Nakaharap sa salamin habang inaayos ang pagkapusod ng mahabang buhok. Sinuri ng maigi ang mukha kung may dumi ba roon o wala. Nang sa tingin ay wala naman, hinawakan niya ang magkabilang pisngi at marahang pinisil. Namula iyon at nagmistula siyang gumamit ng blush on. Ang sunod na binalingan niya ay ang kaniyang labi. Kinagat niya ang pang-ibabang iyon at katulad ng nangyari sa magkabila niyang pisngi ay namula rin iyon. At pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin.
"Gamitin mo na kasi iyang lipstick, dear!" Muntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang biglang may magsalita. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay baling sa bagay na ipinatong ni Vian sa ibabaw ng lumang cabinet na may malaking salamin.
"Hindi ako sanay diyan, Vian." nakangiwi niyang komento.
Tawa naman ang isinagot nito sa kaniya. "Naku, dear, kailangan mong gamitin iyan para naman pak na pak ang awra mo!" Napasunod na lamang ang tingin niya kay Vian nang kuhanin nito ang red lipstick. Hinawakan nito ang pisngi niya at ito na mismo ang naglagay ng lipstick sa kaniya. "Ayan! Hala, lalo kang gumanda, dear!" puno ng paghanga na wika nito.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin. Ibang-ibang ang itsura niya sa simpleng babae na kilala niya. Kahit pulbo at lipstick lamang ang nasa mukha niya ngayon ay malaki pa rin ang pagbabago niyon sa simpleng siya. Naka-casual attire siya. Blue long sleeves paired and tucked in with high-waisted pants. Wala rin siyang choice kundi suotin ang high-heeled stilettos na si Vian rin ang bumili. Sana lang talaga ay hindi siya magkandarapa mamaya lalo't hindi siya sanay gumamit niyon.
Nang lumabas siya ng silid ay napahanga sa kaniya si Vian.
"Wow, Anna! Ang ganda mong dilag!" napahanga nitong komento na sinuri pa ang kabuuan niya.
"Salamat." tipid na tugon niya rito.
"Oh, ano handa ka na ba?" tanong nito sa kaniya habang inaayos ang kuwelyo ng kaniyang damit.
Bumuntonghininga siya. Naalala niya ang anak. Nasa Hospital pa rin ito ngayon kasama si Tekla. Kailangan niya ng medyo malaking pera para sa paglabas nila sa susunod na araw. Medyo um-okay na rin kasi ang kalagayan ng anak niya kaya kahit papano ay naginhawaan rin siya.
Binalingan niya si Vian at tumango siya bilang pagsagot sa tanong nito kanina.
"Good! Tara na at ihahatid na kita sa Tower ni Boss sungit!" wika nito sabay hawak sa braso niya at hilain siya palabas ng inuupahang bahay.
...
Dinala muna ni Vian si Anna sa Boss nito. Pinakilala nito si Anna sa mga kasamahan, at nang masigurong maayos na ang lahat mula sa audio recorder at notebook na dadalhin ng dalaga ay hinatid na ni Vian si Anna sa Valle Tower. Saktong-sakto lamang ang dating nila dahil sa mga sandaling iyon ay kakabalik lamang ni Mr. Valle sa opisina nito mula sa Children's home na binuksan ngayong araw, ayon sa sekretarya nito.
Abot ni Anna ang kaba nang makarating sila ni Vian sa isang malaking Tower sa Makati. Pinagbuksan siya ng kaibigan ng pinto ng kotse at nang makalabas roon ay kaagad siyang napatingala sa mataas na gusali.
"Ang laki..." naisambit niya.
"Malaki talaga, dear, ito ang pinaka-main office ni Boss Sungit eh! Alam mo, suwerte mo nga e, kasi makakapasok ka riyan." komento pa ni Vian. Hindi kasi sila basta-basta makakapasok sa Valle Tower lalo na kung walang pahintulot ang supladong may-ari niyon.
Napatango-tango na lamang si Anna sa sinabi ni Vian. Isa lang ang naiisip niya, siguro masyadong istrikto ang may-ari ng Tower na ito kaya walang pinapapasok na kung sino lang. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan ngayon. Hindi naman kasi siya kilalang tao o mayaman.
"Don't worry, Anna, tiyak na makakapasok ka riyan kaya go na at baka naghihintay na si Boss Sungit!" wika pa ni Vian sabay hila kay Anna papunta sa entrance. Halos magkandarapa naman siya sa paghila nito lalo't hindi siya masyadong magaling magdala ng high-heeled shoes, at ngayon lang din siya nagsuot nito, maliban lang noong pinaayusan siya ni Carol isang taon na ang nakakaraan.
"Oh, ikaw na ang bahala, Anna ha. Lahat ng isinulat riyan basahin mo ha. Sige, go na!" ani ni Vian. Nasundan na lamang niya ito ng tingin ng umalis na ito.
Bitbit ang bag na may laman na mahahalagang bagay, binagtas ni Anna ang daan papasok sa Tower. Hindi naman siya hinarang ng sekyu dahil may I.D siyang pinakita rito.
Hindi niya maiwasang mapahanga sa mga nakikita niya sa paligid. Ang ganda kasi niyon at ang lawak pa. Ang mga tao na naroon ay pawang naka-formal attire, nahihiya tuloy siyang makipagsabayan sa mga ito sa paglalakad kaya naman mas pinili niyang magpahuli na lang.
Hanggang sa may isang lalaki ang lumapit sa kaniya. Ang guwapo nito at ang kisig ng pangangatawan.
"Anna Mariel Samson?" tawag nito sa pangalan niya.
Napatigil siya sa paghakbang at napatango. "O-Opo, ako nga."
"This way, Anna." anito at hinawakan pa ang braso niya.
Napasunod na lamang siya rito. Panay ang pag-ngiti nito sa kaniya, at hindi binibitawan ang kaniyang braso hanggang sa makasakay sila ng elevator.
"You're beautiful, Anna." kapagkuwan ay komento nito sa kaniya.
Namula ang pisngi niya sa tinuran nito at nahihiya siyang ngumiti sa lalaki. "Salamat."
"By the way, I'm Aaron. A handsome secretary of Mr. Valle." pakilala pa nito sa sarili sabay kindat sa kaniya. Ngunit hindi niya pinansin ang pagkindat nito sapagkat naagaw ang atensyon niya sa pangalan na binanggit nito.
May kung anong nagpatigil sa pagtibok ng puso ni Anna nang marinig ang pangalan na binanggit ng lalaki. Ngunit nang maisip na baka kapareho lamang iyon ng apelyedo ng lalaking nakilala niya noon ay iwinaksi na lamang niya iyon sa isipan.
Nang tumigil ang elevator ay nauna siyang lumabas roon at sumunod naman si Aaron. Hinatid siya nito hanggang sa makarating sila sa isang pinto.
"We're here, Anna." anunsiyo ng lalaki.
Muling bumalatay ang kaba sa dibdib ni Anna, hindi iyon naitago ng kaniyang reaksyon. Narinig niyang natawa ang lalaki kaya napabaling siya rito.
"Don't worry, Anna, hindi nangangain si Boss," natatawang biro ng lalaki. "Good luck, Anna." anito saka siya iniwan roon.
Naiwan siyang nasundan na lamang ng tingin ang papalayong bulto ng lalaki. Nang mawala ito sa paningin niya ay saka niya hinarap ang pinto.
"Ito na iyon. Para kay Brave!" pangpalakas-loob na sambit niya sa sarili.
Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago kumatok roon.
Samantalang kamuntikan pa siyang mapatalon sa kinatatayuan nang automatic iyong bumukas.
"Susme..." bulong niya at hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan.
"My time is running out, so don't waste it." Suddenly a deep baritone voice echoed from the inside.
Lalong kinabahan si Anna sa boses na kaniyang narinig. Subalit dahil sa maawtoridad nitong salita ay wala na siyang panahon na isipin pa iyon kaya humakbang na siya papasok sa loob ng opisina.
And then she saw this man standing and his back facing her. Nakatayo patalikod sa kaniya ang lalaki at nakatingin ito sa glass wall. Sinipat niya ang kabuuan nito. Mahaba at nakatali ang buhok nito. Malaki ang pangangatawan at matangkad. Nangunot ang noo ni Anna sapagkat familiar sa kaniya ang tindig ng lalaki at lalo rin siyang kinabahan.
No! Mali ako ng iniisip!
Hiyaw niya sa isipan.
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon nito, at nagtagumpay naman siya dahil ang lalaki ay unti-unting humarap.
Subalit ganoon na lamang ang paglaki ng mga mata niya nang mapasino ito. Nahigit niya ang paghinga at pakiramdam niya ay tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo.
Brett!
Hindi siya maaaring magkamali. Kilalang-kilala niya ito. Kahit pa mahaba ang buhok nito at mabalbas na ito ngayon ay kilala pa rin niya ito!
Ang lalaki ay natigilan rin nang makita siya. Nangunot ang noo nito at sinuri ang kabuuan niya. Napalunok siya at hindi nagawang ikurap ang mga mata.
Titig na titig siya sa mukha nito, at ganoon rin ito sa kaniya. Tila ba mini-memorya nito ang itsura niya. Hanggang sa ang lalaki ay sumeryuso ang mukha. Tumingin ito sa relos bago siya muling binalingan.
"My time is running out; shall we start?" puno ng maawtoridad na untag nito sa kaniya.
Napakurap-kurap si Anna. Muntikan pa niyang makalimutan ang pinunta niya rito. Bakit ba kasi siya nagpapaapekto sa presensya nito? Ni hindi nga ito apektado sa presensya niya!
Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa isiping iyon.
Nang maupo ang lalaki sa swivel chair nito ay naupo na rin siya sa upuan na nakaharap rito at inilabas ang audio recorder at notebook sa loob ng bag.
Humarap siya sa lalaki at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. Tipid niya itong nginitian at umaktong normal sa harapan nito kahit na ang totoo ay nanginginig na ang kalamnan niya.
"G-Good afternoon, Sir–" Bumaba ang tingin niya sa pangalan na naka-ukit sa isang bagay na nasa ibabaw ng lamesa nito. Sabi na nga ba niya at hindi siya maaaring magkamali. "...Valle." sabay angat niya ng tingin upang salubungin ang mga mata nito.
"Good afternoon. Okay, let's start, Miss?"
May kung anong kumurot sa puso ni Anna. Hindi maiwasang tanongin ang sarili kung hindi na ba siya nito kilala? O sadyang kinalimutan na siya?
Ngumiti pa rin siya rito kahit na tinutusok-tusok ang puso niya sa mga sandaling iyon.
"Ako po si Anna Mariel Samson, Sir." pakilala niya sa sarili.
Tumango naman ito, "Okay, Miss Samson, now proceed. "
Humugot muna siya ng hangin bago nagpatuloy. Sana lang ay kayanin niyang matapos ito.
"Pinadala po ako ni Mr—"
"I know. Just straight to whatever you want to ask for." nakagat niya ang labi sa pagputol nito sa sasabihin niya.
Nawala tuloy siya sa konsentrasyon.
Nagmamadali ba siya? Natanong niya sa isipan.
Ang suplado!
"Ahmm. Narito po ako para kumuha ng konting pahayag sa inyo, Sir." Binuklat niya ang notebook na hawak at binasa ang mga nakasulat roon. Ilang beses na niyang ininsayong bigkasin ang mga iyon habang nasa sasakyan siya kanina, at hindi naman iyon marami. Kinuha niya rin ang audio recorder at in-on iyon. Ngayon, handa na siyang magtanong sa lalaking ito.
"Many people wanted to know about 'Children's home.' The question is, where did you get the idea to build that home for children, Sir? Bakit po sa dinami-rami ng puwedeng ipatayo ay iyon po ang naisipan niyo?"
"Gusto mong malaman kung bakit ko naisipan na ipatayo?" kunot ang noo na tanong ng lalaki.
Nang una ay umiling si Anna dahil hindi naman siya ang may gustong alamin iyon, pero sa huli ay tumango na rin siya dahil iyon pala ang trabaho niya ngayon, ang itanong sa lalaking ito ang lahat ng nakasulat sa notebook.
"It seems that you're not sure sa pinunta mo rito, Miss Samson." anang lalaki na ikinailing niya.
"Sure po ako, Sir! Nakasulat po rito." ani niya sabay lahad ng notebook sa lalaki.
Napailing naman ito.
Nasundan pa niya ng tingin ang lalaki nang tumayo ito at naglakad papunta sa glass wall. Nakatalikod na ito ngayon sa kaniya. Hindi na naman niya maiwasang suriin ang kabuuan nito. Nag-matured itong tingnan at sa tingin niya ay dahil iyon sa buhok nito. Pero gayunpaman ay hindi niya maipagkakaila na lalo itong gumuwapo. Napadapo rin ang tingin niya sa pang-upo nito.
"Staring at my a*s is a crime, Miss Samson." Mabilis siyang napaangat ng ulo nang marinig ang sinabi nito.
Ramdam niya ang pag-iinit ng magkabilang pisngi nang magsalubong ang mga mata nila ng lalaki mula sa salamin. Huling-huli siya nito sa mga paninitig niya.
Nagsalita itong muli habang nakatitig sa kaniya mula sa salamin.
"One year ago, my son died, Miss Samson." Natigilan si Anna sa sinabi nito at nanumbalik sa isipan ang nakaraan. Isang butil ng luha ang kaagad na sumungaw sa kaniyang mata. "And after that, it changed half of my life. Hanggang sa isang araw ay may ideyang pumasok sa kokote ko. At iyon ay ang ipatayo ang Children's home. At kung tatanongin ako kung bakit? Ang anak ko ang dahilan kung bakit ko iyon naisipang ipatayo. Sa pamamagitan ng pagtulong at pagsagip sa buhay ng mga batang napabayaan ng kanilang mga magulang ay mananatili ang alaala ng anak ko sa isip at puso ko. Sa paraan na iyon ay parang nasagip ko na rin siya, kahit sa ganoon man lang, Miss Samson."
After hearing those lines, Anna's face filled with amusements for Brett.
"Mabuti ang kalooban mo, Sir. Dahil ang pagtulong sa mga bata ay isa nang patunay na mabuti ka pong tao."
Napabaling muli si Anna sa papel na hawak upang ikubli ang lungkot sa mga mata. Ramdam niya sa tono ng pananalita ni Brett kanina na hanggang ngayon ay sinisisi pa rin nito ang sarili sa pagkamatay ng anak.
"You're wrong, Miss Samson. Hindi mo ako kilala." anito ng lalaki.
Hindi na lamang pinansin ni Anna ang sinabi nito. Gusto na niyang matapos ang trabaho nang sa ganoon ay makaalis na siya. Kanina pa niya pinipigil ang sariling emosyon simula nang magkita sila ng lalaki.
Nagpatuloy siya sa ikalawang tanong na nakasulat sa papel.
"Is it real that you left Italy and back for someone here in Philippines, Sir?" nangunot pa ang noo niya sa nabasa. Bakit parang hindi naman niya iyon nababasa kanina? Hindi kaya't hindi lang talaga niya naiintindihan ng mabuti ang binabasa dahil nilamon siya ng kaba?
"I returned to the Philippines for the Children's home. As you can see, kanina lang iyon binuksan." anito.
"U-Umalis ka papuntang Italy?" naisambit niya nang mapagtanto ang lahat.
"Yes, Miss Samson."
Napatango-tango siya. "Kailan pa?" nakagat niya ang pang-ibabang labi nang mapagtanto ang sinasabi. "I'm sorry, Sir, hindi po iyan kasama dito." ani niya sabay taas ng notebook. Nais niyang batukan ang sarili ngayon. Ang kapal ng mukha niya para magtanong ng bagay na hindi naman kasama sa mga nakasulat sa notebook!
"I see." sabat naman ng lalaki.
Pero hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung kailan ito umalis at kailan ito bumalik?
Muli siyang tumingin sa notebook at isinantabi na muna ang mga haka-haka na iyon.
"Many of us...ah sa kanila lang po ito, Sir." Pagtatama niya sa binabasa dahil hindi naman siya kasali roon. "Hmm..wondering if you are married or not?" sabay tingin niya sa lalaki.
"I'm not married. Wala na bang ibang tanong riyan?" tila naburyo na wika ng lalaki. Muli itong naupo sa swivel chair nito at ipinatong ang dalawang palad sa ibabaw ng lamesa habang titig na titig sa kaniya.
Napalunok si Anna. Bakit naman kasi ganoon ang mga nakasulat sa papel imbes na importante ang ilagay doon?
Baka importante kina Vian na malaman kung may asawa siya o wala?
Napailing si Anna sa naisip. Muli siyang nagpatuloy.
"Is it true that you don't like women because you prefer men? And is it true that you're gay?" Nanlaki ang mga mata ni Anna sa mga nabasa niya.
Teka, hindi ito kasama noong binasa ko ito ah. Sino naman ang sumulat nito?
Kagat ang labi na tiningnan niya ang lalaki upang magpaliwanag rito. "Nakasulat lang po rito, Sir."
Kinabahan siya ng sumeryuso pa lalo ang mukha ng lalaki. Umigting ang magkabila nitong panga, at matiim siya nitong tinitigan habang ang kamay nito ay niluluwagan ang necktie na suot.
"You know that I'm not gay, Anna." anito sa malalim na boses, "wanna try?"
Nahigit ni Anna ang paghinga sabay iling.
Binalingan niya ulit ang papel na napapalunok. Nanginginig rin ang mga kamay niya habang tinuturo ang susunod na itatanong niya.
Pinapahamak ako ni Vian eh! Aniya sa isipan.
Tumikhim siya at muling binasa ang mga huling katanongan na nakasulat sa papel.
"Do you have a relationship with your secretary?" nanlaki na naman ang mga mata niya sa nabasa. "I'm so sorry, Sir—"
"Wala kaming relasyon." matigas ang boses na sagot nito.
Tumango siya at binasa ang huling tanong.
"If the right person comes into your life currently, then where is she, or he?" napangiwi pa siya sa nabasang iyon. Para kasing huhula muna ang sasagot.
Matapos isara ang notebook na hawak ay binalingan ni Anna ang lalaki para pakinggan ang isasagot nito. And their eyes met.
Matiim na nakatitig sa kaniya ang lalaki kapagkuwan ay bumukas ang bibig nito para magsalita.
"She's in front of me." anito.
Napakurap siya sa narinig.
Suddenly, she realized the last question she had asked. Natigilan rin siya nang maisip and isinagot ng lalaki.