NAPAYUKO si Mia na nagyakapan ang dalawa at sa uri ng paghagulhol ni Drake sa balikat ni Gia ay tila. . . naniniwala itong si Gia ang asawa niya. Tahimik itong umiyak na nakatungo at hindi makayanang makita ang pagyayakapan ng dalawa habang umiiyak sa balikat ng isa't-isa. "Hindi. . . hindi. Ako ang totoong Gia sa aming dalawa. Hindi ako makakapayag ipaubaya ang katauhan ko at asawa ko sa kanya," piping usal ni Mia na umiiling-iling na nanatiling nakayuko. Napapitlag ito na biglang may yumakap sa kanya na ikinatigil nito sa paghikbi. Kahit hindi ito mag-angat ng mukha ay alam na alam niya kung sino itong nakayakap sa kanya na ikinahagulhol nitong parang batang takot na takot na napasuksok sa dibdib. . . ni Drake. "H-hwag mo akong iwan, Drake. H-hwag mo akong iwan." Paulit-ulit nitong