Nakalabas ng Hospital sina Anna na walang binayaran ni piso sa bill nila. Naroon ang pagtataka kung papano iyon nangyari pero naroon rin ang tuwa dahil sa wakas ay hindi na magagalaw ang perang kinita niya sa pagkuha ng inyerbyu kay Brett nakaraang araw.
"Sino raw ang nagbayad, Anna?" tanong sa kaniya ni Tekla habang nag-aabang sila ng taxi sa gilid ng kalsada.
Tinakpan niya muna ng lampin ang mukha ng anak; tama lang para makahinga ito ng maayos. At upang hindi nito malanghap ang usok na iniwan ng ibang pampasaherong jeep sa daan, bago niya sinagot si Tekla.
"Hindi ko alam, Teks, basta sinabi ng doctor na huwag ko na daw alalahanin ang bill ni Brave ang mahalaga raw ay okay na ito at makalabas na kami." nakangiti niyang pahayag sa kaibigan.
Pumalakpak si Tekla sa hangin at maging ito ay natutuwa rin sa kaalaman na iyon.
"Ang bait talaga ng Diyos, Anna. Naku kung sino man iyong tumulong sayo ay sana pagpalain pa siya ng langit!"
"Amen." ani niya.
May paparating na jeep kaya naman umurong sila ng kaonti ni Tekla sa daan. Nang pumarada ang jeep ay kaagad silang nag-anunsiyo sa driver na sasakay, pero akmang aakyat na siya sa jeep ng biglang may bumusina ng malakas dahilan upang matigilan siya at umiyak naman ang anak na si Brave dahil sa gulat.
"Sino bang tarpulano ito at mabigwasan ko!" nakapamewang na wika ni Tekla at hinarap ang kotseng itim.
Maging si Anna ay nakasimangot rin na napatingin sa kotse. Subalit nang bumukas ang pintoan ng kotse at lumabas mula roon si Brett ay napakurap-kurap si Anna.
"S-Si Pogi!" sambit ni Tekla na nagulat rin at tila nawala na naman sa sarili nito.
Samantala ang anak niyang si Brave ay himalang tumigil ito sa pag-iyak nang makita ang lalaki na nakatayo sa labas ng kotse nito.
"Get in my car." utos ng lalaki na tila hindi puwedeng hindian.
Magsasalita pa sana si Anna pero napaawang na lang ang bibig niya ng walang paalam na pumasok si Tekla sa loob ng kotse ni Brett at hindi man lang sila hinintay ni Brave.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod nalang sa sinabi ni Brett.
"I'm not your driver, Anna, kaya sa harap ka umupo." anang lalaki nang akmang bubuksan niya ang pinto sa backseat.
Tumango siya, "Sige."
Pinagbuksan siya ni Brett ng pintoan at habang paupo siya ay panay naman ang hagikhik ni Brave sa lalaki na para bang natutuwa ito sa itsura ng lalaki. Lihim na natawa si Anna dahil sa anak dahil tila ba may sarili na itong isipan at marunong nang kilalanin ang ama kahit na hindi pa naman niya sinasabi rito na ama nito si Brett dahil wala pa itong muwang. Pero iba talaga siguro kapag ang lukso ng dugo na ang umaaksyon, kumukusa ang katawang lupa ng tao na mapalapit sa kadugo nito.
At kung ano man ang dahilan ni Brett kung bakit sila nito pinasakay sa kotse nito ay nagpapasalamat na rin siya dahil minus pamasahe na rin iyon.
"Where?" tanong ng lalaki sa kaniya na hindi naman siya binalingan. Brett is facing in the windshield.
"Huh?"
"Naku ako na ang sasagot pogi, lutang iyang kasama ko e! Sa ano kami sa Acacia Avenue, oo, doon nga!" agaw ni Tekla.
Napatango ang lalaki at sinimulan nitong buhayin ang makina. At habang nasa biyahe na sila ay may pagkakataon na sinusulyapan ni Anna si Brett, may pagkakataon rin na nahuhuli siya ng lalaki kaya ibinabaling na lang niya ang tingin sa anak. Pero ang anak naman niya ay abala sa pag-abot ng laylayan ng damit ni Brett. Alam ni Anna na napapansin rin iyon ng lalaki pero may kurot sa puso niya nang hindi man lang nito bigyan ng pansin ang bata o kahit tipid na ngiti man lang.
"Brave, enough baby." awat niya sa anak nang kumakawala na ito sa pagyakap niya para lapitan si Brett at abutin ang braso nito.
Isinandig niya ang bata sa kaniyang dibdib at tinapik-tapik ang balikat nito. May namuo rin na inis sa dibdib ni Anna dahil hindi man lang pinansin ni Brett ang bata.
Ano pa kaya kapag sinabi kong anak niya si Brave? Baka itanggi pa niya ang bata kahit na magkamukhang-magkamukha naman sila! Asik ng isipan niya.
Napasimangot si Anna sa biyahe hanggang sa makarating sila sa Acacia Avenue.
"Diyan lang sa tabi, salamat." aniya kay Brett. Nang tumigil ang kotse ay kaagad niyang binuksan ang pinto at lumabas na walang paalam.
Bahala na kung iisipin ng lalaki na bastos ang pag-uugali niya, eh, basta naiinis siya rito.
Tinawag siya ni Tekla ng mabilis siyang naglakad papasok sa isang eskinita, "Hoy, Anna, hintayin mo naman kami!"
Kami?
Napabaling siya sa likuran at nakita niya na sabay nga naglalakad ang kaibigan niya at si Brett.
"Aba't...ano pa ba ang gagawin niya rito?" inis na tanong niya sa sarili.
Napailing siya at itinuloy ang paglalakad habang nakasimangot naman ang mukha niya.
Nang makarating sa bahay na inuukupa ay kaagad niyang ipinasok si Brave sa kuna nito, pinahiga at binigyan ng dede.
"Sandali lang anak ha. Magsasaing lang ako." paalam niya sa bata.
Pumasok siya sa kusina at nagsalang ng sinaing sa kalan. Hinugasan na rin niya ang mga plato na ginamit nila galing sa Hospital. Habang abala siya sa kusina ay pinapakiramdaman naman niya si Brett sa labas. Alam niya sa mga sandaling iyon ay nakapasok na ito ng bahay.
Matapos mahugasan ang mga hugasin at malagay iyon sa lagayan ay umikot siya paharap para puntahan sana ang anak, pero bumangga siya sa isang dibdib. Dahan-dahan niyang pinasadahan ng tingin ang matitipunong dibdib na iyon hanggang sa umabot siya sa mukha nito.
"B-Brett...m-may kailangan ka?" utal niyang tanong sa lalaki na ngayon ay titig na titig sa kaniya.
Ngunit imbes na sagutin ang tanong niya ay tila ininsulto pa siya nito. "You live in this kind of place? Such a mess. Why don't you find a decent place? Hindi iyong katulad nito na ang liit at masikip pa."
Sa sinabi ng lalaki ay tila umusok ang ilong niya.
Ang kapal naman ng mukha nito para insultuhin siya sa loob ng pamamahay niya!
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki at saka pinamewangan pa ito.
"We live in this type of place, Mr. Valle, dahil dito kami masaya. Kahit maliit man ito at nagbabanggan kami ni Tekla dito ay ayos lang ang importante ay malinis ito at higit sa lahat ay masaya kami. So, kung pumunta ka lang dito para insultuhin ako ay mas mabuti pang umalis ka na." mahinahon ngunit may diin na sabi niya sa lalaki.
Nakakainis. Bakit ba ito nangingialam? Ano naman ngayon kung ganito ang bahay na tinitirhan nila ng anak niya? Hindi yata nito alam ang hirap na dinanas niya noon para makakuha ng matitirhan lalo't buntis pa siya noon. Kung hindi dahil kay Tekla ay baka kung saan-saan na sila ng anak niya ngayon. Walang modo!
"Umalis ka na po kung wala ka ng kailangan. At saka teka lang ha," Kinuha niya ang pitaka sa bulsa at kumuha siya ng dalawang daan pagkatapos ay kinuha niya ang palad ng lalaki at isiniksik roon ang pera.
"Pamasahe naming tatlo. Sobra pa nga iyan kasi kung sumakay kami ng jeep kinse lang ang bawat isa sa amin ni Tekla, pero dahil mabait ako, sayo na iyong sobra." wika niya sa lalaki saka ito nilagpasan.
Ngunit hindi pa man siya nakalayo ng tuluyan sa lalaki nang hablutin nito ang braso niya at hilain siya palapit sa katawan nito.
"Hindi ako bayaran, Miss Samson." Itinaas ng lalaki ang pera sa ere at iwinasiwas iyon bago nito hawakan ang bibig ng bulsa ng kaniyang pantalon at ipasok pailalim ang pera. Napapikit si Anna nang maramdaman ang mainit na palad ni Brett sa loob ng bulsa ng suot niya. Nang hilahin nito palabas ang kamay ay tila nanadya pa itong pisilin ang hita niya. "There. Sayo na ang pera mo." saad nito sa mukha niya bago nito bitawan ang braso niya. Lumabas na ito ng kusina habang siya ay nanatiling naroon at kinakalma ang sarili.
"Walang modo!" inis na litanya niya bago lumabas roon.
Naabutan niya si Tekla sa maliit nilang sala na nakaupo at nanonood ng tv mag-isa, habang ang anak niya ay naglalaro sa loob ng kuna nito. Nang mapansin siya ni Tekla ay nagsalita ito.
"Anna, kilala mo ba iyong si Mr. Pogi? Jowa mo ba iyon?" anito na ikinangiwi niya.
Naupo na rin siya sa tabi ni Tekla habang nakatuon ang tingin sa anak. Wala na rin si Brett, siguro umalis na ito. Mabuti naman kung ganoon. Kumukulo kasi ang dugo niya rito matapos nitong insultuhin ang tinitirhan nila ni Tekla.
"Hindi ko iyon jowa. Siya iyong may ari ng Valle Tower na pinuntahan ko nang isang araw para interbyuhin. Salamat kay Vian dahil malaki ang kinita ko roon. Malaki ang binigay ng boss niya sa akin e." pahayag niya.
Gulat naman ang rumihestro sa itsura ni Tekla, "Talaga?! Hala, bakit hindi mo agad sinabi! Kaya pala familiar siya sa akin at ganiyon nalang kung matameme ako sa kaguwapuhan niya iyon pala ay nakita ko na siya sa tv dati!"
Napailing na lamang si Anna sa naging reaksyon ng kaibigan.
Guwapo nga, salbahe naman ang ugali! Aniya sa isipan.
"Pero bakit siya narito kanina, Anna? Bakit niya tayo hinatid? At higit sa lahat ano ang ginawa niyong dalawa sa kusina? Nag-iyotan ba kayo roon—aray!"
Sinabunutan niya ang kaibigan dahil sa kalaswaan ng bibig nito.
"Ikaw kung ano ang pinagsasabi mo at marinig ng anak ko! Loka-loka ka!" pagalit na saway niya sa kaibigan at hinampas ito sa braso.
Napangiwi ito at nag-peace sign sa kaniya, "Akala ko lang kasi iyon. Ang tagal niyo kasi sa kusina, saka noong lumabas si Pogi ay hindi maipinta ang kaniyang mukha. Lumabas nga iyon na hindi ako pinansin. Mabuti pa nga si Brave hinalikan niya sa noo bago umalis, eh, ako? Hindi man lang siya nag-goodbye sa akin!"
Napakurap si Anna dahil sa kaniyang narinig.
Hinalikan ni Brett sa noo si Brave?
Tama ba ang narinig niya o nabingi lang siya?
"A-Anong sinabi mo? H-Hinalikan niya ang anak nami—ko?"
"You heard me right my dear Anna. At hindi lang basta hinalikan, binuhat pa niya ito."
May kung anong humaplos sa puso ni Anna dahil sa nalaman. Bakit ba hindi niya nakita ang eksenang iyon? Sana na witness man lang niya kung paano nagdikit ang mga balat ng mag-ama niya.
"Oh, Anna, bakit ka naman naiiyak riyan? Ano naman ang nakakaiyak sa sinabi ko?"
Sa sinabi ni Tekla ay wala sa sariling sinapo niya ang mukha. At doon lamang niya napagtanto na umiiyak na nga siya.