MAAGANG nagising si Gia na napangiting malingunang nahihimbing pa rin si Drake sa sofa. Maingat itong bumangon ng kama na nagtungo sa banyo at naglinis ng sarili bago nilapitan si Drake. Naupo ito sa tabi ni Drake na marahang hinaplos ito sa ulo. "Good morning, baby." Malambing bulong nito na magaang hinagkan sa noo si Drake. "Anong ginagawa mo?" Napahinga ito ng malalim na marinig si Mia na bagong gising at papalapit na ang mga yabag sa gawi niya. Nilingon niya ito na ngumisi sa kakambal. "Binabati ang mahal kong asawa. Bakit, Mia? May problema ka ba doon?" sarkastikong saad nito na ikinakuyom ng kamao ni Mia na pinaningkitan itong nagtaas lang ng kilay. "Ang kapal talaga ng mukha mo. Nabagok ba 'yang ulo mo kaya naapektuhan ang utak mo? O sadyang may sayad ka lang talaga. Mab