"DAMNIT!" Panay ang mura ni Drake na palakad-lakad sa labas ng silid nila Mia at Gia na hindi makilala sa dalawa ang totoong Gia. Gusto niyang maniwala kay Mia na siya si Gia. Pero kapani-paniwala din ang side ni Gia na siya ang totoong Gia. Napahawi ito sa buhok na malalalim ang paghinga. Napapikit ito na nagpamewang habang nakaharap sa pinto ng silid. Tahimik naman ang dalawa sa loob kaya nakatitiyak silang hindi nagpapatayan ang dalawa. "Gia. Gusto ko lang naman bumalik ka at muling makasama. Pero bakit kung kailan nakabalik ka na. . . ang hirap mo namang makilala." Usal nito na namuo ang luha. Kanina pa nakaalis ang mga kapatid nito na tinawagan ng kani-kanilang mga asawa kaya wala silang nagawa kundi umuwi na. Ilang minuto itong nanatili sa labas ng silid bago napagpasyahang