Simple ang mga desenyo ngunit napakagandang pagmasdan. Iyon ang masasabi ni Anna sa suit na pinasukan nila ngayon sa Forbes park. Ang suit na pinatitirhan sa kanila ni Brett ay nasa second to the last floor. Ang nasa pinakataas na floor kasi ay tanging kay Brett na suit lang ang naroon.
"Ang ganda rito!" bulalas ni Tekla na sinimulan nang libutin ang kabuuan ng room.
Binalingan naman ni Anna si Brett. Hawak niya ang anak at kasalukuyan itong natutulog sa mga bisig niya.
"Mahal ang upa rito, hindi ba?" tanong niya sa lalaki.
"Brett, hindi ko ito kayang bayaran. Wala akong pera dahil ang inipon ko ay natupok lahat sa sunog."
Walang reaksyon na makikita sa mukha ng lalaki ngunit sinagot naman siya nito kaagad.
"At sino naman ang nagsabi sayo na upahan ito?"
"H-Hindi ba?" utal niyang tanong.
"Hindi. I'm the owner of this room. Binili ko ito, pero hindi pa naman natitirhan dahil may sarili rin akong suit kaya ko pinatitirhan sa inyo." seryuso na sabi nito saka naupo sa isang pang-isahan na sofa. "Sit down, Anna. Baka mangalay ka na kakatayo mo riyan." utos pa nito sa kaniya habang tinuturo ang isang pahabang sofa.
Maingat na naupo si Anna sa sofa upang hindi magising ang anak, at pinagmasdan niya ang paligid. Malayong-malayo ito sa bahay na tinirhan nila ni Tekla. Pero gayunpaman ay mami-miss niya ang buhay sa dati niyang tinitirhan. Pati na rin ang trabaho niya, at ang mga taong naging kaibigan na rin niya.
"Hindi mo ba nagustuhan, Anna?" tanong nito na ikibabaling naman niya sa lalaki.
"Ang alin?" saad niya na nakakunot naman ang noo.
"Itong suit. Hindi mo ba nagustuhan?" walang gana na sabi nito.
Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tiningnan ang lalaki.
Bakit naman siya tatanongin ni Brett ng ganoon? Nagpapasalamat pa nga siya dahil kahit hindi sila nito kaano-ano ay pinatuloy pa rin sila rito.
"Syempre nagustuhan ko—I mean namin." nakagat niya ang pang-ibabang labi at napatingin naman roon ang lalaki. "Sino ba naman ang aayaw sa ganitong klaseng alok, Brett? Hindi mo naman kami kaano-ano pero heto kami't nakapasok sa pagmamay-ari mo." dagdag niyang sinabi sabay iwas ng tingin rito.
Narinig niya ang pagbuntonghininga ng lalaki.
"Just call me sir, Anna. Mas magandang pakinggan kaysa pangalan ko ang binibigkas mo."
Napaangat siya ng ulo upang salubungin muli ang titig ng lalaki. Ang kulay chocolate nitong mga mata ay walang kaemo-emosyon.
Just call me, Brett, kapag tayong dalawa lang.
Naalala niya ang linyang iyon ni Brett. Ipinilig ni Anna ang ulo upang iwaksi sa isipan ang alaalang iyon. Past is past at hindi na dapat niya iniisip ang mga iyon.
Tumango siya kay Brett at nahihiyang yumuko. Nakalimutan niyang sir nga pala niya ito dahil sa binata na siya magtatrabaho simula bukas. Masyado yata siyang naging kampante kaya Brett na lang ang tawag niya dito. Nakakahiya!
"By the way aalis na ako. Bukas ay maaga kang gigising dahil sasabay ka sa akin papunta ng opisina ko. Bukas ka na magsisimulang magtrabaho at ayoko ng late. And about sa susuwelduhin mo, sa opisina nalang natin pag-usapan iyon." Tumayo ang lalaki at hindi na siya hinintay pang sumagot. Pero bago ito lumabas ng pinto ay muli pa itong bumaling sa kaniya. "At isa pa pala. Dalawang room ang nasa suit na ito. Ang isa ay para sa anak mo, at ang isa ay para sayo. Si Tekla, puwede siyang matulog sa kuwarto ni Brave para may bantay ang bata at hindi maistorbo ang tulog mo. That's all."
Nang tuluyan na itong makalabas ay ito na rin mismo ang nagsara ng pintoan.
Naiwan siyang napapabuntonghininga na lamang. Hindi na niya binigyang pansin ang huling sinabi ni Brett.
"Anna, halika sa kuwarto!" Narinig niyang tawag sa kaniya ni Tekla. Buhat si Brave sa braso ay pinuntahan niya si Tekla.
At nagulat siya nang makita ang itsura ng isang nursery room.
"W-Wow..." naisambit niya.
Nagulat pa siya ng marahan siyang sikuhin ni Tekla.
"Hoy, Anna, ha. Mukhang kakaiba iyang si Mr. Sungit at nakuha pang padesenyuhan itong room para kay Brave. Naks naman!" tila kinikilig na komento ni Tekla.
Oo nga naman. Bakit naman naisip ni Brett na padesenyuhan pa ito samantalang puwede naman sila magtabi ni Brave sa pagtulog? Alangan naman na si Tekla ang makakatabi niya? Lalaki pa rin ito kahit na nagdadamit ito ng babae. Naalala niya ang sinabi ni Brett kanina tungkol sa dalawang kuwarto.
Naipilig niya ang ulo. Hindi bale na, si Tekla nalang ang gagamit ng isang kuwarto at siya naman ay dito matutulog sa kuwarto ni Brave.
"Ikaw na sa kabilang kuwarto, Teks. Ako na rito." wika niya sa kaibigan.
Malalim na ang gabi at kasalukuyan na nasa kahimbingan ng tulog si Anna nang maramdaman nito na parang may humahaplos sa kaniyang binti, pataas sa kaniyang hita. Nakapikit ang kaniyang mga mata pero sigurado siya na gising naman ang kaniyang diwa.
"Hmm..." mahinang ungol niya nang pumasok sa suot niyang duster ang isang mapangahas na kamay at pinasok ang pinakamaliit na saplot na nakatabon sa kaselanan niya.
Nananaginip ba siya?
Sinubukan niyang imulat ang mga mata subalit hindi niya magawa. Antok na antok ang mga mata niya pero gising na gising naman ang isipan niya.
"N-No–oh!" nakagat niya ng madiin ang pang-ibabang labi nang pumasok ang isang daliri sa loob ng p********e niya.
Her wet mound coated her undies. Basang-basa na siya, at ramdam niya iyon kahit na nakapikit siya. Gustuhin man niyang manlaban mula sa kung sinong salarin na ito ay wala naman siyang lakas. Natanggal ang daliri sa loob ng p********e niya at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng pagkabitin.
Pero hindi nagtagal ang daliri ay napalitan ng isang mainit at basang dila.
"Oh!"
Napaliyad siya at hindi malaman kung saan ibaling ang ulo dahil sa tindi ng kiliti na namumuo sa puson niya. Nagkaroon rin siya ng lakas upang igalaw ang isang kamay at hawakan ang ulo ng tao na nakasubsob sa p********e niya. Sa tindi ng kiliti na nadarama ay napakapit siya sa ulo ng salarin at lalo pa itong idiniin sa kaselanan niya.
"P-Please..." pagmamakaawa niya.
Hanggang sa marinig niya ang iyak ni Brave. Doon na lamang niya nadilat ng mga mata at kaagad na hinanap ang salarin. But the room is empty. Walang ibang tao ang naroon kundi sila lang ni Brave.
Napahawak si Anna sa dibdib na malakas na tumatambol.
"Panaginip lang iyon?" wika niya sa kawalan na tila na disappoint pa sa nangyari.
Muli niyang narinig ang pag-iyak ni Brave kaya agad niya itong nilapitan sa medyo may kalakihan nitong crib at binuhat ang bata.
"Gutom baby ko?" tanong niya sa anak.
Hinalikan niya sa noo ang anak at pinagtimpla ito ng dede.
Naupo siya muli sa kama habang nasa bisig pa rin si Brave at dumedede na.
Habang nasa ganoong posisyon ay nangunot ang noo ni Anna nang may maramdaman siya sa gitnang hita niya.
Napangiwi siya sapagka't basang-basa ang panty niya!
Kinabahan siya. Totoo ba iyong nangyari sa kaniya kanina?
Napahigpit ang yakap niya sa anak habang umiikot ang tingin sa paligid. Sigurado naman siya na ni-lock niya ang pinto. Hindi kaya't panaginip lang talaga iyon?
O 'di kaya'y may multo o kapre sa suit ni Brett?
Sa isiping iyon ay magdamag na hindi na nakatulog ulit si Anna. Kaya naman kinaumagahan ay puyat siya at kapansin-pansin ang eyebags niya.
Alas singko palang ng umaga ay naligo na siya at nagluto ng makakain nila ni Tekla. Kaya nang sumapit ang alas sais at pumasok ng kusina si Tekla ay tapos na siya sa ginagawa at kasalukuyan na nagkakape.
"Anna, hoy!" napakurap-kurap siya nang pitikin ni Tekla ang tuktok ng ilong niya.
"Huh?"
"Huh, ka diyan! Ano ba ang nangyari sayo, ha? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?" Tinuro nito ang ilalim ng mga mata niya, "Bakit ka puyat, gurl?" anito.
Nahilamos niya ang dalawang palad sa mukha. Hindi mawala-wala sa isipan niya ang tila totoong panaginip na iyon.
Binalingan niya si Tekla.
"Wala ka bang nararamdaman na kakaiba kagabi, Teks?" tanong niya sa kaibigan.
Nangunot naman ang noo nito.
"Tulad ng ano?" saad nito.
Hindi naman niya alam kung papano sasabihin kay Tekla ang kakaibang naramdaman niya kagabi. Baka nga kasi panaginip lang talaga iyon at masyado lang siya nag-iisip.
Naipilig niya ang ulo at muling binalingan ang kaibigan na halatang nawiwerduhan na sa kaniya.
"Nevermind na lang, Teks." wika niya rito.
"Ewan ko sayo babae ka. Teka, ngayon ka na ba magsisimula sa trabaho mo kay Mr. Sungit?"
Tumango naman siya, "Oo. Kaya ikaw na muna ang bahala kay Brave ha. Maghapon ko kasi siya hindi makikita kaya sana huwag mo siyang pabayaan, Teks."
"Oo na, ito naman parang hindi na uuwi!" komento ni Tekla na ikinatawa naman niya.
Pagkatapos ng almusal ay inayos niya muna ang lahat ng kakailanganin ni Brave. Para hindi na mahirapan si Tekla. Lahat ng feeding bottles nito ay hinugasan na niya at naka-sterilize na rin. Wala naman na siyang problema pa sa pagkain ni Tekla dahil marami namang naka-stocks na sa cabinet. Alam niyang si Brett ang bumili niyon lahat, hindi bale kakausapin na lang niya ito at sasabihan na babayaran nalang niya ang makukunsumo nila ni Tekla.
Six thirty nang marinig nila ni Tekla ang pagtunog ng buzzer. Nakapag-ayos na rin siya. Isang simpleng pantalon na maong ang suot niya at kulay puti na polo shirt na hapit sa makurba niyang katawan, samantalang flat shoes naman sa paa.
Binuksan niya ang pintoan, at sumalubong sa kaniya ang seryusong mukha ni Brett.
"Ready?" pormal nitong tanong sa kaniya.
Hindi mapigilan ni Anna ang mapalunok habang nakatitig sa guwapong mukha ni Brett.
"O-Opo, Sir." Nais niya pang batukan ang sarili dahil nautal siya.
"Okay. Ang anak mo tulog pa?" tanong nito na sumisilip pa sa pinto.
"Tulog pa po siya, Sir." sagot niya rito.
Ang akala niya ay sasabihin nito na aalis na sila pero laking gulat niya nang marinig ang sinabi ng lalaki.
"Puwede bang makita?"
"H-Huh? Bakit—"
Nanlaki ang mga mata ni Anna nang bigla nalang pumasok ang lalaki at dire-diretso itong naglakad patungo sa kuwarto nila ni Brave.
Tumakbo naman siya upang sundan ito, pero bago pa man siya makapasok sa loob ng kuwarto ay palabas na ulit si Brett.
"Let's go, Anna. May meeting pa ako mamaya at ayokong ma-late." wika ng lalaki na kamuntikan na niyang mabangga. Nilagpasan siya nito at nauna itong lumabas ng suit.
Samantalang hindi naman siya makapaniwalang sinundan ang lalaki.
Pagkarating sa Valle's Tower ay tahimik lang na nakasunod si Anna sa likuran ni Brett. Hindi naman siya kinakausap ng lalaki simula ng bumaba sila sa kotse nito, tahimik lang itong naglalakad ng tuwid. Nagmamadali pa nga ito sa pagpasok sa loob dahil may mga media na nakaabang sa labas ng building kaya naman maging siya ay natataranta rin lalo na nang magsitakbuhan ang mga media palapit sa kanila.
"Damn."
Narinig niyang sabi ng lalaki nang tuluyan nilang maiwasan ang media at makapasok sila sa loob, at maharangan naman iyon ng mga security.
Hindi niya tuloy maiwasang mapayuko nang mapatingin siya sa paligid dahil tinitingnan pala siya ng mga empleyado at ang iba ay nagbubulong-bulongan pa.
Hindi niya namalayan na tumigil pala sa paglalakad ang lalaki kaya nabangga ang mukha niya sa likuran nito.
"What the? Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo, Anna?" baling ng lalaki sa kaniya na ngayon ay umikot na paharap sa kaniya.
"P-Pasensya na po..." ani niya na nahihiya.
"Whatever. Halika na nga." anito at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Naunang pumasok ang lalaki sa elevator at sumunod naman si Anna. Pumantay siya sa kinatatayuan ni Brett, pero ang lalaki ay umatras sa likuran. Mula sa pader na gawa sa salamin ay nakikita ni Anna si Brett. Ang lalaki ay nakatingin rin sa kaniya. Dali-dali siyang umiwas ng tingin rito.
"Kumusta ang tulog mo, Anna? Napuyat ka ba?"
"M-Maayos naman po. Hindi po ako puyat." namumula ang pisngi na sagot niya sa lalaki.
Ikaw ba naman managinip na kinakain ang petchay mo ay makakatulog ka talaga ng maayos! At hindi ka talaga mapupuyat!
Letche na. Hindi na talaga mawala sa isipan niya ang panaginip na iyon.
"Mabuti naman kung ganoon." anang lalaki.
Hindi malaman ni Anna kung totoo bang nakita niya si Brett na ngumiti nang tignan niya ito sa salamin. Hindi na lamang niya iyon tinuunan pa ng pansin.
Nang bumukas ang elevator ay nauna na siya kaagad lumabas at hinintay na lumabas rin si Brett para sumunod sa likuran nito.