Chapter 3- Brett

1203 Words
Nakaupo siya sa swivel chair niya at nire-review ang mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Sinisigurado na bago iyon pirmahan ay nabasa niya ito ng maigi. But he suddenly stops his doing when he heard a knock on the door, napabuntonghininga siya. Ayaw niya ng bisita o kahit na sino. Ang gusto niya ay tahimik lang. Tahimik na lugar, that's all. Narinig pa niya ulit ang pagkatok sa pinto, ngunit hindi siya sumagot. Hanggang sa marinig niya ang pag-vibrate ng cellphone niya sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Aaron. Sekretarya niya. Ibig sabihin lang ay ito ang nasa labas ng pinto niya ngayon at kanina pa kumakatok. Iyon ang ginagawa nito kapag hindi siya nagbibigay ng permisyo na magpapasok ng tao sa opisina niya. Ang tawagan siya nito upang ipaalam na ito ang nasa labas ng pinto. "Come in," malalim ang boses na wika niya sa microphone. Konektado iyon sa maliit na speaker na nasa labas ng pinto niya. Bumukas ang pinto at pumasok si Aaron. Hinay-hinay ito sa paghakbang, tila ba ayaw makalikha ng ingay ng mga yapak nito. Alam na kasi nito ang ugali niya. "Good morning, Sir." magalang at mahina ang boses na bati nito sa kaniya. He didn't say anything. Nanatili siyang nakatingin sa papeles na hawak. Ni hindi nga niya binigyan ng sulyap ang lalaki. Tumikhim si Aaron at naupo ito sa upuan na nasa harapan ng lamesa niya. Hinintay niya ang sasabihin nito. Kung ano ang pakay nito. "Sir, regarding po sa opening ng Children's home ay humihingi po sana ng permisyo ang kampo ni Samuel Cruz na kung pahihintulutan niyo po sila na interbyuhin kayo?" walang paligoy-ligoy nitong pahayag. Iyon ang gusto niya. Diretsahan. Napabuntonghininga na naman siya. Isa pa iyon sa ayaw niya sa lahat. Ang media. Ang Children's home ay isang bahay-ampunan. Para sa mga batang walang matirhan, walang mga magulang at palaboy-laboy sa kalye. He developed this house for poor children. Madalas siyang makakita ng mga batang palaboy-laboy sa kalye, at nadudurog ang puso niya sa tanawin na iyon. Hanggang sa isang araw ay nagpasya siya na magpatayo ng bahay-ampunan. Lahat ng bata sa kalye na willing magpa-ampon ay aampunin niya, at kung may mga tao na balak naman umampon ng bata mula sa pangangalaga ng Children's home ay kailangan munang dumaan sa mahabang proseso upang masiguro na ang mga taong mapupuntahan nila ay mamahalin sila at aalagan ng mabuti. Isa si Paolo sa dahilan kung bakit niya naisipan ang Children's home. He misses his son so damn much. At araw-araw siyang nangungulila sa pagkawala nito. Muli ay nabuhay na naman ang pait at sakit sa puso niya. "You know my answer, right?" aniya kay Aaron na hindi ito binalingan. Tumango ang sekretarya niya. "Good," tipid na tugon niya, "may sasabihin ka pa ba?" This time ay binalingan na niya si Aaron. "How about po kung pahintulutan niyo na lang sila na mag-interbyu sa iyo, Sir? Total naman ay matagal na silang nakikiusap sa inyo. Gusto lang po nila makahingi ng statement mula sa inyo kung bakit ninyo pinatayo ang Children's home. Kahit konti lang daw po." Naningkit ang mga mata niya. Pero mukhang hindi natinag ang kaharap niya. "Inuutusan mo ba ako, Aaron?" tuwid niya itong tiningnan sa mga mata. Napakamot sa batok si Aaron at alanganin na ngumiti. "Suggestion lang naman po ang akin, Sir. Malay mo kapag napagbigyan mo sila ay hindi na sila mangungulit pa sayo." pahayag pa nito. Napaisip siya. Siguro nga kapag napagbigyan niya ang mga ito ay hindi na ito bubuntot-buntot pa sa kaniya. Pero ayaw nga niya sa mga media. Ayaw niya ng mga cameras. Kung bakit kasi kailangan pa ng mga ito alamin ang tungkol sa mga naganap sa buhay niya sa loob ng isang taon mahigit. Simula kasi ng dumating siya mula sa Italy ay hindi na siya nawalan ng media sa paligid. Maraming mga katanongan ang mga ito na sadyang iniiwasan talaga niya. Kaya kapag narito siya sa opisina niya ay wala siyang pinapapasok na ibang tao, maliban kay Aaron. "Alam mo na ang sagot ko Aaron. I don't like repeating my answer." Muli niyang binalingan ang papeles na hawak kanina. "What about, Sir, kung hindi na lang media ang iharap sayo?" Nangunot ang noo niya na muli itong tiningnan. "I mean is, kukuha sila ng simpleng tao, iyon bang hindi kasapi ng mga reporter na siyang haharap sayo? Iyon po ay suhestiyon ni Samuel. Kung ayaw mo raw po makita ang mga pagmumukha nila ay kukuha nalang sila ng tao na hindi luma sa paningin mo total kilala mo na halos lahat ng kasapi niya." Nangunot pa lalo ang noo niya dahil hindi niya maunawaan ang ibig sabihin ni Aaron. "What do you mean?" Napangiti ang kausap, "Kukuha sila ng tao na siyang magtatanong sayo ng mga gustong alamin ng kampo ni Samuel Cruz, Sir. Wala nang iba na puwedeng pumasok sa opisina mo o kahit saan mo gusto magpa-interbyu. Ang kailangan lang gawin ng tao na iyon ay dalhin ang papel ng katanongan at isang audio recorder. Oh, 'di ba hindi ka na magugulo niyan dahil isang tao lang naman makakaharap mo." Mahabang litanya ni Aaron. He heave a sigh. Aaron has a point. Mas maigi na iyon kaysa maraming tao ang nasa paligid niya. Baka this time, kapag pinagbigyan na niya ang mga ito ay titigilan na siya. Ganoon kasi ang tao, hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto. "Then, it's okay. Kung iyan ang makapagpatigil sa kanila." he answered. Napangiti pa lalo ang kaharap niya. Alam niyang maging ito man ay naririndi na rin sa mga bumubuntot sa kaniya. Ito kasi palagi ang inuulan ng mga katanongan sa labas ng building na ito. At siya? Palagi siyang umiiwas. Pero ngayon, haharapin niya ang mga tanong ng media. At pagkatapos niyon ay wala na siyang pakialam sa mga ito. At dahil sa araw ng huwebes magbubukas ang Children's home ay sa ganoong araw na rin niya gustong magpa-interbyu at sa grupo lamang ni Samuel Cruz, sa tao na ipapadala nito. "Thanks, Sir! So, kailan mo po balak magpa-interbyu?" gagad ni Aaron. "Thursday. After the opening of Children's home. And in Valle's tower." aniya. Sa tower niya na nasa Makati ang ibig niyang sabihin. Isa iyong main office na pagmamay-ari niya. "Got it, Sir!" Nang lisanin ni Aaron ang opisina niya ay malalim siyang napabuga ng hangin. Napailing na rin siya nang maisip ang naging desisyon niya kani-kanina lang. But there's no turning back. Haharapin niya ang dapat, at sana lang ay walang katanongan na magpapakulo ng dugo niya. Iniwan niya ang papeles sa lamesa. Tumayo siya at naglakad patungo sa glass wall ng opisina niya. Mula roon ay makikita ang kalawakan ng Makati. Tumayo siya at nakapamulsang tumingin roon. Nakita niya rin ang sariling repleksyon sa salamin. Malayo na ang itsura niya ngayon sa dating siya. Sa loob ng halos isang taon ay hinayaan niyang magbago ang sarili. Wala na ang dating siya. Wala na iyon, kasama ng mga taong nakilala niya sa nakaraan. Lahat sila ay binura na niya sa kaniyang isipan. At ang tanging naiwan lamang doon ay ang alaala ng kaniya anak na si Paolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD