Chapter 11- Jealousy

2149 Words
Bagong trabaho, panibagong buhay para kay Anna. Hindi na siya bibilad pa sa palengke para magtinda ng tilapya, hindi na siya hahanap ng kung ano-anong raket para magkapera at ipambili ng gatas ni Brave. Nagpapasalamat siya kay Brett dahil binigyan siya nito ng trabaho, pero simula nang magtrabaho siya sa lalaki ay tila wala na siyang magandang nagawa dahil puro ito reklamo at puna sa kaniya. Tila babaeng may regla araw-araw dahil madalas mainit ang ulo nito. Kaya madalas rin siyang mainis sa lalaki. Katulad na lang kanina. Inutusan siya nitong kunin ang ilang files sa secretary nitong si Aaron sa opisina mismo ng lalaki, pero nang nandoon na siya at nag-usap lang sila kaonti ni Aaron ay bigla na lang itong sumulpot at galit na galit siyang pinabalik sa opisina nito. "Ang sabi ko kunin mo ang files hindi makipag-usap sa kaniya!" galit nitong sabi. Ang boses nito ay um-echo sa kabuuan ng silid. Hindi napigilan ni Anna na paikotin ang mga mata sa ere. Sinagot niya si Brett at hindi siya takot dito kahit na galit ito ngayon. "Masama ba ang makipag-usap sa kaniya, Sir?" Diniinan pa niya ang huling salitang binigkas. "Kakasuhan ba ako dahil kinausap ko siya?"sarkastikmong dagdag niya. Binalingan siya ni Brett na nakakunot ang noo at lalong hindi mapinta ang mukha. How dare this woman talked to me like that? Anang lalaki sa isipan nito. Nag-igting ang mga bagang nito at madilim ang anyo na tinitigan si Anna. "Iniinsulto mo ba ako, Anna?" "No, sir. Sinasabi ko lang po ang totoo." matapang na sagot ni Anna. Humakbang ang lalaki palapit sa kaniya kaya napaatras siya ng kaonti. Hindi napigilan ni Anna na mapalunok ngayong nasa harapan na niya si Brett at matiim ang pagkatitig sa kaniya. Pinagsisihan tuloy niya na sinagot-sagot niya ito. "Kapag sinabi kong hindi ka makikipag-usap sa kanila, gawin mo na lang naiintindihan mo ba?" anito na may diin sa bawat pananalita. Matiim ang titig nito sa kaniya na tila ba lalamunin siya nito ng buo. "Naiintindihan mo, Anna?" Ulit pa nito. Wala sa sariling napatango si Anna. "Good. At huwag ka na ulit sasagot-sagot sa akin at baka makatikim ka." anito na binalingan ang labi niya saka sumilay ang ngisi sa labi nito. Nang umatras si Brett at bumalik sa lamesa nito ay saka lang bumalik sa normal ang paghinga ni Anna. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at napaupo sa sarili niyang upuan. Sa loob ng opisina ni Brett ay may sarili siyang lamesa at upuan. Kaharap lang ito ng lamesa ni Brett. Kaya minsan ay nahihiya siyang gumalaw dahil bawat likha niya ng galaw ay nakatingin ang lalaki. "May meeting ako sa labas ngayon. Tatapusin ko lang ang lahat ng trabaho dito para diretso uwi nalang mamaya." sabi pa ni Brett. May kikitain kasi siyang tao ngayon na isa sa partner niya sa negosyo. At dahil malapit niya itong kaibigan ay nagkasundo sila na sa labas na lang magkita at mag-usap. Nakaramdam naman ng ginhawa si Anna. Sa wakas ay mawawala sa paningin niya ang masungit na lalaking ito. Nakangiti niyang sinagot si Brett. "Okay, sir! Dito lang po ako at maghihintay sa pagbalik mo!" Sana umalis ka na kaagad na suplado ka! Dagdag pa niya sa isipan sabay ismid. "Anong dito ka lang? Sasama ka sa akin, Anna, at ikaw ang magdadala ng laptop ko." Tila nahimasmasan naman si Anna sa isinagot ni Brett. Buwesit! Akala pa naman niya ay maiiwan siya rito. Bakit pa kasi siya isasama ni Brett? Hindi naman siya ang sekretarya nito. Bakit hindi na lang si Aaron ang isama nito? Walang nagawa si Anna nang sabihin ni Brett na aalis na sila. Tahimik na lang siyang sumunod rito habang bitbit niya ang laptop nito hanggang sa makasakay sila ng kotse nito. "Bakit ka nakasimangot riyan?" untag ni Brett sa dalaga nang mapansin ang nakasimangot nitong mukha. Sa labas rin ng bintana nakatuon ang paningin nito. Kumislot si Anna sa kaniyang kinauupuan, sinagot niya si Brett na hindi ito binabalingan. "Ganiyan lang talaga ang itsura ko, sir." ani niya. Napairap naman sa hangin si Brett. "Whatever." anito. Hindi nagtagal ay tumigil ang kotse sa isang parking area ng sikat na Restaurant sa Makati. Naisip ni Anna na siguro ay dito magma-meeting ang amo niyang may regla. Napailing siya sa naisip. Hinawakan niya ang hamba ng pintoan ng kotse at itinulak iyon pabukas, saka siya lumabas habang si Brett ay nauna nang pumasok sa loob ng Restaurant. Napa-ismid siyang sumusunod sa likuran nito. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng trabaho at kung hindi lang talaga nasunog ang bahay ni Tekla ay hindi siya magtatrabaho sa masungit na ito. Masungit na noon, mas lalong masungit ngayon! Hmp! Inirapan niya ang lalaki kahit na nakatalikod ito sa kaniya. Pero laking gulat niya nang bigla ito bumaling paharap sa kaniya. "Stop rolling your eyes on me at baka matuluyan iyan sa pagtirik." may pagbabanta sa boses nito bago ito pumihit paharap at nagpatuloy sa paglakad. Pinamulahan siya ng mukha. Kung bakit kasi hindi niya napansin na nakikita pala siya sa salamin na pintoan ng Restaurant na ito. Huling-huli tuloy siya ng masungit na lalaking iyon. Dahil nauna nang nakapasok si Brett sa loob ay siya naman ay papasok pa lang. Hindi bale hahanapin nalang niya ito kung saan ito pumuwesto. Magalang naman siyang binati ng isang machong sekyu nang salubungin siya nito sa entrada. "Good afternoon, ma'am!" anang sekyu sabay kindat sa kaniya. Medyo hindi niya nagustuhan ang pagkindat sa kaniya ng sekyu, pero nginitian niya pa rin ito. "Same to you—" Laking gulat pa niya nang bigla siyang hilahin ng kung sino. Sa bilis ng paghakbang nito ay halos magkandarapa na siya sa kakahabol rito. "Sir, sandali naman." anas niya nang makilala kung sino ang may-ari ng kamay na iyon. Walang ibang nagmamay-ari niyon kundi si Brett. Ang amo niyang gurang na palaging may regla! Hinila siya nito at pinaupo sa isang silya, at naupo rin ito ng padabog sa silyang katabi niya, habang may isa pang silya sa harapan nila at sa tingin niya ay para iyon sa ka-meeting ni Brett. Hindi tuloy niya maiwasang mahiya dahil sinama pa siya ng amo rito. Idagdag pa ang kasuotan niya na tila hindi nababagay sa lugar na ito. Para siyang yaya na ihahatid ang alaga sa school sa suot niyang pantalon at simpleng blouse. Ang akala kasi niya ang trabaho niya lang ay taga-luto lang ng pagkain ng gurang na ito, hindi naman kasi niya alam na isasama pa siya sa kung saan-saan. Naguguluhan rin siya sa inaakto ng amo niya. Masama na naman kasi ang tabas ng mukha nito. Pagkatapos siya nitong kaladkarin ay ito pa ang may ganang sumimangot! "Bro!" Sabay pa sila napabaling ni Brett sa lalaking naglalakad papunta sa kinaroroonan nila. At nang makita niya ang lalaki ay napaawang ang labi niya, nabuhayan rin ng saya ang mukha niya. Rico! The man who is looking at her eyes deeply is no other than... Rico. Hindi siya maaaring magkamali. Si Rico ito, ang kaibigan niya na kaibigan ni Brett. Ang lalaki ay tila nagulat rin nang makita siya. Habang nakikipagkamay ito kay Brett ay sa kaniya ito nakatingin. Nahihiya siyang napayuko lalo na nang makita niya ang masamang tabas ng mukha ni Brett nang sulyapan siya nito. "Anna?" tawag sa kaniya ni Rico kaya napaangat siya ng tingin. Nahihiya siyang ngumiti sa lalaki at tumango. "Sabi ko na nga ba ikaw iyan, eh!" Nagulat pa si Anna nang bigla nalang siyang yakapin ni Rico. "Oh, god. Akala ko kung nasaan ka na. I'm glad to see you again, Anna." pahayag pa ng lalaki. Dahil sa tuwa na nararamdaman nang makita ang kaibigan ay niyakap rin ito pabalik ni Anna. Pero nang makita niya ang madilim na anyo ni Brett na nakatingin sa kanila ni Rico ay napapaso niya itong binitawan. "Let's start the meeting." Walang gana na wika ni Brett at kinuha ang laptop na ipinatong ni Anna kanina sa lamesa. "Okay, bro." naiiling na sabi ni Rico. Nagsimula ang meeting at si Anna ay tahimik lang na nakikinig sa dalawa. Naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawang lalaki at tungkol ito sa ipapatayong Hotel sa probinsya ng San Pedro. Sa lugar kung saan siya lumaki. Nang marinig ni Anna ang pangalan ng lugar na iyon ay bigla siyang nalungkot. Naalala niya kasi sina Gina at Aling Agnes. Kumusta na kaya sila? Tanong niya sa isipan. Ang pinangako niya sa kaibigan na tatawagan niya ito kung saan man siya magpunta ay hindi niya nagawa. Nawala kasi ang sim card niya kung saan nakalagay ang mga contact number ng mga kaibigan niya kaya hindi siya nakatawag sa mga ito. "How is San Pedro, bro?" Nang marinig ni Anna ang tanong na iyon ni Brett kay Rico ay napabaling siya kay Rico at hinintay ang isasagot nito. Sinulyapan naman siya ni Rico kapagkuwan nginitian siya nito. "Great! Malayong-malayo sa dating San Pedro na nakilala natin noon." sagot ni Rico na kay Anna nakatuon ang paningin. Tumikhim naman si Brett. Hindi niya nagugustuhan ang klase ng paninitig ni Rico kay Anna. May bumubulong sa isipan niya na dukutin ang mga mata ng kaibigan niya para hindi na nito makita pa si Anna. The f**k? Ano bang pinag-iisip niya? "Mabuti naman kung ganoon. Umuunlad na pala ang San Pedro." komento ni Brett. Ngumiti si Rico. "Nang dahil sayo kaya umunlad ang bayan na iyon. Kung dati ay puro squatter iyon, ngayon hindi na. Subdivision na lahat." Nagulat naman si Anna sa narinig. Subdivision? Hindi siya makapaniwalang napatingin kay Rico. Marami siyang gustong itanong sa lalaki. Gusto niyang malaman kung kumusta na ba ang mga kaibigan niya, kung nandoon pa rin ba sila. Ngunit bubuka palang ang bibig niya para magsalita ay naunahan na siyang magsalita ni Brett. "Paano, bro, mauuna na kami ni Anna. Marami pa kasing trabaho na naghihintay sa amin sa opisina." wika nang lalaki sabay tumayo na ito. Hindi naman nakalagaw si Anna sa kinauupuan niya. Gusto niya pa kasing kausapin si Rico at bad trip itong amo niya dahil bigla nalang nagmamadaling umalis. "Aalis na kayo kaagad?" gulat na tanong ni Rico kay Brett. "Tulad nga ng sinabi ko, maraming trabaho sa opisina." saad ni Brett. Hindi naman napigilan ni Anna na sumagot. Ang alam kasi niya ay tapos na ang trabaho sa opisina nang umalis sila kanina. "Eh, sir, tapos na po ah? Hindi po ba bago tayo umalis ay tinapos mo na kasi sabi mo dideretso na tayo pauwi pagkatapos ng meeting?" Masamang tingin ang ibinaling sa kaniya ni Brett kaya natikom niya ang bibig at nakagat ang pang-ibabang labi. "Akala mo lang tapos na." may diin na sabi ni Brett. Tumikhim naman si Rico para agawin ang atensyon ng dalawa. "Puwede bang maiwan muna si Anna, bro? May pag-uusapan lang sana kami pagkatapos ako na ang maghahatid sa kaniya sa opisina mo." Napatingin si Anna kay Rico. Iyon rin sana ang gusto niyang sabihin kay Brett dahil gusto niya pang maka-usap si Rico. "No." Napalingon naman siya kay Brett nang marinig niya ang sagot nito, saka sinubukan niya rin maki-usap sa binata. "Saglit lang po, sir—" Pero hindi natapos ang sasabihin niya nang hablutin nito ang kamay niya at hilain palayo kay Rico. "Huwag ka nang umangal pa kung ayaw mong makatikim sa akin." pagbabanta nito. Walang nagawa si Anna kundi ang magpatangay na lang kay Brett. Muli niya pang binalingan si Rico habang hinihila siya palabas ni Brett. Ang lalaki ay napapailing nalang habang nakatingin sa kaniya. Sumenyas ito na tatawagan nalang siya. Lihim naman siyang napangiti dahil wala naman itong number niya kaya paano siya nito matatawagan? "Itama mo ang leeg mo kung ayaw mong ako mismo ang umikot niyan para humarap sa tamang direksyon!" Bigla naman niyang binawi ang tingin kay Rico at si Brett naman ang binigyan niya ng nagtatanong na tingin. Pagkatapos siyang kaladkarin ngayon naman ay gusto nitong baliin ang leeg niya? Aba't sumo-sobra na talaga ang gurang na ito! "Palibhasa gurang na kasi!" asik niya. Pero hindi niya inaasahan na narinig pala nito ang sinabi niya. Hinarap siya nito dahilan upang mapatigil siya sa paglalakad at mabangga sa matitipuno nitong dibdib. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakatunghay sa kaniya ang lalaki at gahibla na lamang ang agwat ng kanilang mga mukha. Tumama rin sa noo niya ang hangin na binubuga ng ilong nito. "Watch your mouth at baka matikman mo ang sinasabi mong gurang." pagbabanta nito bago muling pumihit paharap at naglakad. Hila-hila pa rin siya ng lalaki sa kanilang paglabas sa Restaurant, at binitawan lang nito ang kamay niya nang maisakay siya nito sa kotse nito. "Tingnan lang natin kung hindi ka lumpuin ng sinasabi mong gurang!" bulong pa nito bago buhayin ang makina ng sasakyan. Napapanganga nalang si Anna habang napapatingin sa amo niyang may regla na naman! Anong lumpuin ang sinasabi nito? Tanong niya sa isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD