Marahas na napabuga ng hangin si Anna nang makalabas siya sa Valle's Tower. Ang kaninang pagpipigil nito sa sariling emosyon ay tuluyang bumuhos habang napapatingala ito sa langit. Ang kaibigan nitong si Vian ay nagtaka sa inakto ng dalaga at napalabas ng kotse nito upang lapitan ang huli.
"Are you okay, Anna–god you're crying! Anong nangyari sayo?" takang-tanong nito sa dalaga sabay sapo nito sa pisngi ni Anna.
Dala ng nararamdaman ay wala sa sariling niyakap ni Anna ang kaibigan.
"W-Wala ito, Vian...miss ko lang si Brave kaya puwede mo ba akong ihatid sa Hospital ngayon?" Pagsisinungaling ni Anna.
Awa naman ang naramdaman ni Vian para sa dalaga.
"Oo naman! Halika na." Hinila ni Vian ang dalaga papasok sa kotse nito at kaagad na inihatid sa Hospital.
Samantalang naniningkit naman ang mga mata ni Brett habang nakatitig sa pinto na kinalabasan ng dalaga. Gusto niya sana itong pigilan kanina nang palabas na ito ng opisina niya ngunit tila ba nabikig siya at hindi magawang magsalita.
After one-year ay muli silang nagkita, and Anna was different now than before. She looks so stunning in her simple attire yet admiring. Napapaisip tuloy siya kung kumusta na ito ngayon? May asawa na kaya ito at may anak na?
Sa isiping iyon ay lalong naningkit ang mga mata niya. Mukhang hindi niya yata gusto ang ideyang may sarili na itong pamilya ngayon.
Hindi siya makakapayag! Never!
At the same time ay hindi niya rin maiwasang tanongin ang sarili kung bakit siya umaaktong ganoon.
"How's your day, boss? Hindi ba sumakit ang ulo mo sa mga tanong ni Miss beautiful?" anang sekretarya niya na kakapasok lang ng pinto.
Masamang tingin ang ipinukol niya kay Aaron. Kung kanina ay hindi niya gusto ang ideyang may pamilya na ang dalaga, ngayon naman ay naiirita siya sa pangalang ginamit ni Aaron kay Anna.
Pinatawag niya ito dahil may hindi siya gaanong importante na ipapagawa kay Aaron ngayon.
"Don't call her like that kung ayaw mong masibak sa trabaho." nagbabanta ang boses na wika niya sa lalaki.
Napailing ang lalaki sabay upo sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya. "Why naman, boss? Eh, maganda naman talaga siya." gagad pa ni Aaron. Ngunit nang makita nitong dumilim ang anyo ng boss ay napasuko na lamang ito. "Sige na nga. Mahal ko pa naman ang trabaho ko." natatawang nitong komento.
"Good." saad naman ni Brett. Napatitig siya sa kinauupuan ni Aaron. Kanina lang si Anna ang nakaupo roon. Wala pa man trenta'y minutos simula nang makaalis ito ay hinahanap-hanap na kaagad niya ang dalaga.
"Bakit ganiyan ka tumitig sa akin, boss? Huwag mong sasabihin na nagkakagusto ka na sa akin? Well, boss, alam mo na siguro ang chismis sa atin ng mga tao? Na mag-jowa raw tayo—"
"Shut up." kalmado ngunit mariin niyang utos kay Aaron.
Itinaas ng lalaki ang kamay nito sa ere tanda na sumusuko na ito.
"Nga pala boss, ano pala ang sadya mo at pinatawag mo ako gayong nagkakape ako kanina?" kunot ang noo na tanong ni Aaron kay Brett.
Nilaro-laro ni Brett ang ballpen na hawak habang patuloy na nakatitig sa silyang inuupuan ng dalaga kanina.
"Find her." ani niya na hindi inaalis ang tingin sa upuan.
"Sino po, boss?" saad naman ni Aaron na nakakunot ang noo.
Napabuntonghininga si Brett sabay baling kay Aaron.
"Anna Mariel Samson."
Pumaskil ang ngiti sa gilid ng labi ni Aaron at nahihiwagaan na napatingin sa boss.
"Si Miss beautiful? Oh, bakit boss? May hindi ka ba nasagot sa tanong niya at kailangan mo ng part two interview?" aniya ni Aaron sabay ngiti ng malapad.
Masamang tingin ang ibinaling ni Brett sa kaniya. "You were asking too many questions, Lorenzo. Just find the girl at alamin mo ang tungkol sa kaniya." masungit na wika niya sa lalaki.
Tumango-tumango si Aaron pero deep inside ay nahihiwagaan ito sa boss. Pakiramdam ni Aaron ay may kakaiba sa amo. Hindi naman kasi ganoon ang boss niya. Madalas itong magsungit at ni bihira nga maka-usap, lalo na kapag nasa trabaho ito. Sa tagal na niyang nanilbihan bilang sekretarya ni Brett ay ni minsan hindi niya ito nakitang may dinala na babae sa opisina o kahit saan. Bihira rin ito makipag-usap sa mga empleyado ng kompanya. Hindi naman sa pagmamayabang ni Aaron, pero siya lang ang madalas kausapin ng boss niya. Kaya nga sila napagkamalan na may relasyon at higit sa lahat napagkamalan na bakla!
Napangiwi si Aaron kaniyang naisip.
"Ano nga po ulit ang gusto mong gawin ko, boss?" nakangiwi niyang tanong sa amo. Nawala kasi sa isipan niya ang sinabi nito kanina.
Kung bakit kasi napagkamalan kaming mag-jowa ni Boss! Bulong ng isipan ni Aaron.
"You're not listening to me, Lorenzo." Napakamot sa ulo si Aaron at napangiti ng pilit sa boss niya. "I told you, find Anna at alamin mo ang lahat tungkol sa kaniya. Kung saan siya nakatira, kung may asawa't anak na ba siya. Do you get it? O baka kailangan ko pang ulit-ulitin ipaalala sayo ang gagawin mo?" Ngunit natigilan si Brett nang mapagtanto ang kaniyang mga sinabi.
Napa-iwas siya ng tingin kay Aaron nang makitang napangiti ang lalaki at tila nasisiyahan sa sinabi niya.
"Bakit ka ganiyan, boss?" nangngingiti pang tanong ng lalaki kay Brett.
"Anong bakit?" balik-tanong naman niya rito.
Lalong umiwas ng tingin si Brett sa sekretarya niyang makulit. Hindi niya nagugustuhan ang klase ng pag-ngisi nito.
"Wala na nga. Sige na, hahanapin ko na si Miss beautiful para sayo, boss, nang sa ganoon e, makatulog ka na ng mahimbing." makahulugang wika ni Aaron. Tumayo ito at nagmartsang naglakad palabas ng opisina niya. Samantalang naiwan naman siyang napapahawak sa sentido.
Brett couldn't believe what he said to Aaron.
Bakit pa niya kailangan na ipahanap si Anna? Para sa ano pa? Siya na rin mismo ang nagsabi na nakalimutan na niya ang nakaraan; kasama na roon ang mga taong nakilala niya noon, maliban sa anak na si Paolo. That is why he build a Children's home upang manatili sa alaala niya ang anak. Mawala lang ang lahat ng alaala niya sa ibang tao na nakilala niya noon, huwag lang mawala ang alaala ni Paolo.
Pero ngayong muli silang nagkita ni Anna, nanumbalik ang lahat ng alaala nito sa isipan niya. At isa lang ang napatunayan niya ngayon. Hindi lahat ng alaala niya sa nakaraan ay nawala.
...
Panay ang baling ni Brett sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesa niya. Naghihintay siya sa balita ni Aaron. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses na niyang binuksan ang cellphone kung may mensahe bang pinadala ang lalaki o wala. Muli ay napabuga siya ng hangin. Hindi siya mapakali sa kinauupuan. Kanina pa nga siya palakad-lakad sa silid na ito.
Kung nagsasalita lamang ang mga paa niya malamang kanina pa ang mga ito nagreklamo.
Akmang tatayo na naman sana siya nang marinig ang pag-vibrate ng phone niya. Mabilis pa sa pagpatak ng orasan na dinampot niya ito at kaagad na tiningnan.
Lorenzo's calling...
He hurriedly clicks the button to accept the call.
"Lorenzo." aniya.
"Boss, I found her. Pero... mukhang huli ka na, boss." wika ng lalaki mula sa kabilang linya.
Brett's forehead creased. May naramdaman rin siyang kaba sa dibdib ngunit hindi na iyon binigyang pansin. Mas abala ang utak niya sa kakahintay sa sasabihin ng lalaki.
"Ano ang nalaman mo, Lorenzo?" seryuso niyang tanong sa lalaki.
"Dito lang siya sa Makati nakatira, boss. Ang totoo niyan ay sa Hospital ko siya nahanap kanina."
Lalong nangunot ang noo ni Brett sa sinabi ng huli.
Ano naman ang ginagawa ni Anna sa Hospital?
Hindi maintindihan ni Brett ang sarili pero kinabahan siya sa kaalaman na iyon.
"Hospital? At ano naman ang ginagawa ni Miss Samson sa Hospital?" tanong niya sa kausap.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ng kausap.
Pero hindi nagtagal ay sumagot rin ito.
"May pasyente siya, boss. Anak niya."
Lalong rumagasa ang kaba sa dibdib ni Brett. Hindi kaagad siya nakasagot kay Aaron. Paulit-ulit na tumugtog sa isipan niya ang sinabi ng kausap.
"Boss? Nariyan ka pa ba? Babalik na rin ako e, teka wait mo ako diyan ko na sasabihin ang lahat ng nalaman—"
"May anak na siya?" putol niya sa sasabihin ni Aaron.
"Yes, boss. Sa katunayan nga ay narito rin ang asawa ni Miss Beautiful, magkakasama silang tatlo. Kaya ko nga nasabi na huli ka na—"
Pinatay ni Brett ang tawag.
Hindi na niya kayang marinig ang kung ano pang sasabihin ni Aaron.
Nanghihina siyang napaupo sa swivel chair at naihilamos ang palad sa mukha.
"F-Fuck..." mahina niyang mura.
Nang sumidhi ang kirot sa sentido ay nasabunutan pa niya ang sariling buhok. At kasabay niyon ay muling bumalik ang alaala ng nakaraan.