Chapter 43

1603 Words

NANGUNOTNOO si Mia na makagisnang mag-isa na lamang siya sa kama. Naniningkit ang mga mata nitong nag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa unan na naigala ang paningin. Mataas na ang sikat ng araw at nakabukas na rin ang pinto sa balcony kaya pumapasok ang malamig na ihip ng hangin. Bigla itong binundol ng kakaibang kaba at takot sa dibdib. Ito kasi ang unang beses na hindi niya nakagisnan si Drake sa tabi niya. Lately nga ay mas antukin pa si Drake sa kanya na halos nakahilata na lang sa buong maghapon na yakap ito. Bumangon na ito na nagtungo sa banyo para gawin ang morning routine nito bago nagbihis ng ternong black short at sando. Nang maayos nito ang sarili ay lumabas na ng silid na bumaba ng sala. "Napakatahimik naman yata," usal nito na wala manlang mahagip na ingay ang tai

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD