Brett couldn’t take the pain, so he left and went to a most visited bar in Makati. Hindi niya kinaya ang nalaman, pakiramdam ni Brett sa pangalawang pagkakataon ay naloko na naman siya ng isang babae, and that woman is Anna. Parang sasabog ang utak niya sa kakaisip sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay niya, kaya pinagkasya na lamang niya ang sarili sa paglalasing. Kahit doon man lang ay mabawasan ang mga iniisip niya.
Subalit makaraan ang ilang oras, ilang bote na rin ang naitumba niya pero wala namang nagbago. Patuloy pa rin tumutugtog sa isipan niya ang mga sinabi ni Anna kanina.
Naiiling na natatawa si Brett mag-isa sa kinauupuan niya sa bar counter. Akalain ba naman niyang anak pala niya ang batang iyon. Ang batang nagbibigay saya at nagpapangiti sa kanya, ang isa sa dahilan kung bakit madalas ay nagmamadali siyang umuwi upang makita ito. Tumulo ang masaganang luha ni Brett. Iyon pala ang dahilan kung bakit magaan ang loob niya sa bata unang beses pa lang nang makita niya ito. Hindi man lang sumagi sa isipan niya ni minsan na nabuntis niya si Anna dahil ang alam niya ay pinapagamit niya ito noon ng contraceptives upang hindi ito mabuntis.
Naguguluhan si Brett at parang hindi nakakapag-isip ng maayos. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa kanyang isipan at parang sasabog ang utak niya sa dami niyon.
Brett drank the liquor straight from the bottle. Parang wala lang sa kanya ang pait ng alak na napiling inumin. Sa nalaman ay hindi niya alam kung paano magsisimula. Aminado siyang nasaktan dahil sa pagtatago ni Anna ng katotohanan tungkol sa bata, pero hindi niya kayang hindi isipin ang dalaga sa kabila ng pagsisinungaling nito sa kanya.
Ang nararamdaman niya para sa dalaga ay isasatabi niya muna at kailangan niyang mag-focus ngayon kay Brave. Kailangan niyang mabawi ang bata kay Carol, kailangan niyang mabawi ang anak.
Kinuha ni Brett ang cellphone niya upang tawagan si Rico. Kailangan niyang makausap ang kaibigan at alamin ang magiging plano nito. Ayon sa kaibigan at kay Tekla ay nasa San Diego si Brave— isang siyudad dito sa Pilipinas, lugar kung saan maraming masasaya’t mapapait na alaala siyang pilit kinakalimutan.
Nilisan niya noon ang San Diego dahil hangga’t naroon siya ay hindi siya makakapag-move-on sa mga masalimuot na nangyari sa buhay niya. Maraming mga alaala ang patuloy niyang naiisip, at hindi niya ito nakakaya kaya nagdesisyon siyang lisanin ang San Diego. At ngayon ay kailangan niyang bumalik para sa anak na si Brave at bawiin ito sa babaeng ‘yon.
Umigting ang mga panga ni Brett sa galit. Natitiyak niyang magtutuos sila ng babaeng iyon sa oras na magtagpo ang kanilang landas. Nang una nagsinungaling ito sa kanya tungkol sa tunay na pagkatao ni Paolo, ngayon naman ay kinuha nito ang anak niya at inilayo sa kanila ni Anna. At ang hindi niya maintindihan ay kung bakit iyon ginawa ng babae.
“How dare you, Carol. Humanda ka sa pagkikita natin.” mariin niyang sabi sabay tungga ng bote.
And then Brett dialed the number of Rico. Ilang ring lang iyon at sinagot naman kaagad ng lalaki.
“Where the hell are you?”
Iyan kaagad ang bungad sa kanya ng lalaki. Mahinang natawa si Brett kapagkuwan ay nilaro-laro ng daliri ang yelo na nasa basong babasagin.
“Makati. Sa Redbar.” sagot niya.
Redbar ang pangalan ng bar na kinaroroonan niya ngayon. Paboritong tambayan niya ito lalo na kung stress siya sa trabaho at kailangan niyang mapag-isa.
Narinig niyang bumuntonghininga ang lalaki. Mukhang alam na nito ang ginagawa niya ngayon.
“Okay. Wait for me there.”
Iyon lang ang sinabi ni Rico at naputol na ang linya. Ibinaba ni Brett ang cellphone at bumalik sa pag-inom. Hindi nagtagal ay may naupo sa kanyang tabi, at nang balingan niya ito ay si Rico na pala.
“Ang bilis mo, ah.” komento niya.
Tumawa ng mapakla ang lalaki. Um-order rin ito ng alak na iinumin.
“Alam mo naman ako, always on the go.” saad ni Rico.
Matagal na katahimikan ang namayani pagkatapos ng sinabi ni Rico.
“How’s her?” Tipid na tanong ni Brett kay Rico.
“Not good. Iyak siya nang iyak kanina,” wika ni Rico.
Brett bit his lip. Kahit na medyo nagalit siya sa dalaga ay naroon pa rin ang pag-aalala niya.
“Look, bro, hindi naman gustong itago ni Anna sayo ang tungkol sa bata. She left that day while bringing the child into her womb with her broken heart. At ikaw nang mga panahon na iyon ay bigo rin at magulo ang isipan. Kahit pa sabihin sayo ni Anna ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay baka hindi mo rin tanggapin.”
“And she told you about it? Mabuti ka pa nasabi niya sayo,” may himig pagseselos sa boses ni Brett.
And yes, he was jealous of knowing na alam ni Rico ang tungkol sa pagbubuntis ni Anna, pero siya? Wala siyang kaalam-alam. Gusto niya rin batukan ang lalaki dahil alam pala nito na anak niya si Brave pero wala man lang itong sinabi.
Sumama ang itsura niya.
“Gusto kong mainis sayo, gusto kitang suntukin riyan sa kinauupuan mo ngayon but I know wala namang magbabago sa lahat ng ‘to kahit pa basagin ko iyang mukha mo.” asik niya.
“Oh, come on, Brett, stop being stubborn. Wala namang may gusto na mangyari ito. At isa pa, wala ako sa lugar para pangunahan ang desisyon ni Anna. Nang araw na nilisan niya ang San Diego at sinabi sa’kin na magpakalayo-layo siya ay hindi na ako komontra pa. I offer my help, I gave her my number, but wala na akong natanggap na tawag mula sa kanya ng magkahiwalay kami sa Airport. I respect her decision and after a year muli kaming nagkita at doon ko nalaman na may anak na siya. Hindi ko man siya tanongin ay alam ko na kung sino ang ama ng bata.” Mahabang paliwanag ni Rico.
Binalingan ni Brett si Rico at masamang tingin ang ipinukol niya sa lalaki nang maalala ang sinabi nito nakaraan tungkol sa kung sino ang ama ng bata.
“And you asked me kung sino ang ama ng bata ngayong alam mo naman pala kung sino,”
“I’m not. I was saying na kung malaman mo kung sino. At sinabi mong susuntukin mo siya sa mukha," Ngumisi si Rico bago muling nagsalita. “Ngayong alam mo na, bakit hindi mo gawin ‘yong sinabi mo?”
Napa-iwas ng tingin si Brett kay Rico at tinuunan ng pansin ang bote. Oo sinabi niya nga iyon pero hindi naman magandang tingnan kung susuntukin niya ang sarili.
Binalingan niya ulit si Rico. “Bakit hindi na lang ikaw ang suntukin ko?”
Kumibit-balikat si Rico at napakamot ito sa ulo na sumagot.
“Nevermind about it. Ang pag-usapan na lang natin ay tungkol sa planong gagawin para mabawi ang anak mo.” Pag-iiba ni Rico ng topic.
Ang salitang anak mo ay nagpakabog sa puso ni Brett. Kung tatanongin siya ngayon kung masaya ba siya sa mga nalaman niya, ang sagot naman niya ay oo.
*****
Madaling araw na nang magpasya si Brett na umuwi sa condo. Alam naman niyang hindi dapat niya ginawa iyon dahil higit siyang kailangan ni Anna sa mga sandaling nag-iisa ito, pero mas pinili niyang magpakalunod sa alak. Kahit anong suway at payo ang ibigay sa kanya ng kaibigan ay hindi niya sinunod. Uminom siya nang uminom hanggang sa mawalan siya ng ulirat at makatulog sa bar counter. At nagising na lang siya nang maramdaman na parang lumilipad siya sa ere. And when he opens his blurry eyes, doon niya napag-alaman na naka-angkas pala siya sa ducati ni Rico at kasalukuyan silang bumi-biyahe pauwi.
At ang masaklap pa ay itinali siya ng kaibigan sa bewang nito gamit ang isang lubid para siguro hindi siya mahulog sa ducati.
“F*ck, it hurts my waist!” Reklamo niya ng sa wakas ay tumigil ang ducati sa parking lot ng malaking gusali.
“It’s better than sorry. Lasing ka at tulog kaya nagpatulong na lang ako sa isang bouncer na buhatin ka at ikarga sa likuran ko, at itali tayong dalawa. See? Ang sweet natin,” pang-aasar ni Rico.
“F*ck off!” Namumula ang buong mukha at hindi maipinta ang mukha na asik ni Brett.
“Whatever. Just go home and she's waiting. And of course, be ready for tomorrow.” Pagkasabi niyon ay agad na pinaharurot ni Rico ang ducati nito palayo sa lugar.
Napabuntonghininga si Brett bago siya nagsimulang maglakad papasok sa entrance ng gusali. Hindi nagtagal ay nakatayo na siya sa harapan ng pinto at nakatitig lang doon. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naisipan na ipasok ang susi sa keyhole at itulak ang pinto pabukas.
Mula sa madilim na silid ay nababalot rin ito ng sobrang katahimikan. Mahihina ang mga yapak na naglakad si Brett sa living room, but he stopped when he heard someone snoring, and when he took a look who it was, it was coming from the woman who was sleeping on the sofa bed. Brett suddenly turns the light on and he sees Anna who is obviously tired, eyes bubbled from crying and has a dark circle from it, and the woman peacefully sleeping on the sofa bed.
Nakaramdam ng awa si Brett para sa dalaga kaya kaagad niya itong nilapitan. He kissed her forehead bago niya ito binuhat at dalhin sa kuwarto upang ihiga sa malambot na kama. He was still have dizziness dahil sa marami siyang nainom pero nakuha niyang buhatin ang dalaga at ilipat sa malambot na higaan. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga na hindi man lang natinag sa mahimbing na pagtulog nito. Siguro ganoon ito kapagod at kaantok kaya hindi na naramdaman ang paglapat ng katawan nito sa kama.
“I love you and I will do everything to get our son back home. But for now, I just want you to give me some space. Sa sala na muna ako matutulog.” Pagkausap niya sa tulog na dalaga.
Hinalikan niya muli sa noo ang dalaga, at bitbit ang isang unan at kumot ay dinala niya ito sa sala dahil doon nga muna siya matutulog, ngayong gabi lang.
At ilang oras lang natulog si Brett naramdaman kaagad niya ang pagsikat ng araw. Kaagad siyang bumangon, sinilip ang dalaga sa kuwarto, napangiti siya sapagkat mahimbing pa rin itong natutulog.
Pumasok siya sa banyo at naligo. When he had finally taken the smell of alcohol from his body, he get dressed and went to the kitchen to prepare food for breakfast
At nang matapos siya sa lahat ng gawain, inihanda niya ang sarili sa paglalakbay ngayong araw pabalik sa lugar na nilisan niya. And before he left the condo, ay nag-iwan siya ng sulat para kay Anna.