NAGDADABOG na bumaba ng sala si Mia. Naabutan naman nito si Lucas na nagkakape habang nakatutok sa laptop nito. "Hey, can't sleep?" anito na malingunan si Mia. Nakanguso itong lumapit kay Lucas na naupo sa kaharap na sofa ng binata. "Medyo. Nakakainis si Drake eh." Pagmamaktol nito na ikinangiti ni Lucas na sa laptop nakamata. "Tampuhang mag-asawa ba?" tudyo nito. Napahilot sa sentido si Mia na napapikit. Madalas ay siya na ang umiinit ang ulo sa kaartehan at kasungitan ni Drake. Ngayon ay naiintindihan na niya ang mga pagbabago dito. Gusto niyang unawain dahil mahirap nga namang maglihi. Pero minsan ay nasasagad ang pang-unawa niya at nasusungitan din ang asawa. "Nakakainis lang kasi, Lucas. Tama bang ako ang maghuli ng mga palakang gusto niyang ulamin? At puro mga babae ha? P