Chapter 6

3411 Words
LUMIPAS ang mga araw na naging mas malapit si Gia at Drake sa isa't-isa. Napapatawa na rin ni Gia ang asawa at napapalabas ang kakulitan at clingy side ni Drake. Na tanging si Gia lang ang nakakagawa. Hindi rin maiwasang may mamagitan sa kanila gabi-gabi na malugod ipinagkakaloob ni Gia dito. Dahil kahit sa maikling panahon na nagkasama sila ay damang-dama nila ang connection sa isa't-isa. "Drake?" "Yes?" Napangiti ito na mas naisandal ang katawan kay Drake na nakayakap mula sa likuran nito. Nasa balcony sila ng hotel room nila na nagpapahangin. Malalim na ang gabi pero pareho silang hindi pa dalawin ng antok. "Paano kung isang araw. . . mawala ako? Maghahanap ka ba ng iba?" tanong nito na napatingala kay Drake. Napalunok na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib si Drake na napatunghay sa asawa nitong pumihit paharap sa kanya na yumapos sa baywang niya. Napahinga ito ng malalim na hinaplos sa ulo si Gia at mariin ding hinagkan sa noo. "That won't happen, baby. Kung sakali at mawala ka sa akin? Hahanapin kita. Hahalughugin ko ang buong mundo mahanap ka lang, Gia." Seryosong sagot nito na ikinalunok ni Gia na pilit ngumiti. "Napakaseryoso mo naman. Nagbibiro lang ako." Nakangiting wika ni Gia na tumingkayad at hinagkan sa pisngi ang asawa. "Don't joke like that, baby. Ayokong pinag-uusapan ang ganyang bagay. Because one thing I'm sure, hindi ko hahayaang mawala ka sa akin. Only death do us apart," saad ni Drake na mariing hinagkan ito sa noo na ikinangiti ni Gia na niyakap ang asawa. "Thank you, Drake. I promise, kung mawawala man ako. . . babalik at babalik ako sa'yo," sagot ni Gia na mas niyakap pa ang asawa. PAGBALIK nila ng bansa ay humiwalay na ng tirahan ang dalawa. Tumuloy sila sa condo unit na nakapangalan kay Drake. Nagbalik eskwela din ito dahil graduating student pa lang siya sa kinuhang kurso. Habang si Gia ay ay nag-transfer sa university kung saan pumapasok si Drake. Lingid sa publiko ang pagpapakasal ng mga ito. Kaya sa school ay hindi sila nagpapansinan. Para na rin sa protection si Gia dahil maraming babae ang naghahabol at nagpapantasya kay Drake. Habang naghihintay si Gia sa parking lot ay sumulpot ang BMW na sundo nito. Sa ducati kasi sumasakay si Drake kasama ang Kuya Delta niya pagpasok sa school. Nakasunod naman sa mga ito ang ilang bodyguard nila para masiguro ang seguridad ng mga ito. Kaya may sariling driver at kotse na gamit si Gia papasok ng school. "Drake!?" bulalas nito na malingunang si Drake ang driver ng kotse na napangiting kumindat pa dito. "Hi, baby. How's your day?" malambing tanong nito na pinaandar na ang kotse palabas ng parking. Napangiting hinagkan ito ni Gia sa pisngi bago umayos ng upo at nagkabit ng seatbelt. "Maayos naman. Eh ikaw? Hindi ka ba naiistorbo sa kakatext sa akin? Baka mamaya bumagsak ka sa subject mo na hindi ka naka-focus sa professor niyo." Sagot ni Gia na nakamata sa asawang nagmamaneho habang hawak ang isang kamay nito. "Don't mind me, baby. Kayang-kaya ko ang studies ko." Kindat ni Drake na hinagkan sa palad si Gia. "Ikaw nga ang inaalala ko eh." "Bakit ako?" takang tanong ni Gia na nakamata ditong sa daan naka-focus ang attention. "Because you're too beautiful, baby. Imposibleng walang nakakapansing boys sa'yo sa room niyo. Sinukan ka lanh nilang hawakan, babalian ko sila ng buto." Nakangusong sagot nitong ikinahagikhik ni Gia na nakurot ito sa brasong natatawa. "Parang baliw." Ingos ni Gia ditong napangising kumindat sa asawa. "Ikaw itong bumaliw sa akin, baby." Impit na napapairit si Gia na ikinahalakhak nitong pinipisil-pisil ang kamay ng asawa. Nasasanay na nga ito sa asawa niya. Na nagagawa na niyang tumawa at sakyan ang mga biro nito. Minsan ay sinasabayan din ni Gia maski mga dirty jokes ni Drake. MABILIS lumipas ang mga araw sa buhay ng mag-asawa. Nakapagtapos si Drake bilang suma c*m laude sa university nila katulad ng Kuya Delta nito. Kung saan nagsimulang nagbago ang masaya at makulay na pagsasama nila Drake at Gia. Muling itinayo ni Delta ang mafia group na pinapatakbo noon ng Lolo Dwayne nito. Ang ama ng kanilang Daddy Dwight na matagal ng natahimik. Kasama nitong namuno sa mafia si Drake na lingid sa kaalaman ng kanilang Daddy Dwight. Tanging ang Lolo Dwayne lang nila ang may-alam nito dahil tiwala naman ito sa galing ng mga apo niya para mamuno ng mafia. Mabilis umingay ang pangalan nila Delta sa mundo ng mafia. Dahil na rin likas na matatalino at magaling sa labanan ang mga private military na tauhan nila sa grupo ay mabilis nilang napapabagsak ang sinomang bumabangga sa kanilang grupo. Unti-unti ay nawawalan ng oras si Drake kay Gia. Na halos hindi na sila magkita sa loob ng isang linggo dahil sa trabaho nito. Naiiwan naman sa unit si Gia na ginagampanan ang pagiging house wife niya kay Drake. Sa susunod na buwan pa kasi ang enrollment nito kaya nasa unit lang ito ngayon. Minsan ay gusto niyang magtampo kay Drake na kahit tawagan siya ay hindi na magawa. Pero pilit niyang iniintindi dahil alam naman niya ang bigat ng trabaho nito bilang isa sa pinuno ng mafia. ISANG gabi. Muling nagkaroon ng mission sina Delta at Drake para sa transaction nila. Biglang binundol ng kaba si Drake na ngayon niya lang naramdaman magmula nang maitayo nila ni Delta ang mafia. "Are you okay, dude? Is there a problem?" tanong ni Delta na mapansing palakad-lakad si Drake na panay ang hawi sa buhok nito. "Bigla ko lang namis ang asawa ko. Mahigit isang linggo na pala akong hindi nakakauwi sa kanya, Kuya. Nakukunsensiya tuloy ako dahil mag-isa lang siya sa unit at hindi manlang alam kung kailan ako makakauwi," sagot ni Drake dito na napahinga ng malalim na tinapik sa balikat ang nakababatang kapatid. "Pagkatapos ng transaction natin kay Mr Tan, pwede ka na munang umuwi sa asawa mo at magpahinga ng isang linggo. Ako na munang bahala sa mafia para makabawi ka kay Gia." Wika ni Delta ditong pilit ngumiti na napatango-tango. "Salamat, Kuya." "Walang anuman." Nagkatapikan pa sa balikat ang magkapatid bago naghanda para sa transaction nila ngayon sa isang tagong pantalan kung saan nila kikitain ang chinese na bibili sa kanila ng mga binibenta nilang matataas na kalidad ng baril. Napabuga ng hangin si Drake na nakatitig sa screen ng cellphone nito kung saan naka-profile doon ang nakangiting picture ni Gia na kinunan niya noon sa Japan habang bumabagsak sa mukha nito ang mga inihagis na cherry blossom sa ere. "Tapusin ko lang ito, baby. Babawi ako, I promise." Usal nito na nangilid ang luhang hinagkan ang mukha ni Gia sa cellphone nito. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga hinihintay nilang ka-transaction. Kilalang tuso ang grupo ni Mr Tan na bali-balitang kaliwaan ito kung kumilos sa mga ka-transaction. "Madrigal brothers. I'm so glad to finally meet the two of you," magiliw na wika ng chinese na pinuno ng grupong dumating ng pantalan. Malalim na ang gabi at malayo ito sa kabahayan. Kaya kahit magkagulo sila ngayong gabi ay walang civilian ang madadamay. Higit sa lahat, hindi sila basta-basta matutunton ng mga pulis. "We're happy to see you too, Mr Tan." Sagot ni Delta na nakipagkamay dito kasunod si Drake. "Pwede ko bang masuri ang dala niyo?" tanong nito na ikinatango ni Delta at inilahad pa ang kamay sa ilang kahon ng baril na nakalapag sa semento. Sinenyasan naman ng matanda ang mga tauhan nito na kaagad sumunod at sinuri ang mga kahon na may lamang matataas na kalidad ng baril. Sumenyas ang kanang kamay nito sa amo na napa-thumbs up. "You can check your money, Mr Madrigal." Saad nito na sinenyasan ang tauhan na dalhin ang pera. Dinala sa harapan nilang magkapatid ang nasa limang bag ng pera na sinuri ng mga tauhan nila Delta habang magkakaharap sila nila Drake at ni Mr Tan. "Boss, double cross!" bulalas ng kanang kamay nila Delta na kaagad nagsitutukan ang mga ito ng baril! "Tuso ka talaga, Mr Tan. Akala mo ba. . . maiisahan mo kaming magkapatid?" nakangising wika ni Delta ditong napangiti at kibit ng balikat lang. "Bagito pa lang kayo, Madrigal brothers. Sa mundong ginagalawan natin. . . talo ang may kahinaan," makahulugang wika ni Mr Tan na ikinalunok ni Drake na nagkatinginan silang magkapatid. Ngumisi ang matanda na inilabas ang cellphone nito at ipinakita kay Drake ang laman ng video na ikinanlambot ng mga tuhod ni Drake na makilala. . . ang nasa video! "G-Gia." Anas nito na nangilid ang luhang makitang nakagapos sa isang sulok si Gia at kitang may mga pasa din ito na gusot-gusot ang suot! "Hayop ka!" nanginginig ang boses na bulyaw ni Drake ditong napahalakhak ng pangdemonyo. "Calm down, Drake. He's just trying to distract you," saad ni Delta na ikinaigting ng panga ni Drake na nanggigigil kalabitin ang katilyo ng caliber nitong nakatutok kay Mr Tan! "It's very simple, Madrigal brothers. Ibigay niyo ang mga baril sa amin, kung gusto niyong palayain namin ang bihag. Or should I say. . ." Pambibitin nito na nakangising bumaling kay Drake na namumula ang mga mata sa galit. "Ang asawa mo, Mr Drake Madrigal." Tuloy nito. "Hwag mong idamay ang asawa ko dito, Mr Tan. Hindi mo alam. . . kung anong kaya kong gawin," madiing wika ni Drake na ikinakibit ng balikat nito. "Hindi ako natatakot mamatay, Mr Madrigal. Pero sa oras na ginalaw mo ako? Tiyak na pira-pirasong katawan ng asawa mo ang ipapadala sa'yo ng mga tauhan kong nakabantay dito. Try me. Mapatay mo man ako. . . mas malaki ang mawawala sa'yo," pang-aasar pa nito na ikinaigting ng panga ni Drake na nagngingitngit ang mga ngipin. "Nasaan si Gia?" ani Delta na ibinaba ang baril. Ngumisi lang ang matanda na sinenyasan ang mga tauhan nitong dalhin na ang mga kahon sa nakaabang nilang yate sa tabi. Itinuro nito ang isa pang yate na nasa gitna ng laot na ikinasunod ng tingin nila Drake at Delta doon. "Oh, before I forget. You only have thirty minutes to save your wife, Mr Madrigal. Good luck," nakangising wika nito na tumalikod na sa magkapatid. Nanggigigil na kalabitin ni Drake ang katilyo ng caliber nitong nakatutok pa rin sa matanda na pinipigilan ni Delta dahil nakatutok din sa kanila ang ilang tauhan ni Mr Tan na nagpaiwan para sa seguridad ng amo nila. "Fvck!" bulalas ni Drake na kaagad sumakay sa motorboat na nasa gilid na tinungo ang yate na nasa gitna ng laot. "Drake sandali!" pagtawag pa ni Delta dito pero hindi na siya nagpapigil. "Fvck!" Hinabol nito si Mr Tan at mga tauhan nito na tumangay sa mga baril na ibebenta nila. Malaking halaga kasi ang mawawala sa kanila kung hindi mababayaran ang mga iyon. Nagkahiwalay sila ni Drake ng lakad. Si Delta at grupo nito ang sumunod sa matandang chinese, habang si Drake ang mag-isang nagtungo sa yate kung saan naroon si Gia! "Gia," naluluhang sambit ni Drake na marating ang yate. Maingat itong sumampa sa yate na walang ibang nasa isip kundi ang sagipin ang asawa. Nagngingitngit ang mga ngipin nito na puno ng galit ang mga mata. May mga tauhan itong nakabantay ng seguridad ni Gia sa unit. Kaya kampante itong iniiwan doon si Gia. Pero heto at nakuha ng mga kalaban na ginamit laban sa kanilang magkapatid. Maingat itong pumasok ng yate na may mangilan-ngilan pang bantay doon. Napakubli ito na maramdamang gumalaw ang yate, hudyat na pinaandar na itong ikinabahala nito lalo na't sinundan ni Delta at mga tauhan nila si Mr Tan para bawiin ang baril sa mga ito! ILANG oras silang nasa laot bago huminto ang yate na ikinalabas ni Drake sa pinagkublihan nito. Bawat kalaban na makakaharap niya ay walang kahirap-hirap niyang pinapatumba gamit ang galing at talino nito sa martial arts. "Gia," naluluhang sambit nito na halos maikot na niya ang buong yate pero walang bakas na naroon si Gia! Napakubli ito na malingunan ang ilang kalalakihan na may bitbit na babaeng walang malay na dinala sa isang warehouse kung saan malapit sa pampang na hinintuan nila! Tumulo ang luha nitong makilala na si Gia ang dala ng mga ito. Naghari ang galit sa puso nito na sinundan ang mga armadong kalalakihan. Hanggang nakapasok ang mga ito sa warehouse kung saan mas maraming nagkalat na bantay! "Freeze!" Nanigas ito na may sumigaw mula sa likuran nito. Napapalunok itong naitaas ang dalawang kamay na marinig ang mga yabag na palapit. Napangisi ang isang lalake na nagtungo sa harapan nito na malakas sinapak si Drake sa mukha. Hindi ito nakailag na may dalawang lalake ang humawak sa magkabilaang braso nito na halos pilipitin na ang kanyang braso! "Nasaan ang asawa ko!?" nanginginig sa galit na bulyaw ni Drake sa mga itong nagkatwanan lang. "Ah, ikaw pala ang asawa ni Ms beautiful." Paanas ng pinuno ng mga ito na siyang nambugbog kay Drake. "Paano 'yan. . . sa sobrang ganda at sexy ng asawa mo. . . ilang beses ko siyang inangkin at pinagsawaan ang katawan." "Hayop ka! Don't you dare to touch my wife's body! Mapapatay kita!" nanggagalaiting bulyaw ni Drake ditong napahalakhak na hinugot ang caliber nito na pinadaplisan sa balikat si Drake! "Urghh fvck!" impit nitong daing na umikot ang paningin! "Gusto mo bang. . . makita ang asawa mo?" nakangising wika ng lalake na ikinatigil ni Drake. Umaagos na rin ang masaganang dugo sa balikat nito na ikinanghina ni Drake. Ngumisi ang lalake na sinenyasan ang mga kasamahang kinaladkad si Drake patungo sa silid kung saan nakakulong si Gia! "Gia!?" bulalas nito na makita si Gia na nakagapos sa sulok at kitang takot na takot! "Drake!? Drake, anong ginagawa mo dito?! Bakit ka pa pumunta!?" singhal ni Gia dito na napahagulhol na makitang duguan ang asawa. Nilapitan ng leader ng mga ito si Gia na ikinatigil ni Drake na nakamata lang sa asawa nitong mugtong-mugto ang mga mata. Pumutok din ang kilay at mga labi nito na ikinadudurog nitong makita sa gano'ng sitwasyon ang asawa nito na hindi manlang niya naprotektahan. "Boys, play with him." Utos nito sa mga kasama. "Lumaban ka, Madrigal. At bawat suntok mo. . . sasapitin din ng asawa mo," paanas pa nito na ikinanlambot ni Gia na umagos ang masaganang luha habang nakamata kay Drake. "Pakawalan niyo na siya. Ibibigay ko ang anumang hingin niyo. Pakawalan niyo lang ang asawa ko," pakiusap ni Drake sa mga itong humalakhak lang. Bawat suntok at sipa ay tinatanggap ni Drake na hindi nanlalaban. Kahit panay ang tili at sigaw ni Gia na lumaban siya ay hindi niya ginawa dahil sa banta sa kanya na sasaktan si Gia kapag nanlaban ito. Hinang-hina si Drake na napaluhod ng semento, duguan na rin ang mukha at katawan. Tatawa-tawa naman ang mga itong iniwan ang mag-asawa ng silid na ikinatakbo ni Gia ditong mahigpit na niyakap si Drake na napahagulhol. "Gia," nanghihinang sambit nito na mas niyakap ang asawang humahagulhol sa dibdib nito. "Sana pinabayaan mo na lang ako. Gusto mo na bang mamatay!?" naiinis na asik ni Gia ditong napangiti. "Mas gugustuhin ko pang mamatay, kaysa panoorin ang mahal kong galawin ng ibang tao," sagot nitong ikinahikbi lalo ni Gia na mas niyakap nito. Kahit nanghihina ay kinalas ni Drake ang pagkakatali ng mga kamay ni Gia na luhaang nakamata ditong duguan. "Pagbabayarin ko sila na dinamay ka," nanggigigil nitong anas na napahaplos sa mukha ni Gia. Umiling-iling lang naman itong muling niyakap si Drake na kitang hinang-hina pa rin. "Drake, mahal kita. Palagi mong tatandaang mahal na mahal kita." Wika nito na mas niyakap si Drake. "Ilalabas kita dito, baby. Hwag ka ng matakot. Tiyak akong. . . parating na si Kuya para tulungan tayo," pag-aalo ni Drake ditong tumango-tango na nanatiling nakayakap sa asawa. "Love birds, your time is up!" Sabay silang napalingon sa may pinto na muli iyong bumukas at niluwal ang leader ng grupo na may ngisi sa mga labi. Kahit nanghihina ay tumayo si Drake na inalalayan ni Gia habang nakayakap sa asawa. "Boys, kunin niyo muna si Madrigal. Magpapainit lang ako," nakangising wika nito na nakamata kay Gia. Nag-igting ang panga ni Drake na ikinubli si Gia sa likuran nitong ikinangisi lalo ng lalake. "Mamamatay na muna ako. . . bago mo magalaw ang asawa ko," nanggigigil na asik ni Drake ditong napangisi. "Gano'n ba?" sarkastikong wika nito na hinugot ang caliber na itinutok kay Drake. "Drake!" tili ni Gia sa takot na napayakap kay Drake pero muli din itong ikinubli ni Drake sa likuran nito. "Hwag kang mag-alala, Madrigal. Hindi pa kita. . . papatayin." Paanas nito na pinatamaan sa kanang hita si Drake! "Urghh s**t!" daing ni Drake na ikinatili ni Gia na napaluhod itong umagos ang dugo sa kanyang hita! Umalingawngaw naman ang halakhak ng mga kalalakihang may hawak sa kanilang dalawa na tuwang-tuwang pinapahirapan si Drake na walang laban dahil sa minamahal nito. Kung wala lang si Gia ay kanina pa nanlaban si Drake sa mga ito. Pero dahil nandidito si Gia ay mas inuuna nito ang kapakanan ng asawa lalo na't tiyak naman niyang parating na ang kapatid at mga tauhan nila. NATIGILAN ang mga ito na marinig ang salitang pagpapaputok ng baril at may mga pasabog pa na nagmumula sa labas ng warehouse na ikinaalarma ng mga ito. Napangisi naman si Drake na kinukubli pa rin si Gia sa likuran nito kahit parang iikot na ang paningin niya dala ng mga tama nito. "Paano 'yan? Handa na ba kayong. . . harapin si kamatayan?" nakangising pang-aasar ni Drake sa mga itong kitang namumutla na mahinulaang. . . nandidito na ang backup ni Drake! "Salubungin niyo sila!" utos ng pinuno sa mga tauhan nitong kaagad nagsitakbuhan palabas. Ngumisi ito ng nakakaloko kay Drake na dahan-dahang iniangat ang baril nitong itinutok kay Drake! "Kung mamamatay ako? Isasama kita, Madrigal." Paanas nito. "Hwag!" tili ni Gia na kinalabit nito ang katilyo! Parang nag-slow motion ang paligid ni Drake na buong lakas siyang itinulak ni Gia kaya siya ang tinamaan ng bala! "Gia!?" sigaw ni Drake na mabilis sinipa ang baril ng kalaban na sinalo nitong pinutukan sa ulo ang lalake! Parang kandila itong nauupos na dilat ang mga mata habang dahan-dahang bumagsak ng semento na naliligo ng dugo mula sa nawasak nitong noo! "Gia!" bulalas ni Drake na tinakbo ang asawa nitong nabaril sa dibdib na naghihingalo! Kaagad nitong dinaluhan si Gia na pilit ngumiting inabot ito sa pisngi. "D-Drake," nahihirapang sambit nito na ikinahagulhol ni Drake na kinarga itong niyakap ng mahigpit! Kahit malakas pa ang isipan nito ay dama niyang nanghihina na rin ang katawan niya sa dami ng dugong nawala sa kanya. Ni hindi na ito makatayo sa panginginig ng katawan nito! "Makakalabas tayo dito, baby. Ilalabas kita. Ililigtas kita," basag ang boses na wika ni Drake sa asawang ngumiting nagsumiksik sa dibdib nito. "Gia!? Drake!?" pagtawag ni Delta sa mga itong natigilan na mabungaran ang mag-asawang parehong sugatan at naghihingalong magkayakap. Iika-ika itong pumasok ng silid na kinaroroonan nila Drake at Gia dahil may tama din ito sa kanang hita maging sa balikat sa pagbawi nila sa mga armas na tinangay ni Mr Tan. Napatay man nila lahat ng kalaban at nabawi ang mga baril nila pero nabaril naman ito. "Drake!?" bulalas nito na makitang halos mawalan na ng kulay ang mukha ni Drake sa dami ng dugong nawala dito. Isinukbit nito ang baril sa baywang na sinubukang kargahin ang mag-asawa na tuluyang nawalan ng malay! "Ahhh fvck!" Napamura ito na napaluhod at hindi kayang dalhin ng sabay sina Drake at Gia! Naluha itong maingat na kinarga si Gia na isinandal ng pader na mariing hinagkan sa noo. "Babalikan kita, Gia. Babalik ako," wika nito na binalikan si Drake at buong lakas nitong kinargang isinampay sa kaliwang balikat niya na parang isang sakong bigas. Marami pa ring kalaban ang nagkalat sa paligid na sumasalubong sa kanila. At tiyak niyang nauubos na ang mga tauhan niyang sumunod dito para sagipin si Drake at Gia! Iika-ika itong karga si Drake habang nakahawak ng baril ang isang kamay na hinanap ang labasan at walang kaawa-awang binabaril ang mga nakakasalubong nito. "Damn, dude. Gumising ka!? Malalagot ako kay Daddy nito!" bulalas nito na parang nalantang gulay lang si Drake na nakalupaypay habang karga nito! Para itong nakahinga ng maluwag na nailabas niya si Drake mula sa warehouse. Pero hindi pa man nito nailalapag si Drake para balikan si Gia sa loob ay sunod-sunod ng sumabog ang warehouse na ikinanlumo nito na nandoon sa loob si. . . "GIAAAA!!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD