LUMIPAS ang mga araw na nanatili si Drake sa Baguio kasama ang asawa nito. Isang gabi, nag-inuman si Drake at Lucas sa minibar ng mansion. Sa ilang araw na pananatili ni Drake kasama ito sa iisang bubong ay unti-unting nakagaanan niya ng loob ang binata. "What's your next plan, Drake?" tanong ni Lucas na napasimsim sa tequila nito. Napahinga ng malalim si Drake na napahilot ng sentido. Kung siya lang ang masusunod ay gusto niyang ma-secured ang kaligtasan ni Mia. Dalhin ito abroad at doon na muna itago habang inaayos ng mga kapatid nito ang problema nila sa Lolo Ismael nito at sa kakambal nitong nasa mansion. Pero ayaw naman niyang maging selfish at hayaan ang mga kapatid niyang siyang rumisolba sa problemang kinakaharap niya. "Ikaw ba, anong plano mo, dude?" balik tanong nito kay