna. Blood doesn't matter at all, all that matters is whether Brave accepts him as his father. Maaaring walang muwang pa sa ngayon ang bata pero darating ang araw na magkakaisip ito at malalaman na hindi siya ang tunay na ama. Kaya mahalaga sa kanya ang magiging desisyon ni Brave sa takdang panahon.
And yes, he can be a father to Brave. Walang pagdadalawang isip. Mahal niya si Anna, at mamahalin niya rin si Brave na parang tunay niyang anak. Kaya kahit nasa trabaho siya ay laman ng puso't isipan niya ay si Brave, at umaasa siya na sana ay nasa maayos na kalagayan lang ang bata at hindi ito nagalusan ng kahit na konting-konti lang. Dahil kapag nangyari iyon ay ipinapangako niya sa lahat ng Santo na hindi na makakapagdasal pa si Tekla at ang kasabwat nito sa pagkidnap sa bata.