LUMIPAS ang mga araw na naninibago ang Don sa ikinikilos ng apo nito. Wala namang makitang problema sa test results ni Mia. Maliban sa ilang buwan pa bago ito makakalakad ng maayos, hindi naman nagkaproblema sa utak nito. Pero ang ipinagtataka ng Don, hindi siya kilala ni Mia maski ang mga kaibigan nito.
Iniisip na lang niya na sinusubukan lang sila ni Mia kung malilinlang niya ba ang mga ito. Pilya at maloko ang dalaga. Kaya hindi na bago sa kanya kung maski siya na Lolo nito ay pag-trip-an ng dalaga. Hindi na lamang nito inintindi ang mga napapansin niyang pagbabago kay Mia. Ang mahalaga sa kanya ay maayos ang apo nito, at buhay na buhay.
"Sweetie, sino siya? Bakit mo ba palaging tinitignan ang lalakeng 'yan?" nakangiting tanong ng Don na masilip ang tinitignan ni Mia sa iPad nito.
Efbi account iyon ng isang binata na mukhang celebrity sa dami ng followers nito sa social media. Napangiti si Mia na napahaplos sa mukha ng binata na oras-oras na lamang niyang pinagmamasdan.
"Si Drake Madrigal po, Lolo. Ang gwapo niya noh? Asawa ko 'yan," nakangiting sagot nito na kita ang kakaibang kinang sa kanyang mga mata.
Napahinga ng malalim ang Don na hinaplos sa ulo ang apo. Hindi na lamang siya nagkomento pa. Iyon kasi palagi ang sinasabi ni Mia sa tuwing tatanungin niya kung sino ang binatang pinapanood nito palagi sa iPad niya. Palagi nitong sinasabi na asawa niya ang binatang nagngangalang. . . Drake Madrigal.
"Ikaw talaga. Sige na, kumain ka na muna, apo. May gamot ka pang iinumin mamaya," wika na lamang nito na ikinangiti at tango ni Mia na hinagkan pa ang larawan ng binata sa screen bago inilapag iyon sa bedside table sa tabi nito.
"Lolo, kailan po ako pwedeng makabalik ng Pilipinas?" tanong nito habang sinusubuan ng matanda.
"Mia, alam mong ayokong magpunta ka sa bansang iyon." Maalumanay na sagot ng Don dito na napanguso.
Parang kinurot naman ito sa puso na makitang nalungkot ang apo nito at kita ang pagdaan ng kakaibang lungkot sa mga mata ng dalaga. Napahinga ito ng malalim na hinaplos sa ulo si Mia.
"Gusto mo ba talagang pumunta ng Pilipinas, apo?" tanong ng Don na ikinasilay ng ngiti sa mga labi ni Mia na kaagad tumango-tango.
"Opo, Lolo. Gusto ko na pong bumalik ng bansa!" masiglang sagot nito na kita ang pagkinang ng mga mata.
"Kung gano'n, may mga kondisyon ako, apo." Seryosong saad ng Don na ikinapalis ng ngiti ni Mia.
"Kondisyon po?"
"Yup." Tumatango-tangong sagot ng Don na ikinalunok nito.
"S-sige po, Lolo. Ano po ba iyon?" tanong nito na ikinangiti ng matanda.
"Dapat, magpagaling ka. Ilang buwan ang aabutin bago ka makalakad muli ng wala ka ng gagamiting saklay sabi ng mga doctor mo. Dapat sundin mo lahat ng utos ko para din naman sa ikakabuti mo. At higit sa lahat? Apo, bumalik ka na ng pag-aaral mo, okay?" seryosong wika ng matanda na ikinatigil ni Mia na kitang napaisip sa mga sinaad ng matanda.
"Pwede po bang sa bansa na lang ako mag-aral, Lolo?" ungot nito na napakurap-kurap pang tila batang nagpapa-cute sa Lolo nito.
"Hindi. Hwag mo akong daanin sa pagpapa-cute mo, Mia. Dito ka magtatapos para mamonitor ko ang pag-aaral mo. May apat na taon ka pa para magtapos at tuluyang makalaya sa akin. Magpakatino ka. Kung gusto mong. . . hahayaan kitang magtungo ng Pilipinas pagkatapos mong mag-aral," wika ng Don na napaseryoso at pinapakiramdaman ang apo nito.
Kilala niya si Mia. Matigas ang ulo nito na kinukuha ang anumang gustuhin. Siya ang nasusunod sa kanilang dalawa. Pero magmula nang magkamalay ito ay ibang-iba ang kinikilos. Napakahinhin din nito na walang kaarte-arte sa katawan.
Samantalang dati-dati naman ay palaging supistikada ang datingan ng apo nito kahit nasa mansion lang. Maarte din itong magsalita at may pagkamaldita. Pero ang Mia na kasama nito ngayon ay napakakalmado at galang na bata. Palangiti din ito na kung anong sasabihin niya ay nakikinig ito at sumusunod. Bagay na hindi ginagawa ni Mia.
Para itong ibang tao kung titignan niya. Napakalaki ng ipinagbago nito. At aminado naman ang Don na gustong-gusto niya ang bagong Mia na kasama niya ngayon. Nakapalambing din kasi nito sa kanya, bagay na hindi ginagawa ni Mia dahil lumaki itong pasaway at suwail.
"Pero. . . pwede po ba akong dumalaw doon? For vacation lang po, Lolo. Kahit isang linggo lang po. Bisitahin ko lang si Drake. Please?" ungot nito na ikinahinga ng malalim ng Don.
Iyon lang ang isang ikinababahala niya. Ang binatang tinutukoy ni Mia na asawa niya. Hindi pa naman nakakapunta ng Pilipinas si Mia magmula nang dalhin niya ito at Mommy Nikita niya pabalik ng Japan. Kaya nahihiwagaan siya minsan na palaging bukangbibig ni Mia. . . na may asawa siya.
"Hindi pwede, apo. Gusto ko. . . magpagaling ka. Para makalakad ka na. At sa susunod na taon, dapat makapasok ka na sa kolehiyo. Magtapos ka na muna ng pag-aaral mo, bago ko ibibigay ang kalayaan mo. Is that clear?" seryosong saad ng Don na ikinanguso ni Mia na marahang tumango na napahinga pa ng malalim.
"Opo." Sagot nito na ikinangiti ng matanda.
Hinaplos niya ito sa ulo na pinakain at pinainom ng gamot nito.
"Very good. Sige na, apo. Magpahinga ka na, hmm? Goodnight." Nakangiting saad ng matanda na hinagkan ang apo sa noo nitong gumanti ding hinagkan ang Don sa pisngi.
"Goodnight din po, Lolo. Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Magpahinga na rin po kayo." Magalang saad nito na ikinangiti at tango ng Don.
Umayos ito ng higa na muling dinampot ang iPad nito sa bedside table na binuksan muli iyon at sinearch ang account ni Drake. Napailing na lamang ang Don na dinala sa sink ng lababo ang mga pinagkainan ng dalaga na hinugasan iyon bago nagtungo sa mahabang sofa ng mini sala ng silid at doon nahiga.
Hindi pa nakakalakad si Mia. Kahit tumayo ay hindi pa nito makaya. Kaya kampante itong hindi tumakas ang dalaga katulad ng mga nakagawian nitong palaging tumatakas sa gabi para magtungo ng Bar, casino o sa mga racing na sinasalihan nito.
"D-Drake." Sambit nito na namuo ang luha sa mga mata habang nakatitig sa larawan ni Drake.
Niyakap niya iyon na napapikit kasabay ng pagtulo ng luha nito na iniisip ang binata. Naguguluhan ito sa mga nangyayari sa paligid niya. Dahil ang tanda niya ay nasa Pilipinas siya kasama ang asawa nitong si Drake Madrigal. Pero nagising itong nasa isang hospital dito sa Japan at hindi matandaan ang mga kasama.
Gustong-gusto na niyang puntahan si Drake ng bansa. Pero sa sitwasyon niya ngayon ay napakaimposible. Dahil maski tumayo ay hindi niya kaya. Nagtataka rin ito kung bakit Mia ang tawag sa kanya ng lahat. At ang matandang nagpakilalang Lolo Ismael niya ay dama naman niyang mabuting tao ito at konektado sa kanya. Marami siyang katanungan na hinahanapan niya ng sagot.
Tumulo ang luha nito na mariing hinagkan ang screen ng iPad nito kung saan naka-profile doon ang nakangiting picture ni Drake na kinuha nito sa account ng asawa. Gustong-gusto niyang tawagan ito para makumusta na mahigpit na tinutulan ng Lolo Ismael nito.
Hindi kasi naniniwala sa kanya ang Lolo niya na asawa niya si Drake. Naiintindihan naman niya iyon dahil pribado at sikreto ang naging kasal nila ni Drake noon sa bansa. Kaya hanggang pagtanaw na lamang siya sa account ng asawa na oras-oras niyang pinagmamasdan. Kahit wala itong mga bagong update sa buhay at hindi rin ito active sa social media niya ay palagi pa rin iyong ini-stalked ng dalaga.
"Babalik ako, baby. Sa ngayon ay magpapalakas na muna ako. Dahil ayoko rin namang bumalik sa'yo. . . na lumpo ako." Wika nito na paulit-ulit pang hinagkan ang larawan ni Drake bago itinabi iyon na nagpatangay na sa antok nito.
********
LUMIPAS ang mga araw, linggo at buwan. Nanatiling nagkukulong si Drake sa unit nito. Nagpatuloy naman si Delta sa pamumuno sa mafia nila kahit wala si Drake sa tabi nito. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ang kapatid sa condo nito pero palagi lang siyang binubugbog ni Drake at sinusumbatan.
Masakit sa kanya na nakikitang sinisira ni Drake ang buhay niya. Kaya kahit paulit-ulit siyang ginugulpi ni Drake ay pinupuntahan niya pa rin ito para kumustahin. Halos hindi na nga nila makilala si Drake. Kahit kasi magpagupit o mag-ahit ng bigote nito ay hindi niya ginagawa. Nasa unit lang ito. Naglalasing at nagkukulong. Kaya araw-araw siyang pinupuntahan ng mga magulang at kapatid para asikasuhin ito at linisan ang unit nito.
Kahit anong kumbinsi nila na lumabas na ito ng unit ay hindi nakikinig si Drake sa kanila. Inuunawa na lamang nila ito dahil kahit ilang buwan na ang nakakalipas ay kitang nagluluksa pa rin si Drake kay Gia. Sinisisi pa rin nito ang Kuya Delta nito kung bakit namatay si Gia.
"G-Gia," sambit ni Drake na pabaling-baling ng ulo.
"Gia!"
Napasigaw itong napabalikwas ng kama na malalalim ang paghinga. Nqpanaginipan na naman nito si Gia pero muli ding parang bulang naglalaho ito sa tuwing tatangkain niyang hawakan o yakapin ang asawa.
Napahilamos ito ng palad sa mukha na hindi namalayang tumulo na pala ang luha habang iniisip si Gia.
Mapait itong napangiti na bumangon ng kama at lumabas ng silid. Pasado hatinggabi na rin kaya mag-isa na lamang siya ng unit. Tumuloy ito ng kusina na kumuha ng ilang beer sa fridge na dinala sa balcony.
Napapikit pa ito na sumalubong sa kanya ang malamig na ihip ng hangin. Lumapit ito ng railings na inilapag sa mesang nasa sulok ang dala nitong ilang bote ng beer na nagsindi ng sigarilyo.
Malayo ang tanaw ng mga mata nitong walang kabuhay-buhay habang nakatunghay sa railings na humihithit sa sigarilyo nito. Halos isang taon na rin magmula nang mawala si Gia. Pero heto at parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi pa rin siya makausad sa nangyari kay Gia.
Napatungga ito sa binuksang beer na halos maubos ang laman no'n na diretso niyang tinungga.
"Ang bilis mong nakapasok sa puso ko. Pero napakabilis mo ring nawala dahil sa kapabayaan ko," mapait nitong turan na nakatanaw sa kalangitan habang inaalala si Gia.
Namuo ang luha nito na nakatingala sa makulimlim na kalangitan.
"Patawarin mo ako, baby. Patawarin mo ako na mag-iisang taon ka ng. . . hindi ko pinapatahimik. Turuan mo naman ako oh? Turuan mo akong pakawalan ka. Para matahimik ka na sa kinaroroonan mo ngayon," usal nito na umagos ang masaganang luha sa mga mata.
Napailing itong mapait na napangiti. Kahit sampung buwan na ang nakakalipas magmula nang mawala si Gia ay napakasariwa pa rin ng sugat na naiwan nito sa puso ni Drake. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makausad para ibangon ang sarili at tanggaping wala na si Gia.
LUMIPAS pa ang mga araw at dumating ang anniversary ng kasal nila Drake. Nang umagang iyon ay napag pasyahan nitong lumabas ng unit. Ito ang unang beses na lumabas siya magmula nang umuwi siya doon pagkalabas niya ng hospital.
"Gusto mo bang samahan ka namin, anak?" nakangiting tanong ng Mommy Anastasia nito na sinalubong ng yakap si Drake na bagong labas ng silid.
Nakapusod ang mahabang buhok nito na mahaba din ang balbas at bigote. Naka-all black din ito mula sa sapatos, pants, hoodie jacket at sombrero.
"I'm fine, Mom. Salamat po. Kaya ko na po. Gusto ko lang bisitahin ang lugar na pinuntahan namin ni Gia noong nakaraang taon. Baka sakali magawa ko na siyang pakawalan na makita kong muli ang mga pinasyalan namin noon sa Japan," saad nito na ikinangiti ng inang niyakap ito.
"Mag-iingat ka doon ha? Wala kami ng Daddy at mga kapatid mo doon para asikasuhin ka at ipagluto. Hwag puro alak ang ilagay mo sa tyan mo, anak ko. Kumain ka rin, hmm?" habilin pa ng ina nitong ikinatango ni Drake na hinagkan sa ulo ang inang nakayakap sa baywang nito.
"Opo. Hwag niyo na akong alalahanin, Mom. Tatawagan ko po kayo para hindi na kayo mag-alala sa akin." Sagot nito na isa-isang niyakap ang mga ito.
Napalapat ito ng labi na wala ang Kuya Delta nito. Biglaan kasi ang pasya nitong lumuwas ng bansa kaya wala ang Kuya Delta nitong naging abala na sa pamumuno mag-isa sa mafia na itinayo nilang magkapatid.
"We will miss you, Kuya. Sana pagbalik mo ay makita na namin ang sigla at mga ngiti mo," maluha-luhang pamamaalam ni Sharanaya na bunso nila habang nakayakap kay Drake.
"Sana nga. Sana sa pagpunta ko doon. . . tuluyan ko na siyang mapakawalan. Ayokong nahihirapan kayo dahil sa akin. Pero paano ko kayo matutulungan, kung sarili ko mismo hindi ko maibangon," wika nito na hinagkan sa noo ang kapatid nito.
"We'll pray for your safety, Kuya. Sana pagbalik mo ay. . . makita na namin ang Kuya Drake namin," maluha-luhang pamamaalam ng isa pang dalagang kapatid nitong si Angelique na niyakap itong hinalikan ni Drake sa ulo.
"Thank you, little sister. Sige na, baka mahuli ako sa flight ko." Saad ni Drake na niyakap din ang ama nito bago sila sabay-sabay na lumabas ng unit.
TUMULOY si Drake sa hotel kung saan sila nag-check-in noon ni Gia. Maski ang room number nila ay pina-reserved nito. Mabuti na lang at nagkataon na bakante ang silid na kaagad niyang nakuha.
Naigala nito ang paningin sa mga dinaraanan nila na sumasariwa pa sa isipan nito ang mga ala-ala nito kasama si Gia noong nakaraang taon. Kung gaano ito namamangha sa mga nadaraanan nila lalo na sa mga cherry blossom na nagkalat sa paligid.
Napalapat ito ng labi na namumuo ang luha sa mga mata habang iniisip ang mga ala-ala nila ni Gia sa honeymoon nila noong nakaraang taon. Napahaplos ito sa suot na wedding ring nila na tuluyang ikinatulo ng luha nito.
"G-Gia. . . kaya ba talaga kitang pakawalan, mahal ko?" usal nito na napayukong hinayaang umagos ang masaganang luha sa mga mata. "Ang bigat-bigat na dito, Gia. Sobrang bigat na dito sa puso ko na hindi makausad sa pag-iwan mo sa akin. Pakiramdam ko ay nawala ko na rin ang sarili ko. . . nang mawala ka sa akin," piping usal nito.
Dumaan ito sa parke kung saan sila unang tumambay ni Gia noon. Mabuti na lang at bakante ang bench na inupuan nila noon ni Gia na kaagad niyang tinungo at doon naupo. Marami-rami pa ring tao ang namamasyal na katulad ni Gia noon ay tuwang-tuwa sa mga cherry blossom.
Unti-unti ay gumaan ang bigat sa dibdib nito na parang nakikinita pa niya si Gia sa paligid na tuwang-tuwang parang bata.
"Mia, umuwi na tayo." Dinig niyang wika ng baritonong boses mula sa malapit.
Nanatili itong nakapikit na ninanamnam ang malamig na klima at ambiance ng lugar. Pakiramdam niya kasi ay nasa paligid pa ang prehensya ni Gia.
"Sandali na lang. Dito 'yon eh. Dito ang lugar na iyon. Nakatitiyak ako," sagot ng malambing na boses na ikinatayo ng mga balahibo sa katawan ni Drake na bumilis ang t***k ng puso!
"Ano ba kasing meron sa lugar na ito? Mamaya hanapin na tayo ni Sir Ismael." Saad pa ng lalakeng boses na nasa likuran lang nito.
Napapalunok si Drake na pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib nito sa hindi malamang dahilan! Sa dami ng tao sa paligid niya ay ang dalawang taong nag-uusap lang ang malinaw na nahahagip ng pandinig niya. Na ibang-iba ang dating sa kanyang puso ang malambing at pamilyar na boses ng babae na kaboses. . .ni Gia!
"Lucas, naniniwala ka ba. . . sa reincarnation?" tanong muli ng babae na ikinadilat na ni Drake ng mga mata na maramdamang. . . nasa likuran niya lang ang babaeng kaboses ni Gia!
"Reincarnation?" ulit ng lalake.
"Yup. Pakiramdam ko kasi. . . dati na akong nagpunta dito kasama. . . ang asawa ko. Ang weird lang. Everyone is saying that I am Mia. Even you. Pero sa puso ko. . . iba ang nasa puso at isipan ko. Gan'to ba talaga kapag nababagok ang ulo mo?" wika nito na ikinatulo ng luha ni Drake na halos hindi na humihinga na natuod sa kinauupuan!
"G-Gia," nauutal na sambit ni Drake na tulalang napatayo kahit dama ang pangangatog ng mga tuhod!
"Side effects lang 'yan ng aksidente mo, Mia. Napakaimposible talaga ng sinasabi mo eh. I want to believe you dahil kita naman naming ibang-iba ka ngayon. But how? Paanong nangyaring hindi mo maalala ang nakaraan mo, at nakaraan ng ibang tao ang naaalala mo?" wika ng lalake na dinig niyang palapit na ang yabag.
"Hindi ko rin alam, Lucas. One thing I'm sure is. . . I'm telling the truth--ops."
Nanigas ito na maramdamang nabangga siya ng dalagang nagsasalita sa likuran niya na ikinatayo ng mga balahibo niya sa katawan na makadama ng libo-libong boltahe ng kuryente sa ugat nito na tanging kay Gia niya lang naramdaman!
"Oh, I'm sorry, Sir." Dinig niyang wika ng babae na dama niyang nakatitig sa likuran niya!
"G-Gia."