Chapter 9- Brett's offer

2619 Words
Dahil maayos na ang pakiramdam ni Brave ay nagpasya si Anna na pumasok sa trabaho kinabukasan. Martes ngayong araw kaya ang duty niya ay sa condo unit sa Forbes Park, at katulad ng nakasanayan ay iniwan niya ang anak kay Tekla. Uuwi rin naman siya kaagad pagkatapos ng trabaho. "Good morning my beautiful, Anna!" bati sa kaniya ng nakangiti na si Troy. Guardiya ito sa labas ng condominium. Magalang niya rin itong binati at nginitian, "Magandang araw rin sayo, Troy." "Naku lalo talaga gumaganda ang araw ko, Anna, kapag nakikita kita." komento pa ng binata at sinamahan pa iyon ng pagkindat sa kaniya. Napailing na lang siya sa sinabi ng lalaki. "Sige, Troy, magtatrabaho muna ako." paalam niya sa lalaki. Pumasok siya sa condo, naglakad siya patungo sa front desk at kinuha ang susi sa babaeng nakatayo roon na nagngangalang Greta. "Salamat, Greta." ani niya sa babae. Nginitian naman siya nito. Abala kasi ito sa hawak na cellphone. Napangiti siya. Siguro ka-text nito ang nobyo kaya ganoon nalang kasaya ang itsura ng babae. Sana all na lang! Aniya sa isipan. Pagkarating ni Anna sa unit ay kaagad niyang ipinasok ang susi at binuksan ang pinto. Bumungad sa ilong niya ang isang panlalaking amoy. Nangunot ang kaniyang noo. May tao ba rito? Maingat niyang isinara ang pinto at naglakad siya patungo sa sofa upang ilagay roon ang bag niyang dala, nagpalinga-linga rin siya sa paligid kung may tao o wala, at ng wala namang makita ay kaagad siyang dumiretso sa stock room upang kunin ang mga gagamitin sa paglilinis. Walang kaalam-alam si Anna na ang may ari ng suit na kinaroroonan niya ngayon ay si Brett. At ang lalaki ay kasalukuyang nasa banyo at naliligo ng mga sandaling iyon. Matapos maligo ni Brett ay nagtapis ito ng tuwalya sa pang-ibabang bahagi ng katawan, habang ang isang tuwalya ay pinupunas nito sa buhok. Lumabas ito ng kaniyang kuwarto at tumungo sa kitchen upang ipagtimpla ng kape ang sarili na nasa ganoong ayos. Samantalang si Anna ay palabas naman ng stock room bitbit ang basahan at walis. Ang dadaanan niya palabas ay konektado sa kitchen na kinaroonan naman ni Brett. May narinig siyang kalansing ng baso na nagmumula sa kitchen, kinabahan siya at humigpit ang paghawak sa walis sa isiping hindi siya nag-iisa sa mga sandaling iyon dahil mukhang may ibang tao pa na naroon. Sa pagkakaalam kasi niya ay walang nakatira rito dahil nasa abroad ang may ari nitong condo. Habang si Brett naman ay narinig nito ang pagsara ng pintoan sa stock room. Inakala ni Brett na may magnanakaw na nakapasok sa suit niya kaya kaagad niyang dinampot ang tasa na may laman na kape at inihandang isaboy sa taong nanloob sa pagmamay-ari niya. Ngunit hindi pa man niya iyon nagawa ay naunahan na siya. Isang palo sa ulo niya ang natanggap niya mula sa taong nanloob. "f**k!" Nabitawan niya ang tasa ng kape at nalaglag ito sa sahig at nabasag. Kasunod niyon ay narinig niya ang paghiyaw ng isang pamilyar na boses ng babae. "Aray!" bulalas ni Anna nang may mainit na tubig na dumapo sa hita niya. Napalundag siya dahil sa gulat, at kaagad na sinapo ang binti habang nakaupo siya sa sahig. Halos mangiyak-ngiyak siya dahil sa hapdi, at pakiramdam niya ay nalapnos ang kaniyang balat. "Anna? What the—what are you doing here?!" Napaangat siya ng ulo nang marinig ang boses ng isang lalaki. "B-Brett?" gulat niyang sambit nang makita si Brett. Siya ang may-ari ng suit na ito? Napatampal siya sa noo dahil sa kaisipang iyon. "s**t!" mahinang mura pa nito na narinig niya. Nagulat pa siya nang lapitan siya nito at kaagad na binuhat na walang paalam. Pinaupo siya nito sa ibabaw ng lamesa na naroon rin sa kitchen at kaagad na tiningnan ang binti niya. At dahil nakapantalon siya ay hindi nito nakikita ang balat niya na nasa loob ng telang iyon. Hindi makapaniwala si Anna na si Brett ang may-ari ng suit. Hindi siya makapagsalita. Parang nalunok niya ang kaniyang dila, lalo pa't ang lalaki ay nakatapis lamang ng tuwalya at kitang-kita niya ang h***d nitong katawan. "A-Aray..." mahinang daing niya nang mahawakan nito ang parte kung saan siya natapunan ng kung ano. Nangunot ang noo ng lalaki na tiningnan siya, "Hubarin mo ito ng makita ko ang nasa loob." utos nito sa kaniya. Umiling siya at tinanggal ang kamay ng lalaki nakahawak sa binti niya. "Gawin mo na kung ayaw mong ako mismo ang pupunit niyan." mariin na utos nito na nakipagtagisan pa ng tingin sa kaniya. Ang itsura nito ay galit at nakahandang manakmal, sa tingin niya. Nang hindi siya makasagot ay walang paalam na hinawakan nito ang bewang niya at iniangat ang pang-upo niya mula sa ibabaw ng lamesa, at walang pasabi na binaklas ang butones ng pantalon niya at hilain iyon pababa. "Brett!" sigaw niya. Hindi niya malaman kung alin ang tatakpan. Kung hita ba niya o ang kaniyang p********e na natatakpan lamang ngayon ng panty na suot at nakikita na ng lalaki. Nakita niya ang pagbabanta sa mga mata ng lalaki ng akma niyang itataas ang pantalon na hanggang paa na lang niya ngayon. Natigilan siya at natuod sa kinauupuan. "Dito ka lang at huwag kang aalis riyan." utos nito. Nakasimangot ito na lumabas ng kitchen, at nang makabalik ay may dala na itong first aid kit. Sinuri nito ang balat niyang nalapnos at pinahiran iyon ng isang ointment. "Ano ba ang ginagawa mo rito?" matigas ang boses na tanong nito sa kaniya. Hindi makapag-concentrate si Anna dahil bawat dantay ng balat ni Brett sa balat niya ay naghahatid iyon ng kakaibang init. Hindi niya mapigilan ang sarili na kagatin ang kaniyang pang-ibabang labi. Si Brett naman ay nainis ng hindi sumagot si Anna, "I don't like repeating my question, Anna. Sinusundan mo ba ako?" masungit pa na saad nito. "Sinusundan? Bakit naman kita susundan?" "Kung ganoon, anong ginagawa mo rito?" asik ni Brett. "Nagtatrabaho. Kada Martes na araw ay narito ako upang linisin itong suit na hindi ko naman alam na ikaw pala ang may-ari," nakasimangot na turan niya sa lalaki. "I didn't know na ikaw rin pala ang naglilinis rito. So, sino ang nagpasok sayo?" anang lalaki sa naiinis na tono. Tinapos nito ang paglalagay ng ointment. "Huwag mo munang isuot iyang pantalon mo, mamaya na." demand nito. Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "Aba bakit? Ano magpapanty na lang ako habang naglilinis rito?" ungot niya. Hindi siya pumapayag sa gusto nitong mangyari. Baka mamaya masilipan pa siya! "At sinong nagsabi na maglilinis ka pa rito sa suit ko?" nakataas ang kilay na saad naman ng lalaki. Napaawang ang bibig ni Anna. Papaalisin niya ba ako? Tanong niya sa isipan. Huwag naman sana! Maayos naman siya magtrabaho, sinisigurado naman niya na walang alikabok na makikita sa paligid. Sayang naman kapag tinanggal siya ng lalaking ito, malaki pa naman ang kinikita niya rito kada Martes. "Papaalisin mo ba ako?" mahina ang boses na tanong niya sa lalaki. Walang pag-alinlangan itong tumango dahilan upang malungkot siya. Bakit ba ganito ang lalaki na ito? Ang sama ng ugali at ang laki ng ipinagbago! Nalukot ang mukha niya at hindi naitago ang inis na nararamdaman. Inis siyang bumaba sa lamesa at hinatak pataas ang pantalon. Kung pinapaalis pala siya ng lalaki na ito, kung ganoon wala na pala siyang trabaho rito kaya uuwi na siya ngayon! "At saan ka pupunta? Hindi ba sinabi ko na huwag mo munang isuot iyang pantalon mo? Bakit ba ang tigas ng ulo mo, huh?" pagalit na wika ng lalaki. Galit niya rin itong binalingan at sinagot, "Bakit ba ang tigas rin ng puso mo, huh? Nakakainis ka alam mo ba iyon? Nagtatrabaho naman ako ng maayos ah, bakit mo ako tatanggalin? Diyan ka na nga!" inirapan niya ito at nagmartsa siyang lumabas ng kitchen. "Did you roll your eyes at me woman?" nagagalit na tanong ni Brett. Hinabol siya nito, ngunit mas binilisan niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa sala. Kinuha niya ang bag sa sofa at sinukbit iyon sa balikat at akmang bubuksan ang pintoan ngunit nagulat pa siya ng hablotin ng lalaki ang braso niya, at isalya siya nito sa sofa at dinaganan. "I'm asking you again, Anna. Did you roll your eyes at me?" anito na umiigting ang panga. Kinilabutan si Anna, nanlaki ang mga mata niya at pigil niya ang paghinga. Hawak ng lalaki ang dalawa niyang braso gamit lamang ang isa nitong kamay at ipininid iyon sa ulunan niya. Habang nakaluhod ito sa sofa at ang isang tuhod ay nasa gitnang hita niya kaya nakabukaka siya rito. Nakadagan ito sa kaniya pero hindi masyadong magkadikit ang kanilang mga katawan. Napalunok si Anna sa posisyon nila ni Brett. Hindi siya nakagalaw at nakatingin lang sa lalaki. "H-Hindi...g-ganoon lang talaga ako t-tumingin," utal-utal niyang pagdadahilan sa lalaki. "B-Bitawan mo ako. Uuwi na ako sa bahay dahil wala na akong trabaho rito." Ngumisi si Brett, ang mga panga ay lalo lang umigting. "At sino ang nagsabi sayo na wala ka ng trabaho sa akin, huh?" Natigilan si Anna sa sinabi ng lalaki. Nagtatanong ang mga mata na tiningnan niya si Brett. "H-Hindi ba tatanggalin mo na ako bilang taga-linis rito?" Tumango ang lalaki at sumagot, "Oo, dahil hindi ka nababagay sa ganoong trabaho, Anna. So I decided na sa opisina ko na ikaw magtatrabaho. Ang gagawin mo lang ay ipagtimpla ako ng kape at ipagluto ako. Okay ba sayo?" Hindi siya nakasagot. Napaisip siya. Binitawan ng lalaki ang kamay niya at umalis na rin ito sa pagkadagan sa kaniya. Naupo siya sa sofa at naupo rin si Brett. "Ano sa tingin mo, Anna?" untag nito sa kaniya. Binalingan niya si Brett. Naghihintay ito ng isasagot niya. Kung papayag siya ay para na naman siyang bumalik sa simula. Magtatrabaho na naman siya rito, tapos ano? Mangyayari ba ulit ang nangyari sa kanila noon? "Hindi kita pipilitin, Anna. I was trying to help you. Lalo na at may anak ka. Gusto lang kitang bigyan ng magandang trabaho para hindi ka na magraraket pa sa kung saan-saan para kumita. Willing rin ako na ilipat kayo ng anak mo sa isang magandang tirahan gaya nitong condo unit ko, nang sa ganoon ay malayo na kayo sa ganoong lugar, na masikip at malamok. Puwede rin ako kumuha ng magbabantay sa anak mo o puwede naman kung gusto mo ay kaibigan mo na lang. Think about it, Anna. Para rin ito sa anak mo at sayo." mahabang paliwanag ng lalaki. Naguluhan si Anna, sa sinabi ni Brett. Naguguluhan siya kung bakit gusto pa nitong ilipat sila ni Brave ng tirahan, kung bakit bigla itong nagkaroon ng concern sa kanila ng anak niya, pero malinaw sa kaniya na ang nais lang ni Brett ay tulungan siya. Sana nga ay tulong lang at wala ng ibang kapalit! Asik ng isipan niya. "Dito ka lang at magbibihis lang ako." paalam ng lalaki. Nasundan na lamang niya ito ng tingin nang pumasok ito sa isang silid. Napabuntonghininga si Anna. Iniisip niya ang alok ni Brett. May bahagi ng isipan niya na nagsasabi na mas maigi na tanggapin niya ang alok ni Brett para kay Brave. Sa ganoong paraan ay may chance na parating magkikita ang anak niya at ang ama nito. At may bahagi rin ng isipan niya na nagsasabi na huwag niyang tanggapin, dahil baka doon na naman magsisimula ang katulad nang nangyari isang taon mahigit na ang nakakaraan. Nakabalik na si Brett, pero si Anna ay wala pa rin makapa na isasagot sa lalaki. "Pag-isipan mo ito ng mabuti, Anna. Para rin ito sa ikabubuti niyo ng anak mo." Tiningnan ni Anna ang lalaki at pinagkatitigan ng mabuti sa mga mata. "Bakit mo ito ginagawa, Brett? Kapag tinanggap ko ang tulong mo, ano ang magiging kapalit nito?" "Wala. Walang kapalit, Anna." seryusong sagot ni Brett. Bumuntonghininga si Anna bago sumagot, "Kung ganoon, pag-iisipan ko muna ito ng maigi." aniya. Brett nodded. Pagkatapos ng pag-uusap ay nilisan ni Anna ang Forbes Park at nag-abang ng jeep pauwi. Samantalang si Brett naman ay kinuha ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang isang tauhan niya. "Sunogin mo ang bahay, but make sure na walang masasaktan, lalo na ang bata at ang bakla." utos niya sa kausap. "Areglado, boss!" sagot ng lalaki mula sa kabilang linya. Binaba ni Brett ang cellphone at napatingin ito sa kawalan. "Hindi na kita bibigyan ng pagkakataon na mag-isip pa ng matagal, Anna." ... Pagkauwi ni Anna ay gulat siya sa kaniyang nadatnan. Ang studio type na bahay ni Tekla na inuupahan niya ay nasunog. Tumakbo siya palapit sa bahay na umiiyak. "Anak?!" sigaw niya. Ang bahay ay natupok ng apoy ang kalahati niyon pero may bombero na at kasalukuyan na pinapatay ang apoy. Wala namang ibang bahay na naabot dahil mukhang naagapan naman iyon kaagad. "Anna!" napabaling siya sa likuran. Nakita niya si Tekla na kalong-kalong si Brave. Maging ang kaibigan niyang bakla ay umiiyak rin. Tumakbo siya palapit sa mga ito at niyakap si Tekla at ang anak niya. "Nasaktan ba kayo? Ano bang nangyari?" naiiyak niyang tanong. Kinuha niya ang anak kay Tekla at sinuri ang katawan nito. Thank God at wala naman itong sugat mula sa apoy. "Okay lang kami, Anna, hindi naman kami nasaktan ni Brave. Nasa labas kami ng masunog ang bahay," suminghot-singhot si Tekla dahil naiiyak ito. "Mabuti na lang at may isang guwapong lalaki kanina ang tumawag sa akin at nagpaturo kung saan puwedeng magpadala ng pera, kaya sinamahan ko ito doon sa labasan kasama si Brave. At pagbalik namin ito na ang nangyari. Wala naman akong naiwan na sinaing. Ewan ko ba kung saan galing ang apoy. Ang sabi naman ng bombero baka raw galing sa kuryente!" pahayag ni Tekla. Nayakap ni Anna ng mahigpit ang anak. Paano na sila nito ngayon? Lahat ng pera na naipon niya ay nasa kuwarto niya. Gamit niya at gamit ni Brave, lahat natupok ng apoy. Naiiyak siyang niyakap ang anak. Maging si Tekla ay napayakap na rin sa kaniya habang tinitingnan nila ang munting bahay na ngayon ay sira na. "Anna." Kaagad napabaling si Anna sa nagsalita. "B-Brett?" gulat niyang sinabi nang makita ang lalaki na nakatayo at nakapamulsa. "What happen here? Bakit nasunog ang bahay niyo?" takang tanong ng lalaki. Malungkot siyang sumagot, "Nasunog, at hindi ko alam kung anong dahilan." muli ay napa-iyak siya. "Wala na kami matitirhan, pogi!" umatungal ng iyak si Tekla at naglakad palapit kay Brett. Nagpaawa at niyakap ang lalaki. Dahil nagulat si Brett sa ginawa ni Tekla ay nataranta nitong inalis ang kamay ng bakla at tumakbo ito palapit kay Anna. "Yakapin mo ako, pogi, nalulungkot ako." "Back off." mariin na pagbabanta ni Brett sa bakla. Napasimangot si Tekla at nilapitan ang isang bombero at iyon na lang ang niyakap. "Let's go, Anna. Hindi na maganda kung magtatagal pa kayo rito ng bata dahil masama sa kalusugan niya ang usok na malalahanghap niya rito." Hinawakan ni Brett ang braso ni Anna at tinangka na hilain pero natigilan ito ng magsalita si Anna. "Saan mo kami dadalhin?" anang dalaga. Bago sumagot ay sinulyapan muna ni Brett ang bata at mahinang pinisil ang matambok nitong pisngi. Ang eksenang iyon ay siyang humaplos sa puso ni Anna. "Sa safe at mas maayos na lugar. Sa suit ko. Isama mo na rin ang kaibigan mo na iyan." Inginuso ni Brett si Tekla na ngayon ay kung sino-sino na lang ang nilalapitan para magpayakap. Wala ng rason pa para umayaw si Anna kaya kaagad siyang tumango sa lalaki at nagpasalamat. "Salamat, Brett. Kung wala ka, hindi ko na alam kung saan kami ngayon pupunta." senserong pasasalamat ni Anna kay Brett. Si Brett ay lihim na lang na napangiti. Nagdiwang ang puso dahil siya ang nagwagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD