Prologue.
"Umalis ka na, Gio! Go, save yourself!" tarantang pagtataboy ni Nikita sa asawa nito.
"Hindi ko kayo kayang iwan, mahal. Ayoko!" pagtanggi nito na napahagulhol na niyakap ang mag-iina nito.
"Gagawa ako ng paraan para makabalik kami sa'yo, Gio. Sige na. Hindi kami sasaktan ng Papa. Pero ikaw. . . tiyak akong papaslangin nga niya. Kaya sige na, nagmamakaawa ako, mahal. Umalis ka na. Alis na!" pagtataboy pa rin nito na pilit tinutulak ang asawa palayo.
Malungkot ang mga matang napatitig sa kanya si Gio na luhaan katulad niya. Parating na kasi ang ama ni Nikita at mga tauhan nito dahil natunton na sila ng ama niya kung saan sila nagtatago ng asawa nito.
"Nikita," sambit ni Gio na napababa ng tingin sa dalawang paslit na karga ng asawa nito.
"Here, mahal. Take Gia with you. Kunin mo siya at umalis na kayo. Haharangin ko ang Papa para hindi na kayo masundan. Kaya sige na, mahal ko. Umalis na kayo. Iligtas mo ang sarili mo. Kunin mo na ang isa sa kambal." Wika ni Nikita ditong iniabot ang isang sanggol na karga nito.
Ayaw mang umalis ni Gio at iwan ang asawa at anak pero tama naman ito. Tiyak na papatayin siya ng ama ni Nikita na itinanan niya ang anak ng amo. At ngayon nga ay may kambal na sila. Mabigat sa loob na tinanggap nito ang isa sa kambal na ikinangiti ng asawa nitong tumango.
"Go, mag-iingat kayo, Gio. I promise you, gagawa ako ng paraan para balikan kayo ni Gia. Alis na, mahal. Take the money." Saad ni Nikita na iniabot sa asawa ang natitira nilang pera.
"Hihintayin namin kayo ni Gia, mahal. Hihintayin namin kayo." Saad ni Gio na muling niyakap ang mag-ina at mariing hinagkan ang mga ito bago patakbong sinuong ang kagubatan sa likod ng bahay nila para tumakas kasama ang isa sa kanilang anak.
HINDI nagtagal ay nagsidatingan na ang mga tauhan ng ama nito kasama ang Don na galit na galit ang itsura. Napagala kaagad ito ng tingin sa paligid na si Nikita lang ang naabutan nito sa harapan ng bahay na tinitirhan ng anak habang yakap ang isang sanggol. Naikuyom ng Don ang kamao na nag-igting ang panga.
Malalaki ang hakbang na nilapitan nito ang anak niyang nakipagtanan sa kanilang bodyguard na si Gio at walang kakurap-kurap na malakas niya itong sinampal! Sa lakas ng sampal nito sa anak ay napaupo ito sa lupa na napahagulhol na mas niyakap ang anak na umiyak at nagising.
"Nasaan ang Gio na 'yon, Nikita!?" umalingawngaw ang boses ng Don na nakakakilabot at puno ng galit!
"Wala siya dito, Papa. Matagal na kaming iniwan ni Gio," pagkakaila nito na pilit tumayo.
Luhaan ang mga matang tumitig sa ama na napalunok na napababa ang tingin sa sanggol na karga ni Nikita na umiiyak.
"Papa, hwag na ho kayong magalit. Sasama ho ako sa inyo. Kami ni baby. Sasama ho kami at hindi na ako susuway sa inyo. Tama kayo, lolokohin lang ako ni Gio. Dapat nakinig ako sa inyo. Patawad po, Papa." Wika nito na niyakap ang amang unti-unting nanlambot ang itsura.
Naikuyom nito ang kamao na napapikit na muling nadama ang yakap ng kanyang anak. Ang nag-iisa niyang anak. Na mahigit isang taon din niyang hindi nakita dahil nagtanan ito kasama ang isang tauhan niyang si Gio na ngayon lang nila nahanap sa galing nilang magtago.
"Find that traitor and kill him!" maawtoridad na utos ng Don na inakay na ang anak nito sa kanilang chopper.
Lihim na napangiti si Nikita habang inaakay siya ng kanyang ama. Tiyak niyang nakalayo na ang mag-ama nito dahil matagal na nilang napaghandaan ang araw na ito. Na mahahanap sila ng kanyang ama at babawiin siya kay Gio.
"You can't find them, Papa. I swear," piping usal nito na yakap-yakap ang isa sa kambal na naiwan sa kanya.
Napatitig ito sa anak nila ni Gio na nangilid ang luhang maalala si Gia. Hindi niya sigurado kung kailan niya muling makakasama ang mag-ama niya. Lalo na ngayon na nakuha na siya ng kanyang ama na tutol sa pag-iibigan nila ni Gio kaya siya nakipagtanan sa binata noon.
NAKAHINGA ng maluwag si Gio na nakalabas sila sa kagubatan ng anak nito ng ligtas. Matyaga itong naghintay ng masasakyang bus sa gilid ng kalsada na panay ang linga sa paligid.
Hindi nagtagal ay may pampasaherong bus ang dumaan na kaagad niyang pinara. Hindi pa niya alam kung saan ang byahe nito. Ang mahalaga sa kanya ay makalayo sila ng tuluyan ng anak nito para sa kanyang kaligtasan. Ayaw man niyang iwanan si Nikita at Mia pero kailangan.
Mahal na mahal nila ni Nikita ang isa't-isa. Pero naaawa din siya sa mahal dahil nagtitiis ito sa piling niya. Buhay prinsesa ang kinalakihan ni Nikita. Ni paghuhugas ng mga plato ay hindi ito marunong noon. Pero nang magsama na sila sa maliit na kubo kung saan sila tumira ay natuto ang dalaga sa mga gawaing bahay para matulungan siya.
Mariin nitong hinagkan sa noo ang anak na si Gia. Mabuti na lang at nahihimbing ang anak. Tiyak na gutom na ito mamaya. Wala pa naman siyang baong gatas nito dahil kay Nikita nagdedede ang kambal nila.
Napapalinga ito sa nadaraan nila. Nagbabaka sakali na may madaanan silang minimart na pwede niyang mabilhan ng gatas ng anak nito. Pero para namang sinagot ng Maykapal ang hinihiling nito dahil huminto ang bus sa isang stopover at may minimart doon na katabi ng kainan. Kaagad itong bumaba yakap ang anak na pumasok ng minimart.
Panay ang linga nito na hinanap ang mga kailangan. Hanggang makita rin niya ang bottles at gatas na ikinahinga nito ng maluwag na kumuha ng mga kakailanganin ng anak nito. May sapat naman siyang perang dala. Pero ayaw niyang gastusin iyon ng gastusin dahil inilalaan nito ang pera sa anak nito. Hindi niya pa alam kung saan siya patungo. Kaya kailangan niyang tipirin ang sarili dahil may sanggol na umaasa sa kanya. Hindi siya pwedeng mawalan ng pera dahil magugutom ang anak niya.
MABILIS lumipas ang mga araw. Nakarating ng Manila si Gio na nanirahan sa maliit na apartment. Ilang araw na siyang naghahanap ng trabaho pero walang mapasukan na pwede niyang dalhin ang anak niya. Natatakot naman itong ipagkatiwala sa ibang tao ang anak nito. Unti-unti na ring nagagamit niya ang perang dala sa pang-araw-araw nila ng anak nito.
Isang gabi, habang pauwi ito mula sa paghahanap ng trabaho ay nahagip ng paningin niya ang isang lalakeng lasing na lasing na pinagtutulungan gulpihin ng mga sanggano! Kahit karga niya ang anak sa carrier nito ay walang pag-aalinlangan na tinungo nito ang kinaroroonan ng mga lalake na malakas sinipa ang unang nalapitan nito.
"Sino ka bang siraulo ka!?" bulyaw ng sinipa nito na tumalsik sa gilid ng kalsada.
Napangisi lang ito na bumaling sa kanya ang dalawa pang lalake na pinagtutulungan gulpihin ang lalakeng nakahiga na sa semento at duguan ang mukha.
"Ah, gusto mong magpakabayani, ha?" pang-uuyam ng isa na tumayong pabalang binitawan ang lalakeng hilong-hilo.
At dahil likas itong magaling sa larangan ng bugbugan dahil sa uri ng trabaho nitong pagiging bodyguard ng kilalang negosyante ay kay bilis lang nitong napatumba ang tatlong lalake kahit 'di hamak na mas malaki ang bulto ng pangangatawan ng mga ito sa kanya!
"Pare, okay ka lang? Kaya mo ba?" baling nito sa lalakeng nakahiga sa sahig na inalalayang makatayo.
Napapahid pa ito ng palad sa bibig na dumugo iyon dahil sa pagputok ng labi nito.
"Salamat, dude. I owe you this," saad ng binata na tinapik nito sa balikat.
"Walang anuman--urghhh!"
Namilog ang mga mata ng binata na napadaing ito na sinaksak siya sa likod ng isa sa mga sanggano! Nagising ang diwa nito na mabilis sinipa sa mukha ang sanggano na naihagis sa kalsada!
"Hey, dude!?" bulalas nito na namimilog ang mga matang nanghihina ang lalakeng sumagip sa kanya na may karga pang baby na unti-unting nakaluhod!
"Fvck!" bulalas nito na kinarga itong dinala sa kanyang kotse sa gilid na kaagad pinasilab patungong hospital nila!
PAGDATING nila ng hospital ay kaagad itong inasikaso. Pero sadyang napuruhan ito na may tatlong malalalim na saksak sa tagiliran! Napapahilamos ng palad sa mukha ang binata na nababalisa lalo na't may anak na sanggol ang lalakeng sumagip sa kanya!
"Damn, Dwight. What should I do now?" bulalas nito na mangiyak-ngiyak.
"Sir Madrigal?" pagtawag sa kanya ng nurse na lumabas ng ER.
Kaagad itong lumapit sa nurse na pilit ngumiti kahit kita ang pag-aalinlangan sa mga mata.
"How is he?" tanong nito na ikinailing ng nurse.
"Gusto po kayong makausap ng pasyente, Sir." Saad nito na napapayuko sa amo.
Tumango si Dwight na sumunod ditong pumasok ng ER. Nangangatog ang mga tuhod nito na nilapitan ang lalakeng naghihingalo ang itsura.
"Dude, lumaban ka, please? May anak kang nakaasa sa'yo." Bulalas nito na inabot ang kamay ng lalakeng iniangat na tila inaabot siya.
"H-hindi ko na kaya, Sir." Hirap at hinihingal na saad nito sa mahinang boses. "Ang anak ko, hwag mo sanang pabayaan ang anak ko." Pagmamakaawa nito na tumulo ang luha habang mahigpit na nakahawak sa kamay nito.
Nangilid ang luha ni Dwight na tumango-tango sa lalake.
"Anong gusto mong gawin ko, dude? Sabihin mo sa akin para makabawi ako sa pagsagip mo sa buhay ko," maluha-luhang wika nito na ikinangiti ng lalake.
"Kung mamarapatin mo, pare. Pwede mo bang ipaasawa ang anak ko sa magiging anak mo, balang araw? Wala ng mapuntahan ang anak ko. Kaya ihahabilin ko na lang siya sa'yo dahil wala naman kaming kaanak dito." Pakiusap nito na ikinatango-tango ni Dwight.
"Asahan mo, dude. Sa pagtuntong ng anak mo ng disiotso? Ipapakasal ko siya sa isa sa mga anak ko. Tutuparin ko. . . ang kasunduan natin. At bilang pagtanaw ng utang na loob ko sa'yo, dadalhin ko sa orphanage namin ang anak mo. Kapag eighteen na siya ay ipapakasal ko siya sa anak ko. Pinapangako ko sa'yong. . .bibigyan ko ng magandang buhay ang anak mo," puno ng sensiridad na wika ni Dwight sa lalakeng ngumiti kahit kitang hirap na hirap itong huminga.
"S-siya si G-Gia. Gia Mendoza. S-salamat, pare. I-ikaw ng bahala sa a-anak ko," putol-putol nitong anas na tuluyang pumikit ang mga mata at nalagutan na ng hininga.
Tumulo ang luha ni Dwight na napabaling sa anak ng lalakeng nasa katabing kama nito na inaasikaso din ng ilang nurse. Mapait itong napangiti na hinaplos sa ulo ang sanggol na nahihimbing.
"I promise, baby Gia. Hindi mapupunta sa wala, ang kasunduan namin ng iyong ama."
*****
Chapter One 18 YEARS LATER.
"HAPPY birthday, Gia!"
Hindi mapukna puknat ang matamis na ngiti sa mga labi ng dalagang si Gia sa kaliwa't kanan na pagbati ng mga kasama niya sa orphanage na naging pamilya at kaibigan na rin niya. Sa Madrigal's orphanage ito lumaki na walang nakagisnang pamilya.
"Salamat. Maraming salamat sa inyong lahat," maluha-luhang pasasalamat nito na isa-isang niyakap ang mga kasama.
"Paano 'yan, Gia. Lalabas ka na ng orphanage. Hindi ka na namin makakasama." Malungkot na wika ni Baninay na sanggang dikit nito mula pagkabata.
"Dadalawin ko pa rin naman kayo kahit nasa labas na ako. Kayo lang naman ang pamilya ko eh." Nakangiting wika ng dalaga sa mga kasama.
"Pero ikakasal ka na sa isa sa anak ng boss natin. Ang swerte mo, Gia. Makakaahon ka na sa hirap at mapapabilang sa mayamang pamilya," saad pa ni Darlene na kaibigan din nito.
Hindi naman lingid sa kaalaman nila na sa pamilya Madrigal ito tutuloy at nakatakda siyang ikasal sa isa sa anak ng may-ari ng orphanage na si Mr Dwight Madrigal. Kinakabahan ito dahil ni minsan ay hindi pa niya nakita ang sinasabing magiging asawa niya. Pero kung pagbabasehan niya ang ama nito at kapatid na palaging dumadalaw sa kanya ay masasabi niyang napakagwapo at bait ng pamilya nito. Sana ay gano'n din ang binatang mapapangasawa niya. Na kasingbait at gwapo rin siya ng Daddy Dwight at Kuya Delta nito.
"Ako pa rin naman ito. Kahit maging isang Madrigal na ako, ako pa rin ang kaibigan at kababata niyo. Hindi ko kayo kakalimutan kahit magkaasawa na ako," nakangiting sagot ni Gia na niyakap ang mga kaibigan.
Kinagabihan ay dumating na nga si Mr Dwight Madrigal para sunduin ito. Mula pagkabata niya ay buwan-buwan siyang dinadalaw ni Dwight. Napakabait nito na anak na ang turing sa kanya mula umpisa. Hindi rin nito itinago sa kanya kung paano niya nakilala ang ama ni Gia. At ang naging kasunduan nila ng ama nitong yumao na dahil sa pagsagip noon kay Dwight.
"Are you ready, hija?" nakangiting tanong ni Dwight na maabutan ang dalaga sa harap ng gate ng orphanage na naghihintay sa kanya.
"Opo, Tito." Nahihiyang sagot nito na napapayuko.
Napangiti naman si Dwight na hinaplos sa ulo ang dalaga.
"Let's go?"
Nagpatianod ito na sumakay sa magarang kotse ni Dwight. Napapapilantik ito ng mga daliri. Kinakabahan na excited sa pagdating niya sa mansion ng mga Madrigal. At ang makilala na rin niya sa wakas ang binatang mapapangasawa nito.
"Sana kasi si Kuya Delta na lang ang mapapangasawa ko eh. Mabait na sobrang gwapo pa," bulalas nito sa isipan na iniisip ang mapapangasawa nito.
KABADO itong bumaba ng kotse pagdating nila sa mansion ng pamilya Madrigal. Kahit inaasahan na niya ay namamangha pa rin siya kung gaano kalaki at kagara ng mansion ng mga Madrigal.
"Welcome home, hija. From now on, dito ka na maninirahan sa poder ko. Ituring mong bahay mo na rin ang bahay namin. Dahil. . . magiging parte ka na ng pamilya ko." Wika ni Dwight na nakangiting inakay ang dalaga papasok sa main door ng mansion.
Nangangatog ang mga tuhod ni Gia na nagpatianod ditong pumasok ng mansion. Naglakad sila ng koridor na nagtungo ng dining room.
"Are you ready?" nakangiting saad ni Dwight na ikinatango ng dalaga na pilit ngumiti.
Dahan-dahang pinihit nito ang pinto kasabay ng pagpasok nila at pagbukas ng ilaw na ikinagulat nitong sumalubong ang mga sumabog na confetti sa ere at mga baloons!
"Happy birthday, Gia. Welcome home!" masigla at panabay na bungad ng buong pamilya ni Dwight ditong napalabing naluluha.
Akala niya ay walang pakialam ang mga ito na kaarawan niya ngayon. Pero heto at may surprise birthday party palang naghihintay sa kanya sa mansion!
"Tito," napapalabing sambit nito na napatingala sa katabi.
Napangiti si Dwight na hinaplos ito sa ulo.
"Happy birthday, hija. How is it? Nagustuhan mo ba?"
Tumango-tango ito na napayakap kay Dwight sa tuwa. Hinagod-hagod naman ito ni Dwight sa likod na napahikbi ang dalaga sa dibdib nito. Lumapit na rin ang mag-iina nito na hinaplos siya sa ulo.
"Welcome home, Gia. And happy birthday again." Nakangiting wika ni Mrs Anastasia na asawa ni Dwight.
Napapahid ito ng luha na pilit ngumiti sa mga itong isa-isang niyakap siya na winelcome at binati sa kanyang kaarawan.
"Maraming salamat po sa mainit na pagbati at pagtanggap." Magalang wika ng dalaga na ikinangiti ng mga ito.
"It's your debu, Ate. Hindi ba dapat may 18 roses ka rin?" nakangiting wika ni Angelique na isa sa anak na dalaga ni Dwight.
"Of course, hija. It's her especial day." Sagot ni Mr Dwight na unang nag-abot ng red rose kay Gia na naglahad pa ng kamay sa dalaga. "May I have this dance, hija?"
Nahihiya man ay tinanggap nito ang kamay ni Dwight na napangiting marahan silang sumayaw habang tumutogtog ang malamyos na musika. Fully decorated naman ang buong dining room. Sa gitna ay nandoon ang dining table na punong-puno ng handaan. Nakakatangay din ang makulay na ilaw sa loob ng dining habang naghahari ang malamyos na musika dito.
"Dad, it's my turn." Ang wika ng panganay nitong binata na si Delta.
Napangiting ipinasa nito sa anak si Gia na sila naman ang sumayaw.
"Happy birthday again, Gia. Napakaganda mo," pagbati ni Delta ditong nag-init ang mukha na pilit ngumiti sa binata.
"S-salamat, Kuya."
"Ikaw pa ba?" kindat nito na nakangiti sa kanya.
Sunod-sunod na isinayaw siya ng mga bodyguard nilang nakisali sa salo-salo nila sa kanyang kaarawan. Hanggang sa paghuling roses na lamang. Napasinghap ang lahat na napabaling sa pinto nang bumukas iyon at niluwal ang mala prinsipe ang tindig na binata. Kahit naka-pokerface ito na pumasok at bahagyang salubong pa ang mga kilay ay hindi maipagkakaila kung gaano ito kagwapo!
Napalunok si Gia na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib nang magtama ang mga mata nila ng lalake. Dalawa lang naman kasi ang alam niyang anak na lalake ni Mr Dwight. Kaya nakatitiyak siyang itong arogante at kay gwapong nilalang. . . ang mapapangasawa niya!
Napayuko ito na makitang kinuha nito ang panghuling roses mula sa mesa na humakbang palapit sa kanya. Natahimik din ang buong silid na nakamata lang sa dalawang nasa gitna.
"You're Gia?" tanong nito na ikinasinghap ng dalaga sa lalim ng baritonong boses nitong napakalamig din!
"O-oo." Utal niyang sagot na nakayuko.
Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha na makitang iniabot sa kanya ng binata ang pang 18th red roses nito na ikinasalubong muli ng kanilang mga mata. Wala naman siyang mabasang emosyon sa mga mata ng binata. Napaka misteryoso ng mga iyon at napakalamig kung tumitig. Pero kahit kitang napakasungit nito ay napakagwapo niya pa ring pagmasdan.
"T-thank you," utal nitong saad na pilit ngumiting inabot ang rose dito.
Naghiyawan naman ang mga kasama nila sa dining na muling pumailanlang ang malamyos na musika. Kabado man ay tinanggap ni Gia ang kamay nito na ikinalunok nitong makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa paglapat ng kanilang balat!
Parang manlalambot ang mga tuhod nito habang marahan silang sumasayaw ng binata na titig na titig sa kanyang mukha. Wala pa naman siyang maski anong kolorete sa mukha. Pero hindi naman maitatangging napakaganda niyang dalaga.
Napasinghap si Gia na marahang napisil nito ang baywang niya habang marahan silang sumayaw. Napatingala siya sa binata na nangingising nakatunghay sa kanya. Napalunok ito na bumilis ang kabog ng dibdib habang nakatitig sa binatang mapapangasawa nito.
"Do you know who am I?" sensual nitong bulong sa punong tainga ni Gia na napasinghap.
"H-hindi."
"Fvck."
Napalapat ito ng labi na napamura at mahinang natawa ang binata na ibang-iba ang dating sa kanyang puso.
Napapisil ito sa kanyang baba na pinagtama ang kanilang paningin. Bahagya pa itong yumuko na pinagpantay ang kanilang mukha. Halos hindi humihinga si Gia na nakamata ditong titig na titig sa kanyang mga mata. Para itong manlalambot sa sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa na halos nagkakapalitan na lamang sila ng hanging nalalanghap!
Parang maiihi sa halo-halong emosyong nadarama si Gia na mas inilapit pa ang mukha nito na halos mahalikan na siya. Nalalanghap na rin nito ang mainit at mabangong hininga ng binata na kay sarap samyuhin!
"I'm Drake Madrigal. Nice meeting you, my soon to be. . .wife."