Chapter 8

2104 Words
NANGUNOTNOO si Drake na pabaling-baling ang ulo. Mahigpit na nakakapit sa kobrekama habang inaaninag ang babae sa harapan nito na umiiyak na nakamata sa kanya. "D-Drake, help me." Umiiyak nitong saad na ikinatulo ng luha nitong makilala ang boses nito. "G-Gia," nanginginig na sambit nito. Unti-unting nagliwanag kinaroroonan nilang dalawa na ikinalinaw ng pigura ng babae sa harapan nito na ikinahagulhol nitong makita ang duguan at luhaang mukha ni Gia na nakikiusap at hinang-hina ang itsura! Pero unti-unti ay nagbago ang itsura nito na naging isang supistikadang babae na parang sa kanila na lamang umiikot ang mundo. Walang kakurap-kurap na nakamata si Drake sa asawa nitong nasa harapan niya at buhay na buhay! "Gia? You're alive!?" bulalas ni Drake na napatitig sa mukha ng dalaga. Ngumisi ito ng nakakaloko na lumapit sa binatang natuod sa kinatatayuan. Hinaplos niya ito sa pisngi na nakapaskil pa rin ang mapaglarong ngisi sa mga labi nitong napakapula ng lipstick. "Yes, babe. I'm back. Your young wife. . .is back." Saad nito na ikinatulo ng luha ni Drake, walang kakurap-kurap na nakamata sa asawa nitong buong akala nila. . .ay namatay! "G-Gia," sambit nito na nanginginig ang boses kasabay ng pagtulo ng butil-butil nitong luha. "Drake? Drake, gumising ka!" pagyugyog ni Dwight sa anak nito na nananaginip si Drake at panay ang sambit sa pangalan ni Gia habang panay din ang pagtulo ng luha! "Gia, stay with me. Don't leave," pakiusap pa nito na ikinahagulhol ni Dwight na hindi niya magising-gising ang anak na nagdedeliryo sa taas ng lagnat at pangungulila sa asawa! "Damn, Drake. Wake-up, son! C'mon!" napalakas ang boses na pagyugyog nito kay Drake na napabalikwas! "Dad?" bulalas nito na napasapo sa ulo na magising at mapagtantong. . . panaginip lang na buhay si Gia! "It was just a dream. Panaginip lang na buhay siya. Bakit hindi na lang ang pagkamatay niya ang panaginip?" usal nito na napayukong niyakap ni Dwight na napahagulhol. "How can I live without her? How? I want to be with her. Ang dami kong plano para sa aming dalawa. Pero paano ko iyon tutuparin. . . kung wala na siya?" mapait nitong turan na luhaang kita ang kabiguan sa mga mata nito. Sumapo sa magkabilaang pisngi nito si Dwight na pinagsalubong ang kanilang mga mata. "Son, alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo ngayon. Ganyang-ganyan din ako noong nawala ang Mommy niyo sa tabi ko at inakala ng lahat na patay na siya. Pero, nakita mo namang lumaban ako, 'di ba?" pagkausap ni Dwight sa anak nitong mapait na napangiti. "Daddy, may mga anak kayo ni Mommy na naging lakas mo noon para magpatuloy mabuhay. Paano naman po ako? Walang ibang iniwan si Gia sa akin, Dad. Dahil bubuo pa lang kami ng pamilya namin." Wika nito na ikinailing ni Dwight. "Drake, nandito kami. Kaming pamilya mo. Nandidito kami para damayan ka at tulungang ibangon." Pag-aalo ni Dwight sa anak nitong napayukong napahagulhol. "Si Gia. Kailangan ko si Gia, Dad. I need my wife. I need my wife besides me." Humahagulhol nitong saad na ikinatulo ng luha ni Dwight na muling niyakap ang anak nito. LUMIPAS ang mga araw na hindi na muna nagpakita si Delta kay Drake. Walang araw na lumipas na hindi umiiyak si Drake sa tuwing gumigising ito na maaalala si Gia. Naging tahimik ito na walang ibang pinagkakaabalahan kundi panoorin ang mga pictures at videos nila ni Gia sa laptop nito. Hanggang sa nakalabas na ito ng hospital. Sa condo unit nila ni Gia ito tumuloy at nakiusap na gusto niyang mapag-isa na muna. Nangako naman ito sa mga magulang na hindi niya sasaktan ang sarili niya. Gusto niya lang mapag-isa sa lugar na naging tahanan nila ni Gia sa ilang buwan nilang pagsasama. Bawat sulok ng unit ay nakikinita nito si Gia. Ang malutong nitong halakhak. Ang malambing boses nito. Ang natural nitong bango na naaamoy pa niya sa buong unit. Ang matamis niyang mga ngiti sa labi at mga inosenteng mata nitong nagniningning na napakatiim kung makipagtitigan sa kanya. "I miss you so much, wife. Mis na mis na kita sobra." Usal nito na napahaplos sa larawan ni Gia habang nakahiga ng kama nila at yakap ang unan ng asawa. Naiwan pa doon ang bango ni Gia at ang shampoo na gamit nito. Kaya naman gustong-gusto niyang niyayakap ang unan ni Gia dahil naaamoy niya doon ang asawa. "Ang daya mo naman eh. Sabi mo, bibigyan mo ako ng anak. Sabi mo. . . babalik at babalik ka sa akin kapag nawala ka sa akin. Gia, please? Bumalik ka na sa akin. Kailangan kita, wife. Kailangan kita dito sa tabi ko. Mis na mis ko na ang yakap at halik mo. Come back to me, Gia. Bumalik ka na sa akin. Hwag mo akong iwang mag-isa. Bumalik ka na sa akin, wife." Pagkausap nito sa asawa na napahagulhol na niyakap ang unan at larawan ni Gia. Umihip ang malamig na simoy ng hangin na ikinatigil nito sa paghikbi at tumayo ang mga balahibo nito sa katawan lalo na't biglang nag-brownout. Napapikit ito na makadama ng pamilyar na prehensya sa silid nilang mag-asawa at tila nanlamig ang katawan nitong. . . may yumakap sa kanya mula sa likuran. Unti-unti itong napahagulhol na mas niyakap ang unan ni Gia na iniisip. . . na niyayakap siya ni Gia ngayon na dama at amoy niya ang pamilyar nitong prehensya at pabango! "Gia," humihikbing sambit nito na mas niyakap ang unan ng asawa. "Gia, don't leave, baby. Hwag mo akong iwan. Please, come back. Bumalik ka sa akin. Hindi ko kayang magpatuloy na wala ka. Nagmamakaawa ako, baby." Usal nito na unti-unting napapikit at napanatag ang loob at isipan na tila hinahaplos siya ni Gia. ******* PALAKAD-LAKAD si Don Ismael na hindi mapalagay. Mag-iisang buwan na kasing nasa ICU ang apo nitong naaksidente na na-comatose at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. "C'mon, Mia. Wake-up, sweetie. Don't leave me this way, apo. Iniwan na ako ng Mommy Nikita mo. Ikaw na lang ang meron ako, Mia. Ikaw na lang ang naiwang ala-ala sa akin ng Mommy mo." Usal nito na nakamata sa apo nitong nasa loob ng ICU. Lumaking spoiled brat ang apo nitong si Maria Ina Astrid. O mas kilalang Mia dahil masyadong mahaba ang pangalan nito. Ito na lang kasi ang naiwan na kaanak niyang magmamana ng yaman nilang pamilya. May isa itong anak na dalaga. Si Nikita. Pero umibig ito sa isang tauhan nilang nagngangalang Gio. At dahil tutol ang Don sa pagmamahalan ng dalawa, nagtanan si Nikita at Gio na mahigit isang taon din niyang pinahagilap sa mga tauhan nito sa galing magtago ng dalawa. Nang mahanap niya ang kinaroroonan ni Nikita at Gio, napag-alaman niyang may kambal na ang mga ito. Unti-unting naglahong parang bula ang galit niya sa anak nang masilayan ang isa sa kambal na hawak noon ni Nikita na siyang naabutan niya sa kubo kung saan sila nakatira ni Gio. Pero wala na si Gio at dinala nito ang isa sa kambal na nagngangalang. . . Gia. Naibalik niya sa mansion ang anak at apo nito. Pero lalo lang lumayo ang loob sa kanya ng anak na halos hindi siya masikmurang makita. Kahit anong pagsuyo niya dito ay hindi na siya pinapansin ni Nikita. Hanggang isang araw, nalaman ni Nikita ang nangyari sa mag-ama nito mula sa private investigator nila. Kung saan ipinabalita nitong wala na si Gio na nasaksak sa isang rambulan habang pauwi ito kasama ang anak nilang si Gia. Nalaman ng Don na buhay pa ang bata, at dinala iyon sa isang orphanage. Pero pinalabas niyang patay na ito kasama ang ama nito dahil kita sa cut clip ng CCTV na karga-karga ni Gio ang anak nito habang nakikipaglaban sa mga sanggano. Sa sobrang galit ni Nikita at hindi matanggap ang sinapit ni Gio at Gia, nagpatiwakal ito. Naabutan na lamang ng mga katulong nila ang katawan ni Nikita na halos wala ng kulay sa sobrang putla nito habang nakahiga sa kama katabi si Mia. . . na nilaslas ang palapulsuhan. Hindi matanggap ni Nikita ang pagkamatay ni Gio at Gia. Kaya nagpakamatay na rin ito at iniwan sa ama. . . ang pangangalaga sa anak nitong si Mia. LAHAT ng gusto ni Mia ay nasusunod. Dahil ito na lamang ang naiwang pamilya ni Don Ismael na nagpapaalala sa kanya sa anak nitong si Nikita. Hindi na rin nito nalaman pa ang tungkol kay Gia na huling balita niya ay nasa isang orphanage. Kaya kay Mia niya ibinuhos lahat ng luho at pagmamahal dito. Matigas ang ulo ni Mia. Mabarkada at palaging nasasangkot sa away. Kung hindi lang dahil sa pera nilang pamilya ay ilang beses na itong hinuli ng pulis na palagi itong nasasangkot sa gulo maging sa mga illegal racing at casino. Gabi-gabi itong nasa Bar kasama ang mga kaibigan na umaga na kung umuwi. Hindi naman nito masuway ang apo dahil siya mismo ang nang-spoiled dito. Sa takot na iwanan siya ni Mia ay pikitmata nitong binibigay ang lahat ng naisin ng dalaga. Pero ngayon ay ito pa ang nagpahamak sa apo niya. Sumali si Mia sa isang illegal car racing na naging sanhi ng aksidente nito. Sa bilis niyang magmaneho para manalo ay biglang may tumawid sa daraanan nitong ikinakabig nito sa manibela na ikinasalpuk niya sa malaking puno ng acacia sa gilid ng kalsada! Naluluha itong nakamata sa dalaga na puno ng aparatus sa katawan. Walang ibang pinagdarasal ang Don kundi ang paggaling ng apo nito. Malubha ang lagay ni Mia. Possible itong magkaroon ng amnesia, o kaya ay hindi na makakalakad pang muli na na-fractured ang binti at spinal cord nito. "C'mon, sweetie. Gumising ka na. Nandidito ang Grandpa. Naghihintay sa'yo." Usal nito na tumulo ang luha. "Mia!?" bulalas nito na nataranta nang tumunog ang machine kung saan makikita ang heart beat ni Mia na pababa nang pababa ang rate! "Doc, c'mon! Save my grandchild!" bulyaw ng matanda na panay ang kalampag sa salaming bintana habang inaasikaso ng mga doctor si Mia! Nanghihina itong napahagulhol na makitang mag-flatline ang heart beat ni Mia sa monitor habang nire-revive ito ng mga doctor! Napasalampak ito sa sahig na hindi kayang makita ang pagbomba ng mga doctor sa dibdib ng apo nito para i-revive ang dalaga. "H-hindi. . . hindi. Mia, lumaban ka, apo ko. Lumaban ka." Nanginginig ang boses na usal nito na napahagulhol. Natigil ito sa pag-iyak nang itayo siya ni Lucas na kanang kamay nito na bagong dating lang. "Sir, uminom na muna kayo ng gamot niyo," wika ng binata na inalalayan ang Don na maupo sa silya. "Si Mia," basag ang boses na sambit ng Don na inalalayang pinainom ng gamot ni Lucas. "She's fine. Look at her, Sir. Lumalaban si Mia. She won't leave you. Kaya kailangan niyong magpalakas dahil kayo ang mag-aalaga kay Mia kapag nagising na siya," wika ng binata na hinagod-hagod sa likod ang Don. Tumango-tango ito na makitang stable na muli si Mia mula sa loob na isa-isa na ring naglabasan ang mga doctor na lumapit dito. Inalalayan naman ito ni Lucas na makatayo matapos uminom ng gamot ang Don. "How's my grandchild, Doc?" kaagad nitong tanong sa doctor na ngumiting kinamayan ito. "Congratulations, Sir Dela Tore. It's a miracle na muling bumalik ang pulso ni Ms Mia. Dahil ilang minuto na itong nag-flatline sa monitor pero biglang huminga nang akmang susukuan na naming i-revive. Marahil ay hindi pa oras ng apo niyo kaya himalang. . . nabuhay pa ito," nakangiting wika ng doctor na ikinahagulhol ni Don Ismael sa tuwa na niyakap ni Lucas. Tinapik naman ito ng mga doctor sa balikat na nagpaalam na sa matanda. Para itong nabunutan ng tinik sa dibdib sa kaalamang. . . stable na ang apo nito. Nang makalma nito ang sarili ay nagpahid ito ng luha na pumasok ng ICU kasama si Lucas na nakaalalay sa kanya. Nangangatog ang nga tuhod nitong nilapitan ang apo nito na ginagap sa kamay. Maluha-luha itong pinakatitigan ang dalagang wala pa ring malay. "Mia apo, do you hear me? It's me, your grandpa. Maraming salamat lumaban ka, apo. Maraming salamat hindi mo iniwan ang Lolo." Pagkausap nito sa dalaga na mariing hinagkan sa kamay. LUMIPAS ang mga araw at tuluyang nagkamalay ang dalaga. Nailipat na rin ito ng silid sa recovery room mula sa ICU. "Apo, how do you feel? May masakit ba sa'yo?" tanong ng Don habang siya ang sumusubo ng lugaw sa dalaga. Napapilig pa ito ng ulo na kumunot ang noo. Tila malalim ang iniisip na matiim na nakatitig sa matandang kaharap. "Apo? Bakit po apo? Sino po ba kayo? Bakit kayo ang nandidito? Nasaan. . . ang asawa ko?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD