Chapter 20- Truth

2116 Words
SOBRANG nangungulila na si Anna sa nawawalang anak na si Brave. Ang tatlong araw na pagkawala ng bata ay nauwi sa isang linggo, at pakiramdam ni Anna ay isang taon na ang katumbas niyon. Para sa kanya ay wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman niya ngayon dahil sa pagkawala ni Brave. Anna sitting on the chair from the balcony of the suit, while she looking nowhere. Nakatulala siya sa kawalan at walang ibang iniisip kundi ang anak. Brett, on the other hand, was looking at Anna. Nakatayo lamang siya at nakasandal sa sliding door ng terasa habang pinagmamasdan ang dalaga na malungkot na nakatanaw sa malayo. Parang may tumusok na kung ano sa dibdib ni Brett, hindi niya alam kung ano ang gagawin para maibalik ang dating saya at sigla ni Anna. Ginagawa naman niya ang lahat ng paraan na kaya niyang gawin, pero alam niya na hangga't hindi nakakabalik ang bata sa dalaga ay hinding-hindi babalik sa dati ang Anna na nakilala niya. Hindi na kaya pang pagmasdan ni Brett ang dalaga nang tuloy-tuloy maglaglagan ang mga luha nito sa mga mata, humakbang siya palapit rito at mula sa likuran ng kinauupuan nito ay niyakap niya ang dalaga. “Shhh…everything will be fine, baby. I’m here, I’m here for you. Huwag kang mawalan ng pag-asa, makikita rin natin si Brave, babalik siya sa atin. Ibabalik siya sa’tin.” masuyong sabi ni Brett kay Anna. Humagulhol ang dalaga ng iyak sa dibdib ni Brett at ang tanging magagawa lamang ni Brett ay haplusin ang balikat nito at yakapin ng buong higpit. “I-Isang linggo na, Brett. H-Hindi ko na kaya ang araw-araw na wala ang anak ko! H-Hindi ko na kakayanin pa’t para na’kong mababaliw!” Sinapo ni Anna ang magkabilang pisngi ni Brett at nangungusap ang mga mata na nagmakaawa sa binata. “Please, Brett, gawin mo ang lahat para mahanap si Brave. Nagmamakaawa ako sayo, alam kong ikaw lang ang makakatulong sa’kin! T-Tulungan mo akong mahanap ang anak ko, ang anak natin!” Nang makita ni Anna ang pag-iba ng reaksyon ng mukha ni Brett—mula sa naaawa hanggang mapalitan iyon ng pagkagulat, ay noon lamang niya naisip ang mga nasabi. Umiwas siya ng tingin at madiin na nakagat ang pangibabang labi, habang ang lalaki ay natahimik at tila inuulit sa isipan ang kanyang nasabi. Pakiwari ni Brett ay nabingi siya sa kanyang narinig pero hindi siya maaaring magkamali dahil tama iyong narinig niya. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya o ano sapagkat nabanggit ng dalaga ang salitang ‘anak natin.’ Para sa kanya ay ang ibig sabihin niyon ay pumapayag ang dalaga na maging ama siya kay Brett. “You mean, puwede ako maging ama ni Brave? Payag ka?” nakangiti niyang tanong sa dalaga. Panandalian nakalimutan ang problema tungkol kay Brave. Hindi malaman ni Anna kung matatawa ba siya o iiyak sa narinig. Ang akala niya malalaman na ni Brett ang totoo, subalit mukhang iba ang pagkakaintindi nito. Umiwas na lang siya ng tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan sa binata. “I-Ikaw ba…kaya mo bang maging a-ama kay Brave?” nautal niyang tanong. “Of course, baby. I can love him as my own child kahit pa hindi ko siya kadugo. I love you, at dahil mahal kita ay mahal ko rin si Brave,” madamdamin na saad ni Brett. Tumulo ang mga luha ni Anna. Mabilis niyang pinahid ang mga iyon at muli siyang nagsalita. “H-Hindi mo siya ilalayo sa’kin?” Nangunot ang noo ni Brett sa naging tanong ng dalaga. Never in his vocabulary that he will take Brave away from his own mother, hindi iyon sumagi sa isipan niya. At bakit naman niya iyon gagawin? May pagkalito na sinapo ni Brett ang mukha ni Anna upang pihitin iyon paharap sa kanya. “Baby, why would I do that? Bakit ko naman ilalayo sayo ang sarili mong anak?” Mapaklang natawa si Brett. “Kailan man ay hindi sumagi sa isipan ko ang bagay na iyon.” dagdag pa niya. Lalong napaiyak si Anna. Bakit nga ba niya huhusgahan si Brett na ilalayo nito ang sariling anak sa kanya? Mahal siya ng lalaki at hindi naman siguro nito magagawang ilayo ang bata sa kanya. Tila nakonsensya si Anna sa panghuhusga niya kay Brett. “P-Pasensya na sa nasabi ko, Brett. M-Magulo lang ang isipan ko ngayon kaya natanong ko iyo—” Tumunog ang telepono sa living room dahilan upang maputol ang sasabihin pa dapat ni Anna. Sabay silang napatayo at nagmamadaling tinakbo ang telepono dahil baka mahalaga ang tawag na iyon. Si Anna ang dumampot sa telepono na walang tigil sa pag-ring at kaagad iyon itinutok sa tenga habang may kaba naman sa kanyang dibdib. “H-Hello?” Katahimikan ang naririnig ni Anna mula sa kabilang linya. Nagsalita pa siyang muli. “Hello? Sino ‘to? Puwede bang sumagot ka naman—” “Anna,” The voice from the other line is owned by Tekla. His friend. A close friend, who kidnapped her child. Parang binuhusan ng mainit na tubig si Anna dahilan upang uminit ang kanyang buong katawan. Kumuyon ang kanyang kamao at sa nanginginig na boses ay puyos ng galit siyang nagsalita. “T-Tekla…nasaan ang anak ko, huh? Saan mo dinala ang anak ko ibalik mo siya sa’kin parang awa mo na! Ibalik mo ang anak ko, Teks, please na, oh!” Na-hysterical niyang pakiusap sa kaibigan. Si Brett ay naikuyom nito ang kamao habang kinukuha ang cellphone upang tawagan si Rico at ipaalam na tumatawag si Tekla. Ang linya ng telepono ay nakakonektado kina Rico at sa grupo nito upang kaagad ma-detect ang location ng kung sino mang tatawag sa kanila. And Rico on the other hand, is doing his job as well. Matagal na rin silang naga-abang ng tawag. And while Anna talking to Tekla, si Rico at mga kasamahan niya ay umaaksyon na rin hindi pa man tumatawag si Brett. “Tekla, ibalik mo ang anak ko! Parang awa mo na! Saan mo dinala ang bata, huh? Sabihin mo!” Sunod-sunod na wika ni Anna. “Patawarin mo ako sa nagawa kong ito, Anna. Napilitan lang ako at talagang walang choice kaya ko nagawa ‘to. Huwag kang mag-alala, kung nasaan man si Brave ngayon ay natitiyak ko sayo na nasa maayos siyang kalagayan.” “Hindi! Hindi, Tekla! Kailan man ay hindi magiging maayos ang kalagayan ng anak ko hangga’t hindi mo siya binabalik sa’kin kaya parang awa mo na….Teks…sabihin mo kung nasaan si Brave. Ibalik mo ang anak ko, please….” Humagulhol na ng iyak si Anna at halos mabitawan na ang telepono kaya’t inagaw iyon ni Brett at ang lalaki na ngayon ang kumausap kay Tekla. “Bring the child back home or else pagsisisihan mong inilayo mo siya kay Anna. I swear to God, Tekla, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo at sa kasamahan mo.” Ang talim ng boses ni Brett ay kasing talim ng isang kutsilyo. Nasa tono ng pananalita niya ang babala at paninuguro na kung ano man ang sinabi nito ay siyang gagawin talaga. Nakaramdam naman ng pagkasindak ang kausap sa kabilang linya. Nagpalinga-linga muna ito sa paligid bago muling nagsalita sa nanginginig na tono. “U-Unang-una sa lahat patawarin niyo ako ni Anna, Brett. Pangalawa, nasa isang probinsya si Brave,” Naningkit ang mga mata ni Brett at umigting ang mga panga nito. “Where is the child exactly?” may diin niyang tanong. Narinig pa ni Brett na may babaeng tumatawag kay Tekla mula sa kabilang linya. That voice are look familiar to him pero hindi niya ito mapangalanan. “Kailangan ko nang ibaba ‘to dahil kung hindi malilintikan ako sa kanya!” Mahahalata ang pagkataranta sa pananalita ni Tekla, pero hindi pumayag si Brett na ibaba ng kausap ang telepono na hindi nagsasabi kung nasaan ang bata. “Please, Tekla, tell me where the child is?” At bago nga mawala ang linya ay nagsalita si Tekla sa isang pabulong na tinig na tila ba takot na takot itong may makarinig sa kanya. “Nandito si Brave sa San Diego—” Subalit hindi natapos ni Tekla ang sasabihin nang biglang maputol ang linya. “F*ck!” pagmumura ni Brett. “A-Ano’ng sabi niya?” tanong naman ni Anna kay Brett. Binalingan ni Brett si Anna at akmang magsasalita nang bumukas ang pintoan sa main door at pumasok si Rico at ang mga kasamahan nito. “I know where he is,” bungad ni Rico. Sabay na nagsalita sina Anna at Brett. Nasa mukha ang pagkasabik sa anumang sasabihin ni Rico. “Where?” “Saan?” Humugot muna ng malalim na buntonghininga si Rico bago ito nagsalita. “Sa San Diego and the landline number belongs to….” Sinulyapan ni Rico si Brett at napailing-iling ito. Hindi nagugustuhan ni Brett ang klase ng tingin na iyon ni Rico. Parang may mali sa susunod na sasabihin nito. “Belong to what, Ric?” Hindi makatiis na untag niya sa kaibigan. “To Carol Ibañez.” Sa narinig ay nanlaki ang mga mata ni Brett at Anna. “What the f*ck?!” Hindi makapaniwala si Brett sa kanyang narinig. Samantalang napaupo naman sa sahig si Anna sa kanyang nadinig. Kaagad naman itong nilapitan ni Brett at niyakap. “S-Si Carol? Si Carol ang kumuha kay Brave? Kinuha niya ang anak ko, Brett, kukunin niya ang anak ko!” Halos maglumpasay si Anna sa sahig at todo naman sa pag-aalo si Brett sa kanya. “Babawiin natin siya, Anna. Babawiin natin si Brave,” Iyon lang ang tanging nasabi ni Brett. Hindi pa rin siya makapaniwala sa natuklasan. Naguguluhan siya sa mga nangyayari, kung bakit humantong si Carol sa pangingidnap sa bata. Lalo lamang humagulhol si Anna ng iyak, at tila nawawala na ito sa sariling katinuan sa sobrang stress na nararamdaman, idagdag pa na wala itong kain at tulog. “Kinuha niya ang anak ko dahil namatayan siya ng anak, Brett! Bawiin mo ang anak ko sa kanya! Bawiin mo ang anak natin! Kinuha niya ang anak natin, Brett! Anak mo, oo! Anak mo si Brave!” Paulit-ulit na binigkas ni Anna ang salitang nagpabingi sa pandinig ni Brett. Nagtatanong ang mga matang napabaling si Brett kay Rico, and when their eyes met, nakita ni Brett sa mga mata ni Rico na pinapahiwatig nito na nagsasabi ng totoo si Anna. Nanghihinang napabitaw si Brett sa pagkayap mula kay Anna, at hindi nakaligtas ang ilang butil ng luha na lumabas sa kanyang mga mata. At sa nanginginig na labi ay nagsalita si Brett, salitang halos hindi nito madinig. “A-Anak k-ko si Brave?” Simpleng katanongan iyon pero napakahirap para kay Brett na bigkasin. Pakiramdam niya ay may tinik na idiniin sa kanyang dibdib. Si Rico ay nalulungkot na nakatingin sa dalawa. Kapagkuwan ay sinenyasan nito ang mga kasama na lumabas na muna at hayaan na muna ang dalawa na magpaliwanagan. And Brett repeated his question to Anna dahil ang dalaga ay nakatulala na lang na nakatitig sa kanya habang panay ang paglandas ng mga luha nito sa mga mata. “I’m asking you again, Anna. T-Totoo ba na anak ko si Brave?” Sa pangalawang tanong na iyon ay may galit na sa tono ng boses ni Brett. Anna nodded. Again and again. “O-Oo,” pag-amin niya. Nanghihinang napaupo si Brett sa sahig. Hindi malaman ang gagawin. May sasabunutan ang buhok, may susuntukin ang sahig. At si Anna ay walang nagawa kundi ang umiyak nang umiyak habang nakikita ang ginagawa ng binata sa sarili nito. “The f*ck, Anna, why did you tell me? Why do you hide it from me, huh?” Namumula na ang buong mukha ni Brett at this time alam na ni Anna na galit ang lalaki. “I’m sorry—Brett!” Napatayo si Anna nang biglang tumayo si Brett at hindi na niya natapos ang dapat pang sasabihin. “Brett, please, makinig ka muna sa’kin!” Tawag ni Anna sa lalaki pero tila wala itong narinig at patuloy lang sa paglalakad. Hinabol ni Anna si Brett hanggang sa makalabas ng main door ang lalaki. Sina Rico at ang mga tauhan nito ay nagulat nang lumabas ang dalawa at naghahabulan sa hallway. “Go back, Anna, and please hayaan mo muna ako.” Ang boses na iyon ni Brett ay hindi nakikiusap kundi nagbibigay babala na agad namang naintindihan ni Anna. Walang nagawa ang dalaga kundi ang tumigil sa paghabol kay Brett at panoorin na lang ang papalayong bulto ng lalaki. Nilapitan naman siya ni Rico at pinayuhan na bumalik sa suit. “Just give him a time, Anna. Nawindang lang siya sa nalaman.” payo ni Rico sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD