ISANG linggong walang malay si Drake sa hospital. Kaya hindi na naitago ni Delta sa ama nila ang pinasok nilang magkapatid na lingid sa kaalaman nito. Galit na galit ang ama nilang si Dwight na muling ibinangon ng mga binata nito ang mafia na pinamumunuan ng kanyang ama noong binata pa lamang ito. Lalo na noong mapag-alamang alam ng Daddy Dwayne niya ang tungkol sa mafia na itinayo ng kanyang mga anak.
Kung hindi lang sugatan din si Delta ay baka nabugbog na niya ito sa sobrang galit. Pero kahit anong kumbinsi niya sa anak na panganay na isara na ang mafia nito ay mahigpit na tumutol si Delta.
Hindi na rin nila nahanap pa ang katawan ni Gia sa nasunog na warehouse dahil abo na lamang ang naiwang bakas doon nang balikan ng mga tauhan ni Delta kinabukasan.
"Baby, paano natin sasabihin kay Drake ito. Anytime ay magkakamalay na ang anak natin," malungkot na saad ni Anastasia, ang Mommy nila Drake.
Napabuntong hininga ng malalim si Dwight na malamlam ang mga matang nakatitig sa anak nilang si Drake na wala pa ring malay.
"Wala tayong ibang pamimilian kundi sabihin ang totoong nangyari, baby. Hahanapin at hahanapin ni Drake ang asawa niya. Sana lang. . .sana lang kayanin niyang tanggapin ang nangyari kay Gia. Masakit din sa akin ang sinapit ni Gia. Sa akin siya ipinagkakatiwala ni Gio pero, hindi ko naprotektahan ang anak niya. Mula napunta sa poder natin si Gia ay totoong anak na ang turing ko sa kanya. Kaya napakasakit tanggapin na namatay siya sa gano'ng paraan," maluha-luhang wika ni Dwight na inaalala ang manugang.
Hinahagod-hagod naman ni Anastasia sa likod ang asawa na napayukong mahigpit na nakahawak sa kamay ng anak na si Drake habang nakahalik sa kamay ng anak. Yumugyog ang balikat nito na ikinatulo na rin ng luha ni Anastasia na tahimik na umiiyak ang asawa.
"Natatakot akong magbago ang anak natin, Ana. Alam na alam ko ang sakit na kahaharapin niya sa oras na malaman niyang. . .wala na si Gia. Isang masalimuot na bangungot ang napagdaanan ko noong inakala naming lahat ay kasama ka sa bangkang sumabog noon. Napakahirap at sakit tanggapin na gusto ko na lamang mamatay na rin noon. Para sundan ka sa kabilang buhay. Pero dahil sa mga anak natin, kaya pinilit kong bumangon at nilibang ang sarili. Pero sa kalagayan ni Drake, wala silang anak ni Gia para maging lakas niya at magpatuloy sa buhay. Natatakot akong. . . natatakot akong magtangka ang anak natin, Ana. Hindi ko kayang mawalan ng sarili kong anak. Hindi ko na kaya. Tama ng minsan tayong nawalan ng anak. Dahil mababaliw na ako na pati ang Drake natin o sino man sa magkakapatid ay mamamatay." Basag ang boses na wika ni Dwight na umiiyak.
Niyakap naman ito ng asawa na panay ang halik sa ulo nitong inaalo si Dwight.
"Hindi mawawala ang Drake natin sa atin, Dwight. Nandidito tayong pamilya niya na magiging sandalan at lakas niya. Hindi natin siya iiwanang mag-isa kahit anong mangyari. You're right, tama na si Gia na nawala sa atin. Tama na ang isang anak nating nawala sa atin na wala tayong nagawa para maprotektahan." Saad ni Anastasia na umiiyak na rin sa balikat ng asawa nito.
LUMIPAS ang dalawang linggo, saka pa lang nagkamalay si Drake na ikinangamba ng pamilya nito.
"Mom, nasaan si Gia?" namamaos ang boses na tanong ni Drake na maigala ang paningin at wala si Gia sa mga nasa silid nito.
Nagkatinginan ang pamilya nito sa isa't-isa na tila nagpapasaan kung sino ang sasagot kay Drake na bagong gising. Kita ang pagod at panghihina sa mga mata nito sa mga natamo.
"Mom? Dad? May problema ba?" untag ni Drake na mahinang napapadaing na pilit naupong kaagad inalalayan ng dalagang kapatid nitong sina Angelique at Sharanaya.
Malamlam ang mga mata nila Dwight at Anastasia na pilit ngumiti ditong ginagap ang dalawang kamay nito na ikinalunok nitong binundol ng kakaibang kaba sa dibdib na maalala ang mga nangyari sa warehouse.
"Anak--"
"Hwag niyong sabihing wala na siya." Putol nito sa sasabihin ng ama.
Nag-iwas ito ng tingin na namuo ang luha sa mga mata habang naiisip ang huling tagpo na magkasama sila ni Gia sa loob ng silid. Kung saan tuluyang nawalan ng malay si Gia na katulad niya ay may tama ng baril. Kahit pilit siyang tumatayo noon para mailabas si Gia ay hindi na kinaya pa ng katawan nito. Bago pa ito tuluyang nawalan ng malay na yakap-yakap si Gia ay narinig pa nito ang boses. . . ng Kuya Delta nito!
Nagpahid ito ng luha na bumaling kay Delta na nakatungo sa paanan ng kama at tahimik na nakikinig.
"Kuya, you were there, right? Bago ako nawalan ng malay ay narinig kong dumating ka. Anong nangyari? Nasaan si Gia?" baling nito sa kapatid na nag-angat ng mukha at kitang namumula ang mga mata sa pag-iyak.
"Yeah. Dumating ako, Drake." Sagot nito na napakababa ng tono at walang kasigla-sigla.
"Nasaan siya kung gano'n? Hwag niyo akong biruin ng gan'to. Hindi ito nakakatuwa," mahina at may kariinang wika ni Drake na ikinalunok ng pamilya nito.
"I'm sorry, dude. Sana nga nagbibiro lang kami pero. . . pero wala si Gia. Hindi ko siya nasagip." Pag-amin ni Delta na ikinatulo ng luha nitong naikuyom ang kamao na napayuko.
"Hindi totoo 'yan. Buhay pa ang asawa ko," matatag nitong saad na ikinatahimik ng pamilya nitong naluluhang nakamata kay Drake.
Kahit kasi nakayuko ito ay dama nilang tahimik itong umiiyak. Maging sila ay hindi mapigilang maging emosyonal dahil sila ay napamahal na si Gia sa kanila at masakit tanggapin ang nangyari dito. Ni hindi nila ito naiburol at nakita sa huling pagkakataon dahil maski katawan nito ay hindi na nila na-recover.
"Nasaan si Gia?" muling tanong ni Drake makalipas ang ilang minutong tahimik nitong pag-iyak.
Hindi nakaimik ang pamilya nito na luhaang nakamata ditong nag-iigting ang panga habang kuyom na kuyom ang mga kamao.
"I'm sorry, dude. Sugatan din ako noong sinagip ko kayo ni Gia. Hindi ko kayo kayang ilabas ng sabay lalo na't marami pa ring kalabang nagkalat. Inuna kitang inilabas ng warehouse dahil kapwa kayo walang malay ni Gia. Babalikan ko na dapat si Gia sa loob pero. . . pero sumabog na ang buong warehouse. Hindi ko na. . . nabalikan si Gia. Kasama siya sa natupok na mga tao sa loob ng warehouse." Pagtatapat ni Delta na ikinanlisik ng mga mata ni Drake na napatitig ditong napalunok at kita ang kaseryosohan sa mga mata.
"Sinasabi mo bang. . . iniwan mo ang asawa kong nag-aagaw buhay sa silid na kinaroroonan namin, huh?" may kariinang wika ni Drake dito na napalabing tumango-tango.
"Inuna kitang inilabas, Drake. Dahil hindi ko kayo kayang dalhin ni Gia ng sabay." Sagot nitong ikinaigting ng panga ni Drake.
"Iniwan mo ang asawa ko sa silid na iyon kahit alam mong mamamatay siya!?" nanginginig ang boses na bulyaw ni Drake na ikinayuko nitong tumango-tango.
"Drake!"
"Urrrgghhh!"
Panay ang tili ng Mommy at dalawang dalagang kapatid nito na magwala si Drake na pinaghahablot lahat ng maabot ng kamay nito. Muli ding dumugo ang sugat nito sa balikat at hita na napwersa sa pagtayo nito. Halos madapa itong nilapitan si Delta na katulad niya ay nagpapagaling din ng sugat.
"Bakit mo nagawa iyon!? Paano mo naatim pabayaan ang asawa ko!?" nanginginig ang boses na bulyaw ni Drake dito na malakas sinapak sa mukha si Delta na ikinatili ng Mommy at mga kapatid nila.
"Drake, that's enough!" pag-awat ng ama nila na kaagad tinakbo ang dalawang anak na lalake.
Napahiga si Delta sa sahig na inupuan ni Drake sa dibdib at sunod-sunod na pinagsusuntok sa mukha! Puno ng galit ang mga mata ni Drake na tila nawala sa sariling katinuan!
"Ilabas mo ang asawa ko!! Ilabas niyo si Gia! Kailangan ko si Gia! Kailangan ko ang asawa ko!" nanggagalaiting bulyaw ni Drake na patuloy sinusuntok sa mukha si Delta na duguan na ang mukha!
"Drake enough!" pag-awat ni Dwight sa anak nito pero para lang siyang magaang papel na iwinaksi ni Drake na napaupo ng sahig.
"Nasaan si Gia!?" halos mapugto ang ugat sa leeg nito sa dumadagundong bulyaw nito sa kapatid!
Mahigpit na niyakap ni Dwight ang anak nitong si Drake na buong lakas itinayo. Kaagad din namang tinakbo ng Mommy Anastasia nila at dalawang kapatid nilang dalaga si Delta na dinaluhang naghihingalong nakahiga ng sahig.
Umiiyak na niyakap nila Anastasia, Angelique at Sharanaya si Delta na duguan at hinang-hina sa pambubogbog ni Drake na patuloy pa ring nagwawala. Lahat ng gamit sa loob ng silid ay pinaghahagis nito na ibang-iba ang galit sa kanyang mga mata!
Para siyang mabangis na lobo na nagwawala! Nakakatakot ang itsura nito na parang wala na siyang nakikilala sa mga nasa paligid niya maski mga magulang nila!
"Drake, tama na. Wala na tayong magagawa, anak. Patay na si Gia. Patay na siya." Pag-awat ni Dwight sa anak nito na mahigpit itong niyakap.
Nanginginig ang buong katawan ni Drake sa matinding galit na malalalim ang paghinga.
"Dude, believe me. Sugatan din ako kaya hindi ko kayo kayang buhating dalawa ni Gia. Kung kaya ko lang? Bakit ko naman siya iiwan? Inuna kitang inilabas pero babalikan ko naman dapat siya. Pero pagkalabas natin ng warehouse. . . sumabog na ang buong lugar." Hinihingal na paliwanag ni Delta kahit hilong-hilo ito sa mga natamong suntok kay Drake.
"Umalis ka dito, Delta. Baka mapatay kita." May kariinang saad ni Drake na iwinaksi ang ama nitong nakayakap sa kanya.
Nanghihina itong pabalang naupo ng sofa na dumudugo na rin ang mga sugat maging ang kamay nitong kinasasaksakan ng dextrose nitong natanggal.
Mapait na napangiti si Delta na nakamata sa kapatid nitong nakayuko habang sapo ang ulo. Kahit hindi nila marinig ay alam nilang umiiyak ito. At kahit gustuhin nilang damayan ito at aluhin ay alam nilang hindi pa kontrolado ni Drake ang emosyon.
Hinagod-hagod naman ni Anastasia sa likod ang anak nitong si Delta na pilit ngumiti.
"Pang-unawa ang kailangan ni Drake ngayon, anak. Hwag ka sanang magtanim ng sama ng loob sa kanya. Sa ngayon, hwag ka na munang magpakita sa kanya, hmm?" mahinang wika nito sa anak na tumulo ang luhang tumango na lamang.
Umiiyak namang niyakap ito ng dalawang dalaga nilang kapatid na ikinatulo na rin ng luha niyang napalingon kay Drake na humihikbi. Hindi rin natiis ni Dwight ang anak nitong umiiyak sa sulok na kanyang nilapitan at lakas loob na niyakap para damayan ito.
"Anak, nandito kami. Nandito ako. Handang dumamay sa'yo. Hindi mo kailangang solohin ang bigat at sakit, anak. Dadamayan ka namin," maalumanay na saad nito sa anak na napahagulhol sa dibdib nitong ikinatulo ng kanyang luhang mas niyakap si Drake.
"Daddy, bakit siya? Bakit siya pa? Sana pala. . .sana pala hindi mo na lang siya inilabas ng orphanage. Buhay pa sana hanggang ngayon si Gia." Puno ng pait na wika nito habang parang batang umiiyak sa dibdib ng kanyang ama.
"Masakit din sa aming tanggapin ang nangyari kay Gia, anak. Para ko na ring totoong anak ang batang iyon. Pero tapos na. Nangyari na. Wala na siya. At kahit pagbalik-baliktarin natin ang mundo ay patay na siya. Hindi na iyon magbabago, anak." Wika ng ama nitong hinahagod-hagod si Drake sa likuran na mas lalong napahagulhol.
"Let's go, Delta. Lalong magwawala si Drake na nakikita ka. Unawain mo na muna ngayon ang kapatid mo, hmm? Hindi biro ang pinagdaraanan nito ngayon." Mahinang saad ni Anastasia sa anak nitong luhaang nakamata kay Drake.
Dumudugo na rin kasi ang sugat nito sa binti maging ang mukha nitong binasag ni Drake. Mapait itong napangiti na nagbawi ng tingin kay Drake na humahagulhol sa dibdib ng ama nila. Gustuhin man niyang damayan ito ay tama ang ina niya. Hindi siya. . . kailangan ni Drake ngayon.
Mabigat man sa loob ay inilabas nila Anastasia si Delta katulad ng kagustuhan ni Drake. Natatakot din sila na baka sa susunod ay hindi na nila mapigilan si Drake at mapatay pa ang Kuya nito sa sobrang galit, katulad ng pagbanta nito.
"This is just a nightmare, Drake. Bukas paggising mo ay. . . makikita mo na si Gia," usal nito na unti-unting bumigay ang katawan.
Mapait na napangiti si Dwight na tuluyang nawalan ng malay si Drake na kinarga nitong ibinalik sa kama. Pumasok na rin ang doctor at ilang nurse nito na nilinisan ang sugat ni Drake. Inayos din nila ang buong silid na nagkasira-sira ang mga gamit sa pagwawala ni Drake kanina.
Awang-awa itong napahaplos sa ulo ni Drake na nahihimbing muli. Kahit wala itong malay ay kita ang lungkot sa mukha nitong namumutla. Bahagya ding kunot ang noo nito na tumulo ang butil ng luha sa gilid ng mata nitong marahang pinahid ni Dwight.
"Be strong, son. Isa kang Madrigal. Alam kong. . . malalagpasan mo rin ang bangungot na 'to sa buhay mo. Nandidito kaming pamilya mong sasamahan kang ibangon sa kalungkutang kinalulugmukan mo. Kung kaya ko lang kunin ang bigat at sakit na nadarama mo ay gagawin ko, anak. Kahit ako na ang maghirap, hwag lang kayong mga anak ko. Dahil walang kasing sakit sa aming mga magulang. . . ang makitang nagdudusa at naghihirap ang mga anak nila." Luhaang saad ni Dwight na mariing hinagkan sa noo ang anak nito.