"DARREN?" Natigilan ang binatang si Darren na tawagin siya ng Nanay nitong si Airen. Napabuga ito ng hangin na umaktong normal bago pumihit paharap sa ina nitong nakakunot ang noo na nakamata sa kanya. "Nay," wika nito na matamis ngumiti sa ina. "May kailangan po ba kayo?" tanong pa nito. May sariling mansion si Darren sa compound nilang pamilya. Pero dahil hindi pa naman ito kasal, kaya sa Daddy Dwight nila muna ito nakatira kasama ang Nanay Airen nito. "Mag-usap nga tayong bata ka." Saad ng ina nito na hinila sa braso ang anak pagawi sa likod ng mansion. Hindi naman ito umangal na nagpatianod sa ina nitong ikinubli pa siya sa matayog na halaman. "Bakit po?" tanong nito na napalinga pa ang ina nito sa paligid na tila tinitiyak niyang walang ibang makakakita sa kanila. "Saan