Sabay rin na umuwi sina Anna at Brett sa condo sa Forbes park na hindi nagpapansinan. Hinatid lang ng binata ang dalaga sa labas ng unit nito at umalis na rin ito kaagad. At ewan ni Anna kung ano ang problema ng gurang na iyon. Hindi ito namamansin kaya hindi rin siya namansin.
"Baby ko!" salubong ni Anna sa anak na buhat-buhat ni Tekla.
"Naku, gurl, kanina ka pa hinahanap niyan." komento ni Tekla nang ilipat nito sa mga braso niya ang bata.
Nginitian ni Anna si Tekla saka pinupog niya ng halik ang anak.
"Miss na miss ka ni Mama!" madamdamin niyang sabi sa anak. Umindak-indak naman ang bata nang makita siya. Sinayaw-sayaw niya ang anak, pero napatigil siya nang may marinig.
Tumunog ang buzzer kaya sabay pa silang napabaling roon ni Tekla.
"May bisita ka, gurl?" ani ng kaibigan niya.
Kumibit-balikat siya. "Wala, ah." tugon niya.
Naglakad si Tekla patungo sa pintoan upang buksan at alamin kung sino ang nasa labas niyon.
Pagbukas nito ng pinto ay sabay napatili ito na siyang ikinakunot ng noo niya.
"Si Pogi!"
Si Pogi? Sinong pogi?
Nang makita ni Anna kung sino ang pogi na tinutukoy ni Tekla ay napangiwi siya.
Pogi nga, suplado naman!
Wala naman kasing ibang pogi na tinutukoy si Tekla kundi si Brett. Ang matandang gurang na palaging may regla!
Dire-diretsong pumasok ang lalaki at mukhang papasalubong ito sa kaniya. Napaatras siya ng mukhang tama nga ang iniisip niya dahil si Brett ay nakatingin sa kaniya ng tuwid at diretso ang lakad patungo sa kaniya.
"A-Anong—" Napaatras pa siya lalo at akmang iiwasan ito ng magsalita ang lalaki.
"Pahiram ng baby mo." anito sabay abot nito ng braso para kunin si Brave.
Napanganga si Anna sa narinig. Literal na umawang ang labi niya at kasabay niyon ay tumambol ng malakas ang dibdib niya.
Wala rin sa sariling inabot niya ang bata kay Brett.
Sinayaw-sayaw ng lalaki ang bata at hinahalikan rin nito sa noo ang bata. Ang tanawin na iyon ay sobrang humaplos sa puso ni Anna. Nagkusa sa pagdaloy ang luha niya na hindi niya namamalayan. At hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Brett.
Nangunot ang noo ng binata habang nakatitig ito sa kaniya.
"What's the problem, Anna? Hinihiram ko lang ang anak mo, don't worry hindi ko siya itatakbo." anito sabay simangot ng mukha.
Napakurap-kurap si Anna sa narinig. Mabilis niya rin pinahid ang mga luha sa pisngi.
Nilapitan naman siya ni Tekla at mahinang siniko sa balikat.
"Ang o.a mo gurl, parang hihiramin lang si Brave, eh." komento nito.
Sinamaan nalang niya ng tingin si Tekla.
"Maghahanda lang ako ng hapunan." paalam ni Tekla sa kanila.
"Mabuti pa nga dahil nagugutom na rin ako."
Ang salitang iyon ay galing kay Brett.
Mabilis napalingon si Anna kay Brett. Nagtatanong ang mga matang tiningnan niya ang lalaki.
"Oh, bakit may problema ba kung dito ako magdi-dinner, Anna?" saad ng binata nang mapansin ang klase ng paninitig niya.
"W-Wala naman," Nauutal niyang tugon sa lalaki.
"Good."
"Oh, siya, people, doon na ako sa kitchen dito na kayo!" natatawang paalam ni Tekla sa kanila. Naiwan naman sila ni Brett na nagkani-kaniyang hagilap ng titingnan sa paligid.
Ang awkward!
***
Hindi maalis ang pagkailang na nararamdaman ni Anna habang nasa hapag silang lahat at kasalukuyang kumakain.
Bawat subo niya kasi ay nakasunod ang tingin ni Brett. Hindi niya rin alam kung bakit.
Nahihiya tuloy siyang ibuka ng malaki ang bibig.
At ang isa pang nakakatawa sa lahat ay habang kumakain ang lalaki ay nasa tabi nito si Brave. Nakalagay ang bata sa stroller nito na ang lalaki rin mismo ang may gusto, at panay ang baling nito sa bata. Gusto sanang magreklamo ni Anna, na dapat nasa tabi niya si Brave pero sa tuwing nakikita niya na nakangiti ang anak niya habang kinakausap ng lalaki ay nawawalan siya ng lakas magreklamo. Dahil unang-una sa lahat ay masaya siya sa nakikita niya ngayon. Masaya siya na makitang binuhat ni Brett ang anak nila, at kinakausap.
"Anna, ano, hindi ba masarap ang adobo?"
Napakurap-kurap si Anna nang tampalin ni Tekla ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"A-Ah...eh...hindi ah. Masarap nga, eh." sambit niya.
"Masarap pero hindi mo naman ginagalaw ang pagkain mo. Tulaley ka, gurl, dahil ba kay pogi?" komento ni Tekla.
Gustong pitikin ni Anna ang basang bibig ni Tekla.
Lokang ito! Ipapahamak pa ako! Sambit niya sa isipan.
Nang balingan niya si Brett ay nagpapasalamat siya dahil mukhang hindi nito narinig ang sinabi ni Tekla. Sinamaan na lang niya ng tingin ang kaibigan at sinenyasan na itikom nito ang bibig.
"Thanks for the dinner. The food is great." komento ni Brett nang matapos ang kanilang hapunan.
Naginhawaan si Anna dahil sa wakas ay tapos nang kumain ang lalaki ibig sabihin ay babalik na ito sa sarili nitong unit.
"Natural, sir, masarap akong magluto, eh. Kasing sarap ko rin ang putaheng kinain mo!"
Kamuntikan nang mabilaukan si Brett ng tubig na iniinom nito. Napaubo siya at napahimas sa sarili niyang dibdib.
Samantalang hinampas naman ni Anna sa braso ang kaibigan.
"Totoo naman, ah?" ani pa ni Tekla.
Napailing-iling na lamang si Brett.
Sa sala ay naupo muna si Brett kasama si Brave nang makalabas siya ng kitchen. Nasa bisig niya ngayon si Brave, at ang bata naman ay tila tuwang-tuwa sa kaniya. Hindi napigilan ni Brett ang mapangiti habang titig na titig siya sa cute na batang nasa harap niya.
"Hey, buddy, your so cute. Who is your father?"
Hindi sumagot ang bata pero umindak-indak ito at inabot ang kaniyang mukha.
May sinasabi ito na hindi naman niya maintindihan.
"Tatatattaata..." anang bata.
"Ano iyon, huh? Hmm...ang pogi mo talaga," Nanggigil siyang pisilin ang matambok na pisngi ng bata saka hinalikan pa iyon ng paulit-ulit. "We have the same eye color, you know that, buddy?" tanong pa niya sa bata.
Ngunit katulad kanina ay nagsalita na naman ito ng hindi niya maintindihan.
Napangiti na lang si Brett.
"Puwede ko na bang mahiram ang anak ko?"
Napabaling si Brett sa nagsalita. Si Anna iyon. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanila ni Brave.
Sumimangot siya. Gusto pa kasi sana niyang kalongin ang bata. Napanguso siya sabay abot kay Anna ng bata.
"Walang galos iyan." nakanguso niyang sabi sa dalaga.
"W-Wala naman akong sinasabi, ah." saad naman ng dalaga. Nasa bisig na nito ang bata.
Hindi maintindihan ni Brett ang sarili pero parang gusto niya muling kunin ang bata kay Anna.
Pwede niya kayang hiramin ang bata at dalhin sa unit niya?
Kung itabi niya kaya ito matulog, papayag ba ang dalaga?
Damn!
Ano bang pumapasok sa isipan niya?
Ipinilig niya ang ulo.
"I gotta go. Salamat sa hapunan." Tumayo siya at nilapitan si Anna. Pero ang dalaga ay napaatras naman.
Tiningnan niya ng mariin ang dalaga. "Stay still." utos niya rito.
Hindi nga ito gumalaw kaya pinagpatuloy niya ang paglapit dito. Nang makalapit na siya ay dahan-dahan siyang yumuko. Lihim pa siyang napangiti ng todo sa pag-iwas si Anna sa akalang hahalikan niya ito. Pero ang bata ang hinalikan niya sa noo, at dahan-dahan siyang nag-angat upang salubungin ang mga mata ng dalaga.
"Kalma. Hindi naman ikaw ang gusto kong halikan." nakangisi niyang sabi sa dalaga.
Napakurap-kurap ito. Natawa siya at nilagpasan ang dalaga.
Nakita niya rin si Tekla na kakalabas lang ng kitchen.
"Salamat sa masarap na hapunan, Tekla. Sa uulitin." paalam niya sa kaibigan ni Anna.
"Walang anuman man, sir!"
Hinatid siya mismo ni Tekla sa pinto at pinagbuksan rin siya nito.
"Bukas ulit, sir!" pahabol pang sabi ng bakla na ikinangiti niya.
Hindi na nito iyon kailangan pang sabihin sa kaniya dahil kakain siya kung kailan niya gustong kumain sa unit ni Anna.
At mas masarap pa sa adobong niluto ni Tekla ang paborito niyang kainin roon.